You are on page 1of 2

Marielle L.

Tablada Grade 11 – Angel Michael

Gng. Liza O. Nermal March 3, 2020

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Katatasan sa Pagsasalita sa Filipino

Kailangan ng taong matutunan ang isang wika hindi lamang upang


makapagsalita bagkus kailangan niya itong magamit sa wasto at tamang paraan.
Pinakamahalagang kasanayang pangwika ang pagsasalita.

Ito ang unang natutunan ng tao simula nang isilang siya sa pamamagitan ng
kanyang pag-uha (Garcia et al., 2010).

Ang pagsasalita ang isa sa dapat na pinakamalinang sa mga makrong


kasanayan. Ang pangunahing tungkulin ng isang guro ay sanayin ang mga estudyante
sa iba’t ibang salita, pagbaybay at pagbigkas (Townsend, 2009).

Makikita rin ang kasanayan sa pagsasalita ng isang tao kung nagpamalas ito ng
matatag na damdamin, malawak na kaisipan at kasanayan sawika, retorika at balarila
(Macaraig, 2000).

Dagdag pa ni Casanova et.al, (2011), ang pag-iiba ng tono ay maaring gamitin


upang makapagdiin ng ilang mahahalagang kaisipan o konsepto, unawaing mabuti ang
teksto at iangkop ang tono sa nilalaman nito.

Ayon nga kay Alcantara et.al, (2010), lumabas na isa sa mga dahilan ng
kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsasalita ay kakulangan ng eksposyur at pagsasanay
na gamitin ito sa pakikipag-usap sa kanilang kasamahan.

Ayon kina Pagkalinawan, et. Al. (2004), ang katangian ng mahusay na


tagapagsalita ay may layunin at lubos na kaalaman sa paksa, may kaalaman sa retorika
at baralila, may kredibilidad ang pagkatao, may maayos na personalidad, wastong
pananamit at tindig, may kawili-wiling tinig, at matatag na damdamin.
Kawalan ng Gana o Interes sa Pag-Aaral o Study Habits

You might also like