You are on page 1of 11

Pangalan:

Baitang: Pangkat: Petsa:

Isang Iglap, Isang Sulyap


Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang – bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay) (F8PB-Ia-c-22)

Alamin Natin!
Sa bahgaing ito ng aralin ating bigyan ng pansin ang tula ni Dr. Jose Rizal na bagamat
naisulat noong panahon ng Espanol ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga
karunungang –bayan na minana natin sa ating mga ninuno. Tatalakayin rin natin ang isa sa mga
kaugaliang Pilipino – ang pamamanhikan. Iuugnay natin ang mga mahahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga karunungang – bayan sa mga pangyayari sa ating tunay na buhay.

Subukin Natin!
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Tukuyin kung anong uri ng
karunungang- bayan ang mga sumusunod. Iguhit ang hugis ____ puso kung ito ay
salawikain at hugis ____bituin kung ito ay sawikain.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto para sa gawaing ito.
__________ 1. Tulak ng bibig kabig ng dibdib.
___________ 2. Parang natuka ng ahas.
___________ 3. Nasa Diyos ang Awa, Nasa tao ang gawa
___________ 4. ‘PAg ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw
___________ 5. Mahaba ang kamay.

Tapos na ang limang minuto!


Tingnan ang huling pahina ng modyul na ito para malaman ninyo kung tama ba ang inyong
naging kasagutan.

Aralin Natin!
Alam mo ban a ang tulang “Sa aking mga Kabata” ay ang unang tula ni Dr. Jose Rizal at isinulat
niya ito noong siya ay walong taong gulang sa katutubong wika. Ang tema ng tula na naisulat sa wikang
Tagalog ay tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong – wika.
Upang mas lalo nating maaiintindihan ang tula, ating tuklasin ang mga kaisipang namayani dito.

Sa Aking Mga Kabata


Ni: Dr. Jose Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

(https://www.tagaloglang.com/sa-aking-mga-kababata-jose-rizal/)

Sagutin ang gabay na tanong.

1. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon ayon sa pagkagamit ng mga ito sa tula.
kabagay sigwa
a. d.

b. naggawad e. lunday

c. maalam

Mga sagot:
a. Kapares, katumbas
b. Nagbigay, nagkaloob
c. Marunong
d. Unos,
e. Bangka
2. Bakit kailangan nating pag-aralan ang tula ni Rizal?
- Tama ka! Kahit nasa murang edad pa lamang tayo ay dapat mulat na ang ating isipan sa
pagpapahalaga at pagmamahal sa Inang bayan upang sa ganoon ay uunlad ang ating
buhay.

3. Balikan ang tula, tunghayan ang mga pahayag na nakaitim. Ano ang nais ipabatid ng kasabihang
makukuha sa tula?
- Magaling! Ang kaisipang nakapaloob ditto ay ang pagmamahal sa ating lupang sinilangan.
Kung kinakahiya natin ang ating bayan , parang kinakahiya na rin natin ang ating sarili.
4. Ano – ano ang mga halimbawa ng mga karunungang bayan? Magbigay ng halimbawa.
Nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang - asal

Salawikain Kapag aaligid-aligid ang lawin, tangkang may


daragitin.( Ang kahina-hinala, malamang ay may
planong gawon.)

Nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may


Sawikain nakatangong kahulugan
Malayo sa bituka (hindi malubha)

Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan at ito ay


binibigkas ng patula.
Bugtong Dala mo, dala ka,dala ka ng iyong dala (Sagot:
Sapatos)

Gawin Natin!
Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa laang kahon kung saan ito napabilang.

Salawikain Sawikain Bugtong

1. Balat – sibuyas
2. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
3. ‘Di hari,’di pari nagdadamit ng sari-sari
4. Ang taksil na si Hudas dila ang tsinelas.
5. Nagsusunog ng kilaY
6. Lahat ng gubay ay may ahas.
7. Ang dami-daming mata hindi makikita.
8. Lumilipas ang kagandahan ngunit hindi ang kabaitan
9. Alamid mang anong ilap umaamo rin sa himas.
10. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayao ang tapang.

