You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Hipona National High School
Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9

Yesa Mel D. Morales Gng. Margie L. Tapic


Gurong Nagsasanay Gurong Pumapatnubay

I – Layunin

Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nagagamit ang kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa teksto;


B. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong
nagsasalita at kumikilos;
C. Nakasusulat ng payak at masining na paglalarawan sa mga tauhan.

II – Paksang-Aralin

A. Paksang-Aralin: “Ang Hatol ng Kuneho” Pabula ng Korea, Isinalin sa Filipino ni Vilma C


Ambat.
B. Sanggunian: Panitikang Asyano 9, pahina 101-107
C. Kagamitan: Mga larawan, laptop, projector, at speaker.
D. Pagpapahalagang Moral: Magtanaw ng utang na loob sa mga kabutihang natamo at sikaping
tuparin ang mga pangako.

III – Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Balik-aral

Bilang pagbabalik-aral ano-ano ang Ang ating tinalakay ay tungkol sa tanka at Haiku ng
huling tinalakay natin? Japan.

Ano ang tanka? Ang tanka ay isang maikling awitin ito’y binubuo ng
tatlumpu’t isang pantig
Na may limang taludtod.

Ano naman ang haiku? Ang haiku ay pinaikli pa sa tanka, may labimpitong
bilang ang pantig na may tatlong talutod.

Ano ang makatutulong sa pagbigkas ng Ang makatutulong sa pagbigkas ng tanka at haiku


tanka at haiku upang ito’y maging upang maging makabuluhan ay ang ponemang
makahulugan? suprasegmental

Ano ang ponemang suprasegmental? Ang Ponemang Suprasegmental ay makahulugang


tunog. Dito pinag-aaralan ang Diin,
Tono/Intonasyon at Antala/Hinto.
Mahusay!

B. Pangganyak

Ang mga bagay, hayop o tao man ay


may simbolong ugnayan sa bansa at sa
mga mamamayan nito. Ang mga
likhang ito ay may malaking
ginagampanan upang bigyang buhay
ang ating panitikan.

Ngayon ay hahatiin natin ang klase sa Panuto: Buuin ang mga ginupitgupit na larawan sa
limang pangkat. Bawat pangkat ay loob ng enbelop idikit ito sa karton at pumili lamang
bubuuin ang mga larawang . ng dalawang kinatawan upang ipaskil ito sa pisara.
Nakasilid dito sa loob ng enbelop. Pagkatapos ay ilarawan ito sa harap ng klase.

Ang laro ay paunahan sa pagbuo. Mga Larawang bubuuin:


Maliwanag na ba ang lahat?
(Unang Pangkat) (Ikalawang Pangkat)

(Ikatlong Pangkat) (Ikaapat na Pangkat)

(Ikalimang Pangkat)

Ang mga larawang nabuo ninyo ay may


malaking kaugnayan sa ating araling
tatalakayin, ngunit bago iyan ay
panoorin muna natin ang inihanda
kong video clip.
Ano ang napapansin ninyo sa videong Batay sa aming napanood nakita ko pong mga
inyong napanood? hayop ang tauhan sa kuwento. Sila ay nagsasalita at
kumikilos na pawang mga tao.

Tungkol saan ang video? Tungkol sa mga hayop na lion at daga.

Ano ang aral sa video na inyong Ang pagpapakita ng kabutihan ay mahalaga sa


napanood? pagkamit ng kaibigan at mahalaga ang pagtanaw ng
utang na loob.

Mahusay!
Ang lahat nang nakita ninyo ay may
kaugnayan sa ating tatalakayin.

C. Pag-alis ng Sagabal

Upang mas madaling maunawaan


ninyo ang ating tatalakayin ngayong
araw, bibigyang kahulugan muna natin
ang mga sumusunod na talasalitaan.

