You are on page 1of 12

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 10

Ikatlong Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Ikaanim na Linggo- Aralin 6

Mga Akdang Pampanitikan


ng Africa at Persia

Sanaysay
at Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag

Baitang 10- Filipino 1


Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g-80); naihahambing ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-84); naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda
(analohiya) (F10PT-IIIf-g-80); naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82); at nagagamit ang angkop na
mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe (F10WG-IIIf-75).
Filipino - Baitang 10
Sanayan sa Filipino
Sanaysay at Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin


ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Irene C. Jalbuna, Rodelyn G. Delfin, Levi N. Paguntalan


Julie L. Cajeben, Madeline P. Del Rosario, Maria Mae Castre
Agnes Joy S. Fernandez, Gaymarie G. Hingpit
Joana Grace A. Isip, Jerelyn P. Fuerte

Illustrators: Mary Joy J. Yanson, Mel June G. Flores, Althea C. Montebon


Ruel S. Palmaira, Mary Clarence G. Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Rodelyn G. Delfin, Irene C. Jalbuna
Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Rodelyn G. Delfin
Nelson A. Cabaluna, Rene B. Cordon, Irene C. Jalbuna

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez


Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g-80); naihahambing ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-84); naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda
(analohiya) (F10PT-IIIf-g-80); naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82); at nagagamit ang angkop na
mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe (F10WG-IIIf-75).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 10.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula saKagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga
gurong tagapagdaloy namatulungang makamitang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sagurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Sa paraang ito magkakaroon ka ng
kalayaan na pag-aralan ang nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang
ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g-80); naihahambing ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-84); naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda
(analohiya) (F10PT-IIIf-g-80); naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82); at nagagamit ang angkop na
mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe (F10WG-IIIf-75).
Aralin 6 SANAYSAY

Magandang araw sa iyo!

Kumusta? Batid kong nasisiyahan ka dahil sa maraming kaalaman ang iyong natutuhan.
Huwag kang mangamba at magiging madali lamang ang ating pag-aaralan.

Ang araling ito ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati na
binigkas ni G. Nelson Mandela sa kanyang inagurasyon bilang pangulo ng Africa. Nilalayon
ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin ng mga Taga-Africa sa pagsulong ng
kapayapaan, katarungan, at kalayaan.

Sa tulong ng iba’t ibang gawain, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na


layunin:
a. naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g-
80);
b. naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa
(F10PB-IIIf-g-84); at
c. naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya)
(F10PT-IIIf-g-80).

Marahil ay handang-handa ka na sa mga gawain. Simulan mo na!

Panuto: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating


binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang
mabigyang-linaw kung bakit ito ang iyong napili.

kagubatan silid-aklatan katawan


karagatan tinapay prutas
niyog kendi silid-aralan

1. bulaklak : hardin :: aklat: _____________


2. berde : kapaligran :: asul : _____________
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _____________
4. puso : katawan :: _____________ : puno
5. _____________ gutom :: tubig : uhaw

Mahusay! Alam mo ba kung ano ang tawag sa gawaing isinagawa mo? Tama! Ito ay
isang analohiya kung saan ikaw ay nagsusuri o nagkukumpara ng dalawang bagay, lugar o
ideya na magkaugnay o magkatumbas. Natitiyak kong magagamit mo ang kasanayang ito
upang lubos mong maunawaan ang mensaheng hatid ng akdang pag-aaralan mo maya-
maya lamang.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g- 1
80); naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-
84); at naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) (F10PT-IIIf-g-80).
Alam mo ba?

Ang sanaysay o creative non-fiction ay ginagamit upang makapagbigay ng


mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin. Ang mahahalagang
kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa
mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas.
Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.

Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan
na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro o saloobin, at
damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay”. Noong 1580,
isinilang ito sa Pransiya at si Michele de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay”.
Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang
pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

Basahin mo naman ngayon at pag-aaralan ang talumpati ni G. Nelson Mandela ng


Africa, upang sa gayo’y makita mo ang pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa.

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Isinalin sa Filpino ni Roselyn T.Salum

Sa kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…

Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkakalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa


kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng
mundo.

Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang


matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.

Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang
magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng
sangkatauhan, sa katarungan, magpapalakas sa tiwala, sa kadakilaan ng kaluluwa, at
magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.

Ang lahat ng ito at utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon.

Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay
kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito na tanyag sa puno ng
jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g- 2
80); naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-
84); at naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) (F10PT-IIIf-g-80).
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito mararamdaman natin ang
sariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.

Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaliitan at sa


pagbukadkad ng mga bulaklak.

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito, ay


nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin
ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin
ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil
sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng
rasismo.

Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik
sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay
binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.

Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitagang mga panauhin sa pagparito


upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa
katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.

Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga


pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalake at
mga babae, walang diskriminasyon sa lahi at demokrasya.

Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang
kalayaang politikal, pananampalataya,kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga
pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy
President, ang kagalang-galang na si F.W. de Klerk.

Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa


pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at
ang transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan pa ring
makakita ng liwanag. Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay narito na.

Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan


ng pagkakahati-hati ay dumating na.

Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.

Sa wakas ay naaabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong palayain


ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian at iba pang
diskriminasyon.

Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga


natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na
kapayapaan.

Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.


Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng
mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang
mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g- 3
80); naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-
84); at naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) (F10PT-IIIf-g-80).
kapayapaang pansarili at pambansa.

Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of


National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng
amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong.

Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang
bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay
lumaya.
Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog.
Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelihiyo na ikaw,
mamamayan ng Timog Afrika ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa,
malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-
pantay ng kasarian.
Naunawaan naming walang madaling daan para sa kalayaan.
Batid namin kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.
Kailangan nating kumilos nang sama–sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa
pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa
pagsilang ng bagong mundo.
Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.
Malalaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat
lumaya upang manaig ang kasiyahan sa kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-
katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa
mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.
- binanggit sa aklat nina Ambat, Vilma C., et. al. 2015
Panitikang Pandaigdig 10 (Kagamitan ng mga mag-aaral sa Filipino)
Mula sa hhttp://www.anc.org.za/show.php?id=3132

Matapos mong mabasa ang akda maaari ka nang dumako sa susunod na gawain.
Huwag kang mabahala dahil gagabayan pa rin kita.

Panuto: Sagutin ang mga kasunod na katanungan:


1. Bigyan kahulugan ang kalayaan na tinutukoy ni Nelson Mandela sa kanyang
talumpati.
___________________________________________________________
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
___________________________________________________________
3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati? Ganito
rin ba ang katangian ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng maaaring
magpatunay nito.
___________________________________________________________
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g- 4
80); naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-
84); at naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) (F10PT-IIIf-g-80).
4. Kung ikaw ay isang mamamayan ng Timog-Africa, ano ang magiging damdamin mo
sa talumpati ni Mandela?
___________________________________________________________
5. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan,
kalayaan, at katarungan?
___________________________________________________________
Ang iyong mga naging gawain ay maghahatid sa iyo ng higit na kaalaman. Lalo mo pang
ipagpatuloy ang pagtuklas ng iba pang kaalaman sa pamamagitan ng iba pang mga gawain.

Panuto: Batay sa iyong mga nabasa at sa mga dati mo pang kaalaman, ipahayag ang
iyong pananaw tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng sanaysay sa iba
pang akdang pampanitikan gamit ang Venn diagram sa ibaba.

Sanaysay ____________
Iba pang akdang
pampanitikan
Pagkakatulad

Panuto: Muling balikan ang naging talumpati ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA
noong taong 2020. Maaaring panoorin ang video gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=UiOAY31jAaM. Ilahad ang iyong reaksiyon,
saloobin o opinyon tungkol sa dalawang isyung panlipunan at pandaigdig na
tinalakay sa kaniyang talumpati gamit ang tsart sa ibaba.

Isyung Panlipunan at Pandaigdig Reaksiyon

Binabati kita sa mahusay mong pagsagot sa mga gawaing inilaan para sa iyo. Aasahan
kong magagamit mo ang mga kaalamang ito.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (F10PN-IIIf-g- 5
80); naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang bansa (F10PB-IIIf-g-
84); at naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) (F10PT-IIIf-g-80).
Aralin 6 TUWIRAN AT DI-TUWIRANG PAHAYAG
Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na? Ako ay nasasabik na naman para sa iyo dahil
panibagong kaalaman na naman ang iyong matutuhan.Huwag kang mag-alala at madali
lamang ang ating pag-aaralan. Sinisiguro kong magiging makabuluhan ang iyong
matutuhan.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na layunin:


a. naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82); at
b. nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe (F10WG-IIIf-g-75).

