You are on page 1of 6

Filipino 9

Kwarter: 3
Linggo: 1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY
Gen. Emilio Aguinaldo National High School – Imus City
Palico IV, City of Imus
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: __________________________


Guro: __________________________________________ Petsa: ________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang:___________________________ Iskor:______________________
KAGAWARAN NG FILIPINO
MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
FILIPINO 9

(MELC#61, PB) Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay
sa kasalukuyan.
(MELC#63, PT) Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag.
(MELC#69, PT) Natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pagtalakay sa ibaba.

Parabula(parabola) – isang maikling naratibo o salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na


karaniwang batayan ng mga kuwento sa banal na kasulatan. Realistiko ang banghay nito at ang mga tauhan
ay tao. Ito ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap na misteryo. Hinango ang salitang
parabula sa salitang Griyego na “parabolé” at “parabola” na Latin na nangangahulugang comparison o
paghahambing. Sadyang ang mga bagay na binabanggit dito ay hindi lantaran, kundi gumagamit ng mga
bagay, tao, hayop o pangyayari na maaari maihambing o maiugnay sa pamumuhay ng tao. Ang mensahe ng
parabula ay isinusulat sa patalihagang pahayag na hindi lamang lumilinang sa mabuting asal na dapat
taglayin ng tao kundi binubuo rin nito ang ating moral at espiritwal na pagkatao.

Narito ang isang halimbawa ng parabula:

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag- ikasiyam ng umaga at nakakita siya
ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “ Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan,
at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng
tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas
muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “ Bakit tatayu- tayo lang kayo dito sa buong
maghapon?” “Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta
kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at
bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay
tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon,
ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig- iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng
ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho
at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare- pareho ninyo ang aming upa!”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa
isang salaping pilak! Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad
ng ibinayad ko sa iyo, wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil
ako’y nagmagandang-loob sa iba?”
Ayon nga kay Hesus, “ Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

GAWAIN 1.A
Panuto: Suriin ang binasang parabula at isulat ang inyong sagot sa mga sumusunod na
katanungan/gawain.
A. Lagyan ng tsek() ang mga pangyayari sa totoong buhay sa kasalukuyan na maaaring
maiugnay sa pangyayari sa parabulang binasa. Iwanang blanko kung hindi.
______1. Pagkakaroon ng inggitan sa mga benepisyong natatanggap ng ibang manggagawa
______2. Pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng may-ari o tagapamahala at ng
manggagawa tungkol sa sweldo
______3. Hindi pagtupad ng mga namamahala sa ipinangakong pasweldo
______4. Ang ilan ay hindi nabibigyan ng pagkakataon o hindi napagkakatiwalaan sa
anumang trabaho kaya dumarami ang tinatawag na “tambay”
______5. Maraming negosyante o may ari ng pagawaan ang tuso at mapagsamantala sa
kahinaan at kawalang-kaalaman ng mga manggagawa

B. Piliin mula sa kahon sa ibaba ang tao/bagay/pangyayari na maaaring maihalintulad sa


binanggit sa parabula. Titik lamang ang isulat.
______6. May-ari ng ubasan
______7. Salaping pilak
______8. Haba ng oras ng pagtatrabaho/paggawa
______9. Kasunduang isang pilak bilang upa sa pagtatrabaho
______10. Pagrereklamo ng mga naunang nagtrabaho dahil ang huling dumating ay isang
oras lamang nagtrabaho at binigyan ng katulad nang sa kanila na isang pilak

A. Pagsisikap ng tao na mapabuti ang buhay at mapunta sa langit


B. Ang Panginoon
C. Pagkainggit ng tao sa biyaya ng kaniyang kapwa
D. Ang tapat na pangako ng Diyos na may biyayang nakalaan sa bawat mabuting gawa ng tao
E. Biyaya mula sa Diyos

