You are on page 1of 26

8

Unang Markahan – Modyul 4:


Panitikan sa Panahon ng Español
Ang Karagatan at Duplo
Panimula

Ang mahigit na tatlong daang pananakop at paniniil ng mga Español sa ating


bansa ang sanhi ng unti – unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming
makabayan at mapanghimagsik ng mga Pilipino. Ang naging paksa ng panitikan ay
pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pagbibigay - payo sa mga
Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang minimithing
kalayaan. At ilan sa mga panitikang lumaganap sa panahong ito ng paghihimagsik
ang tatalakayin natin sa modyul na ito.
Sa araling ito, matutuklasan mo kung bakit nabago ang paksa ng panitikan sa
panahon ng mga Español at kung anong damdamin ang naghahari sa mga akdang
pampanitikan sa panahong ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin nang wasto ang modyul na ito. Ingatang di-masira o mapunit ang
anumang pahina nito.
2. Magtanong sa guro o sa mga magulang kung may hindi naunawaan tungkol
dito.
3. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
4. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
5. Maging tapat sa pagsagot sa mga gawain at huwag ipasagot sa ibang tao.
6. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
7. Ipasa ang mga sagutang papel (answer sheet) sa modyul na ito sa iyong guro.
Huwag kalimutang lagyan ng pangalan, pangkat (section) at pamagat ng
modyul.

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


F8PB – Ig – h – 24 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa
pamamagitan ng:
- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa
akda
- dating kaalaman kaugnay sa binasa
F8PS – Ig – h – 22 Nagagamit ang iba’t – ibang teknik sa pagpapalawak ng
paksa:
- paghahawig o pagtutulad
- pagbibigay depinisyon
- pagsusuri.
F8PT – Ia – c – 19 Nabibigyang – kahulugan ang mga talinghaga,
eupemistiko o masining na pahayag na ginamit sa akda.

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain.Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo?


a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya.
b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan.
c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan.
d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga
kalahok.

2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino


sa pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga.
b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may
sukat at tugma.
c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari.
d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran
o walang paghahanda.

3. Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o


itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito
sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito?
a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon.
b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.
c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino.
d. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang
pananampalataya.

4. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila


rin ang nagtatalo?
a. bilyako/bilyaka c. manunula
b. mambibigkas d. prinsipe/prinsesa

5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at


bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento
sa pagtula?
a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.
b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng
Mambibigkas sa paaralan.
c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.

3
6. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) at
sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito,
napagusapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na
magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop.
Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad
mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa
pagdaraos nito?
a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag-
aaral sa paaralan.
b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan.
c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop.
d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.

7. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng


eupemistikong pahayag?
a. tapat c. madaling umunawa
b. magalang d. malumanay magsalita

8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga


akdang pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan?
a. pag-ibig sa bayan
b. mga kaugaliang Pilipino
c. pagmamahalan ng pamilya
d. pagpupuri sa pamahalaang España

9. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga


Español?
a. Nakipag-usap sa kinauukulan.
b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang
damdaming makabayan ng mga Pilipino
c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga
Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Español.
d. Nagtatag ng samahang tutuligsa sa España.

10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na


nasa anyong ________.
a. prosa c. pasalaysay
b. patula d. tuluyan

Panitikan: Dulang Pantanghalan


ARALIN 1.2.1
Karagatan at Duplo

4
Alamin

Layunin:
A. Nasusuri ang uri ng panitikan batay sa nga katangian nito:
• karagatan
• duplo
B. Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan at
duplo batay sa mga elemento nito;
C. Nakapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, saloobin at
damdamin tungkol sa kaugaliang Pilipino sa kasalukuyan gamit
ang wika ng kabataan.
D. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa
mga akdang pinag-aralan.

Balikan / Pangganyak

Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino na


nagpahayag ng damdamin sa kani-kanilang panulat. Alamin ang damdaming
namayani sa kanilang mga isinulat. Gayundin, kung masasalamin ba sa kanilang
isinulat ang kalagayan ng bansa sa kanilang panahon? Basahin at unawain ang bawat
saknong.

Paalam na, Ina, itong Pilipinas,


Paalam na, Ina, itong nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag,
Paalam na ngayon, katapusang tawag.

