You are on page 1of 16

Register/ Barayti ng Wika

Alamin

Bilang isang mamayang Pilipino hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating wika ay dinamiko
ito ay aktibo. Ang ating wika ay mabilis na nakasasabay sa pagbabago ng panahon, ito ay tila isang
binhi na itinanim na kung maalagaan ng mabuti ay patuloy na uusbong, yayabong at lalaki. Dahil sa
katangian ng ating wika ay nagkakaroon tayo ng iba’t ibang salik kung paano nagkaka iba ,
nagkakatulad ,nagkakaugna at maging kung paano gamitin ang bawat salita sa ating wika. Madalas
ay nakikita o naririnig nating ang mga ito sa panunuod ng telebisyon. Karamihan sa tahanan sa
Pilipinas ay may telebisyon at ang paboritong ginagawa natin na isang malaking parte ng ating pang
araw-araw na gawain.
Sa modyul na ito papasok ang Konsepto ng Pangwika na Register/ Barayti ng wika. Dinamiko
ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at kung sino
ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng
wika ayon sa tono, paksa at paraan ng pag-uusap. Ang panunuod ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon na nagpapalawak at nagpapahasa ng kaalaman ng isang manunuri.
Mahalagang malaman mo ang aralin na ito upang makatulong sa iyo na suriin, alamin at pag ugnayin
ang mga konseptong pangwika sa mga napapanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong
pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio,
State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com)) F11PD – Ib – 86

LAYUNIN
 Nabibigyan ng kahulugan ang Register at Barayti ng wika.
 Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang
pinaggagamitan ng mga ito mula sa napanuod.
 Nakabubuo ng word list ng mga register sa ibat ibang
larangan o disiplina.
 Napahahalagahan ang mga mga konseptong pangwika sa
mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa
telebisyon.
Subukin

Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay naglalakad sa loob ng inyong paaralan. Makakasalubong mo ang


iba’t ibang tao, punan ang patlang ng paraan kung paano mo sila kakausapin at babatiin depende sa
sitwasyon at sa iyong makakausap.
Naglalakad ka patungo sa kantina ng inyong paaralan ng makasalubong mo ang isa sa pinakamalapit
mong kaibigan o kabarkada.
Ikaw:______________________________________________
Habang naglalakad kayo ng kaibigan mo ay nasalubong ninyo naman ang principal ng inyong
paaralan.
Ikaw:______________________________________________
Patuloy kayo sa paglalakad nang masalubong mo ang isa sa mga kaklase mo.
Ikaw:______________________________________________
Maya-maya pa’y heto at dumarating naman ang crush mo.
Ikaw:______________________________________________

Tanong:
1. Tukuyin kung bakit nagkaroon ng pagkakaibaiba sa paraan ng iyong pagbati gayong na
iisang sitwasyon ka lamang?

2. Sa iyong palagay bakit kahit na magkakapareho ang sitwasyon ay nagkaroon ng pagkakaiba


sa iyong paraan ng pagbati at pakikipag usap sa mga taong iyong nakasalubong?

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon

Panuto: Babasahin at aawitin ang katutubong awitin ng Cebuano.


https://www.youtube.com/watch?v=ADODgK8VixE

CEBUANO SONG LYRICS

Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan.


Nakakuha, nakakuha og isdang tambasakan.
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba—
Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura,
Igo lang ipanuba.
TAGALOG VERSION
Si Pilemon, si Pilimon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na palengke
Kumita ng kaunting pera, kumita ng kaunting pera
Para lang sa kaniyang alak na tuba

ENGLISH VERSION

Philemon, Philemon went to sea to catch some fish


He was able to get, to get only a small mudskipper.
He sold it, he sold it at a dilapidated market
For it he got nothing much, nothing much
Just enough to buy tuba.

