You are on page 1of 16

Pamantayan sa Pagkatuto:

1.Nasusuri ang mga elemento ng tula


2.Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang
salita na ginamit sa tula
3. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang
tula
4. Nakasusulat ang sariling tula na may hawig sa
paksa ng tulang tinalakay
5. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa
pagsulat ng tula
Tula
•Akdang pampanitikan na naglalarawan
ng buhay, hinango sa guniguni,
pinararating sa ating damdamin at
ipinahahayag sa pananalitang may
angking kariktan o ali-iw
Elemento ng Tula
1.Tugma – ang pare-pareho o halos magkakasintunog na
dulumpantig ng bawat taludtod na maaring nagtatapos sa
patinig o katinig
a. Tugmang patinig- nagtatapos sa parehong patinig at bigkas
b.Tugmang katinig- nagtatapos sa mga katinig
b.1Tugmang malakas- ginamitan ng parehong patinig at
nagtatapos sa mga katinig na b, k d g, p s, at t
b.2 Tugmang mahina- ginagamitan ng parehong patig at
nagtatapos sa mga katinig na l, m, n, ng, r, w at y
2. Sukat- bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong
- maaring labindalawa, labing-anim, at
labingwalong pantig
* Sesura- saglit na tigil sa kalagitnaan ng taludtod na
may panandang /

3. Saknong- pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng


tula
4. Larawang-Diwa- salitang binabanggit sa tulang nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa
5. Simbolismo- mga simbolo o mga bagay
na ginamit sa tula na may
kinakatawang mensahe o kahulugan at
nagpapalalim sa diwa ng tula
6. Kariktan- katangiang taglay ng tula kung
pilimpili ang mga salita, kataga,
parirala, imahen o larawang-diwa,
tayutayo talinghaga at mensaheng
taglay ng akda
Matatalinghagang Pananalita
- Pahayag na di tuwiran o di literal ang
kahulugang taglay at may nakakubling mas
malalim na kahulugan
- Karaniwang ginagamit sa panitikan lalo sa
sa panulaan
Uri ng Matatalinghagang Pananalita
1. Mga Idyoma- pahayag na karaniwang hango sa karanasan ng tao, pangyayari
sa buhay at sa paligid na nababalutan ng higit na malalim na kahulugan
Halimbawa:
Mapaglubid ng buhangin- . Sinungaling
May sinasabi- Mayaman
Matandang tinali- Matandang binata/ dalaga
Bulanggugo- galante sa gastahan
Buwayang lubog- Taksil
Hawak sa leeg- sunud-sunuran
Basa ang papel- gumagawa ng hindi maganda
Nagbibilang ng poste- walang trabaho
Magaan ang dugo- magiliw
Mga Tayutay
Isa pang uri ng matalinghagang
pananalita na nakapagpapaganda o
nakapagpapahalina sa sinusulat o
sinasabi
Mga uri ng Tayutay:

1.Pagtutulad o Simile
2.Pagwawangis o Metaphor
3.Pagmamalabis o Hyperbole
4.Pagbibigay-Katauhan o Personification
5.Pagpapalit-Saklaw o Synechdoche
6.Pagtawag o Apostraphe
7.Pag-uyam o Irony
Mga uri ng Tayutay:

1.Pagtutulad o Simile- paghahambing ng dalawang


magkaibang bagay na ginagamitan ng mga
pariralang tulad ng, gaya ng parang at iba pa.
Halimbawa: Ang digmaan ay tulad ng halimaw na
sumisira sa bawat madaanan.
Mga uri ng Tayutay:

2. Pagwawangis o metaphor- paghahambing nang


tiyakan subalit hindi gumagamit ng mga salitang
tulad ng, parang etc.

Halimbawa: Ang digmaan ay maitim na usok ng


kamatayan
Mga uri ng Tayutay:

3. Pagmamalabis- pinalalabis o pinakukulang ang


tunay na kalagayan ng tao.

Halimbawa: Bumaha ng dugo sa nangyaring


digmaan.
Mga uri ng Tayutay:

4. Pagbibigay katauhan o personipikasyon-


Pagbibigay katangian sa isang taong walang buhay.

• Halimbawa: Sumayaw ang mga halaman sa saliw


ng tugtugin.
Mga uri ng Tayutay:

5. Pagpapalit saklaw- pagbanggit sa bahagi bilang


pagtukoy sa kabuuan.

Halimbawa- Maraming puso ang nadurog sa nagging


biktima ng pagbaha.

Nagngangalit ang bagang ng ama dahil sa hindi pagsunod


ng ana sa payo nila.
Mga uri ng Tayutay:

5. Pagpapalit saklaw- pagbanggit sa bahagi bilang


pagtukoy sa kabuuan.

Halimbawa- Maraming puso ang nadurog sa nagging


biktima ng pagbaha.

Nagngangalit ang bagang ng ama dahil sa hindi pagsunod


ng anak sa payo nila.
Mga uri ng Tayutay:

5. Pagtawag o Apostrophe- pakiusap o panawagan sa


isang bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa: Swerte, dumapo ka sa akin at ako ay


payamanin.

O, tadhana! Pag-ibig na tunay sa aki’y ibigay na.

You might also like