Talinhaga
Ito ay ang pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan. Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Ang
talinhaga ay nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam na ng taumbayan.
Ang talinhaga ay ang mismong larawan ng kamalayan ng manunulat. At isa sa madalas na gamiting
talinhaga ay ang pagpapahayag na patayutay o tayutay.
Ayon kay Lope K. Santos, ang talinhaga ay hindi lamang sumasakop sa mga tayutay kundi sa
kabuuang retorika at poetika na tumatalakay sa sari-saring pamamaraan ng pamamahayag nito.
Inuri rin ni Lope K. Santos ang talinhaga sa dalawa:
1. Mababaw na talinhaga – ito ay madaling maunawaan ng mambabasa
Hal.
a) buhay na walang katapusang pasakit – ito ay eksaherasyon ng naparaming mga
suliraning dumating sa buhay
b) ang tahanang paraisong maituturing – isang paraiso ang isang lugar kung saan lahat
ng makikita mo ay kaaya-aya, payapa rito at masaya kung kaya ang ibig ipakahulugan
ng talinhaga ay nagtatamasa ng kapayapaan at kaligayahan ang pamilya.
c) Tila isang sementeryo ang plaza – sobrang tahimik, wala halos tao
d) Daig pa ang tumama sa lotto – masayang-masaya, nagdiriwang

2. Malalim na talinhaga – nangangailangan ng malalim na pag-iisip at tuon upang


maunawaan ang kahulugan.
Hal.
a) unti-unting natutuklap ang langib ng kahapon – kapag natuklap na ang langib ng
sugat, ito’y nagsisimula nang maghilom, kung kaya kung “kahapon” o nakaraan ang
pinag-uusapan, ang ibig sabihin nito’y, unti-unti nang nakakalimutan ang sakit na
naging bunga ng masamang pangyayari sa nagdaang panahon.
b) naaaninag ni Mang Rupio ang pagkaway ng maitim na anino ng hukay
pagkaway – paglapit/pagpaparamdam/napipintong pagdating
maitim na anino – nakatatakot, iniiwasan
hukay – kamatayan
- ibig lamang ipakahulugan na nararamdaman ni Mang Rupio na malapit na siyang
mamatay, at pinangangambahan at kinatatakutan niya ito
Parabula ng Sampung Dalaga
Ang “Parabula ng Sampung Dalaga” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo
kabanata 25 talata 1 hanggang 13 (Mateo 25:1-13).
Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad sa talinghagang ito. Mayroong sampung
dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila ay may dalang ilawan. Lima
sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang lima ay hangal. Bagama’t may dala-dalang ilawan
ang limang dalagang hangal, wala naman silang baon na langis na reserba. Kabaligtaran naman ng
limang dalagang matatalino dahil bukod sa kanilang ilawan na dala ay mayroon pa silang baong
langis.
Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay inantok at
nakatulog sa paghihintay. Nang maghatinggabi na ay may sumigaw at sinabing, “Narito na ang
lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!” Mabilis na bumangon ang sampung
dalaga at agad na inayos ang kani-kanilang ilawan. Napansin ng mga dalagang hangal na aandap-
andap na kanilang ilawan kaya naman sila’y humingi ng langis sa mga dalagang matatalino.
Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na pumunta na lamang ang mga hangal sa tindahan upang
bumili ng langis dahil baka hindi magkasya sa kanilang lahat ang dala nilang langis. Kaya naman
agad na lumakad ang limang babaeng hangal upang bumili ng langis. Di nagtagal ay dumating ang
lalaking ikakasal at ang nasumpungan niyang limang dalaga ay kasama niyang pumasok sa
kasalan saka isinara ang pinto.
Pagkaraan ay dumating ang limang dalagang hangal at nakiusap ng, “Panginoon, panginoon,
papasukin po ninyo kami!” Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino ba kayo?
Hindi ko kayo kilala.”
Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang
araw ni ang oras.”

GAWAIN I.B
Panuto: Suriin ang mga ginamit na talinhaga sa parabulang binasa. Piliin ang pinakamalapit
na kahulugan ng mga talinhagang may salungguhit. Isulat ang titik ng inyong sagot Sumulat
ng sariling pangungusap gamit ang mga talinhaga sa bawat bilang. Tiyaking patalinhaga at
HINDI LITERAL ang paggamit ang lilikhaing pangungusap.
________1. Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat
sila ay may dalang ilawan.
A. nag-aanyo at nagsasabing sila’y nakahanda sa magaganap
B. binigyan ng kani-kaniyang talento upang gamitin at palaguin
C. nagsasabing sila’y mananampalataya at sumusunod sa Banal na Kautusan
Sariling pangungusap (dalang ilawan/ilawan)_____________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

________2. Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala naman silang baon
na langis na reserba.
A. Hindi nila akalain na matatagalan sila sa paghihintay
B. Ang kanilang puso at kaluluwa ay hindi totoong nakahanda sa pagdating ng Panginoon
C. Masasama silang tao at walang malasakit sa kapwa
Sariling pangungusap (langis na reserba)_________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

