You are on page 1of 3

LICEO DE MASBATE INC.

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Quezon St., Masbate Tel/Fax.: (056) 333-2276 e-mail:
liceodemasbateofficial@gmail.com
In the Service of God and the Poor!

DIAGNOSTIC TEST
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Name: Score:
Section: Date:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.


A. Grapiko B. Krokis C. Senyas D. Wika

2. Ang mga sumusunod ay kalikasan ng wika MALIBAN sa isa.


A. Dinamiko C. May Kahulugan
B. May Ispeling D.Pinagsama-samang Tunog

3. Kasasalaminan ng ________ ng isang lahi ang wikang ginagamit ng mga taong bahagi ng lahing ito.
A. kultura B. pag-aaral C. pananaliksik D. panitikan

4. Ang sumusunod ay kabilang sa walong pangunahing dayalekto sa Pilipinas MALIBAN sa


__________.
A. Bicolano B. Cebuano C. Chavacano D. Hiligaynon

5. Disyembre 30 sa taong ito ay iprinoklama ni Pang. Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang
maging batayan ng Wikang Pambansa.
A. 1935 B. 1937 C. 1939 D. 1940

6. Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ang mga wikang opisyal sa bansa na Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang _____.
A. 569 B. 570 C. 571 D. 572

7. Siya ang bumuo ng Komisyong Konstitusyunal upang mapagtibay ang implementasyon ng


paggamit ng Wikang Filipino.
A. Cory Aquino B. Fidel Ramos C. Manuel Quezon D.Ramon Magsaysay

8. Matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. _____, nagsimulang ituro ang wikang
pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
A. 131 B. 132 C. 133 D. 134
9. Sa Saligang Batas ng _____, pinagtibay ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
A. 1985 B. 1986 C. 1987 D. 1988

10. Nakasaad sa Art. XIV, Sek. 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay ________.
A. Filipino B. Hapon C. Ingles D. Kastila

11. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang ___________ na nagtadhana na ang lahat ng gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Filipino.
A. Kautusang tagapangulo blg. 96 C. Kautusang pangkagawaran blg. 7
B. Kautusang tagapangulo blg. 81 D. Proklamasyon blg. 186

12. Ang proklamasyong ito ay nagsasaad na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay mula Marso 29
hanggang Abril 4.
A. Proklamasyon blg. 12 C. Proklamasyon blg. 184

B. Proklamasyon blg. 7 D. Proklamasyon blg. 133

13. Binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng Wikang
Pambansa sa pamamagitan ng ___________.
A. Batas Komonwelt blg. 184 C. Kautusang Tagaganap blg. 134
B. Kautusang Tagaganap blg. 263 D. Batas Komonwelt blg. 12

14. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang ay_____.


A. Unang wika B. Tagalog C. Pangalawang wika D. Dayalek

15. Ano ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa?


A. Bilingguwalismo C. Monolingguwalismo
B. Multilingguwalismo D. Homogenous

16. Ito ang wikang ginagamit sa loob ng tahanan.


A. Idyolek B. Sosyolek C. Ekolek D. Etnolek

17. Nabubuo ang wikang ito sa pamamagitan ng mga etnolinggwistikong pangkat ng tao.
A. Ekolek B. Etnolek C. Register D. Sosyolek

18. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita.
A. Sosyolek B. Idyolek C.Pidgin D. Register

19. Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit
pareho silang may magkaibang unang wika at di nakaaalam sa wika ng isa’t isa.
A. Pidgin B. Creole C. Register D. Sosyolek

20. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o
dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
A. Sosyolek B. Register C.Dayalek D. Ekolek

21. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na
wika o unang wika nang batang isinilang sa komunidad.
A. Creole B. Register C. Sosyolek D. Dayalek

22. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang
ganito sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahat ng
gumagamit ng isang wika.
A. Heterogenous B. Homogenous C. Monolingguwal D. Bilingguwal

23. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawiganin, rehiyon, o bayan.
A. Sosyolek B. Register C. Ekolek D. Dayalek

24. Gamit ng wika na nagsisilbing daan para maganap ang mga bagay-bagay sa paligid.
A. Instrumental B. Regulatori C. Representasyunal D.Interaksyonal

25. Ito ay gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap na maaaring maging
kasangkot ang sarili at iba pa.
A. Regulatori B. Instrumental C. Interaksyonal D. Representasyunal

Inihanda ni:

JOHN CARLO C. MELLIZA


Guro sa Filipino

Sinuri ni:

IAN ALLAN R. BELO Inaprobahan ni:


HS Coordinator

TERISTA R. LOZANO

Principal

You might also like