You are on page 1of 13

AKADEMIKONG

SULATIN
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
akademikong pagsulat.
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga
gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at
sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na
maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.

Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong


institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan
sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
akademikong pagsulat.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang
akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas
mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon
itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.
Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at
seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng
mga ideya at paliwanag ng mga ito. 
akademikong pagsulat.
ANG KARANIWANG ESTRUKTURA NG ISANG AKADEMIKONG SULATIN 

SIMULA - na karaniwang nilalaman ng introduksiyon.

GITNA - na nilalaman ng mga paliwanag.

WAKAS - na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. 


HALIMBAWA NG AKADEMIKONG TEKSTO

1. Abstrak
2. Sintesis/buod
3. Bionote
4. Panukalang Proyekto
5. Talumpati
6. Katitikan ng pulong
7. Posisyong papel
8. Replektibong sanaysay
9. Agenda
10.Pictorial essay
11.Lakbay-sanaysay
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o
balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay
bahagi ng isang pag-aaral.

2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga
mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin
dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005).
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman
nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,
ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng
mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng
paninindigan ng manunulat.

4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat
o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung
kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang
pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing


pagsasagawa ng ulat.
Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng
kasanayan sa pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo,
encyclopedia, annual journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro,
pahayagan, at tesis. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na
pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng
bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto
na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. 

- LITERAL NA PAGPAPAKAHULUGAN kung saan ang mambabasa ay nakauunawa


ng mga salita ng wikang ginamit.

- PAGBASA NANG MAY PAG-UNAWA. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng


pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na
mensahe ng awtor.

- PAGBASA NANG MAY APLIKASYON. Matapos ang pagbasa, dapat ay


naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-
uulat.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-
akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa
kanyang pag-aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa,
organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga,
nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa
ikabubuti ng kanyang sulatin.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga
mga naisagawang pag-aaral.
Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang
kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga
naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na
magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng
iba’t ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging


inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang


pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti
sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo
ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang
mambabasa.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng


paggawa ng portfolio.

Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng


kursong Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin
sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili. 

You might also like