You are on page 1of 7

Bilang ng Banghay- 2

Asignatura: Filipino
Markahan: Ikalawa
Bilang ng Linggo: 2
Itinakdang Panahon: 60 minuto

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang


Pamantayang Pangnilalaman
tradisyonal ng Silangang Asya
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
Pamantayang Pagganap
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
• Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa
Kasanayang Pampagkatuto
pabula/diyalogong napakinggan (F9PN-IIc-46).
Pangunahing Konsepto Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 nakapagsusuri sa pabula ng angkop na damdaming nakapaloob
dito sa pamamagitan ng pangkatang gawain;
I. LAYUNING PAMPAGKATUTO  nakapagbabahagi ng hinuha tungkol sa kahalagahan ng pabula
sa buhay ng tao sa pamamagitan ng pagpapahayag;
 nakapagbubuo ng puna sa kilos at damdamin ng mga tauhan sa
pabula sa pamamagitan ng diskusyon.

II. NILALAMAN Pagsusuri sa Pabula


K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 9.
Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2020.

Romulo N. Peralta, et.al. (2017), Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-


Sanggunian aaral sa Filipino, Republika ng Korea, Prinpia Co., Ltd. Bureau of
Learning Resources(DepEd-BLR). Ground Floor Bonifacio Building,
DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City.

Self-Learning Module Grade 9. Department of Education 2020


Pabula na “Ang Hatol ng Kuneho” na isinalin sa Filipino ni Vilma C.
Mapagkukunan
Ambat
III. PAMAMARAAN NG
PAMPAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay (Tatlong minuto)
Tanong-sagot:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan


ng / kung ito ay nagsasaad ng emosyon o damdamin at X naman kung
hindi.
______ 1. Masama ang aking loob sa mga taong nananakit sa buhay
ng kalikasan.
______ 2. Mga hayop na nagsasalita ang mga tauhan ng akdang
pampanitikan na pabula.
______ 3. Labis ang aking pasasalamat sa mga taong nagbibigay
tulong sa nangangailangan lalo na sa gitna ng pandemya.
______ 4. Nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata nang
marinig
at matanggap ang tunay na pagpapatawad.
______ 5. Hindi maiiwasan na mayroong mga tao na hindi tumutupad
sa kanilang pangako.

(Tatlong minuto)
Tatanungin ang mga estudyante sa nakaraang leksiyon.

Mga Tanong:
2. Balik-aral
1. Ano ang napag-aralan natin noong nakaraang linggo?
2. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng Tanka?
3. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng Haiku?
4. Ano ang kabutihang hatid ng Tanka at Haiku sa bawat indibidwal?
(Limang minuto)

Panuto: Alamin kung anong damdamin ang tinutukoy ng bawat


larawan ng emoji/emoticon, ito ay idikit at itapat sa angkop na salita na
nagsasaad ng damdamin.
3. Pangganyak

Malungkot Masaya Nagagalit Nagmamahal


B. Mga Gawaing Pampaunlad
1. Aktibiti/Pagkilos (Dalawampung minuto)

Hatiin ang klase sa anim(6) na pangkat at suriin ang pabula.

Panuto: Makinig sa nakarekord na pabula, tukuyin ang emosyon at


damdamin ng mga tauhan habang binabasa at sinusundan ang naka-
imprintang piyesa sa aklat o modyul. Suriin gamit ang gabay na
katanungan at ibahagi sa buong klase ang mga sagot.