_______3. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay inantok at
nakatulog sa paghihintay.
A. Likas sa tao na hindi tumupad sa kanyang naipangako
B. Dumarating sa buhay ng isang tao na siya’y nanghihinawa at napapagod sa paggawa ng
mabuti
C. Kapag walang nagpapaalala sa isang tao, laging nariyan ang temptasyon sa paggawa ng
masama
Sariling pangungusap (inaantok/nakatulog sa paghihintay)_______________________________________
__________________________________________________________________________________________________

________4. Napansin ng mga dalagang hangal na aandap-andap na kanilang ilawan kaya naman
sila’y humingi ng langis sa mga dalagang matatalino.
A. May pagkukulang sila sa kanilang buhay-pananampalataya
B. Kulang ang langis sa kanilang dalang mga ilawan
C. Nalilito sila at nangangamba sa maaaring kahinatnan ng kanilang buhay
Sariling pangungusap (aandap-andap na ilawan)__________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

_________5. Pagkatapos nito’y sinabi ni Hesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam
ang araw ni ang oras.”
A. Maging laging gising, pakaabangan ang pagdating ng Panginoon
B. Huwag magpakaabala sa maraming bagay, ituon ang sarili sa pagbabantay sa muling
pagdating ng Panginoon
C. Magsisi sa kasalanan at magbalik-loob sa Diyos dahil hindi natin alam kung hanggang saan
at kailan ang ating buhay
Sariling pangungusap (magbantay/araw at oras)__________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

ETIMOLOHIYA
• Kasaysayan ng pinagmulan ng salita; saan nagmula, paano umunlad, paano nabuo
(Merriam Webster Dictionary)
• Kasaysayan ng pinagmulan ng salita, pagkakabuo sa salita, pagbabago sa pagdaan ng
panahon at gayundin ang deribasyon (Britannica)
➢ pinagmulan ng salita – halimbawa ;a)parabula- hango sa salitang Griyego na
“parabolé” at “parabola” na Latin na nangangahulugang comparison o paghahambing,
Old French na parabole, Old English na parabola at parable ng Middle English (kung
kaya sa parabula may ginagamit na paghahambing sa mga bagay,tao o pangyayari sa
gawi o buhay ng tao); b)
➢ deribasyon - pagbuo ng bagong salita sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
panlapi, halimbawa, bato→binato (nilagyan ng gitlaping -in- ang salitang ugat
na bato, ang nabuong salita ay isa nang pandiwa perpektibo o pangnagdaan,
tapos na kilos) bato→batuhan(nilagyan ng hulaping -han ang ang “o” sa bato ay
pinalitan ng “u”, ang salita ay nanatiling isang pangngalan/noun na
nangangahulugang isang lugar na maraming bato)

GAWAIN I.B
Panuto: Suriin ang mga halimbawa ng pagtukoy sa sa pinagmulan/pagkakabuo(deribasyon) ng
bawat nabuong salita. Gawin itong gabay upang mapunan ang kinakailangang impormasyon
sa bawat hanay/kahon.
Deribasyon
Pantig/
bahagi
Salitang ng Kahulugan
unlapi gitlapi hulapi salitan Nabuong Salita
ugat g ugat
na
inulit
Ubas ubasan Taniman ng ubas/ lugar na
-an
(pangngalan) (pangngalan) pinagtatamnan ng ubas
ikakasal
(pangngalan)taong nakatakdang ikasal
(pangngalan/pa
kasal i-
ka ndiwang
(pangngalan) (pandiwa) mangyayari pa lamang ang
kontemplatibo o
kasal
panghinaharap)

kaharian
(pangngalan)

binayaran
(pandiwa)

nagkasundo
(pandiwa)
kabaligtaran
(pangngalan)

Pinayuhan
(pandiwa)

REPLEKSYON 3.1
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag. (10 puntos)

1. Ang pinakamahalagang natutunan ko na magagamit ko sa aking buhay mula sa parabulang “Ang Talinhaga

Tungkol sa May-ari ng Ubasan” ay ________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________.

2. Ang pinakamahalagang natutunan ko na magagamit ko sa aking buhay mula sa “Parabula ng Sampung

Dalaga” ay _______________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________.

Sanggunian:

Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa FILIPINO 9

You might also like