You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 02
Dibisyon ng Quirino
DIFFUN HIGH SCHOOL
Diffun , Quirino
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 10 ASTER

Pangalan:____________________________________________ Iskor: ______________


Baitang at Seksyon:____________________________________ Petsa: ______________
I.Tama o Mali. Panuto:Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung mali.
_____1. Ang Anekdota ay isang kuwento ng kilalang tao na nakatutuwa at nagbibigay ng aral.
_____2. Ang Anekdotang Mulla Nasseddin ay mula sa bansang Iraq.
_____3. Mayroong sukat at tugma ang tulang Hele ng Ina sa Kanyang Panganay.
_____4. Ang simbolismo ay ang malalim o hindi lantad na kahulugan sa salita.
_____5. Ang matalinghagang salita ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag sa mga
bagay na mahiwaga at metapisikal.
_____6. Sa pagsasalin walang kinalaman kung sino ang awtor kundi ang nais lamang ipahiwatig ng kanyang ginawa.
_____7. Sa tulang Helen ng Ina sa Kanyang Panganay sa kanyang panganay ay mula sa Uganda na matatagpuan sa
Silangang Africa.
_____8. Ang mga akda sa Africa at Persia ay sumasailalim sa kanilang sa kanilang kultura, kaugalian,tradisyon at
paniniwala.
_____9.Si Nelson Mandela ay tinaguriang bayani ng Africa.
_____10. Ang bansang Uganda ay tinaguriang Perlas ng Africa.
II. A.Maramihang Pagpili
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.Piliin ang tamang sagot sa pamimilian.Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
11. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit na mula sa tulang Hele ng Ina sa kaniyang Panganay?
Ang pooy di narapat na pagnakawan,
Sa iyoy wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais b. mithi c.hangad d.pangarap
12. Kahit pa marami nang naparam sa sanlibutan,Ngunit lagi kung maaalala ang pagkapit mo sa akin .Ang salitang
nasalungguhitan ay nangangahulugang.
a. maalis b. mawalay c.mawala d.mapunta
13.Aking supling, ako na sadyang sa iyoy humuhulma. Ang salitang nasalungguhitan ay nangangahulugang.
a. apo b. anak c.pamangkin d. asawa
14.Ano ang pinakamahalagang batayan sa pagsasalin sa isang tula sa ibang wika.
a. maisalin ang bawat salita b. maisalin ang nilalaman at palitan upang umayon sa sukat at tugma
c. ilagay lamang ang mga importante satula d. maisalin ang diwa na nais ipahatid ng tula
15. Ano ang unang-unang pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagsasalin?
a.basahin ng paulit-ulit b. ikumpara sa ginawang salin
c. tignan ang bawat salita sa isasalin d. may sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
16.Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a.idyoma b. matalinghagang pananalita c. simbolismo d.tayutay
II. B .Basahin ang talata.Suriin ng mabuti ang ipinapahahayag. Pagkatapos sagutin ang mga tanong pagkatapos ng aytem.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Sa tingin ko nga mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama,ganoon na lamang
ang pag-alala naming sa kanya. Inaakala ko na manghihina ang kanayang katawang pisikal subalit nanatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos.
17.Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
a.pagkalungkot b.pagkabalisa c.paghihinanakit d. panghihinayang
18.Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na satingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili?
a. Gagawin ng magualang ang lahat para sa mga anak
b. alam ng magulang kung ano makabutiti sa mga anak
c. Ibibigay ng mga magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan
d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak
19. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata ?
a. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos b. malulungkutin subalit matatag
c. mapagbigay para sa pangangalangang pisikal ng mga anak d. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
20.Ano ang maaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ng isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya b. kanyang lutasin an mga pagsubok na darating sa bawa miyembro ng pamilya
c.pamumuhay sa masaganang materyal c. panghihina ng espiritwal na aspeto
III. Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang salita at simbolismo na nasalungguhitan sa pahayag .Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
21.Kalog na ang baba ng mga batang kakauwi lamang galling sa paaralan.
a. gutom b. pagod c. maingay d. masigla
22. Ang upuan sa pamahalaan ay pinag-aagawan ng marami.
a. kayanaman b.pagkalukluk c. katanyagan d.katarungan
23.Si Eman ay butas ang bulsabutas ang bulsa kaya di nakakasama.
a. walang bulsa b. walang pamasahe c. walang gana d. walang pera
24. Marami sa aming baying sinilangan ang mga kapos-kapalaran sa buhay.
a. sawing palad b. walang panagrap c. mahirap d.tamad
25. Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay.
a. paghihirap b.paghahanap c. pagtratrabaho d.pagmamasa
26.Anong matatalinghaganag pananalita ang maaring ilapat sa salitang masipag?
a.bukas-palad b.kapos-palad c.makapal na palad d.sawimpalad
IV.A.Kilalanin ang mga tayutay na ginamit sa mga sumusunod na pahayag.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na
nakalaan.
a. Simile b. pagwawangiso metapora c.pagtatao o personipikasyon d. pagmamalabis o hyperbole
_____27.Posas sa kagandahan si Princess Sarah.
_____28. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw.
_____29. Ang mga maa niya ay tulad ng mgfa biwing nagniningning sa tuwa.
_____30. Tila Angel sa kabataan ang mga bata.
_____31. Napanganga ang mga nanonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
_____32. Bumaha ng luha sa pagkamatay ng kanyang kasintahan.
IV.B. ukuyin ang pokus ng pandiwang ginamit sa mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang nasa
bawat bilang .
a.Pokus sa Kagamitan b.Pokus sa Pinaglalaanan c.Pokus sa Ganapan d.Pokus sa Sanhi
_____33.Ang lahat ng kabutihang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na pag-unawa.
_____34. Ikinalulungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga mag-aaral.
_____35.Pinaglaruan nila ng basketball ang Cuneta Astrodum.
_____36.Pinagkunan niya ng halamang-ugat si Aling Loring.
_____37. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung libong piso.
_____38. Ipinaghiganti niya ang sinapit niAida sa anak ng alkalde.
_____39. Ihahanap niya ng husisya ang sinapit ng kanyang dalaga.
_____40.Ipanlalaban niya ang sarili niyang kuko sa malaking bato .
IV.C. Isalin nang maayos ang mga sumusunod na pahayag ayon sa tamang pamanatayan sa pagsasalin(2 puntos bawat
bilang).
1. We judge ourselves by what we feel capable of doing while others judge us by what we have already done.

2. Everyone feels instinctively that all the beautiful sentiments in the world weigh less than a single lovely action.

3. History is indeed a little morethan the register of crimes, follies and misfortune of mankind .

4. Laws grind the poor and the rich man rule the law.

5. The of today pushes the hero of yesterday out of our recollection and will in turn be supplanted by his successor
of tomorrow.

Inihanda ni:
MELITA C.PAGADUAN
GURO

You might also like