Panuto: Tukuyin ang mga angkop na salitang kumakatawan sa mga sumusunod na larawan. Piliin ang salita
sa kahon at isulat ang sagot sa patlang nakalaan sa ilalim ng mga larawan.

______________ ______________ ______________ ______________

Mga gabay na tanong:


1. Paano nagkakaunawaan ang mga tao sa Cebu, Ilocos, Pampanga, Batangas at iba pa?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Kung kayo ay mapupunta sa ibang bansa, paano kayo makikipagtalastasan?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan naipakita ng awitin ang multilinggwalismo?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Naghanda ako ng isang halimbawa ng babasahing may dayalogo. hinihingi ko sa iyo na ikaw ay
magbasa nang mabuti upang pagkatapos ng pagbabasa ikaw ay aatasang kong sumagot sa
mga gawain.
Paano kung ganito magsalita ang mga karakter na napapanood natin sa ating telebisyon…
FPJ ang Probinsiyano
Magnanakaw: Holdap, make bigay all your things! Don’t make palag palag pa
or I will make shot you sa ulo!
Cardo Dalisay: Hey Magnanakaw! You make suko na, you are napapaligiran na us!
24 Oras
Mike Enriquez: Magandang Evening mga Kapuso! I have hot balita para sainyo. (Ehem)
Excuse me po!
Mel Tiangco: Balita today na are President ay ililift na ang Lockdown, everybody is happy
na.
Encantadia
Amihan: I was like iiyak na talaga and then Ybarro was like hindi niya me pinapansin and I
was like what’s your problema?
Danaya: OMG that is makabagbag damdamin, I was parang sad slight!
Tonight with Arnold Clavio
Arnold: Mr. President can you please paliwanag to everyone ano na ba estado ng
country sa Covid-19?
President: You know Arnold, medyo difficult pa to make announcement ng estado today.
Salamat Dok
Pasyente: Doc, naninikip po kasi ang aking didib, ano po kaya ang aking sakit?
Doc: yan ay Angina Pectoris, maaari kang uminom ng Nitrogylcerin para diyan.

Mga gabay na tanong:


1. Sa iyong palagay ano ang maaring mangyari sa atin kung sakali man na ganito ang
pamamaraan ng pakikipag talastasan natin? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano kaya kung newscaster ka ng isang respetadong news and public affairs program sa
telebisyon subalit ganito kang magsalita: Oh my gosh I have hot balita to everyone! Sa iyong
palagay maapektuhan ba natin ang iyong kredibilidad bilang isang mamahayag?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Batay sa isinagot mo sa bilang dalawa ano-ano ang gagawin mo para hindi mangyari ito
sayo at malinang sa iyo ang pagsasalita ng maayos ngayon pa lang?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Suriin

Alam mo ba na…
Ang Register ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng
wika. Ito ay mas madalas nakikita o nagagamit sa isang partikular na disiplina. Ang Barayti ng wika
ay nag-uugat sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan,
interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
Gaya ng nabanggit sa simula ng modyul dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang
rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng
pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:
1. Tono
2. Paksa
3. Paraan o paano nag-uusap
Ang Register bilang Espesyalisadong Termino
Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa larangan o
disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.
Tinatawag na Register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o
teknikal na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Halimbawa
spin Ang spin sa washing machine ay Ang spin sa paggawa ng sinulid ay
nangangahulugan ng mabilis na nangangahulugan ng paghahabi ng hibla o
pag-ikot ng makina upang mapiga o ber upang maging sinulid.
matanggal ang tubig sa mga damit.
text Ang text sa cell phone ay Ang text sa literatura ay tumutukoy sa
tumutukoy sa ipinadalang mensahe anomang nakasulat na akda gaya ng tula,
patungo sa isa o iba pang cell sanaysay, at kuwento.
phone.

