You are on page 1of 37

Magandang

Umaga!
Paglinang
ng
Talasalitaan
Magbigay ng mga salitang
maisasama sa punong salita upang
makabuo ng iba pang kahulugan.
ulan

pampa
alat Tubig
ligo

kanal
Bahay
mata
Ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina
Mga Tauhan:
Diyos: Thor – diyos ng kulog at
kidlat, pinakamalakas na Diyos ng
Aesir
Loki – kasama ni Thor sa
paglalakbay, may kapilyuhan
Higante: Skymir – naninirahan sa
kakayuhan
Utgaro-Loki – hari ng mga
higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa
kuta ni Utgaro-Loki
Mga tao:
Thjalfti at Rovska – anak na lalaki
at babae ng magsasaka
May dalawang manglalakbay sa lupain
ng mga higante, sila ay sina Thor at Loki.
Habang sila ay patungo sa Utgaro, ay
naabutan sila ng gabi. Kaya nagpahinga
sila sa bahay ng isang magsasaka, kinatay
ni Thor ang dalang kambing
at inilagay sa kaldero,
iniluto at inihain ito para sa
sa hapunan. Inanyayahan ni
Thor na sumalo sa kanila sa
pagkain ang mag-anak ng
magsasaka. Kinaumagahan nagalit si
Thor nang makita niyang napilayan nag
kaniyang kambing kaya’t bilang kapalit
ginawa niyang alipin ang anak ng mag-
sasaka na sina Thjalfti at Rosvka.
Naglakbay sila ng buong araw at nang
naabutan ng dilim sa kakahuyan
humanap sila ng matutuluyan.
Doon nila nakita ang malaking
pasilyo at nagpasyang manatili doon.
Ang kanilang tinulugan ay ang hintuturo
ng higante hanggang naging
magkaibigan sila ni Skymir, ang higante.
Pagkarating sa Utgaro, lupain ng
mga higante nagkaharap sina Thor at
Utgaro-Loki. Sinubok siya nito at
nagkaron ng paligsahan.
Si Loki at si Logi ay nagpaligsahan sa
pabilisan ng pagkain. Kinain
nila ng sobrang bilis ang
karne, buto lamang
ang naiwan sa parte ni Loki ngunit
walang butong natira kay Logi.
Sumunod na paligsahan ay pabilisan
ng pagtakbo, ang kalahok
ay sina Thjalfti at Hugi.
Ang nagwagi ay si Hugi.
Si Thor ay sumubok sa paligsahan ng
pag-inom. Nakalaban niya ang isang
cupbearer ngunit sa kasamaang palad
hindi siya nagwagi.
Ipinakita ni Thor ang kaniyang
lakas sa pamamagitan ng pagbuhat
ng isang pusang napakahaba, ngunit
paa lamang ang naiangat ni Thor.
Para sa huling paligsahan na
wrestling, nakipagbuno si Thor sa
sa matandang babaeng si
Elli. Habang gamit ni Thor
ang kaniyang buong lakas
lalo lamang tumatatag si
Elli at nawawalan siya ng balanse.
Ipinatigil ni Utgaro-Loki ang
labanan.Kinaumagahan ipinagtapat
ni Utgaro-Loki ang katotohanan.
“Nilinlang kita gamit ang mahika”.
Noong una tayong magkita
sa kakahuyan , nagpanggap
ako bilang Skymir. Napaka
panganib mo at muntik mona akong
mapatay sapagkat tuwing iinit ang
iyong ulo pinupukpok moko sa aking ulo
habang ako ay tulog. Hanga din ako
sa kakayahan ng iyong mga kasama.
Si Loki na kayang sunugin ang
kakahuyan, si Thjalfti na napakabilis
sa takbuhan at si Rovska na may
taglay na natatanging isip.
At noong ikaw ay uminom sa
tambuli na inakala mong ikaw ay
mabagal at mahina, dahil hindi mo
maubos ang inumin. Anong himalang
ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa
dagat at halos masaid ang dagat ng
di mo napapansin. Hindi totoong pusa
ang iyong binuhat kundi isang ahas
na kayang yakapin ang buong
daigdig. At himala ang pagtagal na
pakikipagbuno sa matandang si Elli.
Nang marinig ito ni
Thor Kinuha niya ang
kaniyang maso upang
ipukol kay Utgaro-Loki. Sa kaniyang
paglingon, wala na ang kuta at si
Utgaro-Loki. Muli nang lumisan si
Thor at umuwi na sa Thruovangar,
daigdig ng mga Diyos.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa
mitolohiya? Ibigay ang
kanilang katangian.
2. Ano ang ikinagalit ni Thor sa
mga mag-sasaka at sa pamilya
nito? Paano sila pinarusahan ni
Thor?
3. Ano ang ipinagtapat ni
Utgaro-Loki nang paalis na sina
Thor?
Pangkatang
Gawain
Pangkatang
Gawain
 Bakit nalilinlang ang
isang tao?
 Paano mo maiuugnay
ang mga pangyayari sa
mitolohiyang nabasa sa
pamumuhay ng tao ngayon?
 May pagkakatulad ba o
pagkakaiba ang
mitolohiya ng Kanluranin
sa mitolohiya ng mga
Pilipino?
“Tuso man ang
matsing,
nalalamangan
din”
Kung ikaw si Thor at kaniyang
mga kasama, ilarawan ang
iyong magiging damdamin
kapag nalaman mong
nalinlang ka sa isang
paligsahan.
Basahin at unawain ang
bawat bilang. Isulat ang
letra ng tamang sagot.
1. Ano ang angkop na salitang
maisasama sa salitang
“Kuwento” upang makabuo
ng iba pang kahulugan?
X. Kuwentong Probinsya
D. Kuwentong Bayan
M. Kuwentong Maynila
2. Siya ang tinaguriang
Hari ng mga Higante.
I. Utgaro-Loki
K. Thor
A. Hugi
3. Saan ang tagpuan ng
binasang mitolohiya?
Y. Utgaro
B. Atgaro
L. Etgaro
4. Anong tunggalian ang
naganap sa pagitan nina
Thor at Elli?
U. takbuhan
E. pagkain
O. wrestling
5. Ano ang aral ng
binasang mitolohiya?
T. Wag magpadala sa
agos ng buhay.
S. Hindi lakas lamang ang
ginagamit kundi pati isip.
B. Mahalin ang kapwa.
Takdang Aralin
1. Basahin at unawain ang
mitolohiyang mula sa
Pilipinas na pinamagatang
“Rihawani” sa aklat na
Panitikang Pandaigdig 10,
pahina 179-180.
2. Punan ang tsart ng
Elemento ng Mitolohiya
mula sa mitolohiyang
“Rihawani”.
RIHAWANI
Tauhan Tagpuan Banghay Tema

You might also like