Handa ka na ba? Tara’t magsimula ka na!

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa loob ng kahon at sagutin ang tanong sa ibaba.

A. Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang Flu vaccine at anti-pneumonia vaccine


laban sa mga komplikasyon ng Covid-19.
B. “Nakatutulong ang Flu vaccine at anti-pneumonia vaccine laban sa mga komplikasyon
ng Covid-19”, ang sabi ng isang eksperto.

Tanong:
1. Ano ang pinagkaiba ng dalawang pahayag? Ipaliwanag.
___________________________________________________
2. Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit?
___________________________________________________
Mahusay! Natitiyak kong mayroon ka ng ideya sa araling pag-aaralan mo ngayon. Batid
kong mas magiging malinaw pa sa iyo ang kaalamang taglay mo sa pamamagitan ng mga
susunod na gawain.

Alam mo ba?
Sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon natin sa ating kapwa ay kailangan nating
magbigay ng mensahe o impormasyon galing sa ibang tao. Bilang tagapaghatid ng
mensahe, maaari tayong gumamit ng tuwiran o di-tuwirang pahayag.
Ang tuwirang pahayag ay ang eksaktong winika ng ng nagbigay ng pahayag. Ito ay
ginagamitan ng bukas (“) at saradong (”) panipi.
Sa di-tuwirang pahayag, isinasalaysay na lamang ang sinabi ng pinagmulan ng
pahayag. Hindi ito ginagamitan ng panipi.

6
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82); at nagagamit
ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe (F10WG-IIIf-
75).
Tuwirang Pahayag Di-tuwirang Pahayag
1. “Magkakaroon tayo ng distribution at 1. Inanunsyo ni Gng. Chavez na
retrieval ng mga modyul sa darating magkakaroon ng distribution at
na Biyernes,” anunsyo ni Gng. retrieval ng mga modyul sa darating na
Chavez. Biyernes.
Kinakailangang tandaan ang mga sumusunod sa pagpapalit ng tuwiran at di-tuwirang
pahayag:
a. Pagbabago sa mga panghalip na ginamit
Ginagamit ang panghalip na nasa una at ikalawang panauhan sa tuwirang pahayag
samantala, ang di-tuwirang pahayag ay gumagamit ng ikatlong panauhan.
b. Pag-aalis ng na at ba
Ngayon ay alam mo na ang paggamit ng angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag.
Batid kong ika’y handang-handa na sa isang pagsasanay. Magsimula ka na!

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang pahayag na
ginamit.
________________1. “Hulihin niyo ang magnanakaw,” ang utos ng kapitan.
________________2. Sinabi niyang walang manloloko kung walang nagpapaloko.
________________3. Wala akong kasalanan,” nagmamakaawang sabi ng lalaki.
________________4. “Bakit umalis nang hindi nagpapaalam si Rosie?” ang tanong ni Bea.
________________5. Ipinaliwanag ni Dr. Santos kay Gng. Gabayaran na maselan ang
kaniyang pagbubuntis.
Gawain 2
Panuto: Gawing di-tuwirang pahayag ang mga sumusunod na pahayag:
1. Mariing sinabi ng guro, “Walang retrieval ng mga modyul sa susunod na linggo.”
___________________________________________________________
2. “Magkakaroon lamang tayo ng kapayapaan kung mayroong katahimikan ang ating
mga puso,” ang bulong niya sa kaniyang sarili.
___________________________________________________________
3. “Walang pinagkaiba ang mga buwaya sa taong sakim sa kapangyarihan,” ang sagot
ni Ecile sa kaniyang ina.
___________________________________________________________

Panuto: Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirang pahayag tungkol
sa kasalukuyang pangyayari sa bansa na ang layunin ay makapanghihikayat sa
kaniyang mambabasa.

______________________
Pamagat

7
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82); at nagagamit
ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe (F10WG-IIIf-
75).
Panuto: Sumulat ng isang talumpati na pang-SONA. Isaalang-alang ang paggamit ng
tuwiran at di-tuwirang pahayag. Pakatandaan ang GRASPS sa pagsagawa ng
gawaing ito.
Goal - Nakasusulat ng isang talumpati na pang-SONA
Role - Pangulo ng bansa
Audience - Mamamayan
Situation - Bilang pangulo ng bansa, ikaw ay inaasahang magbigay-alam sa bansa
tungkol sa kasalukuyang kalagayan nito sa ekonomiya, pulitika, at lipunan.
Kasama rin dito ang iyong pinaplano para sa partikular na taon at hanggang
katapusan ng iyong panunungkulan.
Product - Talumpating pang-SONA
Standards - Naririto ang pamamaraan sa pagmamarka na dapat mong isaalang-alang
upang maging matagumpay ang pagsasagawa ng pangwakas na gawain.

