You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO - BAYTANG 10

PAUNAWA: HUWAG SULATAN O LAGYAN NG ANO MANG MARKA ANG PAPEL NA ITO. ISULAT ANG INYONG SAGOT SA
SAGUTANG PAPEL.

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Itiman ang bilog na kumakatawan sa titik ng tamang sagot.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. Batay sa iyong natutuhan, alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa mitolohiya?
A. sinaunang misteryo ng pagkakalikha ng mundo
B. ipinaliliwanag ang nakakatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig
C. naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa
D. kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos at diyosa

2. Ang mga sumusunod na katangian ay taglay ng mga diyos at diyosa sa mitolohiya. Sa iyo, alin sa mga nabanggit ang
HINDI kabilang?
A. mortal B. imortal C. may kapangyarihan D. sinasamba

3. Itinuring ng mag-asawang pastol na tunay na anak ang kambal na sina Romulus at Remus. Saan mo maiuugnay ang
kaisipang nabanggit?
A. sarili B. pamilya C. pamayanan D. lipunan

4. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinapintakasi ng mga sinaunang tao.
A. sanaysay B. alamat C. epiko D. mitolohiya

5. Saang bansa halaw ang mitolohiya ng Rome?


A. Pilipinas B. China C. Greece D. Mesopotamia

6. Kung si Rhea ay Latina prinsesa, sa Roma si Mras naman ang diyos ng ______ ?
A. digmaan B. karagatan C. kalawakan D. kalupaan

7. Ang ayudang natanggap ng inyong pamilya ay ipinambili ng pagkain. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa
pangungusap?
A. Tagaganap B.Tagatanggap C. Layon o Gol D.Kagamitan

8. Nagluto ng ulam si nanay para sa kaniyang mga bisita. Anong pokus ng pandiwa ang initimang salita sa naunang
pangungusap.
A. Aktor B. Tagatanggap C. Kagamitan D. Layon

9. Nakita na ng mga bata ang nawawala nilang laruan. Anong pokus ng pandiwa ang initimang salita sa naunang
pangungusap.
A. Aktor B. Tagatanggap C. Kaganapan D. Layon

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL

10. Gamit ng pandiwa na ang tawag sa instrumento o kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa na
gumaganap bilang paksa o simuno ng pangungusap.
A. Tagaganap B. Layon o Gol
C.Pinaglalaanan/Tagatanggap D. Kagamitan/Instrumental

Para sa mga tanong bilang 11-14.


Basahin at unawain ang bahagi ng parabulang “Ang Tusong Katiwala”, pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko
tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng
katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa
pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo
sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo
ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’
Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 😎
Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas
mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

Ang Tusong Katiwala (Parabula mula sa Syria)


(Lukas 16:1-15)
11. Ano sa iyo ang katangiang taglay ng parabula na hindi matatagpuan sa ibang akda?
A. makatotohanan B. realistiko ang banghay C. nagbibigay-aral D. hango sa bibliya

12. Anong elemento ang inilalarawan ng “ May taong mayaman at isang katiwala,” ?
A. Tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Aral

13. Anong paraan ang ginawa ng katiwala upang mabigyan ng solusyon ang suliraning kinakaharap?
A. paghiram ng salapi
B. paghahanap ng kaibigan
C. paghanap ng mga taong maaaring tumanaw ng utang na loob sa kanya
D. paghanap ng bagong amo

14. “Binawasan ng katiwala ang utang ng mga taong may utang sa kaniyang amo” Anong katangiang taglay ang ipinakita
ng katiwala?
A. matalino B. matiyaga C. masipag D. maaasahan

15. Alin sa iyo ang pinakaangkop na kahulugan ng panandang pandiskurso?


A. nagkakaroon ng hudyat,katiyakan,at ugnayan ang mensahe ng nagsasalita
B. nakikilala ang mga salita para sa bagong pahayag
C. nabibigyang-linaw ang kahulugan o mensaheng isang pahayag

