You are on page 1of 43

“Paaralan”

ni Vincent Jerome Alfin

“Paaralan” binubuo ng isang salita,


Panahon para sa mga nagdadalaga at nagbibinata,
Pero ano nga ba talaga ang buhay hayskul,?
Isang tanong na napakahalaga.

Sa buhay hayskul, sadyang puno ng ligaya,


Walan kapantay, walang sukat at saya,
Sa loob ng paaralan parang isang pamilya,
Ang turingan ng bawat isa.

Ako’y may mga nakilala ng lubusan,


Mga taong naging gabay sa aking buhay sa paaralan,
Mga gurong tagapayo’t tagabigay ng mataas na marka,
At mga tapat na kaibigan na sumusuporta.

Bito nabuo ang aking katatagan at kahusayan,


Sa paaralan aking pinapasukan,
Na itinuturing kong pangalawang tahanan,
Para sa aking magandang kinabukasan.
“Subject”
ni Karl Nico Aliperio

Takdang aralin proyekto't assignatura,


Ay isang mahalagang bagay na dapat na ipasa,
Ito'y mga gawain na nagpapadali sa inyo,
Pero Ito'y isang dahilan upang tumaas ang grado.

Subject na iyong nahihirapan,


Ay hindi dahilan upang sukuan,
Ang pag aaral ng Tama ay dapat i pursige,
Magandang kinabukasan ang maaabot sa huli.

Bilang estudiyante dapat magsikap,


Maabot ang iyong pangarap,
Kaya umpisa ngayon ikaw ay mag-aral,
Upang matupad ang iyong dasal.
“BARKADA”
ni Franxene Kyle Andrin

Barkada, isang salita na kinatatakutan ng lahat,


Dahil sabi nila daw ay masamang pangkat,
Na iimpluwensya sayo sa mga masasamang bisyo,
At uudyok sayo na maging masamang tao.

Ngunit mali ang mga ito, hindi sila masasamang tao,


Kasama mo sa tawanan, iyakan at pagtatalo,
Subalit kahit anong mangyayari,
Tayo parin ay magsasama hanggang sa paglaki.

Ngunit Hindi naman lahat ng barkada mababait,


Merong mga taong masamang impluwensya,
Mga taong tuturuan kang gumamit ng droga,
Na dapat nating layuan hanggang sa pagtananda.

Kaya tayo'y wag naman mag pakadumi,


Nandyan lang naman ang mga taong mamahalin ka nang marami,
Ang mga taong hindi ka iiwan at iaapi,
Kaya tayo'y magpakabuti,
At tayo'y magpasalamat sa ating mga Barkada.
“Buhay Sa Hayskul”
ni JayThom Ayco

Pagkadating ko sa paaralan,
Pupunta kaagad sa silid aralan,
Uupo sa aking upuan,
Handang-handa matuto nang lubusan.

Makikinig sa aking guro,


Na masayang nagtuturo,
Ako'y nakikinig nang mabuti,
Dahil ito ay mas nakakabuti.

Pagkalipas ng ilang oras,


Sa wakas kami ay makakauwi,
Ako'y napagod na ngunit ito'y napawi,
Salamat sa aking mga kaibigang kasama kong pauwi.
“HighSchool Life”
ni Kurt Bantillo

"Highschool life", dalawang salita na puno ng kaligayahan,


Kung saan makakilala ka ng mga tunay na kaibigan,
Kung saan sasabayan ka sa lahat ng tawanan,
Sasabayan ka pati na sa lahat ng kalungkutan.

Ito'y hindi lamang puno ng kasiyahan,


Mayroon din itong mga kalungkutan at kabigu-an,
Dito mo rin mararanasan ang paghahanga,
Pero minsan wala rin namang pag-asa.

Mayroon di'ng mga guro,


Mga guro'ng sasabayan kayo sa tawanan ninyo,
Guro'ng susuportahan ka sa mga gusto mo,
At guro'ng tuturuan ka ng payo para sa buhay mo.

O kay sayang maranasan ang mga ito,


Kahit minsa'y napakahirap na at mapapasabi ka na ayaw mona,
Kailangan mo lang mag pursige at sabihing "kaya ko pa",
Buhay hayskul ay talagang kay saya.
“Karanasan”
ni Jan Carpio

Ako ay isang estyudante,


Depende lang kung ang mga proyekto ay mahirap,
Konti lang ang alam ko sa Filipino,
Pero ang karanasan ay masayahin.

Ito ay ang panahon ng mga kaibigan,


Pero may mga traydor na kaibigan,
Ang isang matalik na kaibigan ay ang isang totoong kaibigan,
Dito naman ay ang isang masayahin na karanasan.

Dito naman ang mga guro,


Strikto o mabait,
Hindi naman itong pwede pumalit,
Kahit sila ay nagbigay ng mga mahirap na bagay,
Sila ang nagtulungin tayong lahat.
“KAIBIGAN''
Ni Christian Gabrielle De Amboy

Ang aking kaibigan,


kasama ko kahit saan,
Tanggap man ang bawat isa,
Nagdadala ng kasiyahan.

Ang ugali'y man iba-iba,


Kami'y komportable, walang kaba,
Mataas man o mababa,
Kami'y walang pagkakaiba.

Minsan ay nagkamali,
Pagdamay ay laging kasama,
Sa iyong pagluha,
Ako'y naninimdim.

Sana samahan natin ang huwag magkaiba,


Dahil walang sinuman sa atin ang magkakaiba,
Kahit tayong dalawa ay pawang magkaiba,
Ito'y isang paraan para punan ang kulang ng isa.

