You are on page 1of 12

10

Filipino
Quarter 1 Week 2
Aralin Ang Katotohanan, Kabutihan at Kagandahang
Asal sa Parabula
2 Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Mga Inaasahan
Sa ikalawang aralin, babasahin mo ang isang akdang pampanitikan
na nagmula sa bansang Syria. Ang mabubuting mensahe na iyong matututuhan ay
magiging gabay mo para sa isang matalinong pagpapasya sa buhay. Bahagi rin ng
aralin ang pagtalakay sa mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas).
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, matatamo ang sumusunod
na kasanayan.

1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad


ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. (F10PN-IB-C-63)
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda
gamit ang mga ibinigay na tanong at binasang mitolohiya.
(F10PB-IB-C-63)
3. Nabibigyang-puna ang estilo ng may akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda, at ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin. (F10PT-IB-C-62)
4. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at
pagwawakas). (F10WG-IB-C-58)

Sa araling ito, hayaan mong subukin muna ang iyong kakayahan sa


pamamagitan ng pagsagot sa unang gawain.

Paunang Pagsubok
Basahin ang nilalaman ng parabula at sagutin ang kasunod na
mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Suriin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o
tindi ng kahulugang ipinahahayag.

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin


(Mako 25:14-30)

Filipino 10-Q1-W2 1
May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang
alipin upang pamahalaan ang kaniyang ari-arian. Binigyan niya ng pera ang bawat
isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang unang alagad ay binigyan niya ng limang
libong salaping ginto, dalawang libong ginto naman sa ikalawang alipin, at isang
libong salaping ginto sa ikatlo.
Agad namang tumalima at kumilos ang unang alipin, ipinangalakal niya ang
salapi at kumita ng limang libong salaping ginto. Gayundin ang ginawa ng
ikalawang alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi ng dalawang libong ginto.
Subalit ang tumanggap ng isang libong piso ay humukay sa lupa at itinago
ang salaping ginto. Dumating na ang panahon ng pagbabalik ng kanilang
panginoon at pinag sulit ang bawat isa.
Lumapit ang unang alipin at buong pusong ipinagmalaki ang kaniyang
kinita. Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting
lingkod! Naging tapat ka sa malaking halaga.” Sumunod ang ikalawang alipin at
isinulit ang kaniyang kinita, natuwa naman ang panginoon at sinabing, “Magaling!
Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa maliit na halaga.” Lumapit naman
ang ikatlong alagad at sinabing, “Alam ko pong kayo‟y mahigpit, natakot po ako
kaya‟t ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto po ang inyong salapi.”
Nagalit ang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na lingkod, kunin
ninyo ang isang libong piso at ibigay sa may sampung libong salaping ginto.
Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa at magkakaroon ng sagana, ngunit ang wala
pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa, at siya ay ipinatapon sa
kadiliman.

1. Ang sumusunod na salita ay magkakaugnay. Isaayos ang mga ito ayon sa


tindi ng kahulugan nito. ( sakim, makasarili, ganid, gahaman )
A. makasarili, sakim, gahaman, ganid
B. sakim, ganid, gahaman, makasarili
C. ganid, gahaman, sakim, makasarili
D. gahaman, makasarili, sakim, ganid

2. Isaayos ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan. (galit, inis, poot, yamot)
A. galit, yamot, inis, poot
B. yamot, poot, galit, inis
C. poot, galit, yamot, inis
D. inis yamot, galit, poot

3. Natakot ang ikatlong alipin dahil sa hindi niya nasunod ang utos ng
panginoon. Ang salitang natakot ay nangangahulugang kinilabutan,
nagimbal, kinabahan. Iayos ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan.
A. kinilabutan, natakot, nagimbal, kinabahan
B. natakot, nagimbal, kinabahan, kinilabutan
C. kinabahan, natakot, kinilabutan, nagimbal
D. nagimbal, kinabahan, natakot, kinilabutan

4. Ano ang nais na iparating ng parabula na katulad sa tunay na buhay?

Filipino 10-Q1-W2 2
A. Kung may tiyaga, may nilaga.
B. Tayo ay may iba‟t-ibang talento, pagyamanin ito sa paraang ninais ng
Diyos.
C. Kailangang maging matibay upang mabuhay sa mundo.
D. Marami ang nanlalamang sa kapwa.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng parabula?