Rubrik sa Pagsulat ng Talumpati


Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Iskor
Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan
(16-20) (11-15) Inaasahan (1-5)
(6-9)
Lohikal at Magkakaugnay Di gaanong Magulo at di
magkakaugnay ang nilalaman lohikal at magkakaugnay
Nilalaman ang nilalaman ng talumpati. magkakaugnay ang nilalaman
ng talumpati. ang nilalaman ng talumpati.
ng talumpati.
Naipaliwanag Malinaw ang Di gaanong Malabo ang
Organisasyon nang maayos pagkakalahad malinaw ang mensahe ng
ng mga Ideya ang mensahe ng mensahe. mensahe ng talumpati.
ng talumpati. talumpati.
Pinag-isipan at Pinag-isipan at Hindi gaanong Hindi pinag-
pinaghandaang pinaghandaan pinag-isipan isipan at
mabuti ang ang isinulat na ang isinulat na pinaghandaan
Kahandaan isinulat na talumpati. talumpati at ang isinulat na
talumpati. kulang ang talumpati.
paghahanda
sa talumpati.

Kabuuan

Magaling! Binabati kita sa sipag at tiyaga mo sa pagsagot ng mga gawain sa araling


ito. Natitiyak kong mas magiging makabuluhan pa ang pagkatuto sa iyo sa pamamagitan
ng susunod aralin. Kayang-kaya mo iyan!

Sanggunian:

Ambat, Vilma C. et al. Panitikang Pandaigdig 10 (Kagamitan ng mga mag-aaral sa


Filipino). Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) Vibal Group Inc. 2015.

8
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82); at nagagamit
ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe (F10WG-IIIf-
75).
Susi sa Pagwawasto
Sanaysay
TUKLASIN
1. Silid-aklatan
2. Karagatan
3. Katawan
4. Prutas
5. Tinapay
BASAHIN AT SURIIN
1. Kalayaan at pang-aapi ng ibang tao at lahi
Kalayaang makapamuhay nang maayos at pantay sa ibang tao sa mundo.
2. Ang bansa ay nakakulong sa ilalim ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo. Mapagbiro rin ang
katarungan sa kanila at pinagkaitan ng karapatang magpahayag.
3. Katapangan-walang takot na nagbitaw ng mga maaanghang na salita sa pagtutugligsa ng mga
kolonyalistang Britanya
Makabayan- ipinapakita niya ang labis na pagpapahalaga at pagmamahal sa bayan
4.Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
5.Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay susi sa minimithing kapayapaan, kalayaan, at karungan.
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
PAGYAMANIN
Maikling
Kuwento
Sanaysay Nagsasalaysay
Nagpapahayag ng mga kawing-
ng sariling Pagkakatulad
Nag-iiwan ng kawing na
kaisipan, pangyayari na
kuro-kuro o makabuluhang
maaaring batay
saloobin mensahe o aral.
sa totoong
hinggil sa buhay o
isang paksa. likhang-isip
lamang
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
TAYAHIN NATIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
TUWIRAN AT DI-TUWIRANG PAHAYAG
TUKLASIN
Gawain 1
Ang unang pahayag ay isinalaysay lamang muli ang sinabi ng pinagkunan ng impormasyon, samantala,
ang ikalawang pahayag ay tuwirang sinabi.
SANAYIN
Gawain 1
1. Tuwiran
2. Di-tuwiran
3. Tuwiran
4. Tuwiran
5. Di-tuwiran
Gawain 2
1. Mariing sinabi ng guro na walang retrieval ng mga modyul sa susunod na linggo.
2. Ibinulong niya sa kaniyang sarili na magkakaroon lamang sila ng kapayapaan kung mayroong
katahimikan ang kanilang mga puso.
3. Sinagot ni Ecile ang kaniyang ina na walang pinagkaiba ang mga buwaya sa taong sakim sa
kapangyarihan.
PAGYAMANIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
TAYAHIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

You might also like