You are on page 1of 43

Kahulugan, Katangian,

Pilosopiya at mga Teorya sa


Pagkatuto ng Wika
PROP ANGELO C. BAUTISTA
Depinisyon ng Wika
🞂Ayon kay Carroll (1973), ang
wika ay may kaayusang sistema
ng mga tunog na gamit sa
interpersonal na komunikasyon at
mga proseso ng mga karanasan
ng tao.
Depinisyon ng Wika
🞂Mula sa Webster New International
Dictionary (1961), ang wika ay isang
sistematikong paraan ng
pakikipagkomunikasyon ng mga ideya o
damdamin sa pamamagitan ng paggamit
ng kumbensyunal na mga pananda,
tunog, kilos o galaw na mayroong talastas
na mga kahulugan.
Depinisyon ng Wika

🞂Ukol kay Pineda (2004),


ang wika ay kasangkapan
ng isang manunulat sa
paglikha ng kanyang
sining.
Depinisyon ng Wika

🞂Ayon kay Gleason, ang wika ay


masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
🞂Hinggil kay Hill, ang wika ay ang
pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo
ng simbolikong gawaing pantao. Ang
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog
na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa klase at padron na
lumilikha at simetrikal na istruktura.
🞂Si Rizal ay
nagsabing, “ang wika
ay kaisipan ng
mamamayan.”
🞂Sa ipinahayag ni
Almario, sinabi
niyang, “kung ano ang
wika mo, ‘yon ang
pagkatao mo.”
🞂Sinabi ni G. Bayani Abadilla
(2002) na , “malaki ang
nagagawa ng wika sa
paghuhugis ng kamalayan – ng
kaisipang Pilipino at ng
karunungang Pilipino.”
🞂Para kay Carlos P.
Romulo, “kailangan ang
wikang sarili upang
manatili ang tatak na
sarili.”
🞂Winika ni Lope K. Santos
ang ganito, “naniniwala akong
hindi sa utak ng paham
tumutubo at umuunlad ang
mga salita… kundi sa bibig ng
madla.”
🞂Iginiit ni Claro M. Recto ang
pagsasabing, “Dapat itanim sa isip
tuwina na kung paanong iisa tayo sa
lahi ay nararapat namang maging isa
rin sa wika at ang wikang ito’y hindi
dayuhan kundi ang katutubo, ang
sariling atin, ang Wikang
Pambansang Filipino.”
🞂Para kay Renato Constantino, “panahon
na upang magpakadalubhasa sa Filipino,
ang palatandaan ng tunay na kapaki-
pakinabang na edukasyon, dahil ito ay
paraan hindi lamang nang pagtatamo at
paggamit ng mga mahahalagang
kaalaman kundi pagtangkilik sa
pambansang pagkakaisa.”
🞂Sa pahayag na “ang wika ang nagpaging
sa tao, ni Prof. Mario L. Miclat (2001),
hindi na kailangang muli at muling
magsimula sa simula ang mga
sumusunod na henerasyon. Maaari na
lamang nilang ipagpatuloy ang karanasan
ng nakaraan, isaayos ang pag-iisip at
hubugin ang kaisipan.”
🞂Para kay Prof. Randy David
(1999) sa kanyang panayam na
Politika ng Wika, Wika ng
Politika, binanggit niya na
“walang matayog, mahirap at
abstraktong kaisipan na hindi
maipahahayag sa sariling wika.”
🞂 Para kay G. Zeus Salazar (1996),
tinukoy niya ang ganito, “kung ang
kultura ay ang kabuuan ng pag-iisip,
damdamin, gawi, kaalaman at karanasan
na nagtatakda ng kakanyahan ng isang
kalipunan ng tao, ang wika ay hindi
lamang daluyan kundi, higit pa rito,
tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng
alinmang kultura.”
🞂 Para kay Dr. Paz Belvez sa isang bahagi ng
kanyang talumpati na may pamagat na “Ako’y
Pilipino,” ipinahayag niya ang ganito: “Ako’y
Pilipino. Wikang Pambansa ko’y ang Wikang
Filipino. Matamis na wikang may sariling letra
at alpabeto. Wikang pinatamis ng pupung
wikain ng bayan ko- ng Ilokano, Pampango,
Bikol at Pangasinan, ng Sebwano, Hiligaynon,
Aklanon, Samarnon, ng Ibanag, Zambal at
maging ng Igorot, Ibaloy at Mangyan.”
🞂Si Lev Semyonovich Vygotsky
(1978) ay nagsabing, “wika ang
gamit ng tao sa kanyang pag-
iisip, sapagkat ito ang katulong
ng utak sa pagpoproseso ng
kanyang kaalaman.”
Katangian ng Wika

