You are on page 1of 27

10

Filipino
Unang Markahan
Modyul 3
“Parabula mula sa Syria”
“Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay”
Panimula
Matapos mong pag-aralan ang mitolohiya mula sa Rome, Italy, ikaw ay gagabayan
naman ng mga mensaheng matututuhan sa akdang pampanitikan na umaakay sa tao sa
matuwid na landas ng buhay – ang parabula.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng parabulang pinamagatang “Ang Tusong
Katiwala” mula sa Bagong Tipan. Bahagi rin nito ang pagtalakay sa mga piling pang-
ugnay sa pagsasalaysay – pagsisimula, pagdadaloy ng pangyayari at pagwawakas na
makatutulong upang maunawaan mo ang mensaheng nakapaloob dito. Pansinin ang
kaakibat nitong pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

F10PN-Ib-c-63 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad


ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal

F10PT-Ib-c-62 Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at


ekspresyong ginamit sa akda, at ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin

F10WG-Ib-c-58 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay


(pagsisimula, pagpapatuloy o pagpapadaloy ng mga pangyayari at
pagwawakas)

SUBUKIN

Bago mo simulang pag-aralan ang paksa ngayong linggo, sagutin mo muna ang
paunang pagtataya.
Panuto: Itiman ang bilog na may titik ng iyong napiling sagot.
1. Ito ay akdang pampanitikang nagsasalaysay na may hangaring
akayin ang tao sa tuwid na landas na hango sa mga banal na
kasulatan.
A. Mitolohiya C. Parabula
B. Nobela D. Sanaysay
2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang
lugar._______, karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang
susunod na punong baranggay. Ano ang angkop na pang-ugnay
na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. Dahil sa B. Kung gayon C. Tiyak D. Tuloy
3. Masyadong dinamdam ni Marta ang ginawang pagtatanan ng
anak kaya’t nagawa niya itong itakwil. Palibhasa’y ina, ______

1
napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskuro ang angkop
sa patlang?
A. sa wakas C. pagkaraan ng sandali
B. sa dakong huli’y D. pagdating ng panaho’y
4. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-
tulugan. Alin ang tamang isulat na ekspresiyon na nagpapahiwatig
ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa aking palagay C. Sa kabilang dako
B. Sa ganang akin D. Sa paniniwala ko
5. Anong damdamin ang lumilitaw sa pahayag na “At kung hindi kayo
mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa
inyo ng talagang para sa inyo?”
A. nagagalit C. nag-aalala
B. nagtataka D. nalilito
6. Ang sumusunod maliban sa isa ay mga katangiang taglay ng
isang parabula.
A. isang kuwentong nagsasalaysay
B. mga kuwentong hango sa banal na kasulatan
C. inaakay ang tao sa tuwid at tamang landas ng pamumuhay
D. ang mga gumaganap na tao at mga bagay ay nagkakaroon ng
kakaibang kapangyarihan
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pagkalungkot?
A. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba,
sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”
B. “May taong mayaman na may isang katiwala. May
nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-
arian.”
C. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya
naman akong magpalimos.”
D. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa
upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan.”
Para sa bilang 8-10
Tukuyin kung ang bahagi ng parabula o tekstong nagsasalaysay ay nagsasaad ng:
A. pagsisimula C. pagpapatuloy ng mga pangyayari
B. pagwawakas D. hindi nabanggit sa mga pagpipilian
8. Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo.
Tinanong niya ang una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?”
9. May nagsumbong sa isang amo na nilulustay nito ang kaniyang
ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba
itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.

2
10. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa
harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong
mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay
kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
11. Ang salitang parabula ay mula sa salitang Griyego na ________.
A. al-sham B. bible C. parable D. parabole
12. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap
ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong ______________.
A. sanhi at bunga C. paraan at resulta
B. paraan at layunin D. layunin at resulta
Para sa bilang 13-14. Tukuyin kung anong kagandahang asal ang itinuturo ng mga
bahagi ng parabula.

