You are on page 1of 16

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SAN FERNANDO

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL IN FILIPINO

GRADE 11
KONSEPTONG PANGWIKA

GUIDE CARD

Alamin

Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Ito ay mula sa pinagsama-


samang makabuluhang simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o
kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa. Ito ay
mula sa salitang Latin na lingua na nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”

LEARNING COMPETENCY LEARNING OBJECTIVES


Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan Naibibigay ang kahulugan ng Wika mula
ng mga konseptong pangwika. sa mga dalubwika.
Natutukoy ang iba’t ibang teorya ng wika.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Gumuhit ng masayang mukha (☻) sa unahan ng bilang kung tama ang sinasabi ng pangungusap.Gumuhit naman ng
malungkot na mukha ( ) kung mali ang pahayag.

1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura.


2. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.
3. May masistemang balangkas ang wika.
4. Unique o natatangi ang bawat wika.
5. May mga wikang mas makapangyarihan kaysa iba pang wika.
6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang wika.
7. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o nagsasalita nito.
8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika sa Pilipinas.
9. Ginagamit natin ang wika para makamit natin ang ating mga kagustuhan.
10.Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.
11. Napagkasunduang gamitin ng mga tao ang wika.
12. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumatanggap ng
ng mga pagbabago.
13. Dinamiko ang wika.
14. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.
15. May pasulat at pasalitang anyo ng wika.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Naisip mo ba na ang maaaring mangyari kung walang wika at hindi natin maipahayag ang sarili nang pasalita o
pasulat man? Ano ang gagawin mo para maparating ang mga sumusunod?
 Nais mong maipaalam sa isang tao ( maaaring magulang, kaibigan, o taong malapit sa puso mo) na
mahal mo siya.
____________________________________________________________________
 Nais mong malaman ng isang tao na galit ka o hindi mo sinasang-ayunan ang mga bagay na ginagawa
niya.
___________________________________________________________________
 Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na kalagayan o problemang mayroon ka.
____________________________________________________________________
Batay sa iyong mga sagot, mahirap nga bang mawala ang wika? Ano-ano ang posibleng mangyari kung
walang wikang nauunawaan ng lahat at ang bawat isa’y may wikang tanging siya lamang ang
nakauunawa? Maglahad ng tatlong hinuha.
________________________________________________________
ACTIVITY CARD

Tuklasin

Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo. Tingnan ang una bilang halimbawa.

Midyum ng
komunikasy
WIKA
WIKA

Suriin

Kahulugan ng Wika ayon sa mga Dalubhasa


Ano nga ba ang wika?

 Kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at


ng mga simbolong isinusulat
 Henry Gleason ( mula sa Austero et.al. 1999)- ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
 Bernales et al. ( 2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong
cues na maaaring berbal o di –berbal.
 Mangahis et al. (2005), may mahalagang papel na ginagampanan ang wika
sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
 Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)- Ang Wika ay isang
kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapag-usap ang isnag grupo ng mga tao.
 Bienvenido Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura ) - na
parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.
 Alfonso O. Santiago (2003) – Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati,
pangarap, damdamin kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.

Katangian ng Wika
Kung ating babalikan at susuriin sa unang bahagi ng pagtalakay ang kahulugan ng wika mula kay
Henry Gleason , makikita natin ang mga sumusunod na katangiang taglay nito:

1. Ang wika ay masistemang balangkas- Anumang wika sa daigdig ay sistematikong


nakaayos
• Ponema:Makabuluhang tunog
• Morpema:Salita
2. Ang wika ay sinasalitang tunog - Ang anumang tunog na may kahulugan ay
maituturing na wika
• 16 na katinig + 5 na patinig = 21 ponema
• 28 na titik/ponema sa alpabetong Filipino
3. Ang wika ay arbitrayo- Ang paggamit ng wika ay nakabatay sa
napagkasunduan ng mga taong gumagamit nito.
• Hindi maaaring palitan ang paggamit ng isang wika kapag hindi maunawaan ng kausap.
4. Ang wika ay mahalaga sa Komunikasyon
• Kasangkapan ng komunikasyon ang wika upang lubos na maipahayag ang anumang
damdamin,saloobin, opinyon ng tao.
5. • Kabuhol ng Kultura- Nakabatay ang wika sa kultura.
Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura sa
mundo
Halimbawa:
Filipino Ingles
• Bigas • Rice
• Palay
• Kanin
• Bahaw
6. Ang wika ay nagbabago- patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon.Lumalago
ang bokabolaryo ng wika kapag may nadadagdag na mga bagong salita na dulot ng
pagkamalikhain ng tao at pagsabay nito sa modernong panahon.

