You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

MGA GABAY SA PAGKATUTO


SA
FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN
Ikalawang Linggo
(Parabula)
S.Y.2020-2021

Isinulat ni:

MERCEDES S. DOMINO

FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO
Gawain Blg. 1-5
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

Pamagat ng Gawain: Gamit ng Pandiwa sa Pagsasaad ng Aksiyon, Karanasan,at Pangyayari


Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa(tagaganap, layon, pinaglaanan at
kagamita)
1. sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;
2. sa pagsulat ng paghahambing;
3. sa pagsulat ng saloob;
4. sa paghahambing ng ibang kultura at ng ibang bansa; at
5. isinulat na maikling kuwento (walang code)
Layunin: Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at karanasan sa
sariling pangungusap
Pamagat ng akda Puasa: Pag-aayunong Islam
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 May-akda: Ambat, Vilma C. et.al Pahina: 45-46

Alam mo ba na...
iba’t iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari.
Gamit ng Pandiwa:
1. Aksiyon
• May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.
• Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, magma-,mang-, maki-, mag-an.
• Maaring tao o bagay ang aktor.
Halimbawa:
a. Naglakba si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Ang mga sinalungguhitan ay ang pandiwa samantalang ang nasa kahon ay ang aktor.
2. Karanasan
• Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na
inihuhudyat ng pandiwa. Maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong
sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
*Ang mga sinalungguhitan ay ang karanasan at ang mga nakakahon ay ang mga aktor.
3. Pangyayari
• Ang pandiwa ay resulta ng sa nakikita niya sa paligid
isang pangyayari.
Halimbawa: sa matinding baha.
a. Sumasaya ang mukha ni Venus .
b. Nalunod ang mga tao

* Ang mga sinalungguhitan ay ang pandiwa at ang mga nasa loob ng kahon ay ang pangyayari.
GAWAIN 1: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang pandiwang angkop na gamitin sa pangungusap. Isulat sa
patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari.

nagluluto naliligo nagpupuasa natatapos kumakain


1. ______________ ang mga Muslim sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng Ramadan, ang ikasiyam na buwan ng
kalendaryong Islam.

2. Sama-samang __________________ ang mga Muslim, mga bandang ikaanim ng hapon sa unang araw ng Ramadan
bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa.

3. Ang bawat bahay na may kakayahang maghanda ay ___________________ ng Kanduli na karaniwang dinadala sa
mga mosque upang ipakain sa mga naroroon.

4. Bandang alas tres hanggang alas kuwatro ng madaling araw, ____________________ nan g saul ang may
kakayahang mag-ayuno.

5. Ang pag-aayuno ay ____________________ paglubog ng araw.

UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

BASAHIN: Ang akdang inyong babasahin ngayo ay isang


halimbawa ng Parabula
Puasa: Pag-aayunong Islam
Halaw sa Ingles na isinalin sa Filipino ni Elvira Estravo
Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga Muslim sa Pilipino at Saum sa Arabic.
Ginagawa ito upang tupdin ang turo ng Qur’an na nagsasaad ng ganito: “Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno
ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.”
Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na ang ano mang masasamang gawi
laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Hinihinging mag-ayuno ang mga Muslim sa loob
ng 29 hanggang 30 araw ng Ramadam, ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam. Napili ang buwang ito dahil
dito nangyari ang unang paghahayag ng Qur’an kay Propeta Mohammad, sa kuweba ng Hira.
Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng hapon, sama-sama o grupo-grupong
naliligo ang mga Muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa. Ang araw na ito’y tinatawag na peggang ng
mga taga-Maguindanao. Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung minsan,ang mga pagkain sa iba’t
ibang bahay ay dinadala sa mosque at ipinakakain sa mga naroon. Ang kanduli at paliligo ang simula ng gawaing
Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.
Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat Muslim na may kakayahang
mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na tinatawag na saul. Pagkakain ng saul o kaya’y bago sumikat ng araw,
lahat ng uri ng pagkain, maiinom o ano mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal. Pagkakain, maaaring bumalik sa
pagtulog o magbasa ng Qur’an.
Ipinagpapatuloy ang araw-araw na gawain sa panahong ito ng puasa. Ang ila’y umuuwi nang maaga sa bahay
o nagtitipon sa mosque kasama ang mga kaibigan, nagbabasa ng Qur’an o nag-uusap ukol sa relihiyon. Mahigpit na
ipinagbabawal ang pagtsitsimis.
Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw. Sa ilang pagkakataon, ang pagtigil ng pag-aayuno ay ginagawa
sa bahay ng datu o sinuman sa komunidad na boluntaryong maghahanda ng pagkain. Tinatawag na pembuka ang
paghahandang ito.
- Mula sa Hiyas ng Lahi 9, Vibal Publishing House, 2013
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO
Gawain Blg. 1-6
Pamagat ng Gawain: Isang Pagsusuri sa Parabulang “Ang Tusong Katiwala”
Kompetensi: - Nasusuri ang tiyak na bahagi na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan, at kagandahang-asal sa napakinggang parabula (F10PN-Ib-c-
63)
- Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda
gamit ang mga ibinigay na tanong (F10PB-Ib-c-63)
Layunin: Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng Parabulang “Puasa:
Pag-aayunong Islam” na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at
kagandahang-asal
Pamagat ng Akda: Ang Tusong Katiwala (2)
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 May-akda: Ambat, Vilma C. et.al Pahina: 45-46

Ang Tusong Katiwala (Lukas 16:1-15)


Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May
nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong,
‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa
iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking
gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang
mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali!
Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang
utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat
mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong
ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking
bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At
kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang
isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring
maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat
sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit
alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay
kasuklamsuklam sa paningin ng Diyos.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

Gawain 1: Suriin ang akdang “Ang Tusong Katiwala” batay sa nilalaman,


elemento, at kakanyahan ng binasa.