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL

D. naipakikita ang relasyon ng isang pahayag ayon sa nagsasalita


16. Ingatan at mahalin ang ating kalikasan sapagkat unti-unti nang nauubos ang mga likas na yaman. Ang pang-ugnay na
ginamit ay _________ .
A. ating B. sapagkat C. unti-unti D. ang mga

17. Ito ay nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso na paggamit ng mga salitang nagsasama-sama
o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya.
A. Pang-abay B. Pang-uri C. Pang-ugnay D. Pandiwa

18. Laganap sa mundo ang sakit kaya naman pinaaalalahanan ang lahat na magpalakas at ingatan ang kalusugan.
Ang
may salungguhit ay: _____________
A. Nagpapahayag ng kaugnayang lohikal
B. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng impormasyon
C. Nagpapahayag ng aksyon
D. Nagpapahayag ng mensahe

19. Alin sa mga pamimilian sa ibaba ang HINDI nagalalarawan sa kahulugan ng sanaysay?
A. Ito ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista o pananaw ng may akda.
B. Ito ay komposisyon ng prosa na may iisang diwa at pananaw
C. Ito ay sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari.
D. wala sa pamimilian

20. Saang bahagi ng akda o sanaysay ang mga linyang, “Kung gayon, dapat mong malaman na may dalawang paraan ng
pakikipagtunggali --- ang isa ay alinsunod sa batas, ang isa ay sa pamamagitan ng lakas.
A. Madame Bovary B. Ang Kwentas C. Ang Prinsipe D. Ang Tusong Katiwala

21. Sinong manunulat ang nagsabi na, Ito ang pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan at
ginagamit upang direktang makipagtalastasan sa sinumang mambabasa. Kung ang Liriko ay para sa panulaan, ang
prosa ay para sa sanaysay.
A. Generosa Edrosa – Matute B. Michael de Montaigne
C. Nicolo Macchiaveli D.Guy de Maupassant

22. Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng sanaysay. 1. Tema at Nilalaman, 2. Anyo at Istruktura, 3. Kaisipan, 4.
Wika at Istilo 5. Larawan ng Buhay, 6. Damdamin at 7. ____________ . Alin sa mga elemento ng sanaysay ang hindi
nabanggit?
A. Melodiya B. Notasyon C. Ritmo D. Himig

23. Sino ang manunulat na nagsabi na ang diskursong panghihikayat ay nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig.
A. Cabrera B. Bernales C. Almario D.Abad

24. Ano ang dalawang elemento ng pangangatwiran


A. Proposisyon at Pangangatwiran B. Diskusyon at Pangangatwiran
C. Proposisyon at Argumento D. Diskusyon at Argumento

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL

25. Kung ang kahulugan ng sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na sanay at sanaysay ano naman ang kahulugan ng
epiko?
A. Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan nga pangunahing tauhan na nagtataglay ng
kapangyarihan.
B. Isang mahalagang uring pampanitikan na nagpapakita ng mga pangyayari sa isinulat na pinakamaayos na
pagpaplano at pagbabalangkas ng mga importanteng bahagi ng sangkap.
C. Likha ng bungang – isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nagyari o maaaring mangyari.
D. Mula sa salitang Latin na mythos at Greek na muthos.

26. Isang halimbawa ng epiko sa Pilipinas ay ang Biag ni Lam-ang ng _____ .


A. Ilocano B. Ilocos C. Ifugao D. Pampanga

27. Ang salitang Epiko ay mula sa salitang Griyego na _______ na ang salawikain o awit at ngayon ay tumutukoy sa
kabayanihan na isinasalaysay.
A. Opus B. Opium C. Epos D. Etsos

28. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Natatakot akong mamatay, ngunit
maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.” Alin sa pamimilian ang
pinakanghindi naglalarawan ng damdaming isinaad sa pahayag?
A. nagsisisi B. natatakot C. nalulungkot D. nahihiya