🞂Binubuo ng mga tunog – Ungol at


mga tunog na napapakinggan sa
kanyang paligid ang unang ginagad
ng tao noong siya’y magsimulang
mangusap at makipag-ugnayan sa
kapwa maraming dantaon na ang
nakalipas.
🞂Arbitraryo ang wika – lahat ng wika sa
mundo ay may kanya-kanyang
alpabetong ginagamit, may sariling
sistema ng pagsulat at pagbasa, may
sariling paraan kung paano gagamitin at
may napagkasunduang gamit at
kahulugan na ibinibigay ang kanyang
mamamayan sa mga salita.
🞂Dinamiko ang wika – sapagkat
buhay ang wika, ito ay dinamiko.
Napaparami / nadaragdagan ito sa
pamamagitan ng panghihiram,
pagsasalin at paglikha.
🞂May sariling kakanyahan – bawat wika
ay may sariling kakanyahan – maging ito
man ay Ingles, Latin o Griyego; may
sarili itong kakanyahan, katangian na
hindi maaaring makita sa iba. May
sariling kalikasan, palatunugan,
palabuuan, palaugnayan, palabaybayan at
istruktura.
Mga Pilosopiyang Pangwika
🞂Ang wika ay isang sining
(Edward Sapir) – “Ang wika
ay anonimus, kolektibo at
ankonsyus na sining na resulta
ng pagiging malikhain.”
🞂Ang wika ay “armory” sa utak
ng tao (Samuel Taylor
Coleridge) – “Imbakan ito ng
mga tagumpay ng nakaraan at
tanggulan sa mga pagsubok sa
buhay. Imbakan at kuhanan din
ito ng kultura ng isang bayan.
🞂Limitasyon sa wika; limitasyon sa
mundo (Ludwig Wittgenstein, 1953) –
Kapag limitado ang wika, limitado rin
ang mundong gagalawan. Mahirap
intindihin ang wikang di mo alam; at
kung limitado naman ang iyong
bokabularyo, mahirap kang makareleyt sa
ibang tao.
🞂 Proseso ng malayang paglikha (Noam
Chomsky) – “Ang wika ay isang proseso
ng malayang paglikha. Ang mga batas at
prinsipyo nito ay fix ngunit kung saan at
paano gagamitin ang likha ay malaya at
sa iba’t ibang kaparaanan; maging ang
interpretasyon ng mga salita ay isa pa
ring proseso ng malayang paglikha,” ito
ang kanyang tinuran.
🞂May wika para sa kasarian /
Language Sexism (Ronald Wardhaugh
(1986), Allan Pace Nielsen (1990) –
May mga salita na gamit para lang sa
lalaki at babae; may mga pro / anti na
salitang panlalaki at pambabae; at may
salitang negatibo, restriktibo at ekslusibo
para sa lalaki at babae.
🞂Nakabatay ang wika sa
pagpapakahulugan ng tao sa
kanyang kapaligiran (Benjamin
Lee Whorf, 1996) – Tinuran ni G.
Whorf ang ganito, “galing sa binuo
nating kahulugan o larawan ng
kapaligiran ang mga salitang ating
binibitiwan.”
Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika
🞂Sa maraming panahong nakalipas, iba’t ibang
pananaliksik at pag-aaral ang naisagawa ng mga
siyentista, teorista, linggwista at mga pantas
hinggil sa mga teorya at pilosopiya na naging
salalayan / basehan ng mga karunungang
ngayo’y ating tinatamasa – kung paano
nakapagsasalita, natututunan, naiintindihan at
nagagamit ng bata ang kanyang lenggwahe.
🞂Malaking bahagi ng kanyang
pagkatuto ang kanyang mga
magulang, mga kalaro, mga kapwa-
tao, ang kanyang kapaligiran,
karanasan at eksposyur sa maraming
bagay.
Para kay B.F. Skinner (Teoryang
Behaviourist)
🞂Ginagaya ng bata ang matanda. Ang kanilang
pagsasalita ay nadedebelop at umuunlad kung
nakukuha ng mga bata ang kanilang mga gusto
at kung sila’y binibigyan ng rekognisyon at
papuri. Natututunan ng bata ang iba’t ibang
gawain kapag patuloy o lagi nilang
ginagawang mga bagay / gawaing ito. (habit-
forming / reinforcement)
Para kay Noam Chomsky (Teoryang
Innateness)
🞂Ang utak ng bata ay naglalaman ng ispesyal
na mekanismo (Language Acquisition Device)
para sa pagkatuto ng lenggwahe na taglay niya
mula sa kanyang pagkasilang. Ang kanyang
kagustuhang matutunan ang wika ay
napapalawig ng pakikinig sa mga pahayag ng
kausap, kaya, ang kanyang utak ay gumagana
sa pagbibigay ng kahulugan sa kanyang
naririnig.
Para kay Jean Piaget (Teoryang Kognitibo)

