You are on page 1of 1

ST. MARY’S COLLEGE OF TAGUM, INC.

TEACHER – EDUCATION PROGRAM


Center for Student Learning, Leadership & Development
“We Discover, We Practice, We Create”

Ang palabaybayan or ortograpiya ng isang wika ay tumutukoy sa tamang paraan ng

paggamit ng isang tiyak na sistema sa pagsulat ng isang wika. At bilang isang mamamayang

Pilipino, bukas ang aking kamalayan sa pabago-bagong tuntunin sa palabaybayang Filipino.

Noong araw, wala pang pamantayang palabaybayan ang Filipino. Dulot ito ng kawalan ng

pansin ng pamahalaan sa direksiyong nais tunguhin ng wikang ito. Hanggang sa ngayon,

kapansin-pansin ang maliliit ngunit lubhang maraming pagkakaiba sa baybay ng mga salitang

Filipino ng mga tagapaglathala at mga pamantasan.

Ang pagbabagong ito ay ginawa upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga

gumagamit ng wikang pambansa. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya.

Kailangan din itong matanggap ng publiko. Kung ang wika ay hindi napapanahaon ay baka hindi

lubos maintindihan ng mga susunod na henerasyon kung mananatiling makaluma ang paggamit

sa wika. Saganang akin, ang buhay na wika ay araw-araw na nagbabago at ang pagbabagong ito

ay isang katotohanang kailangang tanggapin.

You might also like