You are on page 1of 7

Ang Wika

at
Ang Dalubwika
Ipinasa ni:
Judy-Ann V. Bautista
BSED 2A

Ipinasa kay: Dr. Beonify C. Opinion


Guro
Ang Wika at ang Dalubwika

Nabanggit sa nakaraang yunit na hindi kukulangin sa 5,000 ang lahat

ng wikang sinasalita sa buong daigdig. Nagkaiiba-iba ang mga wikang ito,

lahat naman ay may pagkatutulad sa dahilang lahat ay binibigkas at lahat ay

binubuo ng mga tubig. Subalit walang tunog na unibersal.

Halimbawa: Ang (t) sa lahat ng wikang mayroon nito ay tiyak na may

pagkaiiba kung susuriing mabuti, sa uri o sa paraan ng pabigkas.

Ang bawat wika ay may kani-kanyang set at balangkas ng mga tunog.

Ang mekanismong ginagamit ng tao sa pagsasalita ay may kakayahang

lumikha ng napakarami at halos walang katapusang uri ng mga tunog.

Subalit hindi lahat ng tunog na nabibigkas ng tao ay ginagamit sa isang

wika. Pumupili lamang ang tao ng mga tunog na kanyang kailangan sa

napakaraming tunog na maaari niyang mabigkas.

Sapagkat kung hindi gayon, magiging lubhang napakaraming tunog

ang gagamitin ng mga tao sa kanilang pagsasalita at dahil sa karamihan ay

tiyak na hahantong sa hindi pagkauunawaan o pagkalagot ng komunikasyon.

Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Wika ang kanyang

ginagamit sa pagdukal ng karunungan sa kanyang pakipag-ugnayan sa

kanyang kapwa.
Sa wika ipinahahayag ng tao ang kanyang tuwa, lungkot, galit, pag-

ibig - ang halos lahat-lahat na sa kanyang buhay. Sa kahalagahan ng wika

sa buhay ng tao, hindi kalabisan kung ito man ay pag-ukulan ng panahon at

masusing pag-aaral ng mga taong nagpakadalubhasa nito.

Dalubwika o Linggwistika ang tawag sa taong dalubhasa sa wika. Ang

agham naman ng wika ay tinatawag na agham-wika o linggwistika. At hindi

rin kailangang maraming sinasalita wika ang isang tao upang siya'y

matawag na dalubwika.

Dalubwika sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman

at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika.

Halimbawa: Ang isang manggagamot na hindi na kailangang magkasakit ng

tulad ng sakit ng taong kanyang ginagamot o sinusuri.

Kung ang linggwistika ay isang sangay ng agham, natural lamang na

ang mga taong dalubhasa sa larangang ito ay kilalaning mga siyentipiko.

Inoobserbahan nila ang wika at kinaklasipika at gumagawa ng mga

alituntuning bunga ng kanilang isinasagawang pagsusuri.

Sa dakong una na bawat wika ay may kani-kanyang set at sistema ng

mga tunog. Ang set ng mga tunog ng isang wika at kung papaanong

pinagsama-sama ang nasabing set ng mga tunog ang tinatawag na


palatunugan. Pinag-aaralan ng dalubwika ang palatunugan ng isang wika,

bukod sa sistema ng pagbubuo ng mga salita at balangkas ng mga

pangungusap nito.

Ang alinmang tunog ng isang wika, kung nag-iisa, ay walang

kahulugan. Nagkaroroon ito ng katuturan kung napasasama sa ibang tunog

ng wika upang bumuo ng salita.

Ang isang salita ay balangkas ng mga tunog. May balangkas ng mga

tunog na matatagpuan sa isang wika ngunit hindi matatagpuan sa iba. Ang

balangkas na "kpl" ay wala sa Pilipino, gayundin sa Ingles. Ngunit sa Ingles

ay may "spl" na wala sa Pilipino. Gayundin, may mga salita naman sa

Pilipino na nagsisimula sa /ng/ ngunit sa Ingles ay wala.

Hindi na tungkulin pa ng isang nag-aaral pa lamang magsalita ng isang

wika ang pumipili ng mga tunog na kanyang gagamitin sapagkat ang mga

tunog na kailangan niya sa pagsasabi ng diwang ibig niyang ipabatid sa

kanyang kapwa ay pinipili at isinaayos na para sa kanya ng mga katutubong

gumagamit ng nasabing wika.

Halimbawa: Ang isang kasisilang na sanggol.

Sa kanyang pagsilang ay wala siyang nalalamang wikang magagamit

niya sa pagsasabi ng anumang kanyang ibig sabihin. Kung siya'y nagugutom

o nasasaktan, ipinahahayag niya ito sa pamamagitan lamang ng pag-iyak.


Sa patuloy niyang pagkahahantad sa mga taong may isang wikang

ginagamit ay isa-isa niyang natutuhan ang iba't ibang tunog ng nasabing

wika sa pamamagitan ng paulit-ulit na pakikinig at pagbigkas.

Sa ayaw at sa gusto ng bata ay napipitan siyang mag-aral magsalita

sapagkat kailangan niya ang isang wikang tulad ng wikang ginagamit ng

mga tao sa kanyang paligid.

Halimbawa: Hindi nilikha ng bata ang mga tunog na ginagamit niya sa

kanyang pagsasalita.

Ang mga tunog ay ginaya o kinopya niya sa mga tao sa kanyang

paligid. Ang isang bata ay hindi makaririnig ng anumang wika, siya ay hindi

matututong magsalita sapagkat wala siyang matutularan. Ngunit kung

dalawang bata ang ilalayo sa kabihasnan at hahayaang mabuhay at

magsilakinang walang wikang naririnig, ang dalawang batang ito ay

mapipilitang lumikha ng mga katawagang kapwa nila mauunawaan,

gayundin ang iba pang salita na magagamit nila sa kanilang pag-uusap.

Ang mga tunog na kanilang napagkasunduan upang kumakatawan sa

kaisipang ibig ipahatid ng sinuman sa kanilang dalawa upang sila'y

magkaintindihan ay maituturing na arbitaryo sa dahilang sila ang

nagkakasundong gmamit ng mga ito sa mga kahulugang kapwa nila

nauunawaan.
Subalit kung ang dalawang batang nabanggit ay isasama sa

kabihasnan at maki papamuhay sa mga taong mayroon nang ginagamit na

wika, ang mga batang ito ay hindi mapipilitang lumikha o pumili pa ng mga

tunog na kanilang gagamitin sa pag-uusap sapagkat mayroon nang sistema

ng mga tunog na pinili at isinaayos ng mga tao sa kanilang paligid na may

isang wikang ginagamit.

Tungkulin ng dalawang batang ito ang pag-aralan na lamang bigkasin

nang maayos ang iba't ibang tunog na ginagamit sa wikang kanilang pinag-

aaralan at ang sistema ng pagsusunud-sunod ng mga ito upang sila'y

maunawaan ng mga tao sa kanilang paligid na gumagamit ng nasabing wika.

Sa alinmang wika ay binubuo ng natatanging balangkas ng

sinasalitang mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo upang

magamit sa pakipapag-ugnayan ng mga taong gumagamit nito.

Sanggunian:

http://www.slideshare.net/AldousChristianCalitisJr/konsepto-sa-wika-ng-

mga-dalubhasa

Santiago,Alfonso O.,Karapatan sa Akda, 1976 ng REX BOOK STORE .,REX

PRINTING COMPANY,INC.,Typography and Creative .,84 P.

Florentinost.,Quezon City.,Tel. Nos. 712-41-01-712-41-08

You might also like