You are on page 1of 58

 Mahalaga ang wika.

Malaki ang papel na


ginagampanan nito sa pagkakaroon ng
unawaan, ugnayan, at mabuting
pagsasamahan.
 Ito ang itinuturing na instrumento sa
pagpapahayag at tagapagbitbit ng
kaalaman, kultura, at kasaysayan ng
isang lipunan o bansa.
 Sa pag-aaral ng wika, may dalawang
kakayahang dapat bigyan ng tuon, ang
KOMUNIKATIBO AT LINGGUWISTIKO.
 Ito ay tumutukoy sa paglalapat ng mga
kaalamang lampas sa gramatika o
balarila. Mahalaga rito ang mabisang
paggamit ng wika sa ganap na
pagkakaunawaan.
 Lingguwistika
- Ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng
wika.
- Pinag-aaralan dito at sinususri ang estruktura,
katangian, pag-unlad, at iba pang bagay na
may kaugnayan sa isang wika, at ang relasyon
nito sa iba pang wika.
- Kinapapalooban ito ng TUNOG (ponema),
TITIK O YUNIT NG SALITA (morpema),
SALITA (leksikon), PANGUNGUSAP (sintaks),
PAGPAPAHAYAG (diskors).
Nang
 Ginagamit bilang pangatnig sa hugnayang
pangungusap
Hal:
Nagsimula na ang palatuntunan nang kami ay
dumating.

A. Paggamit ng nang at ng
Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat
na inuulit, neutral na inuulit, o pandiwang inuulit
Hal:
Basa nang basa

Nagbuhat sa na ng naangkupan ng ng at
ginagamit bilang pang-abay na pamanahon
Hal:
Umiwi siya nang maaga.
Pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay na
pamaraan
Hal:
Kumain siya nang mabilis.

Kasingkahulugan ng upang at panumbas sa so


that o in order sa Ingles.
Hal:
Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang
tayo’y lumigaya.
Ng
 Pantukoy na palayon na kasama ang tuwirang
layon ng pangungusap
Hal:
Gumagawa siya ng takdang-aralin.

Pananda ng tagaganap ng pandiwa sa tinig


balintiyak
Hali:
Pinangaralan ng Ina ang anak.
Nagsasaad ng pag mamay-ari ng isang bagay
Hal:
Ang aklat ng bata ay tinakpan ng Ina.

Bilang pang-ukol na katumbas ng with sa Ingles


Hal:
Ako ay sinalubong niya ng ngiting magiliw.
May
 Kapag sinusundan ng pangngalan
Hal:

May kaibigan siyang kasama.

Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.


Hal:
May gagawin ka ba mamaya?
Ang mga bata ay may inaasahang regalo.

B. Paggamit ng May at Mayroon


Kapag sinusundan ng pang-uri
Hal:
May bago ka palang kaibigan.
Si Angelo ay may maayos na kagamitan.

Sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang


paari.
Hal:
Bawat tao ay may kaniya-kaniyang problema.

Sinusundan ng pantukoy na mga at pang-ukol na


sa
Hal:
May mga nilalang sa Diyos na nakakalimot na
tumatawag sa kaniya.
Mayroon

Ginagamit kapag may napasingit na kataga sa


salitang sinusundan nito.
Hal:
Mayroon bang problema sa akin?

Ginagamit na panagot sa tanong.


Hal:
May hinihintay ka ba? Mayroon.

Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-


maykaya sa buhay.
Hal:
Sila ay mayroon sa kanilang bayan.
Ginagamit ang din/daw kapag ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa katinig.
Hal:
Tatlong buwan daw tinapos ni Isiong ang kubo na iyan.
Susunod din sina Ela at Joy sa salusalo mamaya.

Ginagamit ang rin/raw kapag ang sinusundang salita ay


nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
Hal:
Bibili raw si nanay ng lechon para sa kaarawan ko.
Kasama rin kami sa sayaw mamaya.

C. Paggamit ng Din at Daw/ Rin at


Raw
Ang pahirin or to wipe off ay nangangahulugang
alisin o tanggalin sa pamamagitan ng pamunas o
pagpawi ng isang bagay.
Hal:
Pahirin mo ang luha ng iyong anak.

