You are on page 1of 6

FILIPINO 8

Pangalan:_____________________________________ Petsa:_____________________
__ _
Baitang:______________________________________ Seksyon:__________________
__ _
Aralin: 1
MELC - Kwarter 1- Linggo 2
Unang Panahon ng Katutubo
Markahan
: a. Panitikan : Alamat
“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio
b. Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan

Mga Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat F8PT-


Layunin: Id-f-20

Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing


sa sarili
F8PU-Id-f-21

Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at


panlunan
F8PN-Id-f-21

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

https://www.marvicrm.com/2017/09/alamat-ng-baguio-ang-mina-ng-ginto-buod

Mina ng Ginto (Alamat ng Baguio)

Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk.

Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto. Bata pa lamang si

Kunto ay nakitaan na ng kakaibang lakas at tapang. Kaya't ito ay napiling

tagapamuno ng Suyuk. Ang mga naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng

tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng cañao bilang pasasalamat sa mga anito.

Kung magdaos sila ng cañao ay nagpapatay sila ng baboy at iniaalay sa


bathala.

Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mamana. Di pa

sya nakakalayo ay may nakita siyang isang uwak at nakatayo ito mismo sa

patutunguhan nya. Lumakad si Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi

gumagalaw. Nang malapit na si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay

tumango sa kanya ng tatlong beses. Bagamat matapang ay nakaramdam din si

Kunto ng takot. Hindi na tumuloy si Kunto sa pamamana at isinangguni na

lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at ang ikinilos nito.

"Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat


tayong magdiwang ng cañao" saad ng matanda. "Kung ganoon ay magdiwang
na tayo ng cañao" saad naman ng isa. Nang ang lahat ay nakahanda na ay
humuli sila ng isang baboy na iaalay sa bathala. Inilagay nila ito sa altar na
ginawa nila sa taas ng kabundukan. Ngunit anong himala ng biglang ang
baboy ay nag anyong tao. Nagulat ang lahat ng magsalita ito.

"Wag kayong matakot, dahil kayo'y mabubuti ay gagantimpalaan ko


kayo basta't sundin nyo lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang
tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Pagkatapos ay takluban ninyo ako ng
malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at pagkalipas ng tatlong araw
ay bumalik kayo dito" saad ng misteryosong matanda. Ginawa naman ng mga
taga nayon ang bilin ng matanda. Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga
taga nayon ng isang puno na di pa nila nakikita. Ang bunga, dahon at sanga
daw nito ay maari nilang kuhanin ngunit wag lamang gagalawin ang katawan.

Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang
sinabi ng matanda sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na
itinaklob ng mga taga nayon. Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at
maya maya lamang ay napalitan agad ito ng panibagong dahon. Natuwa ang
lahat at isa isa silang kumuha.
Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk.

Ngunit hindi nawala ang inggitan. Nang tumagal ay namalayan na lamang nila

na ang puno ay napakataas na at di na maabot ang mga dahon at bunga. "Kay

taas na ng puno at di na natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay

putulin na natin ito" saad ng isa. Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang

puno at ito naman ay nabuwal. Nayanig ang lupa at nakarinig ang mga taga

nayon ng isang tinig. "Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng kabutihan ngunit

sa halip na mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong mga

puso" saad ng misteryosong tinig. At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon

ng lupa ang mga taga nayon.

Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha


ka lamang nito sa paghukay ng lupa.

A. Basahin at unawain ang kahulugan ng mga salitang nasalungguhitan mula sa alamat na


Mina Ng Ginto (Alamat ng Baguio) batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Buoin ang
kasingkahulugan ng salita sa pamamagitan ng pag-alam ng codes nito.

CODES
A B C D E F G H I J

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
K L M N Ň NG O P Q R

11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
S T U V W X Y Z

21 22 23 24 25 26 27 28

1.Taon-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito.


20 1 22 25 1 12

2.Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
21 1 14 22 17
3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala
4 9 27 17 21

4. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.


4 1 12 23 2 8 1 21 1

5.Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.


11 9 14 1 22 1 25 1 14

B. Bumuo ng sariling alamat na maaaring ihambing sa iyong sarili. Gumamit ng mga pang-

abay lalo na ang pang-abay pamanahon at pang-abay panlunan sa pagsulat ng alamat.

________________________________________
Pamagat

Gitna

Simula Wakas

Rubrics sa Pagsulat ng Alamat


https://www.scribd.com/document/437055864/Rubric-sa-pagsulat-ng-alamat

Pamantayan 4 3 2 1
Pagbuo ng Napakahusay Mahusay ang Hindi Hindi pinag-
Konsepto ng naisip na naisip na malinaw ang isipang mabuti
konsepto sa konsepto pagkakabuo ang
alamat na ngunit hindi ng konsepto konseptong
ginawa ito gaanonog sa alamat na ginamit
napagtuunan isinulat
ng pansin
Pagbabangha Organisado May isang May pag- Hindi
y ang bahaging tila aagam-agam organisado
pagkakasunod- nagpakita ng sa ilang ang
sunod ng mga hindi pangyayari pagkakasunod-
pangyayari pagiging sa akdang sunod ng
ganap o isinulat pangyayari sa
organisadong alamat
isinulat
Paggamit ng Nakagamit ng Nakagamit May isa Hindi umabot
Pang-abay lima o higit ng 3-4 na hanggang sa lima ang
pang iba’t pang-abay na dalawang nagamit na uri
ibang uri ng angkop sa pang-abay ng pang-abay
pang-abay lalo diwa ng ang hindi
na ang pang- bawat angkop ang
abay pangungusap pagkagamit
pamanahon at sa bawat
pang-abay pangungusap
panlunan
Wastong Ang mga May 4-10 na May 15-20 Hindi pinag-
gamit ng mga salitang napili salita na na saita ang isipang mabuti
salita ay pinag- hindi angkop ginamit sa ang mga
isipan at ang akda na salitang
naaangkop na pagkakagamit hindi angkop ginamit sa
gamitin sa sa pagsuat pagsulat ng
isang sulatin ng isang akda
alamat
Kabuoang
Puntos
Susi sa Pagwawasto
A.

1. Ritwal

2. Santo

3. Diyos

4. Dalubhasa

5. Kinatawan

You might also like