• Lingua Franca ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa
isang lipunan. • Ito ang wikang ginagamit upang lubos na magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad.Sa Pilipinas,itinuturing ang Filipino na Lingua Franca. • Batay sa pag-aaral sa isinagawa sa Unibersidad ang Ateneo sa Manila noong 1989,napatunayan na ang Filipino ay isa nang ganap sa lingua franca. • Sa Pilipinas ,92% ang nakakaunawa ng Filipino,51% ay nakakaunawa sa Ingles,at 41% ang nakakaunawa ng Cebuano. • Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino,”Ang Wikang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa Metro Manila,Pambansang Punong Rehiyon,at sentrong urban sa Arkipelago,na ginagamit bilang wika ng komunikasyong etnikong grupo.Katulad ng iba pang wikang buhay ,ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong para sa iba't ibang sitwasyon ,sa mga nagsasalita nito ay may iba't ibang sitwasyon,sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal,at ANG WIKA AT ANG LIPUNAN • Ayon kay Durkheim (1985),isang sociologist,nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan.Sila ay namumuhay,nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat isa. • Tinukoy ng lingguwistikang si W.P. Robinson ang mga tungkulin sa wika sa aklat niyang Language and Social Behavior (1972). Ito ay ang mga sumusunod: • 1.pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao,panlipunang pagkakakilanlan,at ugnayan • 2.pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan Ang isang lipunan ay nakakabuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang lipunan.Sadyang napakalaki ng gampanin ng wika sa ating lipunan.Ito ang instrumento ng kanilang pagkakaunawaan;at ito ang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan. WIKA SA LIPUNAN • Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan.Isang magandang ehemplo nito ay si Tarzan.Mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang wika ng mga kasamang niyang hayop sa gubat. • Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang matutong magsalita dahil wala naman siyang kausap. Ayon kay M.A.K. Halliday naglakad sa pitong tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (1973)
• Michael Alexander Kirkwood Halliday isang bantog na
iskolar mula sa Inglatera. • isa siya sa mga nagbahagi ng pitong tungkulin ng wika Mga sumusunod: • Instrumental- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag ugnayan sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot,at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. • Regulatoryo-Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. • Interaksyonal- Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag ugnayan sa tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan;pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol s partikular na isyu. • Personal-Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan . • Heuristiko-Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. • Impormatibo-Ito ang kabaligtaran heuristiko.Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa paraang pagsulat o pagsasalita. Roman Jakobson (2003) ay nagbahagi ng anim na paraan na paggamit ng wika. -isang pinakamagaling sa dalubwika ng ikadalawampung siglo →Pagpapahayag ng damdamin-pagpapahayag ng saloobin →Panghihikayat-ginagamit upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap. →Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan- ginagamit ito sa pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha →Panggamit bilang sanggunian- ipinapakita nito ang gamit • Paggamit ng kuro-kuro- ito ay ginagamit na lumilinaw sa suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. • Patalinghaga- saklaw nito ang gamit ng wika na masining sa paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan. • 1.Isang sociologist,noong 1985 ang nagsasabig nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. • 2-3. isa siyang lingguwistika na tumutukoy ng sa aklat na tinatawag niyang? • 4.Ano ang tawag sa libro na ginawa ni M.A.K Halliday na naglalahad ng pitong tungkulin ng wika • 5.Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan • 6.Isa siyang bantog na iskolar mula sa Ingatera • 7-10. Apat na paraan na paggamit ng wika.