Kapital Ang kapital sa larangan ng Ang kapital sa larangan ng heograpiya ay


pagnenegosyo ay nangangahulugan ng punong lungsod o
nangangahuluhan ng puhunan. kabisera.
Karagdagang Kaalaman

Barayti ng Wika
1. Idyolek
Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya
ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang
pagkatao.
Halimbawa:
1. ―Magandang Gabi Bayan‖ – Noli de Castro
2. ―Hoy Gising‖ – Ted Failon
3. ―Hindi ka namin tatantanan‖ – Mike Enriquez
4. ―Di umano’y -‖ – Jessica Soho

2. Dayalek
Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao
ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirhan.
Halimbawa:
1. Tagalog – ―Mahal kita‖
2. Hiligaynon – ―Langga ta gd ka‖
3. Bikolano – ―Namumutan ta ka‖

3. Sosyolek
Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal ng
gumagamit ng mga naturang salita. Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang
partikular na grupo.
Halimbawa:
1. Repapips, ala na ko datung eh.
2. Oh my God! It’s so mainit naman here.- Mga tinatawag na conyo
3. Wa feslak girlash mo.- Gay lingo gaya ng paraan ng pagsasalita nila Vice Ganda
4. Ikh4wz lh4n6z pho0wz, jejeje!
4. Etnolek
Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil
sa maraming mga pangkat na etniko.
Halimbawa:
1. Palangga – Sinisinta, Minamahal
2. Kalipay – saya, tuwa, kasiya
3. Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan

5. Ekolek
Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at
matanda.
Halimbawa:
ENRICHMENT CARD
1. Ama o Ina – ngayon ay momsy o mudra na ang tawag.
2. Ate o kuya – bro/sis/tol ang usong gamitin na mga salita ngayon.
3. Kaibigan – beshie
4. Tahanan – haws
5. Tatay – erpat
6. Register
Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba’t ibang
larangan o disiplina rin. Dahil iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang
kahulugang taglay ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ang
register bilang isang salik sa varayti ng wika. Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang
magkakaibang tawag sa binibigyan ng serbisyo ng bawat propesyon o larangan.
Propesyon o Tawag sa binibigyan ng
Larangan serbisyo
guro estudyante
doktor at nars pasyente
abogado kliyente
pari parokyano
tindero/tindera suki

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain mong nang mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Pusuan

kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wastong pahayag ,at Thumbs down


naman kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng di wastong pahayag. Isulat sa laan na patlang ang iyong
kasagutan.
________1. Ang ekolek ay barayti ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay.
________2. Ang mga salitang, Mamita, Popsy, Daddylo ay halimbawa ng barayti ng wika na
Dayalek.
________3. Ang idyolek ay indibiduwal na gamit ng wika taglay ang pansariling katangian.
________4. Pansamantalang barayti ng wika na nadedebelop sa pamamagitan ng sosyalisasyon at
nananatili lamang sa isang tiyak na panahon ay tinatawag na sosyolek.
_______5. Ang mga wikang Kapampangan, Cebuano, Tausug ay halimbawa ng Dayalek.
_______6. Ang sikat na linya ni kuya Kim na ―ang buhay ay weather, weather lang‖ ay isang
halimbawa ng barayti ng wika na Idyolek.
_______7. ang mga salita na karaniwang ginagamit sa iba’t ibang larangan ay tinatawag na
Register.
_______8. Ang Bug sa larangan ng kompyuter ay nanganghulugang pagkakamali, samantalang sa
siyensya naman ay isang buri ng insekto. Ito ay halimbawa ng Sosyolek.
_______9. Ang Etnolek ay barayti ng wika na karaniwang nabubuo dahil sa mga etnikong grupo.
_______10. ang Jejemon at Gay lingo ay halimbawa ng Etnolek.
Tayahin 1
Basahin at unawain ang mga sumusunod na termino. Pagsama-samahin ang mga ito ayon sa larangan

na kanilang kinabibilangan. Isulat ang sagot sa mga nakalaang kahon.