🞂Ang wika ay isang aspekto sa intelektwal


debelopment / pag-unlad ng bata. Kailangang
maintindihan ng bata ang konsepto bago niya makuha
ang partikular na salita / wika na magpapaliwanag
tungkol sa konseptong gusto niyang buuin. Ibinigay
niyang halimbawa ito: kung ang bata ay bibigyan ng
iba’t ibang sukat / haba ng istik, maaari niyang ayusin
ang lahat ng istik base sa laki ngunit hindi niya
masasabing ito ay maliit, ito ay malaki, ito ang
pinakamalaki hangga’t di niya natutunan kung ano ang
ibig sabihin ng maliit, malaki at pinakamalaki.
Para kay Jerome Bruner (Teoryang
Interaksyon)
🞂Ang teoryang ito ay nagpapakita ng interaksyong
nagaganap sa pagitan ng bata at ng kanyang tagapag-
alaga. Ang mga napapakinggang salita o pahayag
(input) mula sa tagapag-alaga ay nagagaya ng bata.
Ginamit ni Bruner ang terminong Language
Acquisition Support System o LASS bilang tugon sa
LAD ni Chomsky. Naniniwala si Bruner na ang
lenggwahe ay umiiral dahil sa pagnanais ng tao na
makipagtalastasan sa iba. Mas madaling natututo ang
bata kung madalas na may kausap siya.
Ang Wika sa Pagkatuto
🞂“Uha” ang unang namutawi sa labi ng sanggol
nang siya’y iniluwal.
🞂Iyak pa rin ang kanyang armas sa pagpapadama
ng kanyang nararamdaman.
🞂Sa murang edad ng sanggol, kakikitaan na siya
ng pagnanais na magsalita, kahit pautal-utal pa
ang pagbanggit niya sa mga letra, may mga
tunog nang namumutawi sa kanyang mga labi.
🞂Ginagaya ng mga bata ang napapakinggang tunog,
salita ng ibang tao at mga nakapaligid sa kanya. Sa
kanyang paglaki ay naroon ang maraming tao sa
kanyang paligid na tuwang-tuwa at aliw sa pakikinig
sa kanyang mga inuusal.
🞂Sa pagdaraan ng araw at buwan, unti-unting uusad
ang kanyang buhay. At ang debelopment ng kanyang
mental at pisikal ay magaganap. Ngunit hindi lahat
ng bata ay may kakayahang magsalita sa murang
edad.
🞂Habang lumalaki at nagkaka-edad ang
bata, natututo siya ng maraming salita
dahil na rin sa kanyang pakikisalamuha
sa iba. Mula sa pagiging bata, tinedger,
hanggang maging matyur na indibidwal,
ang tao ay hindi humihinto sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa tao.
🞂 Nakikipagtalastasan na siya at bilang
mamamayan isang “sosyal dayalog” ang
nagagawa niya dahil siya ay kumikilos at
umaagapay sa takbo ng buhay sa lipunan.
Sa pagtahak ng kanyang buhay,
lumalawak ang kanyang mundo dahil
patuloy siyang nakikipamuhay.
Ordinaryo o propesyonal man, kumikilos
siya dala ang panuntunan sa buhay.
🞂Kung siya’y maging propesyonal, mas
malawak na ang kanyang kaalaman, karanasan
at mas malalim na siyang mag-isip.
Nakabubuo na siya ng mas kompleks na
pangungusap. May sabstans na ang kanyang
pangungusap ma kumikilala sa kung ano ang
katotohanan sa opinyon. Nakagagawa na siya
ng pananaliksik. Malawak na ang kanyang
bokabularyo.
🞂Ang bata sa kasalukuyang panahon ay kailangang
maging matatas sa pagsasalita dahil ang mundo
ngayon ay “mundo ng kompetisyon.” Sa isang
global na mundo siya ay gumagalaw; kaya,
kailangang mas malawak ang kanyang
bokabularyo, palagiang nagbabasa, pinaghuhusay
ang kakayahan sa pagsulat, mulat sa nangyayari
sa mundo at kayang harapin ang lahat ng
pagsubok sa kanyang buhay.
🞂Wika ang ginamit sa lahat ng imbensyon.
Wika ang tulay sa arena ng
globalisasyon. Hangga’t may buhay,
patuloy na lilikha ang tao – ng bagay,
kaisipan, karunungan, kasangkapan sa
materyal na pag-unlad, maging sa
pagsulong ng kultura, edukasyon, sayans,
sining at humanidades.
🞂Sa wikang angkin niya nagagawa ang
lahat – nakapagpapahayag siya pasulat
man o pasalita, nakikipagpalitan ng kuro,
tumatalino, gumaganap ng tungkulin,
nakikipag-ugnayan at nakikipagkapwa-
tao. Sa wika kung gayon, umiinog ang
mundo ng tao.
Indibidwal na Gawain
🞂1. Sumulat ng repleksyon batay sa
mga natutunan sa:
🞂a. kahulugan ng wika
🞂b. mga pilosopiyang pangwika
🞂c. mga teorya sa pagkatuto sa wika
🞂d. ang wika sa pagkatuto

You might also like