Ang Hatol ng Kuneho (buod)


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, ang mga hayop


ay nakapagsasalita pa.
May isang tigreng naghahanap ng
pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot
hindi niya namalayan na may
napakalalim na hukay, siya ay nahulog
dito. Paulit-ulit niyang sinubukang
makaahon ngunit siya ay paulit-ulit ding
nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit
walang nakaririnig sa kaniya.
Napaos na ang tigre ngunit hindi pa rin siya nawalan ng pag-
asa, muli siyang sumigaw. Naramdaman na rin niya ang labis na
gutom at pagod. Kaya lumupasay na lamang siya at naiisip na iyon na
ang kaniyang kamatayan. Ilang sandali pa, nakarinig siya ng isang
yabag at muling humingi ng tulong. Isang lalaki ang dumungaw sa
malalim na hukay at nakita ang tigre.
Nagmakaawa ang tigre na siya ay tulungan at nangako na
hindi siya nito makalilimutan habang buhay. Naawa ang lalaki sa tigre
ngunit naisip niya baka kainin siya nito. Natakot siya sa maaaring
mangyari. Akma na siyang aalis nang muling nagsalita ang tigre at
sinabing hindi niya sasaktan ang lalaki at tatanawing utang na loob ang
pagtulong sa kaniya.
Nangibabaw ang awa ng lalaki sa tigre, tinulungan niya itong
makaahon sa hukay.
Nang dahil sa labis na gutom naglaway ang tigre nang makita ang
lalaki, naglakad siya paikot dito. Wala na siyang pakialam sa kaniyang
pangako.
Nakiusap ang lalaki sa tigre na tatanungin muna ang puno ng Pino
kung tama ba na siya ay kainin. Pumayag ang tigre sa kaniyang nais.
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
Hindi pumanig ang puno ng Pino sa tao. Para sa kaniya ay dapat kainin
na ng tigre ang lalaki sapagkat wala rin namang alam ang tao sa “utang
na loob”. Ang dahon at sanga nila ay kinukuha upang mapainit ang
mga tahanan at maluto ang pagkain. Ginagamit din sa pagpapatayo ng
bahay at paggawa ng iba’t ibang kasangkapan. Isa pa ang tao rin ang
gumawa ng butas na pinaghulugan ng tigre.
Akmang sasakmalin ng tigre ang tao nang muling nakiusap
ito. Sa sandaling iyon ay dumaan ang baka at hiningi nila ang hatol
nito. Para naman sa baka, walang duda kung ano ang gagawin. Dapat
na kainin ng tigre ang tao sapagkat wala rin naman silang utang na
loob. Simula nang sila’y isilang ay naglilingkod na sila rito.
Ipinaliwanag ng baka na sila ang nagbubuhat ng mabibigat na dalahin,
nag-aararo sa bukid. Nang tumanda na ay pinapatay at ginagawang
pagkain. Ginagamit din ang balat sa paggawa ng kahit anong bagay.
Natuwa ang tigre sa pagsang-ayon ng lahat. Humanda na para
kainin ang lalaki. Nang biglang dumating ang lumuluksong kuneho.
Muling nakiusap ang lalaki, nagalit ang tigre dahil gusto na
niyang pawiin ang kaniyang gutom subalit pumayag pa rin siya sa
pakiusap nito sa huling pagkakataon.
Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Nakinig ang kuneho
nang nakapikit at pinagagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Sa
pagdilat ng kaniyang mga mata ay malumanay itong nagsalita na
naintindihan na niya ang isinalaysay ng dalawa.
Sa kaniyang pagbibigay ng hatol ay nais niyang dalhin siya ng mga ito
sa hukay. Gusto ng kuneho na isalaysay muli ng dalawa ang nangyari.
Sabi ng kuneho, “Tingnan natin. Sabi mo tigre ikaw ay nahulog sa
hukay at ikaw naman lalaki ay nakatayo rito sa itaas. Pumunta kayo sa
mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang
aking hatol.”
Walang ano-ano, tumalon ang tigre nang hindi nag-iisip dahil ang nais
niya ay makakain na.
“Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa
hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi
ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong
magbigay ng aking hatol.
Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng
makalabas sa hukay,” paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap.
“Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at
iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na
magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang
tigre sa hukay.
Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at
nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

Pinagkunan: Romulo N. Peralta, et.al. Panitikang Asyano-Modyul ng Mag-


aaral sa Filipino 9, Meralco Avenue, Pasig City, Vibal Group Inc., 2014,
103.
Tanong-sagot:

Sagutin ang gabay na tanong.