13. Nang mapansin ng magpapastol na kulang ng isa ang kanyang


mga tupa ay iniwan niya ang 99 na tupa at hinanap ang isang
nawawala.
A. Ang bawat tupa ay mahalaga sa magpapastol
B. Pinakapaborito ng magpapastol ang nawalang tupa
C. Ang nawawalang tupa ay may karamdaman kaya hinanap
talaga ng magpapastol
D. Lahat ng mga nabanggit
14. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang
Panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang
ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan.”
A. Iisa lang ang Panginoon na dapat paglingkuran.
B. Maaaring maglingkod ng sabay ang tao sa Diyos at sa
kayamanan.”
C. Maiging panghawakan ng tao ang kanyang kagustuhan sa
kayamanan.
D. Wala sa mga nabanggit

15. Saan talaga mahahanap ang mga parabula?


A. Bibliya B. Koran C. Bagong Tipan D. lahat ng nabanggit

3
“Ang Tusong Katiwala”
Aralin Parabula mula sa Syria

1.3 (Lukas 16:1-15)


Philippine Bible Society
PANITIKAN

ALAMIN

Ngayon ay nasa ikatlong linggo ka na sa iyong pakatuto. Sa pagtatapos ng


araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakakikilala sa parabula bilang isang akdang pampanitikan;


2. nakapagsusuri sa tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal;
3. nakapagbibigay-puna sa estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginamit sa akda, at maging ang bisa ng paggamit nito ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin.

BALIKAN/PAGGANYAK

Sa nakaraang linggo ay napag-aralan mo ang akdang mitolohiya mula sa Rome,


Italy na may pamagat na “Cupid at Pysche”. Napatunayan ng mga pangunahing
karakter na ang matapat na pag-ibig ay nakaangkla sa pagtitiwala.

Ngayon, bigyang pansin mo ang larawan sa ibaba. Anong kwento ang


maiuugnay mo rito? Anong uri ng pag-ibig kaya ang nais nitong ibahagi sa iyo?

Gawain 1. Magsalaysay, Magkuwento


4
Panuto: Gumawa ng kuwento batay sa larawan. Gamitin ang kuwadradong balangkas
para mabuo ang iyong kuwento. Isaalang-alang ang sitwasyon/ tanong sa ibaba:

“Halimbawang may alaga kang 100 tupa, kaya mo bang iwanan ang 99 para hanapin
ang isang nawawala? Oo/ Hindi. Bakit?”

Kuwadro 1(Pagsisimula)

Kuwadro 2 Pagpapadaloy ng Pangyayari

Kuwadro 3 Pagwawakas

Gawain 2. Timbangin mo!


Panuto: Sa ginawa mong balangkas, aling pangyayari ang may katotohanan, may
kabutihan at nagpapakita ng kagandahang asal?

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG ASAL

TUKLASIN

Bilang pangalawang araw ng ating aralin, matutuklasan mo ang mga


mahahalagang konsepto kaugnay sa akdang pampanitikang parabula na mula sa Syria.

Ngayon, para lalo mong maunawaan ang ganda at halaga ng isang parabula,
basahin mo nang malakas sa harap ng iyong magulang, kapatid at o di kaya ay sa
kamag-anak, ang parabulang “ Ang Tusong Katiwala”. Nais kong bigyan mo ng pansin
ang pagkakahabi ng mga pangyayari

Ang Tusong Katiwala


5
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na


may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-
arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko
tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin
na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin
ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal
ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin!
Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang
tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong
niya ang una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?” 6) Sumagot ito, ‘Isandaang
tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t
palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang
isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto
ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng
amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa
paggamit ng mga bagay ng mundong ito. 9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita,
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit
na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit
na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa
inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang
panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran
nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng
sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya
nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila,
“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao
ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

SURIIN/ TALAKAYIN

6
GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit
sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula.
Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag at isulat ito sa patlang
bago ang bilang.
___________1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa
kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
___________2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”
___________3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa.
Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos.”
___________4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong
ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos
na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”
___________5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

lungkot galit nagpapaalala

pagtataka pagkaawa pagkamangha

GAWAIN 4: Pag-unawa sa Akda


Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.


