You are on page 1of 16

Mga Elemento ng Tula

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat

2. Saknong

3. Tugma

4. Kariktan

5. Talinhaga

6. Anyo

7. Tono/Indayog

8. Persona

Sukat

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:

isda – is da – ito ay may dalawang pantig

is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Mga uri ng sukat

1. Wawaluhin –

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nasa loob ang kaliskis


2. Lalabindalawahin –

Halimbawa:

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

3. Lalabing-animin –

Halimbawa:

Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

4. Lalabingwaluhin –

Halimbawa:

Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

2 linya - couplet

3 linya - tercet

4 linya - quatrain

5 linya – quintet

6 linya - sestet

7 linya - septet

8 linya - octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Tugma

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa
pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma

1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung

saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa:

Mahirap sumaya

Ang taong may sala

Kapagka ang tao sa saya’y nagawi

Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng

isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.

Halimbawa:

a a a

a a i

a i a

a i i

2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan


ang salita ay nagtatapos sa katinig.

a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t

Halimbawa:

Malungkot balikan ang taong lumipas

Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y

Halimbawa:

Sapupo ang noo ng kaliwang kamay

Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan

Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din
mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga

Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan

upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo

Porma ng tula.

Tono/Indayog

Diwa ng tula.
Persona

Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang


anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay
binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa
pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag
na taludturan o saknong.
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita.
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog,
paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga
pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na
tinatawag na taludtod at saknong.

Ayon kay Alfred Austin:

Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita,


ito ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa
pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam,
iniisip, o ginagawa ng tao.

Poetry is a transfiguration of life; in other words, an imaginative native representation in


verse or rhythm, of whatever men perceive, feel, think, or do.

Wika ni Edgar Allan Poe:

Ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na


kagandahan.
Poetry is the rhythmical creation of beauty in words.

Ani ni John Ruskin:

Ang tula ay tahasang pagpapahiwatig, sa tulong ng guniguni at nag-aalimpuyong


gunamgunam, at matibay na saligan para sa mararangal na damdamin. Na ang
ibig kong ipakahulugan sa marangal na damdamin ay ang apat na pangunahing
nagdudulot ng simbuyo ng kalooban na gaya ng Pag-ibig, Paghanga, Pagsamba
na ang kasalungat: Pagkamuhi, Pag-kapoot, Pagkasindak, at hindi madalumat na
kalungkutan.

Poetry is the suggestion by the imagination of noble grounds for the noble emotions. I
mean by the noble emotions those four principal sacred passions — Love, Veneration,
Admiration, and Joy (this latter especially, if unselfish), and their opposites — Hatred,
Indignation (or Scorn), Horror, and Grief, this last, when unselfish, becoming
Compassion.

Pahayag ni Charles Mills Gayley:

Ang tula ay isang pagbabagong-anyo sa buhay, o isang paglalarawan ng buhay


na ang kagandahan ay hinahango sa guniguni na pinaparating o inihahatid sa
ating mararangal na damdamin at ipinahayag sa pamamagitan ng masinop ng
pangugusap at nag-aagkin ng namumukod na kariktang pinatitingkad ng tumpak
na aliw-iw, na lalong gumaganda kung gumagalaw sa mga may sukat.

Ayon kay Percy Bysshe Shelley, ang panulaan ay instrumento ng guni-guni.


Ang Tula ay isa ring pagpapahayag ng damdamin, pagbibigay ng mensahe batay sa kanyang nakikita,
naririnig, nararamdaman at karanasan. Malaya nitong nasasabi ang nilalaman ng puso't isipan ng isang
manunulat at binibigkas ito ng may malambing at maamong pananalita.

Sagot: mula sa TAKDANG ARALIN educational blog...

By Lhenn

Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga
saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng
kariktan.

Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto.
May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting
panlasa.

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan,
guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay
maikli at payak.

Uri ng Tulang Liriko


Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, poot at kaligayahan.

Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa
damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang
nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa


buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga
bayani sa pakikidigma.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway
at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na
kababalaghan.

b. Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga
kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong
mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga
Kastila.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na
buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan

4. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang
mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.

Mga Sangkap ng Tula


1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay
maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig.

2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. May dalawang
uri ng tugma:

a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay
magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma.

b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay
nagtatapos sa isang tunog.

3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang
kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng
mga taludtod.

4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang
tinutukoy. Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig” ay ang
magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.
Makabayang tula

Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!


ni: Avon Adarna

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,


Hindi magugutom, hindi magkukulang,
Pilipinas na Ina ng mamamayan,
Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman,


Saganang pagkai’t mga pangisdaan,
Ang lalim na tubig na asul sa kulay,
Ay siyang panlinis sa lupang katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga,


Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
At pati hayop sa dulong kabila,
Nabubusog din at nagpapakasawa!

Ang mga lupa sa luntiang bukid,


Ay pakikinabangan kapag pinilit,
Magtanim lamang ng palay o mais,
At tiyak na kakain sa oras ng gipit!

Mahalin ang bayan saan man pumunta,


Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,
Ibiging mabuti at maging malaya,
Upang manatili ang Inang dakila!