7. Ang wika ay natatangi- bawat wika ay may kani-kaniyang katangian na ikinaiba sa ibang
wika. Walang wikang parehong-pareho.

Kahalagahan ng Wika
1. Isa sa pangunahing kahalagahan ng wika ay ang pagiging instrumento nito sa
komunikasyon.
2. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili , pagpapayabong , at pagpapalaganap ng kultura
ng bawat grupo ng tao.
3. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya
at mat soberanya.
4. Wika ang nagsisilbing tagapag-alaga at tagapag-ingat ng mga karunungan at kaalaman.
5. Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para makapag-usap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng tao na may kani-kaniyang wikang ginagamit.
Wikang Pambansa Wikang Opisyal Wikang Panturo

Filipino ang pambansang Tinatawag na opisyal na - ito ang wikang opisyal na


wika ng Pilipinas at may wika ang isang wika na ginagamit sa pormal na
konstitusyonal na batayan bibinibigyan ng edukasyon.
ang pagiging pambansang natatanging pagkilala sa - ito ang wikang ginagamit sa
wika ng Filipino. konstitusyon bilang pagtuturo at pag-aaral sa
Ayon sa Artikulo XIV , wikang gagamitin sa mga mga eskuwelahan at ang
Seksyon 6 ng Konstitusyon opisyal na transaksyon ng wika sa pagsulat ng mga
ng 1987, nakasaad na “Ang pamahalaan.May aklat at kagamitan sa
wikang pambansa ng dalawang opisyal na wika pagtuturo sa silid-aralan.
Pilipinas ay Filipino. ang Pilipinas- ang Filipino Saligang Batas ng 1987,
Bilang pambansang wika, at Ingles. Artikulo XIV, Seksiyon 7
Filipino ang sumisimbolo sa Ayon sa Artikulo IV , “ Ukol sa layunin ng
ating pambansang Seksyon 7 , ang mga komunikasyon at pagtuturo,
pagkakakilanlan. wikang opisyal ng ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at Pilipinas ay Filipino at,
hangga’t walang hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas , itinatadhana ang batas,
Ingles. Ingles. Ang mga wikang
Bilang mga opisyal na panrehiyon ay pantulong na
wika , may tiyak ta mga wikang opisyal sa mga
magkahiwalay na gamit rehiyon at magsisilbing
ang Filipino at Ingles. pantulong na mga wikang
Gagamitin ang Filipino panturo noon. Dapat
bilang opisyal na wika sa itaguyod nang kusa at
pag-akda ng mga batas at opsiyonal ang Kastila at
mga dokumento ng Arabic.”
pamahalaan. .
Wikang Pambansa Wikang Opisyal Wikang Panturo

Ito rin ay wikang gagamitin Filipino at Ingles – ang mga


sa mga talakay at diskurso opisyal na wika at wikang
sa loob ng bansa, panturo sa mga paaralan.
halimbawa , sa mga Mother Tongue-Based Multi-
talumpati ng pangulo, mga Lingual Education(MTB-MLE)
deliberasyon sa kongreso at – Mother Tongue o unang wika
senado,pagtuturo sa mga ng mga mag-aaral ay naging
paaralan, mga paglilitis sa opisyal na wikang panturo mula
korte atbp. Kindergarten hanggang Grade
Bukod sa pagiging 3 sa mga paaralang pampubliko
pambansang wika at isa sa at pribadong paaralan.
mga opisyal na wika ng Brother Armin Luistro, FSC -
Pilipinas, gumaganap din kalihim ng DepEd na
ang Filipino bilang lingua nangunguna sa pagtataguyod ng
franca o tulay ng mga pagbabagong dala ng K to
komunikasyon sa bansa. 12 Kurikulum
Kapag may dalawang taong
mag-uusap na may 19 na wika at diyalekto – ang
magkaiba o magkahiwalay pinangalanan ng DepEd upang
na kultura at gamitin sa pagtuturo ng mga
sosyolinggwistikong grupo, mag-aaral mula sa kindergarten
halimbawa, ang isa ay hanggang Grade 3 noong 2013.
Kapampangan at ang isa Ito ay ang mga sumusunod:
namn ay Bikolano, 1. Tagalog
gagamitin nila ang Filipino 2. Kapampangan
para magkaunawaan. 3. Pangasinense
Samantala, gagamitin 4. Ilokano
naman ang Ingles kapag 5. Bikolano
ang kausap ay isang 6. Cebuano
banyaga o kapag 7. Hiligaynon
nakikipagkomunikasyon sa 8. Waray
ibang daigdig. Ingles ang 9. Tausug
itinuturing na lingua franca 10. Maguindanaoan
ng daigdig. 11. Meranao
12. Chavacano
13. Ybanag
14. Ivatan
15. Sambal
16. Aklanon
17. Kinaray-a
18. Surigaonon
19. Yakan
ENRICHMENT CARD