___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong
may obligasyon sa kaniyang amo? Tama ba ito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala na
magtrabaho sa iyong kompanya? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa


kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

7
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi ang
iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?


___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

7. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig ipahatid ng binasang
parabula?
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________
8. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________
9. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng mensahe
nito? Patunayan.
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

10. Ano ang katangian ng parabulang binasa kung ihahambing sa ibang akdang
pampanitikan gaya ng mitolohiya? Magbigay ng patunay. Gamitin ang dayagram sa
pagsagot.

Parabula Mitolohiya

Katangian Katangian

Patunay Patunay

Alam mo ba na...

ang parabula.ay isang akdang pampanitikan na umaakay sa tao sa matuwid na


landas ng buhay.
Sinasabing ito ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa
mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ito ay buhat sa salitang Griyego na
parabole na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang

8
pagtularin. Nakilala ang parabula sa mga naging kuwento ni Hesus sa pagbabahagi
ng salita ng kinikilalang Diyos. Gumagamit ito ng Tayutay na Pagtutulad at
Metapora upang bigyang-diin ang kahulugan.
Ang Syria ay isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Ito ay nasa hangganan
ng Lebanon, Israel, Jordan, Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalang “Syria” ay
dating magkasingkahulugan sa Levant na kilala sa Arabic bilang al-sham, habang
sumasaklaw sa mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang mga sinaunang
kaharian at imperyo nito.
-(wikipedia.org).

ISAISIP

Inaasahan kong nagkaroon ka na ng pagpapahalaga at pag-unawa sa binasang


parabula at kung paano nakatutulong ang pang-ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensahe ng parabula.

Tandaan na ang parabula ay maikling salaysay na may kakayahang


magturo na kinikilalang pamantayang moral at karaniwang batayan ng mga
kuwento. Ito ay nasa mga Banal na Kasulatan, may realistikong banghay at ang
mga tauhang gumaganap ay tao. Kung babanggit man ito ng mga tauhan na
bagay o hayop ay nanatili ito sa orihinal na katangian at hindi pinagsasalita na
parang sa tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring
may sangkap ng misteryo.

ISAGAWA

Ang parabula ay naglalahad ng makatotohanang pangyayari na naganap.


Nagsisilbi itong patnubay sa iyo at ang aral na mapupulot rito ay lumilinang sa mabuting
asal. Kapansin-pansing ang mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang
pahayag.

GAWAIN 5 Mga Bahagi… Suriin


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, suriin ang mga pangyayari sa parabula
batay sa nilalaman, kakanyahan at elemento nito. Kopyahin ang grapikong
presentasyon sa hiwalay na papel. Isulat ang iyong sagot sa angkop nitong kahon.
NILALAMAN ELEMENTO KAKANYAHAN

PARABULA

9
PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 6: Ugnayang Pangyayari


Panuto: Gamit ang talahanayan, isulat ang mga pangyayari sa parabula na maaaring iugnay sa
iyong sariling karanasan o sa tunay na buhay.

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa sariling karanasan

Aralin “Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay”


1.4 PAGSASANIB NG GRAMATIKA

10
ALAMIN

Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


1. naiisa-isa ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay;
2. nakagagamit ng angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay--
pagsisimula, pagpapatuloy o pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas ; at
3. nakasusulat ng isang pagsasalaysay gamit ang mga angkop na pang-ugnay.

BALIKAN/PAGGANYAK

Ngayon ang iyong ikatlong araw para sa paksang parabula. Kahapon ay malinaw
mong naipaliwanag ang halaga nito sa buhay ng tao. Magsalaysay ka nga ng isang
parabulang nabasa.

Gawain 7. Magsalaysay ka!


Panuto: Isulat mo ang pamagat ng parabulang nabasa at ang mahalagang aral na
natutuhan. May 3-5 pangungusap lamang.

____________________________________
Pamagat

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Paano mo sinimulan ang iyong pagsasalaysay?