Ang pahiran or to apply ay nangagahulugang


lagyan sa pamamagitan ng kaunting bagay.
Hal:
Pahiran mo ng Vicks ang iyong likod.

D. Paggamit ng pahirin at pahiran


Kung
 Pangatnig na panubali at karaniwang gianagamit sa
hugnayang pangungusap.
Hal:
Malulutas ang suliranin ng bayan kung makikiisa ang
mga mamamayan.

Kong
 Nanggaling sa panghalip na ko at inangkupan ng
ng.
Hal:
Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo muna ang
iyong sarili.

E. Paggamit ng kung at kong


 Ang subukin ( to test, to try) ay nangangahulugang
tingnan o masubok ang bisa, husay o galing.
Hal:
Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter
bago ko bilhin.

Ang subukan ( to spy on, to see secretly) ay


nangangahulugang espiyahan ang tao o ginagawa
ng tao.
Hal:
Subukan mo kung saan niya itatago ang kaniyang
dala-dalahan.

F. Paggamit ng subukin at subukan


Ang kita ay ginagamit kapag ang isa o dalawang
nag-uusap ay siyang gaganap ng gawain para sa
kausap.
Hal:
Ibibili kita ng bagong damit.
Kausap nga kita.

Ang kata ay ginagamit kung ang dalawang nag-


uusap ay magkasamang gagawa ng isang bagay.
Hal:
Kata ay magsimba muna bago umalis.

G. Paggamit ng kita at kata


Sila at Nila
Mga panghalip na panao at hindi sinusundan ng
pangngalan.
Hal:
Sila ay pupunta s laguna para magbakasyon.
Binili nila ang bestida para kay Lola Adela.

Sina/Nina
Mga pantukoy na maramihanna sinusundan ng
pangngalan
Hal:
Sina Jose at Jacob ang mangunguna sa pagdarasal.
Pinitas nina Jean at Bel ang mga bulaklak sa hardin.

H. Paggamit ng sila at nila/ sina at nina


Pinto
 Bahagi ng gusali na siyang sinasara at
binubukas.
Hal:
Kumatok ka sa pinto bago ka pumasok.

Pintuan
Daanan
Hal:
Maluwang ang kanilang pintuan.

I. Paggamit ng pinto at pintuan


 Ang hagis ay isang pangngalan at hindi
maaaring pandiwa samantalang ang
ihagis ay pandiwang pautos.
Hal:
a. Mali: Hagis mo ang bola kay Ryan.
b. Wasto: Ihagis mo ang bola kay Ryan.
c. Wasto: Kailangang itaas ni ryan ang
hagis ng bola.

J. Paggamit ng hagis at ihagis


* Kaisahan - May kaisahan ang pangungusap kung
tumutulong ang bawat bahagi sa paghahayag ng
isang pangunahing diwa.

* Paglalapit ng panuring sa salitang tinuturingan


- Hindi dapat paghiwalayin ang mga salitang
magkakaugnay.
Hal:
Mali: Mamaya si marina ay pupunta sa paaralan
Wasto: Pupunta mamaya si Marina sa paaralan.
* Paggamit ng wastong tinig pandiwa-
Kalimitang ginagamit ang pandiwang nasa tinig
balintiyak, sa halip na nasa tukuyan.
Hal:
Mali: Ang mga mag-aaral ay binasa ang Noli Me
Tangere.
Wasto: Binasa ng mga mag-aaral ang Noli Me
Tangere.
* Pagbibigay-diin - Kinakailangan ang wastong
pag-aayos ng mga salita sa pagbibigay diin.
Hal:
May kahinaan: Mag-aral ka raw na mabuti, ang
sabi ng nanay mo.
Maayos: Ang sabi ng nanay mo ay mag-aral ka
raw nang mabuti.
* Palagitlingan
Ginagamit ang Gitling kapag..