Sanayin Natin!
Basahin ang tekstong pinamagatang “Pamamanhikan”. Sagutin ang sumusunod na
katanungan.

Pamamanhikan
Larawan ng pamilyang namamanhikan

Sabado ng gabi. May mga bisita sa tahanan ni Mang Abraham. PAgkatapos magpalitan ng
masayang pagbati, naupo sila sa sala. Pormal ang pagsasalita ng lahat. Halatang napakahalaga ng paksa
nila. Masinsinan ang kanilang pag-uusap.
Unang nagsalita si MAng Noel, ang ama ni Samuel.

Mang Noel: (Seryoso ang tono ng pagsasalita, bahagyang nakangiti.)


Ipagpaumanhin po ninyo ang abalang dulot ng aming pagdalaw ngayong gabi.
(Huminto nang bahagya bago magpatuloy.) Nagpunta po kami rito dahil ibig naming
idulog sa inyo ang nais ng aming bugtong na anak na si Samuel.
Aling Chrisma: (Waring nakikiramndam bago magsalita.) NAgsabi po an gaming anak
sa amin. Nag-usap na daw po sila ni Ruth at ibig na nilang lumagay sa tahimik.
Mang Noel: Ibig po sana naming hingin ang inyong opinion tungkol dito.

Saglit na katahimikan

Mang Abraham: (Tila nag-iisip bago nagsalita.) Wala po kayong aalahanin. Bukas an
gaming tahanan sa inyo.
Aling Beth: (Sinalo ang usapan.) Nabanggit nga po ng dalaga namin sa aming
magkabiyak na magsasadya kayo ngayong gabi. Mabuti po yata, tawagin natin ang
dalawa.

Tumayo si Aling Beth upang tawagin sina Samuel at Ruth na nag-uusap sa may beranda. PAgbalik
niya, magkahak-kamay na nagbigay – galang ang dalawa sa kanilang mga magulang. Pagkatapos, naupo
sila sa magkatabing upuan.

Mang Noel: Yaman din lamang na magkakaharap na tayo rito, tukuyin mo na ang
pakay mo, anak. Nakatingin siya kay Samuel.)

Samuel: (Nakatingin sa mag-asawang Abraham at Beth.) Magandang gabi po


ulit Mang Abraham, Aling Beth. Hindi po lingid sa inyo , na kami ni Ruth ay may
tatlong taon nang nagkakaunawaan. Lakas – loob po akong naparito kasama ang
aking mga magulang upang mapatunayan na mabuti ang intension ko. (bahagyang
nanginig ang boses.) Kung mamamarapatin po ninyo, ibig ko po sanang hingin ang
kamay ni Ruth.

Napatigil ang lahat. Nagpapakiramdam. Binsag ni ALing Beth ang Katahimikan.

Aling Beth: (Bumaling sa anak na si Ruth.) Ano naman ang nmasasabi mo anak?
Ruth: (Mahinay at magalang na nagsalita.) GAnoon nga po ang
napagkasunduan naming ni Samuel. ‘Tay, ‘Nay…. Kung papaya po kayo.
Mang Abraham: (Pormal at metatag ang tinig.) Matanbong nga kita, Samuel. Handa
ka na bang maging kabiyak ng aking anak? Alam mo na baa ng pananagutan ng isang
lalaking may pamilya?
Samuel: (Buong galang na sumagot. Piling – pili ang mga salita.) Opo, Mang
Abraham. Mahal na mahal kop o ang inyong anak. Paninindigan ko po ang
pagmamahal ko sa kanya habang – buhay. May ipon nap o ako para sa aming
pagtataling – puso. Mayroon na rin po kaming pagsisimulan ng panibagong buhay.
Pangako po, magiging mabuti akong kabiyak sa kanya.

Nananatiling tahimik na nakikinig si Mang Abrahan. Nagsalita si Aling Chrisma.

Aling Chrisma: (Maingat na sumali sa usapan.) Mawalang – galang nap o. Makasagot


lamang po. Mabait po at responsible an gaming si Samuel, ALing Beth at Mang
Abraham. Natitiyak po naming magiging mabuti siyang haligi ng tahanan kung
inyong mamamarapatin.
Aling Beth: Gayon din po an gaming si Ruth, masunurin at busilak ang puso ng
aming anak. Tiyak na magiging mabuti siyang ilaw ng tahanan.