___________________________________________________________________
May mga ginamit ka bang salita o pang-ugnay para sa mas maayos na
pagkakasalaysay? Magbanggit ng halimbawa_______________________________

TUKLASIN

11
Narito ang isa pang halimbawa ng parabula. Basahin at unawain. Pansinin ang
mga ginamit na mga pang-ugnay para sa maayos na pagsasalaysay.

Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng
kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal
ng bukirin. Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang
kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon,
tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina.
Sa una’y nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa
apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang
nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang
palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa
panghuli, butil ng kape ang inilahok.
“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape
na aking inilahok?” tanong ng ama.
“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.
Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at
pinalapit ang anak sa mga palayok.
“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.
“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama
na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na
buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.
“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.
Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng
carrot, itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig
subalit iba-iba ang naging reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit
matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa
kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong
nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng
kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito
ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak. “Ngayon, nais kong ikintal
mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa
buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay
magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.
“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating
ang pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog
na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may
mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang
pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon
ng matigas na kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa

12
nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa
kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape,
nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.
“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa
oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga
pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.
“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?”
Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o
nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok.
Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot
ng di magagandang pangyayari?
“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli
ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng
kape…” katulad mo mahal na ama.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o nag-iisa- isa


ng mga impormasyon o pangyayari. Bigyang-pansin ang mga salitang may salungguhit
upang higit itong maunawaan.
Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring
kinalabasan ng pangyayari.

SURIIN/TALAKAYIN

GAWAIN 8: Pag-unawa sa Nilalaman


Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

1. Paghambingin ang katangian ng butil ng kape, carrot at itlog nang ang mga ito ay
hindi pa at pagkatapos inilahok sa kumukulong tubig.

Butil ng kape Carrot Itlog

2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging


reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?

13
3. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng maliwanag na
pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.

4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.

6. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa kwento ng “Mensahe ng Butil ng


Kape”. Ano-ano ang naidudulot ng mga ito sa naging pagsasalaysay ng ama sa
anak? Patunayan.

Alam mo ba na...

ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang


pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:

a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod- sunod
ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga
salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa,
at gayundin.

b. Pagpapahayag ng mga may kaugnayang lohikal


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng sanhi at bunga,
paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at

14
kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at
kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na
kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

ISAISIP

Malaki ang nagagawa ng mga pang-ugnay o panandang pandiskurso para


mas maging maayos ang pagkakasalaysay ng mga parabula. May mga pananda
na nagdaragdag at napag-iisa-isa ang mga impormasyon at meron din namang
nagpapahayag sa lohikal na pagkakaugnay.

ISAGAWA

Pagsasanay 1: Basahin ang pagsasalaysay batay sa binasang parabula. Piliin ang


angkop na pang-ugnay na nasa loob ng panaklong at isulat ang iyong sagot sa hiwalay
na papel.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala


ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2. (Unang,
Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis. 3. (Saka,
Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 4. (Gayundin, dahil sa) ang
ginawa sa isa pa. Ginawang walumpong kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5. (Dahil
sa, Upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN

Pagsasanay 2
Panuto: Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon. Kopyahin ang pormat sa
hiwalay na papel.

1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula? Nakatutulong ba


ang pag-unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito?
15
Pag-unawa

Kahalagahan

Parabula

2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang


maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

TAYAHIN

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem.


Itiman ang bilog na may titik ng iyong napiling sagot. Gamitin ang sagutang papel sa
huling bahagi. Gupitin ito at ipasa.