-mula sa Katapusang Hibik ng Pilipinas

Andres Bonifacio

Idalanging lahat yaong nangamatay,


nangagtiim hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

- mula sa Huling Pahimakas

Jose P. Rizal

5
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko
ay matuto kaya na kumuhang halimbawa
at lakas sa pinagdaanang mga hirap at
binatang mga kaapihan?

- mula sa Ang Ningning at Liwanag

Emlio Jacinto

Mga Gabay na Tanong:

1. Naniniwala ka ba na ang mga Pilipino mula noon hanggang sa


kasalukuyan ay may likas na hilig sa pagtula?

2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang husay sa palitan ng


opinyon at pagsagot sa mga talinghaga?

Tuklasin

Ang “Dulang Pantanghalan” ay nakakapagbigay aliw sa atin, ito ang paksang


pag-uusapan natin sa araling ito, ngunit bago ang lahat maglaro muna tayo.
Subukin mong sagutin ang ilan sa mga pick-up lines natin ngayon.

1. Bangin ka ba? … Bakit?


_____________________________
_____________________________
_

2. Kape ka ba? … Bakit?


_____________________________
_____________________________
_

3. Pustiso ka ba? … Bakit?


_____________________________
_____________________________
_

6
Ang iyong ginawa ay ilan lang sa mga paraan kung paano ka makapagbibigay
ng iyong pananaw, saloobin at damdamin. Samantala, sa Panahon ng Español, paano
nga ba ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin at damdamin?

Suriin/Talakayin
Susuriin at tatalakayin natin ngayon ang Karagatan at Duplo.

Basahin at unawain.
Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo
ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng
Unibersidad ng Manuel L. Quezon.

ANG KARAGATAN
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at
mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming
tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)
Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing
ay ‘di pa nagagatungan.

Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t


tayo’y makakain.

Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit


na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.

Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t


naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong
sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang
kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino
sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng
kailangan?

Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.

Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?

Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan


rin ninyo ang masusunod.

Ingkong Terong: At kayong apat?

Apat na Lalaki : Opo.

Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa


dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa
garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung

7
sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni
Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang
sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang
singsing.

Mga Tao: (Palakpakan)


Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang
nailunod na talisuyo sa karagatan.

Berting: Magandang gabi sa inyong lahat


Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay.
Ipinangangakong nahulog mong singsing
Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
Ng palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At ang iyong singsing ay aking makamit
Ay katunayan nang Diyos ang pumili
Na ako ngang ito’y siya mong itangi.
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit ‘di upang siyang maging irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok
Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
At singsing kong ito ay nang maangkin mo
Ang singsing na itong linso’t walang bato
Turan mo’ng simula at ang dulo nito.

Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat


Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t iyong singsing nais mang makuha
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.

Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba


Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya
Akong nabunot ng pang-ikalawa
Inaangkin hirang kanyang karapatan
Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.

Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin


Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.
Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo
Mayroon ngang simula at may wakas ito
Ang simula’y bilog nito na panloob
At ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog.

8
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t heto naman ang para sa iyo;
Nang ika’y parito, pamula sa kanto Ilang bahay,
Kulas, ang naraanan mo?
May ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?

Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan


Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y tanging mahal;
Heto ang tugon ko:
Bahay, pito lamang at sa mga ito’y
Aking natandaan, apat ang may ilaw-
Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.

Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan


Kaya’t isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.

Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo


Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y:
Pamula sa kanto at hanggang sa rito
Walang bahay ni ilaw akong natandaan
Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.

Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)

Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin


Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi tumatapon walang ligwak ito?

Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon:


Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang malaki’t mabisang magneto;
Hinihigop nito ang lahat ng narito
At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.

Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!

Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan


Paanong buwang sa langit ay tanglaw
Aking mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang
Kung talagang ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan mo ang hiling kong ito.

Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,

9
Noong ako’y munti’t pinalalaki mo.
Isang paborito’t ibig kong kuwento
Ay siyang panugon sa tanong na ito.
Sa pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang buwan ay pabababain
Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruang buwang hinihiling.

Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!...


Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.

Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong


Singsing na nahulog aking sisisirin
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan
Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.

Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot


Na ang huling tanong kaniyang masagot
Itong karagatan isang laro lamang
Ngunit paglalarong birong totohanan
Ayoko na yatang ito ay ituloy
Baka sa sagutan ako’y maparool.

Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.

Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito.


Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na ating sasakya’y binalsang kawayan
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.

Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita


Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
Lubid na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkain
Bawat isang linggong kakailanganin
Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.

Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling


Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?

Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling

Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring?

Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw


Ikaw ay may wikang tapat at matining
Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw

10
Kaya’t sa problemang aking
Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.

Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,


Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.

Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!

Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig


Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lang siyang sisisid
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.

Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko.


Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang karagata’y simula lang ng kuwento
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)

Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!


Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino! (Palakpakan)

W A K AS
Halaw sa Panitikang Pilipino
nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang paksa ng binasang karagatan?


2. Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel na kanilang
ginampanan?
3. Bakit sinasabing hindi kinakailangang “sumisid” ang binatang nais magkapalad sa
dalagang nawalan ng singsing?

Alam mo ba na …
Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na
gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na
kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng
mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

11
4. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng
mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang
kasunod na pormat.
MATATALINGHAGANG PAHAYAG TUGON NG MGA BINATA
NA BINIGKAS NI NENENG

5. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan?


6. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa
larong karagatan?
Basahin at unawain.
Tukuyin at alamin natin ang pagkakaiba ng Karagatan at Duplo
ANG DUPLO:
Ang Ibon ng Hari
Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon!
Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig)
Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay.
Mga binibini at mga ginoo,
Matatanda’t batang ngayo’y naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong
larong duplo.
Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pinto’t patalim ang urang;
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!

Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.

12
Hari: Sino ang nagnakaw?
Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan;
May isang aninong aking natanaw;
Hindi sinasadya, nang aking lapitan
Isang babae po, iyang natagpuan.
At kitang-kita kong ikinubli niya.
Siya’y naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!

Hari: Diyata’t bilyaka?


Sino sa kanila?
Bilyako 1: Sa unang hanay po.
Bilyaka 2: H’wag paniwalaan.
Siya’y bulaan! (Magkakaingay)

Hari: (Sa lahat) Katahimikan!


(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?

Bilyako 1: Ako’y nalalaan!


Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya,
Hindi maaari’t kami’y magkasama;
Kami’y namamasyal ng irog kong sinta,
Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla?

Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino


At pakaasahang parurusahan ko.

Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay,


Doon nakaupo nang buong hinusay,
Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?

Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik,


Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat may sala
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)

Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari,


Mag-isip-isip ka’t baka magkamali.
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.
Aking ibubulong kung pahihintulutan.
Hari: Nagpapahintulot!
Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)

13
Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay?
(Siyang pagdating ng abay ng reyna)

Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala,


Isasauli ko sa kinunang hawla;
Kagabi po ito’y kinuha ng reyna
Siya ay nag-aliw sa pangungulila!

Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan!


Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam
Nang huwag ang iba ang mapagbintangan.

Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya,


Baka nalimutan at nalingat siya.

Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako,


Ngayo’y tinatapos itong larong duplo.
Paalam sa lahat, salamat sa inyo,
Muling magkikita pag naglaro tayo.

WAKAS
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang binasang duplo?


2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?
3. Paano nilalaro ang duplo?
4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa?
5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan?
6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang larong duplo sa mga lamay sa
patay sa kasalukuyan? Bakit?

Isaisip

Tandaan na ang mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan ay


may likas na hilig na sa pagtula. Sa pamamagitan ng larong Karagatan at Duplo
ay naipakita ng mga Pilipino and husay sa palitan ng opinyon at pagsagot sa
mga talinghaga.

14
Isagawa
PAGPAPAHAYAG … SARILING REPLEKSYON
Panuto: Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang
iyong panig?
(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan
ng pangalan, baiting, section, at ng module number sa iyong papel.)

SITWASYON SARILING PANIG


1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na ang
maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap mo sa buhay
ang maging guro sa hinaharap. Ngayong ikaw ay nasa
hayskul na pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na
kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa kanila na
ang iyong kursong ibig pag-aralan ay pagiging guro?
2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong paaralan
ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL).
Hinihikayat ka ng iyong mga kaibigan na sumali sa
nasabing samahan ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw
ay lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang
pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong sasabihin sa
kanila?
3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa Araling
Panlipunan. Subalit sa araw na iyon ikaw ay nahuli dahil
may isang matanda sa kanto na iyong tinulungan.
Naramdaman mo ang makahulugang tingin ng iyong mga
kaklase. Paano mo ipahahayag ang iyong panig?
4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong kaklase na
totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo siyang kausapin upang
patigilin sa ginagawang panunukso sa iyo. Ano ang
sasabihin mo sa kaniya?
5. Isa kang mag-aaral na buo ang loob para sabihin ang
iyong nadarama sa kaklase man o sa guro. Isa mong
bagong kaklase ang iyong hinahangaan. Paano mo
sasabihin ang iyong paghanga?