Bumaling ang tingin ng lahat sa magkasintahan.

Aling Beth: Sigurado na ba kayo sa inyong desisyon? Alalahanin ninyong ang pag-
aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.
Mang Abraham: (May himig na pag sang-ayon.) Tama iyon. PAkaisipin ninyo ng
isandaang beses bago kayo mapasubo sa isang bagay na hindi na mauurungan.

Nagtinginan sina Ruth at Samuel. Magkasabay na nagsalita.

Larawan ng magkasintahang Ruth at Samuel

Samuel at Ruth: (Kapwa nakangiti ang dalawa.) Opo, tiyak nap o kami.
Samuel: (Seryoso ngunit magiliw ang tinig.) MAtagal nap o naming tinimbang-
timbang ang maaring mangyari kapag lumagay kami sa tahimik. At napagpasiyahan
naming ngayon na ang tamang panahon.
Ruth: (May katiyakan sa kanyang tinig.) Tama po si Samuel. Matagal nap o
naming itong napag-isipan. May mga plano nap o kaming nabuo sakaling pumayag
kayo.
Mang Noel: Kung gayon, ano po ang masasabi ninyo?
Bumaling ang tingin ng lahat sa mag-asawang Abraham at Beth.
Mang Abraham: (Nakatingin kay aling Beth.) Ano sa palagay mo?
Aling Beth: (Maluha-luha.) MAhirap man para sa inang katulad ko na mawalay
ang anak, kung magiging maligaya naman siya sa piling ni Samuel maligaya na rin
ako.
Mang Abraham: (Matatag ang tinig.) Samuel, alagaan at mahalin mo nang buong puso
ang kaisa-isa naming anak. Nagtitiwala kami sa iyo ng buong – buo.
Samuel: (Ngiting-ngiti.) Opo, makaaasa po kayo. Hindi kop o kayo bibuguin.
Mang Noel: Maraming salamat po sa inyong pagtanggap sa aming binate. Umasa
po kayong lagi naming siyang paalalahanan ngayong nagpasiya na silang bumuo ng
sariling pugad ng pagmamahalan.
Aling Chrisma: Salamat po sa inyong pagtitiwala sa amin. Ngayon, dalawa na an
gaming anak. Si Samuel at si Ruth.
Aling Beth: (Magiliw na sumagot.) Sa ikatlong pagbilog po ng buwan ang ibig
naming ni Ruth.
Ngumiti si Ruth saka tumango.
Aling Chrisma: Kung gayon, pag-usapan na natin ang gagawing paghahanda para
sa mahabang dula.
Aling Beth: Mabuti pa nga pero sa hapag-kainan na natin pag-uusapan ‘yan.
Tena, kumain muna tayo.

Nagkamayan sina Mang Abraham at Mang Noel. Hinalikan ni Aling Chrisma si Aling Beth. Binati
nila ang magkasintahan. Pagkatapos noon masaya silang pumunta sa mesa upang magsalo-salo at
ipagpatuloy ang kanilang usapan.
(Mula sa: BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at Panitikan – pahina 16)

A. Tukuyin ang kahulugan ng mga salita/pariralang initiman sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik
ng wastong sagot.
1. Nag-uusap sina Ruth at Samuel na ibig na nilang lumagay sa tahimik.
a. Magsasama c. magmamahalan
b. Magsumpaan d. magpakasal
2. Nais hilingin ni Samuel ang kamay ni Ruth.
a. Pagbibigay ng permiso c. pagpapaalam na magpakasal
b. Maglahad ng intensiyon d. tuluyang pamamaalam
3. Tinatanong ni MAng Abraham si Samuel kung handa na ba siyang maging kabiyak ng kanyang
anak na si Ruth.
a. Asawa c. kaibigan
b. Kasama d. katulong
4. Ipinapaya ng lahat na ang haligi ng tahanan ay dapat na maging masipag at matatag.
a. Tiyo c. kuya
b. Ama d. lolo
5. Pinaalalahanan sina Samuel at Ruth na ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na
iluluwa kapag napaso.
a. Handang talikuran ang lahat pati na ang pamilya.
b. MAging kontento at maligya kung ano mang mayroon ka ngayon.
c. Nagging matagumpay ang pag-aasawa kapag bonga ang kasalan.
d. Pag-iisipan ng mabuti at paghahandaan bago pasukin ang mundo ng pag-aasawa

