You are on page 1of 2

Mga Mungkahing Estratehiya sa Pagtuturo ng mga Akdang

Pampanitikan

TERMINOLOHIYA
PANITIKAN

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang isang

panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao.

ESTRATEHIYA

Ang patigayon o estratehiya ay isang salitang nangangahulugang mahusay

na paraan o mahusay na pamamaraan.

ANG PAGTUTURO NG MAIKLING KATHA


Nagbigay si Sage (1987) ng mga mungkahing Gawain sa pagtuturo/pag-aaral ng maikling katha.

1. Kilalanin/hanguin sa mga karanasan ng mag-aaral ang dating alam sa

pamamagitan ng pagkukuwento o pakikinig nila bago talakayin ang akda

(pre-reading activity).

2. Maging holistic o ganap ang pagtatalakay ng akda sa pamamagitan ng pagmamasid ng mga ugnayan
sa mga aspekto ng kuwento.

3. Isaalang-alang ang natural na daloy ng kuwento bilang patnubay sa pagtuturon ito.

4. Magbigay ng sapat na kaligirang talakay bago pag-aralan ang kwento.

5. Patnubayan ang ang mag-aaral (tungkol sa kung paano at kailan dapat basahin ang kwento.)

a. Maaaring pumili ng bahagi ng kwento na babasahin nang malakas upang mapasimulan ang pagtalakay
(para bang binibigyang-diin ang key moment o climax ng kwento.

b. Hayaang basahin ng mag-aaral ang kwento ng dalawa o mahigit pang ulit upang masuri at mabigyan
ito ng malalim na kahulugan.

6. Ipaliwanag ang katuturan ng mga terminong pampanitikan upang mapagaan ang diskusyon

7. Ipakita o ipadama sa mag-aaral ang matulaing bahagi ng isang akda.

ANG PAGTUTURO NG SANAYSAY


Ayon kay Genoveva E. Matute, ang sanaysay ay isang anyo o genre ng panitikan. Ito ay payak na anyo ng
panitikang madaling maunawaan at marahil ay madali ring maipasulat sa tulong ng kaunting
pamamatnubay.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga patnubay sa pagtuturo ng sanaysay:

1. Tiyaking may kahandaan na sila sa gagawing pagpapahalaga

2. Ang mga mahihirap na salita sa loob ng sanaysay ay kailangan munang pag-aralan

3. Ipabasa ang buong sanaysay at hanapin ang pangunahing diwa o kaisipan

4. Ipabasang muli ang sanaysay at tuklasin ang bawat kaisipang taglay ng bawat talata

5. Maaari ring pagawain ng payak na balangkas ang klase at sa tulong ng balangkas na ito ay lagumin ang
diwa ng binasa

6. Hingan ng reaksyon ang klase batay sa kaisipang nakalahad sa sanaysay


ANG PAGTUTURO NG TULA
Masalimuot at mahirap ang pagtuturo ng tula dahil sa may iba itong istruktura o kayariang balangkas.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga patnubay sa pagtuturo ng tula:

1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin.

2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni

3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa

4. Ang pagtatalakay ng tula sa isang magandang kaayuan

5. Ang Mahalagang Tayutay

GAWAIN

Panuto: Gamit ang 3-2-1 strategy ay kinakailangan na punan ang mga hinihinging
impormasyon. Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno.

Paano mo magagamit
Ano ang 3 bagay na sa pang-araw-araw na
natutunan mo sa pamumuhay bilang
aralin? guro sa hinaharap ang
natutunan mo sa
aralin?

Ano ang 2 paborito


mong bahagi sa aralin?

You might also like