Monitor direktor foul senado tsalk checking

Teller mouse aktor dribble eleksiyon pagsusulit

Takdang-aralin deposit USB sinehan slam dunk korte

Batas klasrum interes CPU blockbuster lay up

point guard kongreso folder withdraw memory prodyuser

Larangan: Kompyuter Larangan:Politika Larangan: Bangko

Larangan: Basketbolista Larangan: Guro Larangan: Pelikula


Gawain 2
Panuto: Sumulat ng 10 espesyalisadong termino na ginagamit sa larangan ninanais mong makuha
o magampanan balang-araw gamit ang concept map. Isulat sa gitnang bilog ang larangan na napili
mo.

Tayahin 2
Panoorin ang programang pantelebisyon at sagutin ang mga tanong. Angelica spoofs Kris on
Aquiknow & Aboonduh Tonight mula sa programang Banana Split sa link na ito:
(https://www.youtube.com/watch?v=t2302wrxso0)
1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng pagsasalita ng host sa
programang pantelebisyon na napanood mo?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Bakit sina Boy Abunda, Kris Aquino at Gloria ang napiling gayahin o i-spoof sa
pinanood mo? Ano ang masasabi mo sa kanilang idyolek?
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Malayang Gawain 1

Panuto: Panuorin at tukuyin kung ano-anong mga barayti ng wika ang pinaka gamitin sa mga
palabas na nabanggit. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
_________________________1. Tonight with Arnold Clavio
_________________________2. State of the Nation Address
_________________________3. Salamat Dok
_________________________4. FPJ’s ang Probinsiyano
_________________________5. 24 Oras
_________________________6. Gandang Gabi Vice
_________________________7. It’s Showtime
_________________________8. Si Waray at si Biday
_________________________9. Jejemom
_________________________10. Kris TV

Malayang Gawain 2

Panuorin ang palabas na ―Salamat Dok‖ patungkol sa dahilan, palatandaan at sintomas ng


pagkakaroon ng UTI. Magtala sampung (10) terminolohiyang pang medisina na maririnig at
makikita sa palabas. (https://www.youtube.com/watch?v=ParJa0txRi8)
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Malayang Gawain 3

Panuto: Tukuyin kung anong barayti ng Wika ang inilalarawan ng halimbawa. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
____________1. ―Ito ang inyong Igan‖ ni Arnold Clavio
___________2. ―Ikaw ay hinuhuli ko sa kasong frustrated murder‖ ni Cardo Dalisay
___________3. ―Daddy president, tara po swimming tayo‖ ni Baby sa palabas na Dream Dad
___________4. ―Maupay nga aga‖ sa palabas na si Waray at si Biday.
__________5. ―Ang buhay ay weather weather lang‖ ni Kim Atienza
__________6. ―Wa feslak girlash mo‖. Ni Vice Ganda
__________7. Tohan – tawag sa Diyos (Maranao)
__________8. Urinary Track Infection o UTI sa larangan ng medisina.
_________9. Oh my God! It’s so mainit naman here.
_________10. ―Eowhzz phowzs‖ ni Eugene Domingo sa palabas na Jejemom.

Panuto: Bumuo ng dayalogo ukol sa napapanahong isyung panlipunan gamit ang mga Barayti ng
Wika.
Isaisip

Ang mga salik na nakakaimpluwensya sa baryasyon ay ang mga: kalagayang sosyal at


ekonomiko, etnisidad, kasarian at gulang. Ang pinakamaimpluwensya ay ang nauna. Dahil panlipunang
pagkakaiba,tipak-tipak na rehiyon o heograpiya at magkakaibang estado sa buhay, nagkaroon ng
barayti ng wika. Ang mga barayting ito ay kinundisyon ng mga pangkat ng mga nagsasalita ayon sa
rehiyon (dayalek), klase (sosyolek), at okupasyon/ hanapbuhay (register).