B. Ipaliwanag ang iyong kasagutan. Isulat sa laang espasyo ang iyong sagot.

1. Ano ang pakay ng pamilya ni Samuel sa pagbisita ng pamilya ni Ruth?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Kilalanin ang katangian nina Samuel at Ruth batay sa mga pahayag, paglalarawan at pagkilos
niya. Isulat sa nakatakdang espasyo.
SAMUEL RUTH

Figure 1 Larawan ni Samuel Figure 2 Larawan ni Ruth


_____________ _________________
_____________ _________________
_____________ _________________
_____________ _________________
______________ __________________

Tandaan Natin!
Batay sa iyong nakuhang impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang naiintindihan mo sa
mga Karunungang – bayan? Ibigay ang tatlong halimbawa ng karunungang – bayan. Sa ibaba ng bawat
kahon isulat mo ang kahulugan ng bawat isa at ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga karunungang – bayan.

Mga Karunungang - bayan

Kahalagahan
ng pag-

Suriin Natin!
Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Mula rito bumuo ng sariling salawikain o kasabihan na
lalapatan ng poster sa ¼ kartolina.
1. Lagi kang tunutuko ng inyong mga kaklase sa tuwing ikaw ay papasok sa inyong inyong silid
–aralan. Noong una hindi mo ito pinapansin dahil sap ag-aakala mong magsasawa rin sila sa
manunukso sa iyo. Ngunit lalong lumala ang sitwasyon. Ayaw ka na nilang tantanan. Alam
mong kapag pinatulan mo sila ay lalong lalaki ang gulo. Kalaunan napagpasiyahan mong
iwasan na lamang sila at sumama sa iba mong kaklase. Sa huli, ang mga kaklasi mong
mambobolas ay napaaway at napaalis sa paaralan.

Rubrik sa pagbuo ng Sariling Salawikain/ kasabihan

Pamantayan sa pagbuo ng salawikain/kasabihan 1 2 3 4 5


1. Kaangkupan ng salawikain sa sitwasyon
2. Orihinalidad ng salawikain/kasabihan
3. Piling – pili ang mga salitang ginamit
4. Panghikayat sa mambabasa (kahusayan ng
pagpapahiwatig)
5. Pagkamalikhain sa ginamit na midyum na
presentasyon
Kabuuang puntos

Interpretasyon:
21 – 25 Napakaahusay
16 – 20 Mahusay
11 – 15 Katamtaman
6 – 10 Nangangailangan pa ng pagsasanay.
Payabungin Natin!
Ang pamamanhikan ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal.
Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili niyang
magulang. Kadalasang may malaking salu-saqlo sa hapag ang magaganap na papamnhikan. Dito ay pinag-
uusapan ang petsa at pook-kasalan ng mag sing-irog, maging ang ilan pang detalye, katulad ng magiging
ninong at ninang, ang paring magkakasal, mga abay, lugar ng kainan at maging ang listahan ng bisita.

Larawan ng pamilya na namamanhikan

Ibigay ang iyong opinion tungkol sa larawan. Dapat ba o hindi dapat na ipagpatuloy ang
nakagawiang ito ng mga Pilipino? Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag ng opinyon.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________.