Pagyamanin

Gawain 1

Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod:


1. Sa dula-dulaang panradyo ang salitang “kerida – querida” at “minamahal – kinakasama ng lalaki
na hindi niya asawa”. Isang katangian ng wika na nagsasabing ang wika ay Dinamiko.
A. Ito ay nagbabago
B. Ito ay masistemang balangkas
C. Ito ay arbitraryo
D. Ito ay ginagamit
2. Siya ang lingguwista at propesor na nagbigay ng pagpapakahulugan sa wika bilang
masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
A. Gleason B. Salazar C. Constantino D. Bloomfield
3. Ito ang wikang itinalaga ng tiyak na institusyon upang maging wikang opisyal ng
pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon.
A. Wikang Pambansa B. Wikang Panturo C. Wikang Opisyal D. Wikang Ingles
4. Ito ang wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan sa isang bansa upang
magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan.
A. Wikang Ingles B. Wikang Panturo C. Wikang Opisyal D. Wikang Pambansa
5. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
A. Wikang Ingles B. Wikang Panturo C. Wikang Opisyal D. Wikang Pambansa
6. Ang mga ito ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinadhana ng ating
Saligang Batas ng 1973.
A. Filipino at Ingles B. Espanyol at Tagalog
C. Pilipino at Tagalog D. Pilipino at Ingles
7. Ayon sa kanya nay parang hininga na sa bawat sandal nang buhay natin ay nariyan ito.
A. Bienvinido Lumbera C. Henry Gleason
B. Bernales D. Mangahis
8. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog.
A. Bienvinido Lumbera C. Alfonso Santiago
B. Henry Gleason D. Bernales
9. Ang Wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isnag grupo ng mga tao.
A. Bienvinido Lumbera C. Alfonso Santiago
B. Henry Gleason D. Pamela C. Constantino et al.
10. Ayon sa aming propesornasi Dr. Alma Bautista, maaaring gamitin ang wikang Filipino sa
pagtuturo ng asignaturang Practical Research upang lubos na maunawaan ng mga mag-
aaralang talakayan. Anong konseptong pangwika ito?
A. Unang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Wikang Opisyal
D. Wikang Panturo
Tayahin 1

Gumuhit ng masyang mukha  sa loob ng patlang sa unahan ng bilang kung tama ang sinsabi ng pangungusap.
Gumuhit naman ng malungkot na mukha  kung mali ang pahayag.
____1. Ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan.
____2. Walang halaga ang wika sa bata.
____3. Ang wika ay midyum ng komunikasyon.
____4. Maayos ang komunidad kahit walang wika.
____5. Ang wika ay sinasalitang tunog.

ENRICHMENT CARD

Gawain
vz
2

Poster mo, I-post mo! Gamit ang isang katolina, gumawa ng poster kung ano ang pakahulugan mo sa wika. Maging
malikhain sa paggawa ng iyong poster. Maari mong ibatay ang poster na gagawin mo sa sagot mo sa bilohaba. Dalhin at
ipakita ang poster sa klase. Maari ding i-post ang poster sa sariling Facebook wall; ang makukuhang bilang ng Facebook
likes ay may karagdagang puntos batay sa rubric sa ibaba.

Rubric sa pagtataya ng poster:


Para sa nagpaskil ng poster sa Facebook, maaaring bigyan ng marka ang poster batay sa dami ng paggusto o Facebook
likes na nakuha.
26 - mahigit na paggusto -Napakahusay ng pagkakagawa ng poster (3 puntos)
11 - 25 na paggusto - Mahusay ang pagkagawa ng poster (2 puntos)
0 - 10 na paggusto - Medyo mahusay ang pagkagawa ng poster (1 punto)

.
Tayahin 2

Gawain: Think-Pair-Share. Pagpapababahagi ng karanasan tungkol sa kinagisnang wika at sa wikang ginagamit sa


paaralan
Sa inyong wikang rehiyunal, sabihin ang mga ito:
a. Magandang araw! Ikinalulugod kong makilala kayo! ________________________________________________
b. Maraming salamat! _________________________________________________________________________
c. Saan po ang sakayan papuntang Maynla? _______________________________________________________
d. Anong oras na po? _________________________________________________________________________

ENRICHMENT CARD

Malayang Gawain 1

Sa hindi lalampas sa sampung pangungusap, ipaliwanag ang mga nakatalang katangian ng wika. Patibayin ang paliwanag
sa pamamagitan ng pagbibigay ng ng halimbawa gamit ang mga sitwasyong pangkomunikasyon sa mga napanood na
programa sa telebisyon. Maaaring pumili ng isa sa programa mula sa mga nakatala sa loob ng panaklong.

