You are on page 1of 10

8

Filipino
Quarter 1 Week 1
1

Aralin
Karunungang-bayan, Pamana ng

1 Sinaunang Angkan sa mga Pilipino


Isinulat ni Rita V. De Leon

Mga Inaasahan

Sa araling ito, makikilala mo ang isa sa mga sinaunang panitikan nating


mga Pilipino na naglalaman ng mga karunungang-bayan na nakilala bago pa
man dumating ang mga Kastila sa bansa. Gayundin, matututuhan mo ang
paggamit ng paghahambing na magkatulad at di-magkatulad.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay yayabong pa ang iyong


kaalaman sa mga sumusunod na kasanayan:

1. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga


karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
2. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan (F8PS-Ia-c-20)
3. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan (F8WG-Ia-c-17)

Bilang panimula, subukan mo munang sagutin ang gawaing ito.

Paunang Pagsubok

Ayusin ang ginulong letra sa loob ng panaklong upang mabuo ng salita.

___________________1. Lumabo man ang mga mata ko, mananatili kang malinaw sa
( NAPINING) ko.
__________________2. Aanhin pa ang (MOAD) kung patay na ang kabayo.
__________________3. Habang maiksi ang kumot matutong (TKMMAAOLUT).
__________________4. Nang ipinanganak si Rita ay may gintong (RSAATKU) na
sa bibig.
__________________5. Mas mainam pang (RAEP) ang mawala kaysa ang respeto sa
iyong kapwa.

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
1
2

Balik-tanaw

Tukuyin kung wasto o mali ang mga sumusunod na pahayag.

____1. Nagkaroon lamang ng panitikan ang mga Pilipino nang sakupin ng mga
Kastila ang bansa.
____2. Hindi na nabibigyang halaga sa kasalukuyan ang mga Panitikang Katutubo.
____3. Isa sa layunin ng karunungang-bayan ay ang magbigay ng aral na dapat
maging gabay ng tao upang magtagumpay sa buhay.
____4. Kayamanan ang turing ng mga katutubo sa mga karunugang-bayang
kanilang nilikha.
____5. Malaki ang naging gampanin ng mga karunungang-bayan sa paghubog ng
paniniwala, ugali at gawi ng ating mga ninuno noon.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang karunungang-bayan na naging


popular noon bago pa man dumating ang mga Kastila at ang paggamit ng
paghahambing na magkatulad at di-magkatulad.

A. KARUNUNGANG-BAYAN BILANG ISANG AKDANG PAMPANITIKAN

Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa man dumating ang
mga Kastila. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi.
Ang karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan naging daan
upang maipahyag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao.
Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng
pagpapahalagang kultural. Ang mga halimbawa ng karunungang-bayan na pag-
aaralan mo ngayon ay ang bugtong, salawikain, sawikan, at kasabihan.

1. BUGTONG - Ito ay palaisipan sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang


bagay na pinahuhulaan.
Halimbawa:
a. Sinakal ko muna, bago ko nilagari. (sagot: biyolin)
b. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan. (sagot: payong)
c. Maliit na parang sibat, sandata ng mga pantas. (sagot: panulat)

2. SALAWIKAIN - Ito ay pahayag na maiksi lamang ngunit punong-puno


ng kahulugan na naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa
pagkakaroon ng kabutihang-asal.
Halimbawa:
a. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
b. Ang batang busog sa pangaral ay lalaking marangal.
c. Huli ma’t magaling ay makakahabol pa rin.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
2
3

3. SAWIKAIN - Ito ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na


nagsasaad ng di-tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan,
sitwasyon o pangyayari. Tinatawag din itong idyoma o idiom sa wikang
Ingles.
Halimbawa:
a. butas ang bulsa- walang pera
b. nagsusunog ng kilay-nag-aaral nang mabuti
c. naniningalang pugad- nanliligaw

4. KASABIHAN - Sa Ingles ito ay tinatawag na “saying”. Karaniwang ginagamit


sa panunukso o pagpuna sa kilos o gawi ng isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak,
Batang duwag Ang ibig sabihin ay matapang lamang siya
Matapang ka’t dahil nasa sarili nyang teritoryo o kaya naman
Nasa pugad ay may kasaman siyang kakampi.