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga


salita na nasasalungguhitan sa
sumusunod na pangungusap. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

alisin humandusay Matahimik


lamunin pagmamakaawa
pag-aayos

1. Gutom na gutom at hapong-hapo Humandusay


na ang tigre, kaya lumapasay na
lamang siya sa lupa.
2. Malumanay at walang ligoy na Matahimik
nagsalita ang Kuneho.
3. Sige, Tigre pawiin mo ang iyong Alisin
gutom.
4. Bumubwelo ang tigre upang Lamunin
sakmalin ang lalaki.
5. “Pakiusap, parang awa mo na!” Pagmamakaawa
pagsusumamo ng lalaki.

D. Paglalahad

Ngayon, taluntunin natin ang daan


patungong Korea at sabay-sabay
nating pag-aralan ang ilan sa kanilang
akdang pampanitikan.
Ang ating tatalakayin ngayon ay isang
Pabula ng Korea na pinamamagatang
“Ang Hatol ng Kuneho” Salin sa Filipino
ni Vilma C Ambat.

Alamin muna natin ang mga gabay na


katanungan sa ating aralin.

Mga gabay na katanungan: (pagbasa ng piling mag-aaral)


1. Tama ba ang naging hatol ng
kuneho sa suliranin ng tigre at ng
lalaki?
2. Sa iyong palagay kung
nakapagsasalitang muli ang mga
nilalang sa kalikasan natin ngayon,
ano kaya ang kanilang hatol sa
ating mga tao? Bakit?
3. Bilang kabataan, ano ang
maimumungkahi mo upang
maiwasan ang pang-aabuso sa
sumusunod:
a. Hayop b. Kalikasan

E. Pagbasa

(Pagpapakita ng Video animation)

Unawaing mabuti at himayin ang mga


aral na nakapaloob sa akdang
panonoorin.

F. Pagtalakay
1. Pangnilalaman

Tama ba ang hatol ng Kuneho Para po sa akin tama po ang hatol ng Kuneho sa
sa suliranin ng Tigre at Lalaki? suliranin ng Tigre at tao dahil po hindi tama ang
gagawin ng tigre na kakainin niya ang lalaking
nagligtas sa kanya sa pagkakahulog sa hukay.

Sa iyong palagay kung Sa palagay ko ang iba ay magrereklamo ngunit ang


nakapagsasalitang muli ang iba naman ay magpapasalamat sa mga tao.
mga nilalang sa kalikasan natin
ngayon, ano kaya ang kanilang
hatol sa ating mga tao?

Bakit?
Ang iba ay magrereklamo dahil sa pagmamalupit at
hindi tamang paggamit at pagtrato sa kanila.

Ang iba naman ay magpapasalamat dahil sa


mabuting pag-aalaga sa kanila at paggamit sa
tamang paraan.

Mahusay!
Bilang isang kabataan ano ang Bilang isang kabataan ang maimumungkahi ko ay
maimumungkahi mo upang kailangan nating pag-ingatan ang mga likas ng
maiwasan ang pang-aabuso sa kapaligiran. Dahil ang ating kalikasan at mga hayop,
hayop at kalikasan? maliban sa tao ay nagbibigay rin ng buhay at kulay
sa ating kapaligiran.

Magaling!
Magbigay pa ng ilang Maimumungkahi ko pong sila’y kailangang
mungkahi? pahalagahan dahil hindi tayo mabubuhay kung
walang hayop at mayaman at masaganang
kalikasan.

2. Pangkayarian

Anong uri ng akdang Ito po ay isang pabula.


pampanitikan ang inyong
nasaksihan?

Ano ang pabula? Ang Pabula ay isang maikling kuwentong kathang-


isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga
kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng
pangaral. Itinuro ng pabula ang tama, pataas,
makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa
ating kapwa.

Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop


na kumikilos at nagsasalita.

Ibig sabihin mga hayop ang


kumakatawan sa mga pag-
uugali o katangian ng tao.
Halimbawa:

Ahas – karaniwang nangangahulugang isang taong taksil.