15
Pagyamanin/Karagdagang Gawain

Panuto: Sa tulong ng venn diagram, ipaliwanag ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng nabasang karagatan at duplo.
(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan
ng pangalan, baiting, section, at ng module number sa iyong papel.)

Pagkakaiba Pag- Pagkakaiba


kakatulad

Karagatan Duplo

ARALIN 1.2.2 Mga Katangian ng Karagatan at Duplo

Alamin

Layunin:
1. Naipaliliwanag ang katuturan ng karagatan at duplo.
2. Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan at
duplo batay sa mga elemento nito.

16
Balikan / Pangganyak

Balikan ang binasang halimbawa ng Karagatan at Duplo. Paano nagkakatulad


ang dalawa kung ang pagbabatayan ay ang mga tauhan sa laro?

Tuklasin

Batay sa mga impormasyong iyong babasahin, magiging daan ito upang


maunawaan mo na ang mga katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang
pampanitikan.
Isa sa mga itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at
duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula
at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong dulang pantahanan. Sapagkat
karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din
ito sa namatay.
Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan at duplo.

Suriin/Talakayin
Alam mo ba na …

Ang Karagatan
1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may
sarisaring pagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan
ng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan
ng tabong may tandang puti.
11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang
sagutin ang talinghaga. “Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. Al”

17
Tunghayan mo naman natin kung ano ang duplo.

Ang Duplo
1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring mauring tulang
patnigan.
2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera.
3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng
sinumang nahatulang parusahan.
5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa
ng namatay.
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman
ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka.
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang
namatay.
9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu .
10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol.

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.

Tandaan mong mabuti na bawat katangian ng Karagatan at Duplo ay may


ginagampanang mahalagang papel. Ito ang nagbibigay buhay sa daloy ng mga
panyayari at dahil din sa mga katangian na ito ay mas muunawaan natin ng mabuti
kung ano ang mga napapaloob sa Dulang Pantanghalan na Karagatan at Duplo.

Isaisip

Isipin mong palagi na ang Karagatan at Duplo ay may pagkakatulad at


pagkakaiba. Gayunpaman sa Panahon ng mga Español ay naipahayag ng mga
Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin at damdamin sa mga larong ito.

Isagawa

Panuto: Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa


karagatan at duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga ito batay sa mga elemento ng mga ito.

18
(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan
ng pangalan, baiting, section, at ng module number sa iyong papel.)

KARAGATAN Mga Elemento DUPLO

Paksa

Mga Tauhan

Hakbang
ng
Pagsasagawa
Palitan
Ng
Pangangatuwiran

Hatol

PAGKAKATULAD

1. Paksa: ________________________________________________________

2. Mga Tauhan: ___________________________________________________

3. Hakbang ng Pagsasagawa: _______________________________________

4. Palitan ng Pangangatwiran: _______________________________________

5. Hatol : ________________________________________________________

19
Pagyamanin / Karagdagang Gawain

Panuto: Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga Pilipino


batay sa sumusunod, isulat sa papel ang iyong sagot.
(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan
ng pangalan, baiting, section, at ng module number sa iyong papel.)

ARALIN 1.2.3
Wika : Mga Eupemistikong Pahayag

Alamin
Layunin:
A. Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang pangwika na
makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyong tulad
ng mga eupemistikong pahayag;
B. Nakabubuo ng isang iskrip sa paligsahan ng fliptop tungkol sa
napapanahong paksa sa paraang makabago.

20
Balikan / Pagganyak

Kung babalikan natin ang natalakay nating Karagatan at Duplo may


mababasa tayong mga eupemistikong pahayag. Kabilang dito ang mga sumusunod
na pahayag.

1. sumakabilang – buhay
2. hikahos sa buhay
3. tinatawag ng kalikasan
4. ibaon sa hukay
5. butas ang bulsa

Tuklasin

Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong


sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit
sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag.
Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo.

21
Suriin / Talakayin

Alam mo ba na …
EUPEMISTIKONG PAHAYAG

Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay salita na badyang


pampalubag – loob o pampalumay upang ito ay hindi masamng pakinggan o
basahin. Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o
malaswang mga salita.