Tiririt ng ibon,
Tiririt ng maya Ang ibig sabihin nito ay gustong maging
Kaya lingon nang lingon asawa ng isang binata ang dalagang
Hanap ay asawa kaniyang napupusuan.

Ngayon, nabatid mo na ang mga katangian ng karunungang-bayan, narito


naman ang isang tula na punong-puno ng mga matatalinghagang pahayag.
Basahin mo at unawain.

Karunungan ng Buhay

Sa buhay ng tao ay may mga karanasan


Na kailangang iwasan at dapat ayusin
Tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.

Iwasan nang hindi maging anak-dalita:


Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
Ubos-ubos biyaya
Bukas nakatunganga

Gawin upang tumanaw ng utang na loob:


Ang lumakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.

Pakaisipin upang maging malawak ang isip:


Sa anumang lakarin
Makapito munang isipin
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.

Tandan upang maging buo ang loob:


Kung hindi ukol

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
3
4

Hindi bubukol
Kung ano ang bukam-bibig
Siyang laman ng dibdib

Ingatan upang hindi maging pasang-krus:


Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin
Ang kalusugan
Ay kayamanan.

Tularan nang maging matalas ang isip:


Daig ng maagap
Ang masipag
Lakas ng katawan
Daig ng paraan

Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa buhay


Na maaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay.
Nang maging huwaran ng mahal

- Julian, Lontoc, et.al. Ang Pinagyamang Pluma, pp.11-12, 2017

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang paggamit ng paghahambing na


magkatulad at di-magkatulad.

B.Paghahambing

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa


pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing. May dalawang uri ng
paghahambing:

1. Pahambing na Magkatulad - Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang


mga panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsin-, ga-,
pareho, kapwa.

Halimbawa:
a. Magkasingtangkad ang magkapatid na sina Kevin at Elson.
b. Ang magpinsang sina AJ at Yana ay kapwa mahilig kumanta.

2. Paghahambing na Di-Magkatulad

Palamang - Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang


pinaghahambing. Ginagamit ang higit, labis, lalo, mas, di-hamak.

Halimbawa:
a. Ang pamumuhay sa lungsod ay di-hamak na madali kaysa sa
nayon.
b. Ang KPOP ay higit na tinatangkilik ng mga kabataan kumpara sa
OPM.

Pasahol - Kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
4
5

Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-masyado.

Halimbawa:

a. Ang mga mangga dito sa Maynila ay di-gaanong matamis


kumpara sa mga manggang galing sa Guimaras.
b. Ang klima sa Baguio ay di-gaanong mainit kung ikukumpara sa
Gitnang Luzon.
Nawa ay lubusan mong naunawaan ang araling tinalakay. Ngayon,
maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Ayusin ang pangkat ng mga salita batay sa antas ng kahulugan nito. Isulat
ang numerong 3 para sa salitang may pinakamasidhi, 2 naman para sa
katamtaman at 1 para sa pinakamababang kahulugan.

A. ___ mahirap C. ___ buong ang loob E. ____ suliranin

___ dukha ___ matapang ____ pasang-krus

___ anak-dalita ___ magiting ____ pagsubok

B. ___ malawak ang isip D. ___ pagtangis

___ maalam ___ pag-iyak

___ matalino ___ paghagulgol

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

1. Ano ang kahulugan ng pamagat ng tulang “Karunungan ng Buhay”? Ipaliwanag


ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
2. Ayon sa ikalawang saknong, bakit “bagyo ang aanihin, kapag hangin ang
itinanim”?
___________________________________________________________________________
3. Magbigay ng isang karunungan ng buhay na makikita sa tula. Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
4. Paano mo maisasabuhay ang karungang iyong napili?
___________________________________________________________________________

5. Bilang kabataan, paano mo mapapahalagahan ang mga payong inilahad sa


tula?

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
5
6

___________________________________________________________________________

Gawain 1.3 Pagsasanay na Pampanitikan

Tukuyin kung ang karunungang-bayan ay bugtong, salawikain, sawikain


o kasabihan.
____________________1. Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na iluluwa kapag
napaso.
____________________2. Ubos- ubos biyaya, bukas nakatunganga.
____________________3. Kumagat sa pain ang dukha.
____________________4. Dala mo, dala ka, dala ka ng iyong dala.
____________________5. Pili nang pili, natapat sa bungi.