1. Ano ang paksa ng pabula?


2. Anong damdamin ang nangibabaw sa lalaki?
3. Anong ugali ang paulit-ulit na binanggit sa pabula na
nakalimutang ibalik ng mga tao?
4. Sa iyong pagsusuri, ano nga ba ang naging simula sa
tunggalian ng pabula?

(Pitong minuto)

Panuto: Suriin ang pahayag na mula sa pabulang “Ang Hatol ng


Kuneho” at sagutin ang katanungan sa pamamagitan ng tanong-sagot.

“Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at


iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko
na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili
2. Analisis/Pagsusuri ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng
matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

1. Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag?


2. Tama ba ng naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng
lalaki? Bakit?
3. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa
ng kuneho? Ipaliwanag.

(Limang minuto)

Panuto: Ibahagi ang hinuha at damdamin.

Tanong-Sagot:

3. Abstraksiyon/Paglalahat 1. Ano-ano ang inyong hinuha at damdamin tungkol sa pabula?


2. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa
kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao
at maging ang kanilang damdamin? Bakit?
3. Wasto nga ba ang ginawa tigre na hindi pagtupad sa kaniyang
pangako sa tao? Bakit oo, bakit hindi?

4. Aplikasyon/Paglalapat (Limang minuto)

1. Ano-anong aral ang nais ipabatid ng pabula?

Posibleng sagot: (a) tuparin mo ang iyong pangako, (b) huwag kang
padalos-dalos sa iyong desisyon, (c) tumulong sa mga
nangangailangan

2. Ang mga aral bang iyan ay magagamit natin sa realidad ng buhay?


Paano at bakit?
2. Bilang kabataan, paano nakatutulong sa iyong pagkatao ang
mensahe/kaisipan ng pabula?
3. Bilang kabataan sa makabagong panahon, mahalaga pa rin ba na
pag-aralan natin ang pabula? Bakit?

(Posibleng sagot at maaaring ipaliwanag sa mga estudyante):


• Mayroong iba-ibang damdamin
• Realisasyon sa buhay at naging gawi ng mga tao
• Sumisimbolo sa pag-uugali ng tao

• Itinuturo sa pabula ang tama, patas, makatarungan, at


makataong ugali at pakikitungo sa ating kapuwa. Ang mga pabula ay
lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

IV. EBALWASYON (Sampung minuto)

Panuto: Basahing mabuti ang isang talata na mula sa pabula na “Ang


Hatol ng Kuneho” at sagutin ang mga tanong sa ibaba tungkol sa
damdamin at kabisaan sa paggamit ng hayop bilang tauhan sa pabula.
Isulat ang titik ng angkop na sagot sa isang-kapat (1/4) na papel.

“Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng


kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging
problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang
paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay.
Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong
kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.
Pinagkunan: Romulo N. Peralta, et.al. Panitikang Asyano-Modyul ng Mag-aaral
sa Filipino 9, Meralco Avenue, Pasig City, Vibal Group Inc., 2014, 103.

1. Anong ugali/desisyon ang namutawi sa kunehong nagbigay


hatol?
a. Ang pagbibigay tulong ay para lamang sa may
mabubuting puso.
b. Tulungan ang lahat, huwag isipin kung ano ang magiging
kapalit.
c. Huwag pansinin ang problema na dumating sa halip ay
magsaya.
d. Isiping mabuti ang mga hakbang na gagawin bago ito
patotohanan.

2. Wasto ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at


lalaki? Bakit?
a. Opo, sapagkat hindi karapat-dapat na tulungan ang
nagbibigay problema sa iyo.
b. Opo, dahil nararapat na ibalik ang tigre at lalaki sa
kanilang unang puwesto.
c. Hindi, dahil walang karapatan ang kunehong humatol sa
tigre at lalaki.
d. Hindi, sapagkat wasto naman na pawiin ng tigre ang
kaniyang gutom.