Halimbawa ng mga eupemistikong pahayag:


➢ saumakabilang – buhay = pagkamatay
➢ kasambahay = katlong
➢ haling ang bituka = masamang tao
➢ makati ang kamay = magnanakaw
➢ ibaon sa hukay = kalimutan na
➢ sumakabilang bahay = kabit
➢ hikahos sa buhay = mahirap

Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan ang mga masakit na
realidad ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang isang tao.

Alam mo rin ba na maraming paraan para mapaganda at maging


katanggap-tanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na
talakayan.

PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG
Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na
mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na
impormasyon.
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a.paksa ng usapan
b.taong sangkot sa usapan
c.lugar
2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.
3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na
nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.

Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa


tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong
pahalagahan ang damdamin ng iba.

22
Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:
1. patay sumakabilang buhay
2.nadudumi tawag ng kalikasan
3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay
4. katulong kasambahay

Isaisip

Ang iba’t – ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na manatiling


maayos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Napakahalaga ng paggamit ng
angkop na salita sa pagsasaalang – alang sa damdammin ng iba. Sadyang ang
salitang ginagamit ng tao ay tunay na repleksiyon ng sariling pagkatao.

Isagawa

Panuto: Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng


kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod na
bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala. Gawing
gabay ang kasunod na mga saknong.
(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan
ng pangalan, baiting, section, at ng module number sa iyong papel.)

23
Pagyamanin / Karagdagang Gawain

Panuto: Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong


komunidad, sa youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang
iyong napansin?
Fliptop-isang paraan ng “RAP BATTLE” sa Pilipinas.
(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan
ng pangalan, baiting, section, at ng module number sa iyong papel.)

Tayahin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik sa pinakatamang sagot. (Isulat sa buong papel ang
mga kasagutan.) Note: Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baiting, pangkat at
bilang ng modyul sa iyong papel.
1. Dalawang katawagan na nagpapakilala sa karagatan at duplo.
A. Dulang Pantahanan C. Tulang Padula
B. Epiko D. Ritwal

2. Lugar kung saan ginaganap ang duplo.


A. tahanan C. bakuran
B. palaruan D. sementeryo

24
3. Ang nagsisilbing tauhan sa larong Karagatan.
A. mga tauhan sa kaharian abay ng hari
B. babeng pakakasalan na lalaking makakakuha ng singsing
C. mga tao sa lamang
D. mga namatayan

4. Dalawang paraan sa pagpili at paglutas sa larong karagatan.


A. paggamit ng tabong puti
B. pagdepensa sa sarili
C. pagsisid
D. palabunutan

5. Pagkakatulad ng larong duplo at karagatan sa mga tauhan sa laro.


A. pagkakaroon ng babaae at lalaki sa laro
B. pakikibahagi ng namatayn at nakikiramay
C. mga kabataan nan ais turuan ng laro
D. matatanda at kabataan

6. Larong maaaring mauri bilang tulang patnigan.


A. Duplo C. Balagtasan
B. Karagatan D. Alamat

7. Larong mula sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa


gitna ng dagat.
A. Karagatan C. Balagtasan
B. Duplo D. Alamat

8. Katawagan sa lalaking kalahok sa duplo kapag ang laro ay nagsimula na.


A. DUPLERO C. hari
B. bilyako D. tauhan

9. Kasing – kahulugan ng panglaw.


A. tuwa C. galit
B. lumbay D. suklam

10. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at


bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento
sa pagtula?

a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.


b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng
Mambibigkas sa paaralan.
c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.

25
11. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) at
sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito,
napagusapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na
magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop.
Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad
mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa
pagdaraos nito?

a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag-


aaral sa paaralan.
b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan.
c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop.
d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.

12. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng


eupemistikong pahayag?
a. tapat c. madaling umunawa
b. magalang d. malumanay magsalita

13. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga


akdang pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan?
a. pag-ibig sa bayan
b. mga kaugaliang Pilipino
c. pagmamahalan ng pamilya
d. pagpupuri sa pamahalaang Espana

14. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga


Espanol?
a. Nakipag-usap sa kinauukulan.
b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang
damdaming makabayan ng mga Pilipino
c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga
Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espanol.
d. Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espana.

15. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na


nasa anyong ________.
a. prosa c. pasalaysay
b. patula d. tuluyan

Sanggunian: Panitikang Pambansa Aklat at Module


para sa mga pampublikong mag-aaral
ng Baitang 8.

26

You might also like