Gawain 1.4 Pagsasanay Panggramatika

Salungguhitan ang salitang angkop sa paghahambing sa bawat


pangungusap.

1. [ Higit na / Magkasing ] tayog ang karunungang bayang taglay ng bansang


Pilipinas at Tsina.
2. [ Labis na/Di-masyadong ] kahanga-hanga ang kultura at tradisyon ng unang
tribo kaysa sa ikalawa.
3. [ Di-gaanong /Higit na ] pinagpapala ang may mabubuting kalooban kaysa sa
walang pakialam sa kanyang kapwa.
4. Ang salawikain at kasabihan ay [ parehong/di-gasinong ] nagtataglay ng mga
aral na maaring maging gabay sa buhay.
5. Ang bugtong ay [ mas/ kapwa ] madaling unawain kaysa sa sawikain o
idyoma.

Kahanga-hanga ang ipinamalas mong kahusayan. Natapos mo ang mga


gawain ibinigay. Patuloy mo pang palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Narito ang mga dapat mong tandaan upang ang iyong mga natutuhan sa
aralin ay mas yumabong pa.

1. Ang karunungang- bayan ay bahagi ng panitikan na nagbigay daan


para maipahayag ang mga kaisipan na nakapabilang sa bawat kultura
ng isang tribo.
2. Ang bugtong, salawikain, sawikain at kasabihan ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng karunungang-bayan.
3. Ang magkatulad at di-magkatulad ay dalawang uri ng paghahambing na
maaring gamitin sa paglalahad.

Subukan mo ang mga gawain inilaan ko para saiyo upang mailapat


mo ang iyong mga natutuhan.

Modyul sa Filipino 8
Pag-alam sa mga Natutuhan
Unang Markahan: Unang Linggo
6
7

Sumulat ng talata na naghahambing sa pag-aaral ng mga kabataan noon at


ngayon sa panahon ng pandemya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
______________________________________________________________________________
1. Nakabatay ang nilalaman ng talata sa ibinigay na paksa 2pts.
2. Nakapaghambing ng dalawang kalagayan 3pts.
Kabuuan 5pts.

Pangwakas na Pagsusulit

Tukuyin ang tamang letra ng kahulugan ng karunungang-bayang ginamit sa


bawat pangungusap.

_____1. Itaga mo sa bato magkakaroon tayo ng malaking bahay kahit walang


tumutulong sa atin.
A. tatandaan C. tutuparin
B. pupukpukin D. iuukit

_____2. Bulang-gugo si Tony dahil sa dami ng kanyang pera sa bulsa.


A. galante C. matapobre
B. sikat D. mayabang

____3. Nag-alsa balutan ang mag asawa dahil sa gulong nangyari sa


kanilang inupahang bahay.
A. naghakot C. naglayas
B. nagbalot D. lumipat

____4. Maraming makakati ang dila sa kanilang lugar na naging sanhi ng mga pag-
aaway.
A. tsismosa C. daldalera
B. maingay D. magulo

____5. Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat.

A. bintana C. aklat
B. banig D. kumot

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
7
8

Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang sumusunod na


karunungang-bayan.

mata simbahan aklat tainga kaibigan mapa

6. Pagkahaba -haba man ng prusisyon, sa _________din ang tuloy

7. May __________ ang lupa, may pakpak ang balita

8. Ang kanyang buhay ay bukas na __________sa kanilang nayon.

9. Kay lapit-lapit na sa_________,hindi mo pa rin makita.

10. Ang matapat na ___________,tunay na maaasahan.

Pagninilay

Sumulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop


sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan.

Mga Pamantayan 5pts 4pts 3pts.

1. Angkop na nailalahad ang tema o paksa


2. Nakasunod sa wastong pamantayan
3. Naipakita ang pagkamalikhain

Interpretasyon:

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
8
9

NAPAKAHUSAY ----- 9-15 puntos


MAHUSAY ----- 5-8 puntos
KATAMTAMAN ----- 0-7 puntos

Binabati kita sa iyong ipinakitang kakayahan at kahusayan sa pagsagot


sa mga tanong at mga gawain na inilaan para sa iyo.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Unang Linggo
9

You might also like