16
1. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar
_______, marami ang nagsasabi na hindi siya karapat-dapat na
mahalal bilang susunod na kapitan ng barangay. Ano ang angkop
na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang
pangungusap?
A. tiyak B. dahil sa C. subalit D. kung gayon
2. Marami ang nagnanais na mabakunahan upang tuluyang
makaligtas sa makamandag na COVID-19. Nakakalungkot ang
ilang balita na ______________, may iilan pa ring nababawian
ng buhay. Anong panandang pandiskuro ang angkop sa patlang?
A. sa wakas C. pagkaraan ng sandali
B. sa dakong huli’y D. pagdating ng panaho’y
3. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-
tulugan. Alin ang tamang isulat na ekspresiyon na nagpapahiwatig
ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa kabilang dako C. Sa ganang akin
B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala
4. Ito ay akdang pampanitikang nagsasalaysay na may hangaring
akayin ang tao sa tuwid na landas na hango sa mga banal na
kasulatan.
C. Mitolohiya C. Parabula
D. Nobela D. Sanaysay

5. Ang salitang parabula ay mula sa salitang Griyego na ________.


B. al-sham B. bible C. parable D. parabole
6. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na katangian ng isang
parabula?
A. isang kuwentong nagsasalaysay
B. mga kuwentong hango sa banal na kasulatan
C. inaakay ang tao sa tuwid at tamang landas ng pamumuhay
D. ang mga gumaganap na tao at mga bagay ay nagkakaroon ng
kakaibang kapangyarihan
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pagkatakot?
A. At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba,
sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”
B. “May taong mayaman na may isang katiwala. May
nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-
arian.”
C. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos.”
D. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa
upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan.”
8. Saan talaga mahahanap ang mga parabula?

17
A. Bibliya B. Koran C. Bagong Tipan D. lahat ng nabanggit.
Para sa bilang 9-11
Tukuyin kung ang bahagi ng parabula o tekstong nagsasalaysay ay nagsasaad ng:
A. pagsisimula C. pagpapatuloy ng mga pangyayari
B. pagwawakas D. hindi nabanggit sa mga pagpipilian

9. Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo.


Tinanong niya ang una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?”
10. May nagsumbong sa isang amo na nilulustay nito ang kaniyang
ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba
itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.
11. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa
harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong
mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay
kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
12. Anong damdamin ang lumilitaw sa pahayag na “Nagpapanggap
kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos
ang nilalaman ng inyong mga puso.”
A. naiiyak C. nalilito
B. nagtataka D. nagpapaalala

13. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap


ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong ______________.
A. sanhi at bunga C. paraan at resulta
B. paraan at layunin D. layunin at resulta
Para sa bilang 14-15. Tukuyin kung anong kagandahang asal ang itinuturo ng mga
bahagi ng parabula.

14. Nang mapansin ng magpapastol na kulang ng isa ang kanyang


mga tupa ay iniwan niya ang 99 na tupa at hinanap ang isang
nawawala.A.
A. Ang bawat tupa ay mahalaga sa magpapastol
B. Pinakapaborito ng magpapastol ang nawalang tupa
C. Ang nawawalang tupa ay may karamdaman kaya hinanap
ttalaga ng magpapastol
D. Lahat ng ng mga nabanggit
15. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang
panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang
ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan.”
A. IIsa lang ang Panginoon na dapat paglingkuran.
B. Maaaring maglingkod ng sabay ang tao sa Diyos at sa
kayamanan.”

18
C. Maiging panghawakan ng tao ang kanyang kagustuhan sa
kayamanan.
D. Wala sa mga nabanggit

Sanggunian:
Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Pangalan:_________________________ Asignatura ________Iskor: ____/ 15


Seksyon: _________________________ Petsa ng pagsagot:______________

1. 6. 11.

2. 7. 12.

3. 8. 13.

4. 9. 14.

5. 10. 15.

Iniwasto ni:
Pangalan, lagda ng guro at petsa ng pagwawasto
SUSI NG MGA SAGOT

19
IKA-SAMPUNG(10) BAITANG
UNANG MARKAHAN

MGA SUSING SAGOT SA IBA’T IBANG GAWAIN

Modyul 3

Paalala: Ang ibinigay na mga sagot sa iba’t ibang gawain ay ilang susing salita
lamang kaya marapat na madagdagan o maipaliwanag ng maigi ng iyong guro
o sino man na makakatuwang mo sa higit na pag-unawa at pagkatuto..