1. Ang salita ay inuulit


Hal:
gabi-gabi dala-dalawa

2. Ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat


na nialalpian ay nagsisimula sa patinig.
Hal:
mag-alsa may-ari pang-aral
3. May katagang nawawala sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsasama.
Hal:
Bahay-kubo Bulalak-parang

4. Ang isang panlapi ay inilalapi sa unahan ng


isang ngalang pantangi.
Hal:
maka-Quezon taga-Nueva Ecija
5. Ang panlaping ika- ay ginagawang unlapi sa
mga tambilang
Hal:
ika-10 mag-iika-7

6. Binabaybay ang yunit ng praksiyon


Hal:
isang-katlo tatlong-kapat
* Gamit ng Kudlit
Ginagamit ang kudlit kung may nawawalang
letra o mga letra sa dalawang salitang pinag-
uugnay.
Hal:
Ako at ikaw – ako’t ikaw
Mayaman at mahirap – mayama’t mahirap
KAKAYAHNG SOSYOLINGGWISTIKO: PAG-UNAWA
BATAY SA PAGTUKOY SA KUNG SINO, PAANO,
KAILAN, SAAN AT BAKIT NANGYARI ANG
SITWASYONG KOMUNIKATIBO

 Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay


maituturing na gamit o kasangkapan sa
sosyalisayon, na ang ugnayang sosyal ay
hindi magiging ganap o buo kung wala
ang wika.

TALAKAYIN AT UNAWAIN
 Kapag ang isang tao ay may kakayahang
manipulahin ang kaniyang gamit ng wika
upang ito ay umayon sa hinihinging
sitwasyon ng pakikipagtalastasan,
masasabing siya ay nagtataglay ng
tinatawag na kakayahang
sosyolingguwistiko.
 Isinasaalang din ang ugnayan mga nag-
uusap, ang impormasyong pinag-
uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-
usapan.

Sociolinguistic Competence
 Ayon kay Hymes (1967), ukol sa
kakayahang komunikatibo, mahalagang
malaman kung kailan tayo magsasalita at
hindi magsasalita, ano ang pag-uusapan,
sino ang kakausapin, saan, at kung sa
paanong paraan.
 Ang mga panlipunang salik ay
naisasaalang-alang upang maiayon ang
antas o uri ng wikang angkop gamitin
para sa espesipikong kontekstong paraan.
 Ang wika ay dinamiko.
 Ayon kay Badayos (2010), ang
pagkakaroon ng barayti ng wika ay
nagagawa nitong mapaunlad ang wika,
natutulungan nito ang mga tao na
makapamili ng mga salitang gagamitin sa
pinakaangkop na paraan at napapalawak
nito ang iskolarling pananaliksik
pangwika.
 S etting o scene (lugar at oras ng usapan)
 P articipants (mga taong sangkot sa usapan)
 E nds (layunin o mithiin ng usapan)
 A ct Sequence (pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari habang nagaganap ang pag-
uusap)
 K eys (pormal o impormal ba ang pag-uusap)
 I nstrumentalities (anyo o estilo ginamit sa
pag-uusap: pasalita, pasulat)
 N orms (kaangkupan at kaakmaan ng usapan
ng isang sitwasyon)
 G enre (uri ng pananalita na nakalahad mula
sa isang sitwasyon)

SPEAKING ni Dell Hymes


Pahayag Mga pahiwatig (o kahulugan)

Mabubuhat mo ba ang kahon na


iyan?

Hindi mo naipasa ang takdang-


aralin?

Okay lang, ayos naman.

Bakit ka nag-iingay?

Hindi ako ang may kasalan niyan.


 Ang PRAGMATIKS ay isang sangay ng
lingguwistika na inilalarawan bilang pag-
aaral ng ugnayan ng mga anyong
lingguwistiko at mga gumagamit nito.
 Binibigyang pansin dito ang gamit ng wika
sa mga kontekstong panlipunan gayundin
kung paano lumilikha at nakauunawa ng
kahulugan ang mga tao sa pamamagitan
ng wika. (Yule, 1996)