A. Tinatalakay ang pinagmulan ng isang bagay
B. Nagtuturo ng aral nang hindi tuwiran
C. Nagtuturo ng tamang gawi at asal
D. Ito ay salaysay na hango sa Bibliya

6. Batay sa nilalaman ng parabulang ito, pangunahing layunin nito ay


A. malibang ang bumabasa
B. matuwa sa pangunahing tauhan
C. magturo kung paano mabuhay
D. magturo ng aral sa buhay

7. Ano ang damdaming namayani sa ikatlong alipin matapos na tanggapin ang


salaping ipinagkaloob sa kanya?
A. natuwa C. natakot
B. nalungkot D. nagmalaki

8. Ano ang kaparusahang ibinigay ng panginoon sa ikatlong alipin?


A. ipinatapon sa kadiliman C. ipinalapa sa mabangis na hayop
B. ipinakulong D. pinalayas

9. Pagkatapos marinig ng panginoon ang ulat ng unang alipin, ito ay


A. nainis C. nagalit
B. natuwa D. nalungkot

10. Ipinangalakal ng unang alipin ang salaping ipinagkaloob sa kaniya ng


panginoon, ano naman ang ginawa ng huling alipin sa kaniyang salapi?
A. inilagak sa bangko C. nilustay
B. ipinautang sa kasamahang alipin D. ibinaon sa lupa

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral


sa nakaraang aralin.

Balik -tanaw
Balikan ang akdang Cupid at Psyche, kilalanin ang tauhang
tinutukoy sa bawat bilang. Titik lamang ang isusulat.

Filipino 10-Q1-W2 3
__________1. Bunsong anak ng hari at itinuturing
na pinakamaganda A. Venus
__________2. Ang Diyos ng propesiya na nilapitan B. Psyche
ng hari upang hingan ng tulong C. Cupid
__________3. Pinakamalakas at hari ng mga diyos at diyosa. D. Apolo
__________4. Tinuturing na Diyos ng pag-ibig. E. Jupiter
__________5. Diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang
ibong maiuugnay sa kaniya.

Pagpapakilala ng Aralin
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa parabula bilang isang
anyo ng sinaunang panitikan.

A. Ang Parabula Bilang Isang Anyo ng Sinaunang Panitikan


Parabula – isang maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa
banal na kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may
sangkap na misteryo.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et.al. 2008, Texas US

Ngayon ay naunawaan mo na ang katuturan at katangian ng


parabula, maaari mo ng basahin ang isang halimbawa nito mula sa bansang
Syria.

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-
arian. 2) Kaya‟t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, „Ano ba itong naririnig
ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.‟ 3) Sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili,
„Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na
ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa
akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong
niya ang una, „Magkano ang utang mo sa aking amo?‟ 6) Sumagot ito, „Isandaang
tapayang langis po.‟ „Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka‟t
palitan mo, gawin mong limampu,‟ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya
ang isa, „Ikaw, gaano ang utang mo?‟ Sumagot ito, „Isandaang kabang trigo po.‟

Filipino 10-Q1-W2 4
„Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,‟ sabi niya. „Isulat mo, walumpu.‟ 8)
Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.
Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa
mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya‟t sinasabi ko sa inyo,
gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong
mga kapwa upang maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan
din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga
kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na
kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba,
sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13) “Walang aliping maaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon
sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng
sabay sa Diyos at kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila
si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya‟t sinabi niya sa kanila, „
Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao
ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

B. Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay (Pagsisimula,


pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas)

Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na may layuning


magkuwento ng mga pangyayaring maaaring nabasa, napanood o naranasan.
Ang mga pang-ugnay ay tumutulong upang mapag-ugnay ang mga
pangungusap at mga talata para mapakinis ang takbo ng pahayag at maiwasan
ang pagputol ng mga ideya.

Pagdaragdag at Pag-iisa ng mga Pagpapahayag ng mga Kaugnayang


impormasyon Lohikal

Pagkatapos Dahil sa
Saka Sapagkat
Unang Kasi
Sumunod na araw Kaya
Sa dakong huli Kung Kaya
Pati Kaya naman
Isa Pa Sa wakas
Gayon din
At

Ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso ang ginagamit sa


pagsusunod- sunod ng pangyayari. May mga angkop na pang-ugnay na

Filipino 10-Q1-W2 5
magagamit sa pagsasalaysay mula sa pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng
mga pangyayari at pagwawakas. Bigyan ng pansin ang ginamit na pang-ugnay sa
talata.

