You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

SALVACION NATIONAL HIGH SCHOOL


Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10
T.P 2021-2022

Pangalan: Petsa: / / Puntos:

PAGPIPILI-PILI
Panuto: Mayroong apat na pagpipilian para sa bawat bilang. Piliin at isulat sa patlang bago ang bilang ang titik
ng pinaka-angkop na sagot.
1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. dagli c. alamat
b. epiko d. mitolohiya
2. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalasay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
a. mito c. alamat
b. epiko d. mitolohiya
3. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
a. pastoral c. soneto
b. elehiya d. dalit
4. Mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. dagli c. pabula
b. nobela d. parabula
5. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa.
a. dula c. sanaysay
b. tula d. maikling kuwento
6. Mga salitang ginagamit upang magpahayag ng kilos o gawi.
a. panghalip c. pandiwa
b. pantukoy d. lahat ay maaaring sagot
7. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-, ma-, mang-, mag-an.
a. aksiyon c. karanasan
b. pangyayari d. wala sa mga nabanggit
8. Ang gamit ng pandiwang ito ay resulta ng isang ganap.
a. aksiyon c. pangyayari
b. karanasan d. wala sa nabanggit
9. Gamit ng pandiwa na kung saan ang pandiwa ay maaaring magpahayag ng damdamin/emosyon.
a. aksiyon c. pangyayari
b. karanasan d. wala sa nabanggit
10. Sinasabing ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay makatutulong sa mambabasa
sa pag-unawa sa sanaysay.
a. tema c. balangkas
b. plot d. anyo at estruktura
11. Ito ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
a. kaisipan c. larawan ng buhay
b. tema d. himig
12. Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at
iba pa.
a. damdamin c. tema
b. kaisipan d. himig
13. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinatalakay ng
paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
a. gitna o katawan c. wakas
b. panimula d. wala sa nabanggit
14. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit
mahalaga ang paksang tinatalakay.
a. wakas c. gitna o katawan
b. panimula d. lahat ng nabanggit
15. Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa gaya ng kalungkutan, kamatayan,
at iba pa.
a. soneto c. oda
b. awit d. elehiya
16. Ito ay nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punong-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang
sinisinta.
a. soneto c. awit
b. pastoral d. oda
17. Nagpapahayag ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Karaniwang ito’y isang awit ng
papuri patungkol sa pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay na maaaring
papurihan.
a. soneto c. pastoral
b. awit d. oda
18. Tulang may labin-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao.
a. pastoral c. soneto
b. elehiya d. awit
19. Ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.
a. dalit c. awit
b. oda d. elehiya
20. Panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong
buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
a. pastoral c. elehiya
b. soneto d. dalit
21. Ito’y bilang ng panting sa bawat taludtod.
a. sukat c. tugma
b. kariktan d. talinghaga
22. Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa.
a. talinghaga c. tugma
c. sukat d. kariktan
23. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang pahayag. Nagpapahiwatig ang
makata ng matayog na diwa.
a. sukat c. tayutay
b. talinghaga d. kariktan
24. Ang isang parapo ng tula sa ibaba ay kinasasangkutan ng elemento ng tula na .
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
a. kariktan c. talinghaga
b. tugma d. sukat
25. Ang isang parapo ng tula sa ibaba ay kinasasangkutan ng elemento ng tula na .
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
a. sukat c. tugma
b. kariktan d. talinghaga
PAGTATAPAT
Bahagi 4. Panuto: Basahin sa Hanay B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng mga diyos na
nakatala sa Hanay A. Isulat ang titik ng angkop na sagot sa patlang bago ang bilang sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
26. Poseidon a. reyna ng mga diyos
27. Hephaestus b. tagaparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
28. Zeus c. diyos ng propesiya, liwanag, araw, araw, panulaan
29. Athena d. diyosa ng karunungan, digmaan at katusuhan
30. Venus e. diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
31. Apollo f. diyosa ng pag-ibig at kagandahan
32. Hera g. diyosa ng apoy mula sa pugon
34. Hermes h. hari ng karagatan, lindol
35. Artemis i. diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan
j. mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal, siyensiya,
pagnanakaw at panlilinlang
k. panginoon ng impyerno
PAGSUSURI
Panuto: (Para sa aytem 36-40) Suriin ang gamit ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang
sagot sa kahon at isulat ang titik na kumakatawan sa iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari


36. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
37. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa
kagandahan ni Psyche.
38. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
39. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyari.
40. Natanggap siya sa trabaho dahil sa maayos niya na pagsagot
_______41. Nalunod siya dahil sa bilis ng agos ng tubig.
_______42. Nairita siya sa paulit-ulit na palabas.
_______43. Naglaba ng maruruming damit si Ate.
_______44. Umiyak ang binata matapos siyang iwan ng kasintahan.
_______45. Pumasa siya dahil sa pagsali niya sa online review.

ENUMERASYON

__________46. Ang pilosopong mula sa Greece na may akda ng sanaysay na Alegorya ng Yungib.
__________47.
__________48. ang dalawang tauhan na nag-uusap sa loob ng kuweba sa sanaysay na Alegorya ng Yungib.
__________49. Ang sanaysay na Allegory of the Cave ay isinalin sa filipino ni_________________.
__________50. Ang salitang mito/myth ay galling sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na
ang kahulugan ay __________.

Inihanda ni:

MILES P. ZAMAR JR.


Guro sa Asignaturang Filipino 10

Sinuri at inaprubahan ni:

HARRIETTA A. MIRASOL
Punong Guro

You might also like