1. Makapangyarihan ang wika. ( 24 oras, Imbestigador, Bawal ang Pasaway)


2. Malikhain ang wika. ( Wagas, Maalaala mo Kaya, Magpakailanman, Pepito Manaloto)
3. Walang wikang dalisay o puro. ( State of the Nation, Word of the Lourd, Tonight with Arnold Clavio, Wish ko Lang)
Malayang Gawain 2

Pagsulat ng Dyornal
Kung makakausap mo ang mga taong tumutol na ibatay sa isa sa mga wikain sa taing bansa ang wikang pambansa o ang
mga taong ayaw ipagamit ang unang wika sa pagtuturo sa mga batang mag-aaral, ano ang sasabihin mo sa kanila?
Magbigay ng limang pahayag na kukumbinsi at maaaring makapagpapayag sa kanila.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________.

Malayang Gawain 3

Magsagawa ng interbyu sa mga propesyunal tungkol sa paggamit nila Filipino at Ingles. Sa ano-anong sitwasyon nila
ginagamit ang Filipino? Sa anong sitwasyon naman nila ginagamit ang Ingles? May pagkakataon ba na sabay ang
paggamit nila ng Filipino at Ingles sa iisang sitwasyon? Gumawa ng tala ng mga nakuhang sagot sa interbyu. Gumawa rin
ng pansariling pagpapasiya kung kailan sa palagay mo dapat gumagamit ng wikang Ingles ang mga Pilipino at kung kailan
dapat gumagamit ng wikang Filipino. Magbigay ng mga tiyak na sitwasyon.

Sitwasyon na Sitwasyon na Sabay na paggamit ng


ginagamit ang Filipino ginagamit ang Ingles Filipino at Ingles sa
iisang sitwasyon
REFLECTION CARD

Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa iyo bilang mag-aaral?
Mga Kahalagahan ng wika sa sarili bilang mag-aaral:
1.
2.
3.

2. Ano- ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa lipunan?


Mga Kahalagahan ng wika sa lipunan:
1.
2.
3.

3. Ano-ano naiisip mong kahalagahan ng wika sa inyong magkakaibigan?


Mga Kahalagahan ng wika sa pagkakaibigan:
1.
2.
3.
Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Pumili lamang ng isang Gawain.
1. Ipagpalagay na nabigyan ka ng pagkakataon na magdesisyon kung dapat ba o hindi dapat tanggalin ang
Ingles bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas, ano ang iyong magiging desisyon? Kailangan ba talaga
natin ang Ingles para makausap natin ang mundo?
2. Ano ang opinyon mo sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo? Sa paggamit ba ng wikang Filipino
matatamo ng mga mag-aaral ang karunungan?

ASSESSMENT CARD

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
1. Matapos ang pagtalakay sa araling ito natutuhan ko ang mga sumusunod:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Hindi naging malinaw sa akin ang sumusunod na paksa:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
REFERENCE CARD

PAHINA NG SANGGUNIAN:
Books:
Carpio, P. (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino p. 8-24
Nuncio, R. et al.,( 2016) Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino p. 18-19
Pena, R. et al., ( 2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino p. 4-6
Taylan, D. et al.(2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino p. 2-14
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1.  Tayahin 1
2.  1. 
3.  2. 
4.  3. 
5.  4. 
6.  5. 
7. 
8. 
9. 
10. 
Gawain 2
11. 
Inaasahang iba iba
12. 
ang sagot
13. 
14. 
15. 
Tayahin 2
Inaasahang iba iba
ang sagot

Tuklasin
Inaasahang Malayang Gawain
iba iba ang 1,2,3
sagot Inaasahang iba iba
ang sagot

Pagyamanin
Gawain 1 Reflection Card
1. A Inaasahang iba iba
2. A ang sagot
3. C
4. D
5. B Isagawa
6. A Inaasahang iba iba
7. A ang sagot
8. B
9. D
10. D
Tayahin
Inaasahang iba iba
ang sagot

Inihanda ni:
Gng. AGNES S. DANIELS
San Roque Dau High School
This material was contextualized by
the

Curriculum Implementation Division


(CID)
Learning Resources Management and Development System (LRMDS)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic intervention Material


Manunulat: Agnes S. Daniels
Editor: Cherry G. Vinluan, EdD
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Tagasuri:
Tagaguhit: Carlo S. Yambao/Timothy Bagang
Tagalapat: Roland M. Suarez

Tagapamahala: Name of SDS


Name of ASDS
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS

You might also like