Pamantayan:
Kategorya Higit na Nakamit Bahagyang Hindi Walang Isko
Inaasahan ang Nakamit Nakamit Napatunaya r
(5) Inaasahan ang ang n
(4) Inaasahan Inaasahan (1)
(3) (2)
Diskusyon Makabuluhan Bawat talata May Hindi *
ang bawat ay may sapat kakulangan nadebelop
talata dahil sa na detalye sa detalye ang mga
husay na pangunahing
pagpapaliwana ideya
g at pagtalakay
tungkol sa
paksa.
Organisasyo Lohikal at Naipakita Lohikal ang Walang *
n ng mga mahusay ang ang pagkakaayos patunay na
Ideya pagkakasunud- debelopment ng mga organisado
sunod ng mga ng mga talata subalit ang
ideya; talata subalit ang mga pagkakalaha
gumamit din hindi ideya ay d ng
ng mga makinis ang hindi ganap sanaysay.
transisyunal na pagkakalaha na
pantulong d nadebelop.
tungo sa
kalinawan ng
mga ideya.
Mekaniks Walang Halos Maraming Napakarami
pagkakamali walang pagkakamali at
sa mga bantas, pagkakamali sa mga nakagugulo
kapitalisasyon sa mga bantas, ang mga
at bantas, kapitalisasyo pagkakamali
pagbabaybay. kapitalisasyo n at sa mga
n at pagbabaybay bantas,
pagbabaybay . kapitalisasyo
. n at
pagbabaybay
.
Kabuuan

Pagnilayan Natin!
Ang mga karunungang bayan ay yaman ng ating panitikan na nagpasalin – salin na sa iba’t
ibang henerasyon pasalita man o pasulat. Masasalamin ditto ang mga kaisipan, damdamin,
karanasan, hangarin at diwa ng tao.
Mula noong panahong pre-kolonyal hanggang sa kasalukuyan, natural na sa mga nakatatanda
sa pamilya na gabayan at pangaralan ang mga nakababata. Ito ay sa mga tanda ng kanilang pagmamahal
para sa mga bata. Nararapat lang na making at sumunod ang mga bata sa mga payo at pangangaral na ito
bilang pagbabalik ng nasabing pagmamahal.

Writer: REYDEN LYN E. PIQUERO


Illustrator: Insert Name Here
Template developer: Neil Edward D. Diaz, PDO II – LRMS, Davao del Norte

Answer key to Activities (Separate Sheet)


Answer key to Activities
Subukin Natin!
__________ 1. Tulak ng bibig kabig ng dibdib.
__________ 2. Parang natuka ng ahas.
___________ 3. Nasa Diyos ang Awa, Nasa tao ang gawa
___________ 4. ‘PAg ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw
___________ 5. Mahaba ang kamay.

Gawin Natin!
Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa laang kahon kung saan ito napabilang.

Salawikain Sawikain Bugtong


Kapag maikli ang kumot, Balat – sibuyas ‘Di hari,’di pari nagdadamit ng
matutong mamaluktot sari-sari

Lahat ng gubay ay may ahas. Nagsusunog ng kilaY Ang taksil na si Hudas dila ang
tsinelas.
Lumilipas ang kagandahan ngunit Ang dami-daming mata hindi
hindi ang kabaitan makikita.

Alamid mang anong ilap umaamo


rin sa himas.

Ang bayaning nasusugatan, nag-


iibayao ang tapang.

Sanayin Natin!

C. Tukuyin ang kahulugan ng mga salita/pariralang initiman sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik
ng wastong sagot.
1. Nag-uusap sina Ruth at Samuel na ibig na nilang lumagay sa tahimik.
a. Magsasama c. magmamahalan
b. Magsumpaan d. magpakasal
2. Nais hilingin ni Samuel ang kamay ni Ruth.
a. Pagbibigay ng permiso c. pagpapaalam na magpakasal
b. Maglahad ng intensiyon d. tuluyang pamamaalam
3. Tinatanong ni Mang Abraham si Samuel kung handa na ba siyang maging kabiyak ng kanyang
anak na si Ruth.
a. Asawa c. kaibigan
b. Kasama d. katulong
4. Ipinapaya ng lahat na ang haligi ng tahanan ay dapat na maging masipag at matatag.
a. Tiyo c. kuya
b. Ama d. lolo
5. Pinaalalahanan sina Samuel at Ruth na ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na
iluluwa kapag napaso.
a. Handang talikuran ang lahat pati na ang pamilya.
b. MAging kontento at maligya kung ano mang mayroon ka ngayon.
c. Nagging matagumpay ang pag-aasawa kapag bonga ang kasalan.
d. Pag-iisipan ng mabuti at paghahandaan bago pasukin ang mundo ng pag-aasawa

You might also like