3. Paano nagkaroon ng problema ang tao?


a. Nang makita niya ang tigre sa malalim na hukay na gawa
din ng tao.
b. Nang napakinggan niya ang sama ng loob ng puno ng Pino
at baka.
c. Nang tinulungan niya ang tigre at nagtiwala sa mga
pangako nito.
d. Nang humingi sila ng tulong sa kuneho at ito ang nagbigay
ng hatol.
4. Sa iyong binasang pabula, kasalanan ba ng tao ang mga
hinaing ng puno ng Pino at baka?
a. Opo, dahil masama ang ginagawa ng tao sa puno ng Pino
at baka.
b. Opo, sapagkat walang karapatan ang tao na abusuhin ang
puno ng Pino at baka.
c. Hindi, sapagkat kalikásan naman ng puno ng Pino at baka
ang ganoon.
d. Hindi, dahil kasalanan ng puno ng Pino at baka kung bakit
sila nagkaganoon.

5. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?


a. Upang ang aral ay maaaring isarili lamang.
b. Upang ang isipan ng tao ay maging malawak.
c. Upang magkaroon ng magandang aral sa buhay.
d. Upang malaman kung paano magsalita ang mga tauhan.

Panuto: Sumulat ng isang bukas na liham-inspirasyon para sa iyong


kaibigan na binubuo lamang ng limang (5) pangungusap. Gumamit ng
mga salita na nagpapahayag ng damdamin katulad na lamang ng
natutuwa, nasisiyahan, at masaya. Isulat ito sa malinis na papel.

Rubrik sa Pagwawasto
Kategorya 5 4 3 2
Malinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw Hindi angkop
Nilalaman at tunguhin at tunguhin ang tunguhin ang tema at
Tema tema ng ngunit hindi at tema subalit hindi ginamit
liham na may angkop ang kulang ng ang salitang
tatlong tema subalit dalawang inirekomenda
V. KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN salitang kulang ng isang salitang .
inirekomenda salitang inirekomenda
. inirekomenda
Kinakailangan: Walang mali Mayroong Mayroong Hindi
•Wastong baybay sa kulang na isang kulang na nasunod ang
ng salita pagbabaybay, pangangailanga dalawang lahat na
• Wastong gamit wasto ang n sa pangangailang pangangailan
ng salita gamit ng pangungusap an sa gan ng
•Wastong gamit salita at pangungusap pangungusap
ng bantas mayroong
wastong
bantas

Puntos: ____/10

Ang bawat salita na ginagamit natin ay madalas na nagiging batayan sa


maayos o maaaring magulong pakikipagkomunikasyon sa kapuwa. Ito
ang sukatan sa damdamin at emosyon ng isang tao upang maging
matimbang ang pagbibigay ng tulong.

VI. PAGNINILAY-NILAY Kung gayon, ang paggawa ng tama at makataong pakikipagkapwa ay


likas na sa tao kaya ipagpasalamat natin sa Panginoon sapagkat ito ay
isang biyaya na hindi kailangang ipilit sa sarili. Katulad na lamang ng
pabula na higit na nangibabaw ang kabutihan at ang paghatol nang
patas. Ipinapakita na hindi batayan ang katayuan, ang lakas o kahinaan
upang makamit ang makatarungang paghatol.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa ebalwasyon.
_______________________________________________________________________
B. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng iskor na mababa sa 80% at binigyan ng karagdagang gawaing pang-remedial.
_______________________________________________________________________
C. Mabisa ba ang mga araling pang-remedial? Bilang ng mag-aaral na umunlad sa mga ibinigay na araling pang-remedial.
_______________________________________________________________________
D. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan pa ng patuloy na araling pang-remedial?
_______________________________________________________________________
E. Alin sa mga istratehiyang pampagtuturo ang mabisa? Bakit ito mabisa?
_______________________________________________________________________

Inihanda:

Guro III : DELSIE L. PORRAS


Paaralan : ASUNCION NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay : DAVAO DEL NORTE

You might also like