TALAKAYIN AT UNAWAIN
 Para kay Fraser (2010), nakapaloob sa
kakayahang ito ang pagpaparating ng
mensaheng ninanais – kasama ang lahat
ng iba pang kahulugan – sa anumang
konteksto sosyo-kultural.
 Para kay Chomsky, ang kakayahang ito ay
tumutukoy sa kaalaman kung paano
naiuugnay ang wika sa sitwasyon na
pinaggamitan nito.
Ang pragmatiks ay kinapapalooban ng
tatlong pangkalahatang kakayahan sa
komunikasyon
Una – ang gamit ng wika sa iba’t ibang
layunin gaya ng pagbati, pagbibigay-
impormasyon, pagnanais, paghiling at
pagbibigay pangako.
Ikalawa – paghiram o pagbago ng wikang
gagamitin batay sa pangangailangan o
inaasahan ng tagapakinig at/o sitwasyon.
Ikatlo – ang paggamit ng tuntunin sa isang
talastasan at mga naratibong dulog gaya ng
pagkukuwento, pagbibigay ng ulat, at iba pa.
 Ang kakayahang Pragmatik ay
tumutukoy sa kakayahang iparating ang
isang tukoy na mensahe, ang lantad at di-
lantad nitong kahulugan sa anumang
kontekstong hinggil sa kultura at
gayundin ang pagbibigay-kahulugan dito
ng tagatanggap ng mensahe sang-ayon
na rin sa nais iparating ng tagapaghatid
nito.
 Ang Gricean Pragmatiks ni Paul Grice,
ang bawat mensahe ay mayroong
kahulugan para sa mga tagapagsalita
(speaker meaning).
 Ang pagsusuring pragmatik ay nakatuon
sa speaker meaning o ang kahulugan ng
mensahe ayon sa tagapagsalita na
nakasalalay sa konteksto kung paano ito
tatanggapin ng tagapakinig ng
tagapagsalita.
Principle of Cooperation ni Paul Grice
Ang mga patakaran sa talastasan
(conversational maxims) ay ginagamit
para maging akma ang mga pahayag ng
prinsipyo ng pagtutulungan ng mga
magkausap.
Una, tungkol sa dami (maxim of quantity)
Pangalawa, tungkol sa uri (maxim of
quality)
Ikatlo, tungkol sa pagiging akma (maxim
of relevance)
Ikaapat, tungkol sa pamamaraan (maxim
of manner)
Marvin: Ano ba’ng nangyari?
Jolina: wala kang pakialam!
Marvin: hindi na kita maintindihan, e!
Jolina: kailan mo ba ako iniintindi?
Marvin: diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko
kayang basahin kung anong nandyan sa utak
mo.kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo
sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita
sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako!
Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ako
e….
Jolina: Yes, kaibigan mo ako…. Kaibigan mo lang ako….
And that’s all I ever was to you, Ned – your best friend.
Takbuhan mo kapag may problema ka.. Tagasunod..
Tagabigay ng advice… taga-enroll.. Tagagawa ng
assignment… tagapagpatawa sa iyo pag malungkot
ka…. Tagatanggap ng kahit na ano… and im so stupid
for making the biggest mistake of falling in love with my
bestfriend… dahil kahit kailan hindi mo naman ako
makikita, e.. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin
ng higit pa sa isang kaibigan..
Marvin: Bujoy……Bujoy…
Jolina: Ngayong alam mo na, I think you can get out of my
life!
Marvin: Bujoy, mahal kita! Mahal kita Bujoy! Mahal na
mahal kita kaya siguro duwag ako.. Kung
magkarelasyon tayo, paano kung masaktan kita. Baka
yung Bujoy na kaibigan ko mawala pa.. Bujoy hindi ko
kayang mawala ka sa buhay ko…
Ano ang sitwasyong matutunghayan sa
palitan ng diyalogo? Paano ang naging
daloy ng kanilang usapan? Ano ang
naging layunin ng bawat karakter sa
diyalogo sa kanilang pakikipag-usap sa
bawat isa? Paano bibigyang-kahulugan
ang sitwasyong naganap sa usapan?
 Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng
ideya, nosyon, teorya, at sa
pangkalahatan, ang kahulugang maaring
nasa pasulat o pasalitang paraan.
 Kung ang komunikasyon ay
pagpapahayag, ang diskurso ang
itinuturing na pagpapalitan ng
pagpapahayag.
 “argumento” at “kumbersasyon” ang
kahulugan ng discursus sa Late Latin at
discours sa Middle English.

