Professional Documents
Culture Documents
MARY’SCOLLEGE OF
TAGUM,
INC
TEACHER– EDUCATION PROGRAM
.
Center for Student Learning, Leadership & Development
“We Discover, We Practice, We Create”
Siya ay inspirasyon ko sa paggawa ng tama, hindi rin niya tinitingnan ang yaman o
estado ko sa buhay, iyong tipong kinakaibigan ka lamang dahil sa pera. Hindi niya rin
ipinagsasabi ang mga sikreto ko o sinisiraan kapag nagkatampuhan kami. Iisipin niya
ang aking nararamdaman at di niya ako hahayaang masaktan. At higit sa lahat ay
hinding-hindi nang-iiwan. Kapag di ko siya nahagip sa aking mga mata, agad-agad ko
siyang hinahanap at mag-aaalala. Magkasama kami sa saya, lungkot at mga panahon
sa aming buhay.
Anjan sya pag sya ay aking kailangan, pag kami ay mag kasama ay puno ng tawa at
saya may awayan man minsan pero kami ay nag babati agad nagtutulungan kami sa
mga problema tinuturing mag kapatid ang isa’t isa lagi kaming mag kasama, mag
kasabay kumain at pumunta sa paaralan. Pag siya ay may kailangan ako'y narito para
sa kanya, kambal kung kami ay magkasama, masaya parin kami sa lungkot at ginhawa.
Pamilya. Pitong letra kung babaybayin, isang salita kung bibigkasin, Ina, ama at anak
na pinagka isa at tinawag na pamilya. Sa apat na sulok ng isang tahanan madarama
ang tunay na pagmamahalan, pagmamahal na hindi matutumbasan ng ano mang
halaga, mga ngiti sa puso’y hindi mananakaw ng iba. Isang langit ang aking naging
tahanan. Sa loob ng dalawamput isang taon ay aking nasilayan at naranasan ang
pagmamahal ng isang magulang at kapatid na tila parang anghel na umaawit sa langit,
kasing tamis ng chocolate na dulot ng kanilang pag-ibig sa akin.
Tulad ng panahon ay may unos na darating, ang aming suliranin sa buhay ay tulad ng
isang malakas na bagyo na humagupit sa gitna ng dagat, mga problema ng aming
pamilya na pinagdadaanan ay isang pagsubok lamang para lalo pang pagtibayin ang
aming pananampalataya. Pero ang mga problemang iyan ay hindi magtatagal. Parang
mga unos o bagyo na dumadaan lang at pagkatapos ay masisilayan na natin ang
liwanag. Ngunit ang aming pamilya’y singtulad ng talon patuloy sa daloy ng buhay at
pagahon sa nakaabang na dalampasigan.
Ginto ko silang ituring ngunit ang halaga nito’y hindi kanino man maaangkin. Sa
pagdating ng panahon sila’y aking sasaluduhin sa mga hirap at sakripisyong kanilang
binigay sa akin. Kaya’t aking bibigyang pansin na kahit sa simpleng paraan sila’y aking
pasasalamatan ang kanilang dugo’t pawis ay aking susuklian at ipapakita na kahit ano
mang hirap ng buhay ay aking babaybayin at abutin ang isang matamis na tagumpay.