29. Kung ang pinakamahabang epiko sa buong mundo ay Gilgamesh, ano naman ang pinakamatandang epiko sa Pilipinas?
A. Ibalon B. Darangan C. Maragtas D. Indarapatra at Sulayman

30. Isang mahalagang uring pampanitikan na nagpapakita ng mga pangyayari sa isinulat na pinakamaayos na pagpaplano
at pagbabalangkas ng mga importanteng bahagi ng sangkap.
A. nobela B. sanaysay C. epiko D. maikling Kwento

31. Ayon kay ___________ unang nagkaroon ng genre na ito sa panitikan noong ika – 18 siglo mula sa Gresya at Roma na
naunang nakilala bilang sinaunang modernong romansa at nobela.
A. Resil Mojare B. Miguel de Cervantes C. Imelda Kuernof D. Ian Watt

32. Ano ang dalawang uri ng tauhan sa maikling kwento na nagbabago ang katauhan sa kabuuan ng akda at tauhan kung
saan hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula hanggang katapusan?
A. tauhang bilog at tauhang tatsulok B. tauhang bilog at tauhang lapad
C. tauhang lapad at tauhang tatsulok D. wala sa pamimilian

33. Saang bansa nagmula ang nobelang Madame Bovary?


A. Roma B. Gresya C. Pransya D. Mesopotamia

34. Ito ang elemento ng nobela na nagbibigay kulay sa mga pangyayari.


A. Damdamin B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema

35. Sa iyo, alin sa mga sumusunod ang katangiang parehong taglay ng maikling kuwento at nobela?

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL

A. Mga pangyayaring may kaugnayan sa lipunang ginagalawan


B. Nagtataglay ng simbolismo
C. Maraming pangyayaring inilalahad
D. Isang mahalagang uring pampanitikan na nagpapakita ng mga pangyayari na isinulat sa pinakamaayos na
pagpaplano at pagbabalangkas ng mga importanteng bahagi at sangkap nito.
36. Tauhan sa kwento kung saan nagbabago ang katauhan sa kabuuan ng akda.
A. Tauhang Lapad B. Tauhang Bilog C. Protagonista D. Antagonista

37. Kung ang isa sa limang bahagi ng banghay ay ang panimula kung saan at paano nagsisimula ang kwento, ano naman
ang bahagi ng banghay kung saan nangyayari ang problema sa kwento?
A. Saglit na kasiglahan B. Kasukdulan C. Kakalasan D. Wakas

38. Sa akdang Ang Kwentas, sino ang nagmungkahi na magsuot na lamang ng mga sariwang bulaklak bilang palamuti sa
damit sapagkat maganda naman ito at napapanahon.
A. Madame Foreister B. Mathilde Loisel C. Anitche Conitchiwa D. Monsieur Loisel

39. Ito ay reperensya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ang teksto o pangungusap.
A. Anapora B. Katapora C. Pandiwa D. Panghalip

40. Sa kwento ng “Ang Kwintas”, naiwala ni Mathilde ang kwintas na hiniram, sa iyong palagay ano ang pinakamainam na
desisyon ang dapat niyang gawin?
A. humanap ng kamukhang-kamukha ng kwintas at isauli sa hiniraman
B. bumili ng bago at isauli sa hiniraman
C. magdahilan na ito ay nanakaw noong gabi ng pasinaya
D. magtapat at sabihin ang totoong nangyari

40 – 50 (10 puntos) – Pagsulat ng sanaysay

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Inihanda nina:

GINALYN S. CAGUIMBAL CHRISTINE S. MANZANERO, Ed.D. ERWIN E. SANTOS


Guro sa Filipino Guro sa Filipino Guro sa Filipino

HAZEL M. GUTIERREZ DERICK S. VILLAFLORES


Guro sa Filipino Guro sa Filipino

Binigyang pansin ni:

HONESTER U. JORVINA
Ulong Guro I

Inaprobahan ni:

BERNARDO CRISTINO P. ALTAMIRA


Punong Guro III

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon

You might also like