Diskurso
 Nagbibigay-pansin sa kakayahang bigyan
ng interpretasyon ang isang serye ng mga
napakinggang pangungusap upang
makagawa ng isang makabuluhang
kahulugan.
 Speech Act Theory ay isang teorya ng
diskurso.
◦ Lokusyunaryo
◦ Ilokusyunaryo
◦ Perlokusyunaryo

Kakayahang Diskorsal
 Lokusyunaryo – kung ang gawi ay
nagpapahayag ng literal na paglalarawan
at pagkaunawa sa ginamit na wika
 Ilokusyunaryo – ay may aktong
nagpapahayag ng tungkulin sa
pagsasakatuparan ng bagay o mensahe
batay sa nais o intensyon ng tagapaghatid
 Perlokusyunaryo – na may aktong
nagpapahayag ng bisa, puwersa, o epekto
ng pahayag ng aktong ilokusyunaryo.
 Etnograpiya ng Komunikasyon
(ethnography communication) na
nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon,
gamit, pattern, at tungkulin ng
pagsasalita; Teoryang Pragmatik na
nakatuon sa kaangkupan ng gamit ng
wika sa isang partikular na sitwasyon;
Variationist Theory na nakapukos sa
baryasyon ng wikang ginagamit ng mga
taong sangkot sa isang diskurso
 Teksto ang inilalarawang wika o ideyang
itinatawid o pinagpapalitan sa diskurso
samantalang ang kahulugang (berbal o
di-berbal) matutunghayan mula rito ay
Konteksto.
 Makakatulong din sa pag-unawa ng
konteksto ang mga uri ng di-berbal na
komuniaksyon gaya ng ipinapakitang
ekspresyon, kilos, at ang lakas o hinahon
ng tinig.

TEKSTO AT KONTEKSTO NG DISKURSO


 Sinang-ayunan ni Paz at mga kasama
(2005), na mahalagng suriin ang lugar,
mga bagay sa paligid, kultura, at
konseptong pansarili ng mga taong
kasangkot (pisikal na kontektso), ang
mga salitang ginamit sa pangungusap
(lingguwistikong konteksto), at ang
ugnayan ng nagsasalita at nakikinig
(sosyal na konteksto) sa isang
diskurso.
 Mula sa nabanggit, unang matunghayan ang
Larangan ng Diskurso (mga pangyayari,
panlipunang aksiyon na nagaganap);
ikalawa, ang tenor ng diskurso (kasangkot
o kasali sa pag-uusap, kanilang estado o
papel na ginagampanan at ugnayan sa isa’t
isa); panghuli, ang modo ng diskurso
(gamit ng wika, inaasahan nila rito, tsanel ng
pagsasagawa nito, paraan ng paglalahad
nito)
 Iba’t ibang Koteksto ang diskurso
◦ Kontekstong Interpersonal
◦ Kontekstong pampangkatan
◦ Kontekstong Pang-organisasyon
◦ Kontekstong Interkultural
 Ang palitan o toka (exchange) ay
kinapapalooban ng mga sulong (moves).
Dito sa mga sulong matutunghayan
naman ang mga akto (acts).
 Ang palitan ay may dalawang uri: ang
boundary exchange at teaching exchange.
 Ang modelo ng S&C ay maaaring
tawaging IRF (Inisasyon, Respnde, at
Follow-up).

MODELO NI SINCLAIR AT
COULTHARD (S&C)
 Ang pasulay na diskurso ay pangunahing
isinasaalang-alang ang estrukturang
gramatikal ng wika (parirala, sugnay at
pangungusap).
 Ayon kina Garcia at mga kasama (2007),
sa pagbuo ng isang maugnaying pasulat
na diskurso ay kinakailangan gumamit ng
mga pang-ugnay gaya ng paggamit ng
mga referens, gamit ng elipsis (....) at
gamit ng mga pangatnig.

PASULAT NA DISKURSO

You might also like