Noong una may isang nagsasaka na sagana sa buhay. Nabago ang kaniyang
pananaw nang minsang kumatok ang monghe sa kanyang tahanan upang
humingi ng limos. Nagpasya siyang iwan ang karangyaan at gayahin ang monghe.
Nang una ay nanibago siya. Minsan ay naaalala niya ang asarol na ginagamit niya
sa pagtatanim at itinago subalit binabalik-balikan pa rin niya ito. Paglipas ng ilang
taon ay nakapagdesisyon na ito, itapon ang asarol. Dahil sa kaniyang ginawa,
nakaramdam siya ng tunay na kaligayahan. Sa wakas ay napalaya na niya ang
sarili at nawala ang pagnanasa sa materyal na bagay.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi mo lubos na nauunawaan ay huwag kang mag-atubiling magtanong
sa iyong guro. Ngayon ay sagutin mo na ang mga gawain sa kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Bigyang puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit
sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga salita mula sa pinakamababa hanggang
sa pinakamataas na damdaming ipinahahayag, isulat sa loob ng talahanayan.
Ilagay sa ibaba ang unang salita, mga kasunod na salita hanggang sa huling salita
sa itaas ng baitang batay sa tindi ng kahulugan nito.
1. naiinis, nagagalit, nasusuklam, napopoot
2. nangangamba, naguguluhan, nalilito, tuliro
3. nalulumbay, nalulungkot, namamanglaw, namimighati
4. tumatangis, umiiyak, lumuluha, humahagulgol
5. natatakot, nasisindak, nangingilabot, nanginginig

Sagot:

1. 2 3

4 5

Filipino 10-Q1-W2 6
Gawain 1.2 Pag-unawa sa Binasa

1. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang katangian ng parabulang binasa sa ibang akdang pampanitikan?
Isulat sa dayagram ang sagot.

Parabula

Katangian

Patunay

4. Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Bibliya na may hatid na


aral sa mambabasa. Tinatawag din itong isang talinghaga. Gamit ang
grapikong presentasyon, suriin ang mga pangyayari sa parabula batay sa
nilalaman, kakanyahan at elemento.

Parabula Nilalaman Elemento Kakanyahan

5. Gamit ang chart na nasa ibaba, isulat ang mga pangyayari na maaaring
iugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sariling Karanasan

Mahusay! Natapos mo ang parabula at mga piling pang-ugnay sa


pagsasalaysay, narito ang dapat mong tandaan:

Filipino 10-Q1-W2 7
Tandaan
Matapos mong pag-aralan ang parabula at mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay, narito ang dapat mong tandaan.

Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Bibliya na may


hatid na aral sa mambabasa.
Ito rin ay nasa anyong patula o prosa. Tinatawag din ang parabula
bilang talinghaga, ang mensaheng nais ihatid nito ay hindi lantad
o tuwiran.
Ang parabula ay galling sa salitang Griyego na “parabula” na
nangangahulugang pagtatabi ng dalawang bagay upang
paghambingin.
Pasalita man o pagsulat, nakatutulong sa pag-unawa ng
mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang
nagsasama-sama, nag-uugnay ng isang ideya sa mga
kasunod na ideya.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


May mga pagkakataong hindi tayo nakapag-iisip o nakapag-
dedesisyon ng tama sa ating buhay dahil may mga bumabagabag sa ating
konsensya.
Dumating na ba sa iyo ang pagkakataong ito? Isalaysay ang isang
pangyayari sa buhay mo kung saan ikaw ang nakagawa ng maling pagpapasya
at kung paano mo ito iwinasto. Sundin ang sumusunod na pamantayan. Ilagay
ang sagot sa hiwalay na papel.

- Ito ay isang talata lamang.


- Nailahad ang isang pangyayari sa buhay.
- Gumamit ng mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay.

Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa sumusunod.

4 – Napakahusay 2 – Katamtaman
3 – Mahusay 1 – Dapat paunlarin

Filipino 10-Q1-W2 8
Pangwakas na Pagsusulit
A. Basahin ang nilalaman ng parabula at sagutin ang kasunod na
mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Ang Parabula ng Asarol

Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga


nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay
tinanong niya ang sarili kung bakit nagpapakahirap siya?
May isang mongheng kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip
niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masyadong responsibilidad.
Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at nag monghe
rin.
Pagkatapos niyang umalis ng bahay, naramdaman niyang walang kalaman-
laman ang kaniyang mga kamay. Nasanay kasi siyang laging hawak ang asarol
araw-araw at ngayon ay para siyang naninibago.
Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya
kung ano ang gagawin niya doon.
Nanghihinayang siyang itapon ang asarol dahil ito ay matalim at makintab
sa dalas nang gamit dito.
Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis siyang
muli.
Ang magsasaka ay nagpumilit maituwid ang mga kinakailangan para
maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa
kaniyang asarol tuwing mapapadaan siya sa isang taniman. Umuuwi siya at
hinihimas ang asarol pagkatapos ay babalik ulit siya sa templo.
Dumaan ang pito hanggang walong taon, naramdaman niyang tila hindi siya
masaya bilang malayang monghe pagkatapos niyang magpakabanal. Mayroong
sagabal at iyon ang nagpapabigat ng kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay,
kinuha niya ang asarol at itinapon sa lawa.
Pagkatapos lumubog ang asarol, tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka
nang, “Nanalo ako! Nagwagi ako!
Nang oras na iyon ay dumaraan ang hari at ang batalyon nito mula sa
matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong, “Ano ang
iyong napanalunan? Bakit napakasaya mo?”
“Natalo ko ang masamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na
ang aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa akin, bilang
isang nilalang.”
Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na
sa mga pagnanasa sa mga bagay na materyal.
Nag-isip din siya. “Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko
ang mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay.”

Filipino 10-Q1-W2 9
Naisip din ng hari na ang tunay na matagumpay ay ang karaniwang tao na
napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na makakapagpaligayang
pangmateryal.

1. Ang sumusunod na salita ay magkasingkahulugan. Isaayos ang mga ito


ayon sa tindi ng kahulugan: nanalo, nagwagi, nagtagumpay, nagkamit
A. nagtagumpay, nanalo, nagwagi, nagkamit
B. nagwagi, nanalo, nagtagumpay, nagkamit
C. nagtagumpay, nagwagi, nagkamit, nanalo
D. nanalo, nagwagi, nagkamit, nagtagumpay

2. Isaayos ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan: kinamkam, kinalas,


kinuha, kinulimbat
A. kinamkam, kinuha, kinalas, kinulimbat
B. kinuha, kinalas, kinulimbat, kinamkam
C. kinalas, kinulimbat, kinuha, kinamkam
D. kinalas, kinuha, kinulimbat, kinamkam

3. Pagsunud-sunurin ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan : pagnanasa,


pagnanais, pagkagusto, pagkahumaling
A. pagkagusto, pagnanais, pagnanasa, pagkahumaling
B. pagkahumaling, pagkagusto, pagnanais, pagnanasa
C. pagnanasa, pagkahumaling, pagkagusto, pagnanais
D. pagnanais, pagkagusto, pagnanasa, pagkahumaling

4. Ang kaisipang nais ipahatid ng parabula ay


A. makuntento sa bagay na mayroon tayo
B. maging masaya sa kabila ng paghihirap
C. matutong tumanaw ng utang na loob
D. magsikap sa buhay

5. Ano ang damdaming namayani sa hari pagkatapos niyang makausap ang


monghe?
A. nalungkot C. natuwa
B. nainggit D. walang buhay

B. Tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit sa mga pahayag na nasa Hanay A.


Titik lamang ang isusulat.

A B

1. Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa A. at


sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin

2. Tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang B. Pagkatapos


tapayang langis pagkatapos ito ay kaniyang
tinanong.

Filipino 10-Q1-W2 10
3. Kaya‟t ipinatawag niya ang katiwala at ito ay C. Kaya‟t
pinag-ulat.

4. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa D. Dahil sa


katalinuhang ipinamalas nito.

5. At tinanong naman niya ang isa pang katiwala, E. Sapagkat


“Gaano ang utang mo?”

Pagninilay
Bilang kinatawan ng inyong klase, ikaw ay naatasang bumuo
ng mga tuntunin (moral values) bilang isang huwarang kabataang
pandaigdaig. Gawing pamantayan ang tanong.

 Para sa iyo, ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang huwarang
kabataan para sa kasalukuyan?

Pamantayan sa Pagbuo ng Moral Values:

1. Kaugnay ng paksa ang binuong tuntunin.


2. Nagtataglay ng holistic na dulog na saklaw ang kabataan.
3. Gumamit ng payak na salita na madaling maunawaan at mga angkop na
pang-ugnay.
4. Nasunod ang pamantayan sa paggawa ng tuntunin.

Interpretasyon ng bawat puntos:

4 – Napakahusay ng pagkakasulat ng tuntunin


3 - Mahusay ang pagkakasulat ng tuntunin
2 – Katamtamang husay ng pagkakasulat ng tuntunin
1 – Kailangan pa ng pagsasanay sa pagsulat ng tuntunin

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroon


pang hindi naunawaan sa modyul na ito, maaaring makipag-ugnayan ka sa iyong
guro.

Filipino 10-Q1-W2 11

You might also like