You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas Sangay ng Bohol

MGA GABAY SA PAGKATUTO


SA
FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN
Ikaanim na Linggo
(Tula)
S.Y.2020-2021

Isinulat ni:

MERCEDES S. DOMINO

FILIPINO 10
– IKAANIM NA LINGGO
Gawain Blg- 1-18
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

UNANG MARKAHAN

Pamagat ng Gawain: Kahulugan ng Alegoryang Gnamit sa Binasang Akda


Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda (F10PT-
Ief-65)
Layunin: Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa akdang “Ang Tinig ng
Ligaw na Gansa”
Pamagat ng Akda: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (1)
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 May-akda: Ambat, Vilma C. et.al Pahina: 90

Batayang kaalaman:

ALEGORYA (ALLEGORY)Ang alegorya ay isang kwento kung saan ang mga elemento nito tulad ng tauhan,
tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan at ibig sabihin.
• Ito ay maaring magpahayag ng isang ideyang abstrak, mabubuting mga kaugalian, tauhan at isang
pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon, at panlipunan.
• Ito ay nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang
kahulugan na karaniwan.
• Ito ay nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o magbigay ng komento tungkol sa
kabutihan at kasamaan, at nagbibigay o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa ating buhay.
• Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na mga tauhan at mga
kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga pagkakahawig.
Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamaraan:
1. Literal (denotasyon)
2. Simboliko o masagisag (konotasyon)
Ang mga tauhan, tagpuan at pangyayari at iba pa sa isang alegorya ay may mahalagang sinasagisang o sinisimbolo.
Narito ang ilang mahahalagang impormasyon at halimbawa ng isang alegorya mula sa kwento ng Banal na Aklat.
• Tauhan
Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang tao
Alibughang anak – anak na nagbigay ng hinanakit sa magulang
• Tagpuan
Golgota – kadalasang sumasagisag sa paghihirap o kamatayan Bundok – pakikipagtagpo sa
Diyos (Sampung Utos)
Disyerto – pagkauhaw sa Diyos, tukso (Ang Pagtukso kay Jesus ni Satanas
• Bagay
Krus – pasyon at pagkamatay ni Jesus
Prutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)
• Pangyayari
Kasalan – isang paanyaya sa kaharian ng Diyos
brainly.ph/question/609280#BetterWithBrainly

Pagsasanay: Basahin ang mga taludtod ng tula at ipaliwanag ang mga alegoryang ginamit ng tula na ipinahahayag ng
mga taludtod na initiman. Isulat ang sagot sa tabi ng taludtod.
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa Lambat ko ay aking itatabi,


nahuli sa pain, umiyak subalit kay ina’y anong
masasabi? Ako’y hawak ng iyong pag-ibig, Sa araw-araw ako’y
umuuwi, hindi ako makaalpas. karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag.
Alegorya na ginamit sa tula Paliwanag sa alegorya
1. nahuli sa pain, umiyak
2. hindi ako makaalpas
3. Lambat ko ay aking itatabi,
4. sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

UNANG MARKAHAN

FILIPINO 10
– IKAANIM NA LINGGO
Gawain Blg. 1-19
Pamagat ng Gawain: Pagtukoy sa Ugnayan ng Tao at ng Puwersa ng Kalikasan
Kompetensi: Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng
ugnayan ng mga puwersa ng kalikasan (F10PU-Ie-f-67)
Layunin: Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng
ugnayan ng mga puwersa ng kalikasan mula sa Tulang “Bayani sa Bukid”
Pamagat ng Akda: Bayani sa Bukid (2)
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 May-akda: Ambat, Vilma C. et.al Pahina: 92-93

Konsepto:
Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang
pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ngpag
pamumuhay,
-ibig at iba pa.

Gawain: Panoorin ang “Bayani sa Bukid” sa link na ito ng youtube: https://youtu.be/IrFbmkvVNcY o basahin
ang tula na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong na kasunod.

Bayani ng Bukid ni: Sa aking paggawa ang tangi kong hangad


Alejandro Q. Perez Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Umaasa akong puso’y nagagalak.
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit. At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman Dito
Ang kaibigan ko ay si Kalakian nagmumula masarap na gulay
Laging nakahanda maging araw-araw Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa pag-araro at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman Sa aming paligid namamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, Manok, pato’y alay ay pagkain Nagdudulot
Ang haring araw ay di pa sumisikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak lakas sa sariling atin.
Na ang aking bukiring laging nasa hagap
Ang tanging pag-asa ng taong masipag. Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Na sa aking puso ang taas ng layon
Sa aking lupain doon nagmumula Na sa bawat tao, ako’y makatulong
Lahat ng pagkain nitong ating bansa AngAt nang maiwasan ang pagkakagutom.
lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa. Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

-Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban.


1998

Gawain : Suriin Mo!

1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? Ilarawan ang kaniyang katangian at damdamin batay sa nilalaman ng tula?

2. Ano ang pang-araw-araw na gawain ng nagsasalita sa tula?


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

UNANG MARKAHAN

3. Paano niya ipinakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga bukirin?

4. Ano ang larawang nabuo mo sa iyong isipan pagkatapos basahin ang tula?

5. Aling bahagi ng tula ang nagpapakita ng ugnayan ng tao at kalikasan? Patunayan.

6. Paano maiiwasan ang negatibong epekto sa ugnayan ng tao at kalikasan? Ipaliwanag.

FILIPINO 10
– IKAANIM NA LINGGO
Gawain Blg. 1-20
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay ng Kahulugan sa Mahihirap na Salita o Ekspresyong sa Tulang
“Bayani sa Bukid”
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa
akda batay sa konteksto ng pangungusap (F10PT-If-g-66)
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa
tulang “Bayani sa Bukid “ batay sa konteksto ng pangungusap
Pamagat ng Akda: Bayani sa Bukid (3)
Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 May-akda: Ambat, Vilma C. et.al Pahina: 92-93

BATAYANG KAALAMAN

May maraming paraan sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salita. Isa na rito ang pagbibigay ng kahulugan
batay sa konteksto ng pangungusap o pahayag. Matutukoy ito sa pamamagitan ng paggamit ng ng contextual na clue.
Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Halimbawa: a.Nagliwanag ang
paligid sa pasikat ng araw. b.Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.

Ang ilan sa mga paraan upang magamit ang konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa salita ay:
1. Maghanap ng mga halimbawa, ilustrsyon o mga paliwanag. Ang mahihirap intindihing salita
ay maaaring sinundan ng mga impormasyon upang matulunga ang mga mambabasang intindihin ang
salitang ito.
2. Ang kahulugan ay kasama na sa teksto mismo
3. Maaaring ang mga nakapalibot na mga salita o parirala ay naglalaman ng mga
kasingkahulugan ng hindi kilalang salita.

GAWAIN: Piliin sa hanay B ang kahulugang batay sa konteksto ng salitang sinalungguhitan mula sa mga piniling
talutod
ng tula na pinamagatang “ Bayani sa Bukid ”. Isula ang titik ng sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

Mga piniling Taludtod ng Tula Kahulugan batay sa konteksto


A. iniisip
______ 1. Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init

B. mga tao
______ 2. Sa pag-araro at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman

C. makatitis
______ 3. Na ang aking bukiring laging nasa hagap
Ang tanging pag-asa ng taong masipag.

D. itinanim
______ 4. Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

UNANG MARKAHAN

E. marami ang pakinabang


_____ 5. Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y nagagalak.

F. kahit nahihirapan
_____6. Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.

G. kasipagan
_____7. Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa
buong maghapon gumagawang pilit.

You might also like