Ang tula ay alay sa mahal na bansa,


Pagkat ako’y kanyang inaaruga,
Itong Pilipinas na bayan ko’t ina,
Mamahalin ko saan man pumunta!
Oh, Pag-ibig ...
ni: Sweet Lapuz

Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,


Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,


Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,


Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling


Ay tila kaybilis ng oras sa dingding 
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang, 


Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!

Trahedya

1.

Literal na paliligo sa dagat ng basura


Pagkaanod ng sariling bangkay
Sa rumaragasang ilog, bukal at sapa.

Ang tubig na noo’y bumubuhay


Sumisingasing, bumubugso, pumapatay
Uli-uling lumalamon sa sangkatauhan!

2.
Lupang pinagmulan ng lahi ni Adam
Lupang kayumangging biyaya ng buhay
Lupang paglilibingan ng lupang katawan.

Alog ng daigdig, badya ng trahedya


Bitak na animo’y bungangang nagnganga
Matibay na muog ay panlaman sa sikmura.

3.

Araw na siyang liwanag sa umaga


Araw ding sumusupok sa gubat at lupa
Patalim na balaraw sa bawat hininga.

Hanging hininga ni Inang Kalikasan


Hanging kailangan ng tao para mabuhay
Hangin ding lasong sa’yo ay papatay!

4.
Ano itong nangyayari sa daigdigan?
Sino ang sisihin sa bangis ng Kalikasan?
Ano nga ba ang trahedyang tunay:

Pagkabog ng lupa’t pagkatuyo ng dagat


Alulong ng hangi’t pagkaagnas ng gubat—
O kasakiman ng taong ugat ng lahat?

***

Pag-ahon

Anong lakas mayroon ka, o Pinay/Pinoy?


Sa anumang hagupit ng buhay:
Hirap man o gutom, baha man o lindol
Epidemya man o pagguho ng burol—
Sa iyong pagkakalugmok agad kang bumabangon?
Anong anting-anting, pangontra’t orasyon
Ang mayroon ka, o lahing kung tawagin ay Pinoy?
Sa halip na magmukmok, buong buhay magbaoy—
Bukas ay ngingiti, bukas ay babangon
Kahit pa ang luha sa ngayo’y bumabalong?

Marahil ay marunong ka lamang magdala


Ng sanglaksang problemang nagsisilang ng problema;
Marahil, sa haba ng panahon na binayo ka ng trahedya’y
Nasanay na ang katawan, puso mo’t kaluluwa
Kaya ang laging sabi sa sarili’y “May bukas pa!í”

Pero higit kayang maganda, higit kayang mainam


Na sa bawat pag-ahon sa mga bitak ng buhay
At bawat pagtayo sa iyong pagkakaratay
Itimo nang malalim sa puso’t isipan
Ang aral ng nagdaang mga kasaysayan—
Upang sa iyong pagbangon sa pagkakalugmok, pagkakahimlay
Ay hindi na parapara pang muling mabubuwal?

***

“Na-Ondoy, Na-Pepeng”

Bugtung-bugtong, anak ng pungapong


Aral ni Tandang Pepeng at Ondoy
Pakinggan, pakinggan, mga Ineng at Utoy
Upang tumalino sa susunod na panahon:

Unang aral na dapat matutunan


Hindi dapat ginagahasa si Inang Kalikasan
Sapagkat kapag nagbuntis ang sinapupunan
Hindi biyaya ang supling kundi kamatayan!

Ikalawang aral na dapat tumimo


Sa kukute natin at ating pangkuro:
Upang sa trahedya tayo’y malayo
Kahandaan lamang ang sagot katoto.

Ikatlong bertud ni Ondoy at Pepeng


Isang anting-anting walang mintis ang galing:
Matutong magsuri sa paligid natin
Upang makita ang tanda ng lagim:

Bitak sa lupa, mga guhit sa dingding


Kalbong gubat, banging malalim
Ilog na rumaragasa, dam na umaangil
Sirenang panawag sa paglikas natin.

Ikaapat na aral ni Ondoy at ni Pepeng


Na dapat na dapat, isabuhay natin:
Ating tutulang mahigpit at matining
Ang proyektong lalaspag sa kalikasan natin!

Huwag pabayaang magmina nang magmina


Huwag pabayaang gubat ay ipagahasa
Ipagtanggol ang tubig, hangin, at isla
Laban sa mapandambong na kapitalista!

Huling tagubilin nina Ondoy at Pepeng


Sa lahing Pilipinong piniste mandin:
Huwag pabayaang maghari ang sakim
Ugat ng demonyo’y putulin mandin!

***

Paglalanggas

Sugat sa puso ni Inang Daigdig


Na dulot nang labis na pagkaganid
Mawawala lamang ang naknak at sakit
Kung lalanggasin ng pagkalinga’t pag-ibig.
Bawat pagmamalabis, bunga ay kakulangan;
Bawat pagkukulang, ariing kasalanan;
Walang hustisyang iginawad, nang walang babayaran
Walang buhay na inutang, na buhay din ang kabayaran!

Kaya ang paglalangas, sa puso ni Ina


Ay hindi bukas, o kaya sa makalawa
Ikaw na matalino, nagsasabing pantas ka—
Dapat mong mapagkuro ang panaho’y ngayon na!
Ang sumusunod ay isang halimbawa ng tulang Pastoral ng taga-Egypt na nagpapakita ng
pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa


nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina’y anong masasabi?
Sa araw-araw ako’y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag.

You might also like