Maaaring sanhi ng heograpiya, edukasyon, mga okupasyon, uri ng panlipunan, estado sa


lipunan, edad, kasarian, o kaligirang etniko ang pagkakaroon ng mga barayti ng wika.

Nag-uugat ito sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang mga
ginagalawan, tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong


kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Panuto: Lagumin ang aralin sa pamamagitan ng istratehiyang ―word chart‖ gamit ang salitang
BARAYTI.

BARAYTI

Mga
Barayti ng
wika
Tayahin

Gawain 1 Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay halimbawa ng idyolek ng mga Batangas.-a
a. Bakit ga? b. Bakit ah c. Bakit? d. Bakit nga ba?
2. Baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o pangkat na kanyang
kinabibilangan.
a. Etnolek b. Register c. Idyolek d. Sosyolek
3. Set ng mga salita o espesyal na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaaring
hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyar sa propesyon.
a. Etnolek b. Register c. Idyolek d. Sosyolek
4. Nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo.
a. Etnolek b. Register c. Idyolek d. Sosyolek
5. Ginagamit na wika ng mga propesyonal.
a. Jargon b. Creole c. Idyolek d. Register
6. Anong barayti ng wika ang iniaangkop ng tagapagsalita ang kanyang wikang gagamitin sa
kausap at sitwasyon.
a. Idyolek b. Sosyolek c. Dayalek d. Register
7. "Ay Pedro ako'y lagi mo na laang niloloko tayo'y maghiwalay na". May punto ng nga taga-
Quezon ang paraan ng pananalita
a. Idyolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Creole
8. Iba ang pananalita ng Tagalog ng mga taga-Maynila kumpara sa Tagalog ng mga taga-
Batangas.
a. Idyolek b. Sosyolek c. Register d. Etnolek
9. "Grabe na 'to, to the highest level." Kilalang-kilala ng mga tao ay boses ni Ruffa Mae Quinto
a. Idyolek b. Ekolek c. Etnolek d. Register
10. Mabilis makilala ng mga tao ang bibong boses ni Marc Logan at kadalsan kingigilwan ito ng
mga nakaririnig.
a. Idyolek b. Sosyolek c. Register d. Etnolek
11. Mabilis makilala ng mga tao ang bibong boses ni Marc Logan at kadalsan kingigilwan ito ng
mga nakaririnig.
a. Idyolek b. Ekolek c. Etnolek d. Register
12. Nabigo sa pag-ibig si Joanna. Nagpunta siya ng Abra upang makalimot. Sa pagtigil niya roon
ay marami siyang natutuhang mga katutubong salita.
a. Etnolek b. Sosyolek c. Register d. Idyolek
13. Natutuhan ni Melvin sa kanyang kaibigang Ivatan na ang katawagan ng full moon ay Bulanon.
a. Idyolek b. Sosyolek c. Register d. Etnolek
14. "Why always so tagal? I'm so inip na here. I'm galit-galit to you na."Pag-iinarte ni Venice sa
Kaibigang si Maine.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Idyolek d. Dayalek
15. Excuse me po‖ at ―Hindi namin kayo tatantanan‖ ni Mike Enriquez.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Idyolek d. Dayalek

Gawain 2 Panuto: Basahin at unawain mong nang mabuti ang mga sumusunod na pahayag.

Lagyan ng kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wastong pahayag ,at


naman

kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng di wastong pahayag. Isulat sa laan na patlang ang
iyong kasagutan.