Kalabaw - matiyaga

Palaka – mayabang

Unggoy – tuso

Aso – matapat

Bubuyog – mapaglarong manliligaw


Ang pabula ay lumaganap dahil
sa magagandang aral sa buhay
na ibinibigay nito.

Si Aesop ay tinaguriang “Ama


ng Sinaunang Pabula” dahil sa
napabantog niyang aklat, ang
Aesop’s Fable.
G. Paglalahat

Bakit mahalagang pag-aralan ang Mahalagang pag-aralan ang pabula dahil ito’y nag-
pabula? aaliw at nangangaral hindi lamang sa mga bata
kundi pati na rin sa mga matatanda.

Mahusay! Ano pa? Mahalaga ang pabula sapagkat dito rin natin
masasalamin ang ating katangian at pag-uugali
bilang tao na nagbibigay sa atin ng aral.

Sa pamamagitan ng pabula
mapapahalagahan natin ang mga
hayop at iba pang bagay sa ating
kapaligiran sa pamamagitan ng
mayaman nating panitikan.

H. Paglalapat/Pagpapahalaga

Anong aral ang nakuha ninyo sa inyong Ang aral pong nakuha ko ay kailangang magtanaw
napanood? tayo ng utang na loob sa mga kabutihang natamo at
sikaping tuparin ang mga pangako.

Magaling!
Kung kayo ang hahatol sa suliranin ng Kung ako po ang hahatol sa sitwasyon gagawin ko
tigre at lalaki, gagawin niyo rin ba ang rin po ang naging hatol ng kneho sapagkat
hatol ng kuneho? pinapakita niya sa atin na mahalaga ang pagtupad
sa mga pangako at pagtanaw sa utang na loob. At
para sa akin hindi tama ang gusto ng tigre na
kakainin niya ang lalaking tumulong sa kanya.

I. Pagpapalalim

Mula sa pabulang ating pinag-aralan, Panuto: Sumulat ng payak at masining na


bawat pangkat ay susulat ng payak at paglalarawan sa mga tauhan ayon sa kanilang
masining na paglalarawan sa mga katangian at ginagampanan sa pabula.
tauhan ayon sa kanilang katangian at
ginagampanan sa pabulang tinalakay.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain: Unang Pangkat
a. Nilalaman (kaalaman at Tigre Katangian Ginagampanan
Ideya) --------------------- 10pts. Mapanlinlang,
b. Presentasyon ----------- 5pts. sinungaling,
c. Kooperasyon ------------ 5pts. hindi
20puntos marunong
magtupad sa
usapan

Ikalawang Pangkat
Lalaki Katangian Ginagampanan
Matulungin, Manlalakbay
matapang na tumulong sa
tigre upang
makaahon sa
hukay.

Ikatlong Pangkat
Puno ng Pino Katangian Ginagampanan
Mapangsumbat Nagbigay
mungkahi sa
disesyon ng
tigre.

Ikaapat na Pangkat
Baka Katangian Ginagampanan
Mapangsumbat Nagbigay
mungkahi sa
disesyon ng
tigre.
Ikalimang Pangkat
Kuneho Katangian Ginagampanan
Matalino Nagbigay ng
hatol sa
suliranin ng
lalaki at tigre.

IV – Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay
ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop na kumikilos at nagsasalita.
a. Parabula c. Dula
b. Pabula d. Tula
2. Sino ang nagbigay ng matalinong hatol sa suliranin ng Lalaki at Tigre?
a. Baka c. Pino
b. Aso d. Kuneho
3. Siya ay tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula”?
a. Aesop c. Aysop
b. Asop d. Aesap
4. Ano ang balak ng tigre sa lalaki matapos siyang iligtas sa pagkakahulog sa hukay?
a. Kalbuhin c. Kainin
b. Kawayan d. Paliguan
5. Saang bansa nagmula ang pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
a. Taiwan c. China
b. Korea d. Mongolia

V – Takdang-Aralin

Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang Modal?


2. Ano ang mga gamit at katangian nito? Magbigay ng halimbawa.

You might also like