BALIKAN/PAGGANYAK

Anong kwento ang maiuugnay mo rito?


Hal. Pagmamahal ng Diyos sa kanyang nasasakupan

Anong uri ng pag-ibig kaya ang nais nitong ibahagi sa


iyo? Hal. Pagmamahal ng magulang sa anak.

Gawain 1. Magsalaysay, Magkuwento


Nakadepende sa iyo ang pagsagot na magpapakita sa kakayahang
magsalaysay ayon sa paano magsimula, magpatuloy of magbigay daloy at
pagwawakas

Gawain 2. Timbangin mo!


Nakadepende sa guro ang pagsagot ng estudyante eerna magpapakita sa
kakayahang magsalaysay ayon sa paano magsimula, magpatuloy of magbigay
daloy at pagwawakas

Suriin
1. pagtataka
2. galit
3. lungkot
4. nagpapaalala
5. pagkaawa

20
GAWAIN 4: Pag-unawa sa Akda
1. Nalaman ng amo na nilulustay nito ang kayamanan kaya pianapagawa
ito ng ulat sa mga may utang sa amo.

2. Gusto nitong patunayan at pasubalian ang nalaman ng amo kaya


pinababaan ang utang para hind na magalit ang amo at hindi na
magsumbong ang mga ito.

3. Para sa akin ay hindi na po. Kapag ikaw ay taong hindi


mapagkatiwalaan sa maliit na bagay ay lalong magiging mandaraya sa
malalaking bagay.

4. May mga taong hindi umaamin sa kanilang kasalanan at gagawa ng


paraan para matakpan ang kanilang pandaraya.

5. Ipapatawag at pagagawain ng ulat. Hahauaan ko rin na magpaliwanag at


pagsisihan na nya ang kanyang nagawa. Kung hindi man magsisi ay
sasampahan ko siya ng kaso.

6. Kailangan tayong maging matapat at maging maingat sa yaman na


ipinahiram sa atin. Matutong pahalagahan ang mga bagay na ipinagkatiwala
sa atin.

7. Para lumago ang ating buhay at pagkatao, dapat maging matapat sa


ating ginagawa.

8. Para sa akin, nakita ko sa bahaging hulihan na ipinaliwanag na


ang mensaheng nakapaloob nito.

9. Sa pagkakaroon ng maayos na pagsasalay at paggamit ng mga


pahayag na magsasaad sa tamang pagkakasunod-sunod.

10. Ano ang katangian ng parabulang binasa kung ihahambing sa ibang


akdang pampanitikan gaya ng mitolohiya? Magbigay ng patunay.

Gamitin ang dayagram sa pagsagot.

21
Parabula Mitolohiya

Katang Katangian
ian Kuwento na mga diyos/a ang
tauhan
Mga kuwento/salaysay mula

Patunay Patunay

Kagaya ng mga kwento na Kilala sina Zeus, Venus at iba


ginamit ni Hesus pa.

ISAGAWA

GAWAIN 5 Mga Bahagi… Suriin


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, suriin ang mga pangyayari sa
parabula batay sa nilalaman, kakanyahan at elemento nito. Isulat ang iyong sagot
sa angkop nitong kahon.

NILALAMAN ELEMENTO KAKANYAHAN


Nalaman ng amo na Nagsasalaysay ng Gumagamit ng
nilulustay ng kanyang alipin
ang kanyang ari-arian kaya analohiya o hindi
pangya
pinatawag ito. Pinag-ulat lantad ang kahulugan
Ang Tusong ngunit nakaisip ng paraan ang
yari May ng mga
alipin para maisagawa ang
Katiwala listahan. matatalinghagang
banghay
Pinaliitan nito ang halaga
PARABULA ng
pagkakautang. Talagng di pahayag
pagkatiwalaan ang alipin .
sa

22
PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 6: Ugnayang Pangyayari


Panuto: Gamit ang talahanayan, isulat ang mga pangyayari sa parabula na
maaaring iugnay sa iyong sariling karanasan o sa tunay na buhay.