____________1. Lahat ng tao ay may Idyolek


____________2. Lahat ng tao ay may Sosyolek
____________3. Lahat ng tao ay may Dayalek
____________4. Ang Barayti ng wika ay naaayon sa kasarian ng isang tao.
____________5. Dahil iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang kahulugang
taglay ng register kapag naiba ang larangan
____________6. Dayalek ang tawag sa barayti ng wika na ginagamit sa isang partikular na lugar.
____________7. Pansamantalang barayti ng wika na nadedebelop sa pamamagitan ng
sosyalisasyon at nananatili lamang sa isang tiyak na panahon ay tinatawag na Ekolek.
_____________8. Sosyolek ang barayti ng wika na iniaangkop ng tagapagsalita ang kanyang wikang
gagamitin sa kausap at sitwasyon.
_____________9. Ito ay barayti ng wikang natatangi lamang sa isang tao. Ito ay sarili niyang paraan
ng pagsasalita. Ito ay Dayalek
___________10. Ekolek ang barayti ng wika ang ginagamit ng mga pangkat etniko.

Dolores R. Tylan et.al Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Unang edisyon 2016
Inilimbag sa Pilipinas ng Rex Bookstore

Vivencio M. Talegon, Jr. Daloy ng Wika


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inilimbag sa Pilipinas ng Brilliant Creations Publications, Inc.

Alma M. Dayag at Mary Grace Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Inilimbag sa Pilipinas ng Phoenix Publishing House

https://brainly.ph/question/566338
https://www.slideshare.net/RochelleNato/register-bilang-varayti-ng-wika
https://brainly.ph/question/740210#readmore
https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/
https://brainly.ph/question/163655#readmore
Balikan:
1. Tambasakan
2. Namasol
3. Merkado
4. Tuba
GAWAIN 1

TAYAHIN 1

Larangan: Kompyuter Larangan: Politika Larangan: Bangko

Larangan: Basketball Larangan: Guro Larangan: Pelikula

MALAYANG GAWAIN 1
1. Register/ Idyolek 6. Sosyolek/Idyolek
2. Register/ Idyolek 7. Sosyolek/ Idyolek
3. Register 8. Dayalek
4. Ekolek/ Idyolek 9. Sosyolek
5. Register/ Idyolek 10. Idyolek
MALAYANG GAWAIN 2
MALAYANG GAWAIN 3
1. Register/ Idyolek 6. Sosyolek/Idyolek
2. Register/ Idyolek 7. Sosyolek/ Idyolek
3. Register 8. Dayalek
4. Ekolek/ Idyolek 9. Sosyolek
5. Register/ Idyolek 10. Idyolek
Pamantayan 1 2 3
Larawan at pahayag na Walang kaugnayan ang May ilang larawan at Angkop na angkop ang
ginamit larawan sa pahayag na pahayag (2-3) may mga larawan at pahayg
ginamit. angkop na na ginamit.
interpretasyon.
Kaisahan ng mga Walang kaisahan ang May dalawa hanggang Magkakaugnay ang
pangyayari mga pangyayaring tatlong pangyayaring mga pangyayaring
inilahad sa isa’t isa. inilahad ang may ginamit o inilahad.
kaisahan o kaugnayan
sa isa’t isa.
Salitang ginamit Hindi angkop ang mga May dalawa o tatlong Angkop na angkop ang
salitang ginamit sa mga salita ang hindi angkop mga salitang ginamit sa
pahayag. sa mga pahayag. mga pahayag.
Panghihikayat sa Di kaganyak-ganyak Kaganyak-ganyak ang Lubhang kaganyak-
tagapakinig ang mga pahayag sa mga pahayag sa mga ganyak ang mga
mga tagapakinig. tagapakinig. pahayag sa mga
tagapakinig.
Kaangkupan sa paksa Hindi angkop ang Angkop ang ilang Lubhang
nabuong komik istrip sa bahagi ng komik istrip napakaanggkop ng
paksa. sa paksa. May dalawa mga bahagi ng komik
hanggang tatlong istrip sa paksa.
bahagi lamang.

TAYAHIN:

Gawain 1
1. A 6. D 11. C
2. D 7. A 12. A
3. D 8. D 13. C
4. A 9. D 14. A
5. A 10. A 15. C
Gawain 2

Inihanda ni: Davy Jane G. Canlas


SST-II
Sta. Maria National High School

You might also like