Mga Tanong: Sagot:


1. Ano ang pinag-uusapan sa akda?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Ano ang katangian ng bawat isa?
3. Ano ang tagpuan ng binasang parabula?
4. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?

Gawain 2: Pumili ng tig-isang pangyayari sa akda na nagsasaad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal.


Isulat ang sagot sa kahon na nasa ibaba.

Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal


(Anong pangyayari sa akda ang pwede (Anong pangyayari sa akda ang (Anong pangyayari sa akda ang
ring mangyari sa tunay na buhay?) nagdudulot ng kabutihan sa lahat ng tao?) nagtuturo ng magandang asal?)

FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO
Gawain Blg. 1-7
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay- puna sa Estilo ng May-akda Batay sa mga Salita at
Ekspresyong Ginamit
Kompetensi: Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda, at bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin (F10PT-Ib-c-62)
Layunin: Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda sa akdang “Ang Tusong
Katiwala” batay sa mga salita at ekspresyong ginamit at bisa ng paggamit
ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin
Pamagat ng Akda: Ang Tusong Katiwala
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 May-akda: Ambat, Vilma C. et.al Pahina: 47-48

Batayang Kaalaman:

Ang estilong masasalamin sa kabuoan ng parabula ay pagsasalaysay ng sinaunang tradisyon o kulturang


nagtataglay ng aral na maaaring iugnay sa kasalukuyan. Mababakas ito sa paglalahad ng mga pangyayari gayundin sa
mga salita at ekspresyong ginamit sa akda.

Gawain: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala
sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Hanapin sa loob ng kahon ng mapagpipiliang sagot ang
damdaming angkop sa pahayag at isulat ang sagot sa kahon bago ang bawat bilang. Sa linya ay magbigay-puna o
magbigay ng iyong opinyon sa kaangkupan ng pagkakagamit ng salita o ekspresyong sa estilo, uri, at panahon kung
kailan nasulat ang akda.

Mapagpipiliang sagot:
Lungkot, galit, panghihinayang,
Pagtataka, pagkaawa, pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay ng
katiwala ang kanyang ari-arian.” Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang nilulustay
ay ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

salitang pangangasiwa
ay____________________________________________________
________________________________________________________________________
_

3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.
”Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang aalisin ay
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng
mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan.” Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang kayamanan ay
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo
ng talagang para sa inyo.” Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang mapagkatiwalaan
ay _________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO
Gawain Blg. 1-8
Pamagat ng Gawain: Paggamit ng Angkop na Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadal(F10WG-Ib-c-58)

Layunin: Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay


Paksa: Gamit ng Pang-ugnay
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 May-akda: Ambat, Vilma C. et.al Pahina: 53-54

Konsepto:

May tatlong uri ng pang-ugnay sa wikang Filipino. Ito ay ang pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig?
Pang-ukol- kataga, salita o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Tulad
ng alinsunod sa/kay, ayon sa/kay, hinggil sa/kay, kay/kina, laban sa/kay, para sa/ kay, tungkol sa/kay, ukol
sa/kay.
Pangatnig- mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o payak na
pangungusap. Tula ng at, anupa, bagaman, bagkus, bago, dahil sa, datapwa, kapag, kaya, kundi, kun, habang,
maliban, nang, ngunit, o pagkat, palibhasa, pati, sakali, samantala, samakatuwid, sa madaling sabi, upang,
sanhi, sapagkat, subalit, ni.

Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso? Narito ang
mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-
iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong
huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at
resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa,
sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya
naman, tuloy at bunga.

Gawain 1: Isulat sa patlang kung ang pang-ugnay na sinalungguhitan sa bawat pangungusap ay ginagamit bilang:
Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon o Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

____________________________________________________1. May nagsumbong sa isang


taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong.
____________________________________________________2. Unang tinawag ng katiwala ang may utang na
isandaang tapayang langis.
____________________________________________________3. Saka pinaupo at pinapalitan ng limampu ang
kasulatan.
____________________________________________________4. Gayon din ang ginawa sa isa pa. Ginawang
walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo.
___________________________________________________5. Kaya naman ang katalinuhan ng tusong katiwala ay
pinuri ng amo.

Gawain 2 : Punan ang puwang ng talata sa ibaba ng angkop na pang-ugnay na mapipili sa loob ng panaklong. ( at ,
dahil sa, kaya, laban sa, maliban, para sa, subalit, upang, kapag, ngunit)

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel ________ isang Pinay caregiver na may natatanging talento sa pag-awit. Siya ay
si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa “X Factor Isarael” noong Enero, 2014. Halos dalawampung taon na siyang
nagtatrabaho sa Israel ________ ngayon lang nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi nagging
hadlang ang kalagayan at edad niya ______________ ipakita ang taglay niyang talent. Sa una’y kabado siya,
_______________ sumubok pa rin siyang mag-audition. Nakatutuwang isiping lumutang ang talent niya
_____________ sa mga mas batang kalahok. Hindi siya sumuko______________ sa huli nakamit niya ang tagumpay.
Hinangaan sa buong mundo ang kanyang talento _________________ determinasyon. __________________ nakausap
ko si Osang ay ipararating ko sa kanya ang aking paghanga. Napatunayan niyang ___________________ sa pagiging
mabuting caregiver ay may kaya pang gawin ang mga Pilipinong tulad niya. ___________________ lahat ng Pilipino
ang tagumpay na ito ni Osang!

You might also like