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa sariling karanasan


Hal. Sa halip na umamin sa kanyang
Hal. Pinagawa ng ulat ang alipin ng amo kasalanan ay lalo pa itong
kaugnay sa kanyang ari-arian nagsinungaling sa ginawang paglilista

Gawain 7. Magsalaysay ka!


Panuto: Isulat mo ang pamagat ng parabulang nabasa at ang mahalagang aral
na natutuhan. May 3-5 pangungusap lamang.
Nakadepende sa sasagot kung anong parabula ang nabasa o napanood na.

Pamagat

Paano mo sinimulan ang iyong pagsasalaysay?


Paggamit ng mga salitang palatandaan ng pagsasaad ng tama at
maayos na pagkakasunod-sunod.
May mga ginamit ka bang salita o pang-ugnay para sa mas maayos na
pagkakasalaysay? Magbanggit ng halimbawa: Sa una, sa kabilang dako
atbp

SURIIN/TALAKAYIN

23
GAWAIN 8: Pag-unawa sa Nilalaman
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

1. Paghambingin ang katangian ng butil ng kape, carrot at itlog nang ang mga
ito ay hindi pa at pagkatapos inilahok sa kumukulong tubig.

Butil ng kape Carrot Itlog


Matigas ngunit May matigas ngunit
Maliit na matigas ngunit lumambot maputing balat at may
natunaw at kumalat ang pagkatapos lamang likido na tumigas
kulay at amoy sa mainit maisalang sa pagkatapos maisalang sa
na tubig kumukulong tubig kumukulong tubig

2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang


naging reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay
ng tao?

Ang butil ng kape ay parang katangian ng tao na kayang makiayon sa pagharap


ng mga hamon ng buhay. Ang Carrot ay matigas na parang tao na malakas
ngunit napanghihinaan ng loob kaya lumambot kapag nahaharap sa suliranin
ng buhay. Ang itlog naman na parang tao na nagtataglay ng busilak na
kalooban ay maaring mapalitan ng paninigas o pamamanhid kapag nahaharap
sa mga suliranin o sa mga panghahamak ng kapwa

3. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng


maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.

Para sa akin ay oo, dahil naging malinaw ang katangian na ginamit sa butil ng
kape, carrot, itlog at gayundin sa kumukulong tubig na nagsisimbolo sa mga
problema suliranin at hamon na kinakaharap ng tao.

4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

Gusto kong tularan ang butil ng kape.

5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.

24
Butil ng kape-pakikibagay at pakikiayon para malagpasan ang problema, carrot-
animoy matigas ngunit napanghihinaan ng loob, itlog-may balat na matigas
ngunit manipis, may busilak na kalooban ngunit maaring manigas o mamanhid
sa panghahamak o sa harap ng suliranin at kumukulong tubig-kumakatawan sa
mga dagok o hamon ng buhay

6. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa kwento ng “Mensahe ng


Butil ng Kape”. Ano-ano ang naidudulot ng mga ito sa naging pagsasalaysay
ng ama sa anak? Patunayan.

Nagbibigay ito ng mas maayos at malinaw na pagsasalaysay ng mga pangyayari

ISAGAWA

Pagsasanay 1: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang


parabula. Salungguhitan ang angkop na pang-ugnay na nasa loob ng
panaklong.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang


katiwala ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong. 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na
isandaang tapayang langis. 3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu
ang kasulatan. 4. (Gayundin, dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang
walumpong kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5. (Dahil sa, Upang)
katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN

Pagsasanay 2
Panuto: Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon.

1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula?


Nakatutulong ba ang pag-unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang
pinagmulan nito?

25
Pag-unawa
Pagiging tapat
at paano
humarap sa mga
Ka hamon ng
halagahan buhay

Nag-iiwan sa
mga mambabasa ng
mahahalagang aral na
pwedeng maiugnay sa
totoong buhay
Parabula

2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang


mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?

Sa pamamagitan ng mga ito ay lalong nagkakaroon ng mas maayos


at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Gayundin mas
napapadali ang pag-unawa ng binabasa.

26

You might also like