You are on page 1of 7

9

Learning
sa Activity9Sheet
Filipino
KUWARTER 3
Pagpapatunay ng mga Pangyayari sa Parabula
na Maaaring Maganap sa Tunay na Buhay
sa Kasalukuyan.

REGION VI-KANLURANG VISAYAS N


A
A LA I
L
AH IBI
A M B
P AG
G N
I N IPI
AR DI
A HIN
G-
PA
Filipino 9
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 1
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 9

Manunulat: MARYJEAN B. VALLENTE


Tagaguhit : Jerome Jordan Z. Ponsica
Tagalapat : Eldiardo G. Dela Peña

Division Quality Assurance Team


Diana P. Agupasa Perly M. Mapa
Cynthia C. Caspe Angela Mae D. Lim
Rosie Cabus Marie Antoniette M. Villar
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora., CESO VI
Atty. Fevi S. Fanco, EdD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alicia M. Geroso
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga, PhD
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

MABUHAY!
Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng
sama-samang pagtutulungan ng Dibisyun ng Escalante at Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum
and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain
Kuwarter 3, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan: _________________________________ Grado at Seksiyon: _________

Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

Pagpapatunay ng mga Pangyayari sa Parabula na Maaaring Maganap sa


Tunay na Buhay sa Kasalukuyan.

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay


na buhay sa kasalukuyan. (F9PB – IIIa – 50)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Sa bahaging ito ng aralin ay makikilala mong ganap ang mga akdang pampanitikang
lumalaganap sa Kanlurang Asya partikular na ang parabula. Nasasalamin ang kultura
gayundin ang mithiin, paniniwala, at pananampalataya sa mga pasulat at pasalitang
panitikan ng isang bansa. Sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda para sa iyo, alam
kong masasagot mo kung paano naiiba ang parabula sa akdang panitikan. Basahin at
unawaing mabuti ang parabula upang higit mo pang malaman kung paano naiiba ang
parabula sa iba pang uri ng panitikan.

Alam mo ba na….
Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng
dalawang bagay na maaaring tao,hayop, lugar o pangyayari para paghambingin. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaaad sa
Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghaga. Ang
parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo
rin nito ang ating moral na pagkatao.

Halimbawa ng Parabula:
“Alibughang Anak” kung saan kahit gaano kalaki ang kasalanan ng anak ay tinanggap
pa rin siya ng kaniyang ama. Katulad ng ating ama na nasa langit na handang magpatawad
kahit ilang beses tayong nagkasala basta’t tayo’y hihingi ng tawad sa kanya.

III. Mga Sanggunian


Most Essential Learning Competencies (MELCs) 1
Panitikang Asyano (Modyul ng Mag – aaral sa Filipino 9) pahina191 - 196
Peralta, Romulo N. Lajarca, Donabel C.Cariño, Eric O. Lugtu, Ma. Aurora C.
Tabora, Marygrace A.Trinidad, Jocelyn C. Molina, Sheila C.Carpio, Lucelma O.
Rivera, Julieta U. , Ambat C. Vilma
IV. Mga Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang parabula.

“Ang Talinghaga tungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan”


Mateo 20:1-16
20 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga
upang kumuha ng manggagawa para sa kanyang ubasan. 2 Nang magkasundo na sila sa
upa na isang salaping pilak[a] sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya sa
kanyang ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya
ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at
magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ 5 At pumunta nga
sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng
hapon, at ganoon din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y
lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit
tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ 7 ‘Wala po kasing magbigay sa amin ng
trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta rin kayo sa aking
ubasan.’8 “Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin
mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang
nagtrabaho.’ 9 Ang mga nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay tumanggap ng tig-
iisang salaping pilak. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang
higit doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. 11 Nang
magkagayo'y nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. 12 Sinabi nila, ‘Isang oras lamang
nagtrabaho ang mga ito na huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakakapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming
upa?’ 13 Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya.
Hindi ba't pumayag ka sa isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.
Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? 15 Wala ba
akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba'y naiinggit dahil ako'y
nagmagandang-loob sa iba?’”

At sinabi ni Jesus, “Ang nahúhulí ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”


16 

Gawain 1:
Binanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping pilak, oras
(ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo, ikalima) upang maipahayag ang paghahambing. Sa iyong
palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang bawat isa? Bakit?
Binanggit sa Parabula Nais Paghambingan at
Patungkulan

Ubasan

Manggagawa

Upang salaping pilak


Oras (ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo,
ikalima)

Gawain 2:
Panuto: Iugnay sa tunay na buhay ang mga salitang binigyang diin.
1. Ano ang ibig sabihing ni Hesus na “ ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay
nahuhuli”. Paano mo ito maiuugnay sa tunay na buhay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
2. Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang – maaga
upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Paano mo maiuugnay ang
“maagang – maaga” sa tunay na buhay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Gawain 3:

Pagkuwento:
May kilala ka bang tao na katulad ng may – ari ng ubasan? Sa anong mga bagay o gawi
sila magkakatulad? _____________________________________________________________.

Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

5 4 3 2 1

1. Lawak at lalim ng pagtatalakay

2. Wastong gamit ng wika

3. Pagsunod sa panutong ibinigay ng guro kaugnay ng


gawain

4. Katangi - tanging estilo ng pagsulat

Kabuoan

5 - pinakamahusay 4 - mahusay 3 - katanggap – tanggap


2 – mapaghuhusay 1 - kailangan pa ng mga pantulong na pansanay

Tandaan:

Ang parabula ay isang maikling kuwento na may aral na hango sa bibliya. Ang
mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay
ng mga tao. Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghaga. Ang parabula
ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin
nito ang ating moral na pagkatao.

V. Repleksiyon
Matapos kong mabasa ang “ Ang Talinghaga tungkol sa May – ari ng Ubasan” nalaman ko
at natimo na _____________________________________________________________.

Nararamdaman ko rin at nanahan sa aking puso


ang____________________________________________________________________.

Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula
ngayon_________________________________________________________________.

You might also like