Hindi kita makakalimutan,


Matalik kong kaibigan,
Masaya akong nakilala ka,
Sana ito'y panghabang buhay na.
“MASAYA”
Ni Xint Jomhel Espada

Ang mga oras na ginugol mo sa haiskul ay ang pinakamasaya,


Haiskul,ang oras na pakiramdam mo`y ikaw ang pinakamalaya,
Marahil ika`y nasasabik sa pagapasok sa eskwelahan,
Upang marinig ang tawanan at kasiyahan.

May mga oras na tayo`y nahihirapan,


Mga oras tayo`y napapagod,
Pero ang hirap na iyon kakayanin,
Tayo`y nalilinawan ng dahil sa isang hagod.

Mga panahong tayo`y nagpupuyat,


Ito na ba`y hudyat,?
Na makakamatan ang pangarap,
Na sa pakiramsam ay masarap,?

Sa haiskul,may tao tayong nagugustuhan,


Tinutukso ng ating mga kaibagan ,
Higit sa lahat ay nagtatawanan ng malaya,
Yan ang buhay ng haiskul mapagod man ngunit masaya.
“Buhay Highschool”
Ni Franz Cedric Flores

Sabi nila ang high school life ang masaya,


Bagong mundo ang masasaksihan ko,
Mga quizzes,summative ang aking kalaban,
Laban sa sayawan ang aking naranasan.

Unang araw palang kaba at panginginig,


Ang aking nadama,sa pagpakilala sa mga kaklaseng bago ko lang
nakita,
Para akong pagong na nahihiyang magsalita,

Pero habang tumatagal ay may mga,


Nakilala ako na sa hirap at ginhawa,
Ay palagi kong kasama,
Sa huli samasama tayong magtapos,mamulat sa panibagong
pagsubok.
“Karanasan”
Ni PJ Francisco

Unang taon ko pa lang sa High School madaming pagbabago ang


aking hinarap,
Ang mga bagong mukha na makasalamuha sa araw-araw,

Mga tunay na kaibigan na sa hirap at ginhawa ay kasangga,


Kahit kailan ay walang iwanan,
Mga kompetisiyon sa paligid na nagaganap para sa honors,

Naging masaya ang karanasan ko sa High School, madaming aral na


mapupulutan at matututunan,
Mga masasayang at malulungkot na karanasan na di malilimutan.
“Paaralan”
Ni Geger John Paul Gabayeron

Paaralan ang dapat puntahan,


Para tayo’y makakuha ng kaalaman,
Nandiyan ang mg guro,
Na tayo’s ginabayan.

Estudiyante ay binigyan ng kaalaman,


Upang sila’y magkaroon ng magandang kinabukasan,
Lugar na maraming guro at mga libro,
Para mga estudiyante ay talagang matututo.

Lugar na nagdadagdag kaalaman,


At tumutulong mabunyag ang kakayahan,
Estudiyante ay nagsisikap,
Para sa magandaning kinabukasan!
“Crush”
Ni John Mark Latuab

Isang tao na nagsisilbing inspirasyon ko,


Sa kabila ng hirap ng mga aralin sa high school,
Sya ang nag sisilbing ilaw sa buhay ko,
At tumutulong upang lampasan ang mga problema ko.

Sa lawak ng mundo at dami ng tao,


Bakit ikaw pa ang napili ko ng puso ko,?
Sa panahon kung saan maraming nangyayaring masama,
Binigyan mo ng kulay ang mundo ko.

Kaya salamat sa lahat ng mga masasayang alaala,


Dahil alam kong wala na akong pag-asa,
Sa puso mong may laman ng iba,
Isang taong wala akong ihihigit pa.
“Buhay Sekondarya”
Ni Mark Louise Malan

Ang Hayskul ay pinaghalong lungkot at saya,


Maraming pagsusulit na kailangang ipasa,
Sa huli,mga resulta ay di nakakatuwa,
Sinabi mo sa sarili na sa susunod babawi na.

Sa gitna ng klase pumipikit ang mga mata,


Pinapatong ang libro sa harapan upang di mahalata,
Ngunit hindi nararandaman na ipinagtawanan ka na nila,
At sa pagkagising ay uwian na pala.

Lunes hanggang biyernes barkada ay kasama,


Kapag nawala yung isa tiyak na nawawalan ng ligaya,
Malaking biyaya na kami ay nagkakakilala,
Dahil sila lamang ang nagpapasigla kung ako'y namumutla.

Mga gurong nakakatuwa,


At mga istudyanteng walang hiya,
nagsama sa isang silid,
magulo,masikip parang bilibid.
“Barkada”
Ni Jhayric Malayang

Unang araw sa highschool ako ay kinabahan,


Mag isa pumasok sa paaralan aking pinapasukan,
Nag hihiyaan mga kaklase nag tatanungan ng pangalan,
Hanggang sa naging mag kaibigan.

Lumipas ang mga araw kaba ko ay nawala,


Mga kaibigan na sakin nanging kayamanan,
Mga kalokohan at aasaran tawanan at kulitan,
Kasama sa ano mang gawain mapa gala man o kasiyahan,

May mga kakalseng may ibat ibang mundo,


May singer may dancer may ibang di ma intindihan,
Pero minsan kalungkutan nangingibabaw,
May tampuhan sa kaibigan pero wala paring iwanan.

Didto ko naranasan ang pagmamahal ng kaibigan,


Susuportahan sa mga gusto mo,
Didto palagi sa tabi mo walang bibitaw aking kaibigan,
Problema di tatagos pag barkada ay kasama.

Salamat sa inyo sa mga taong magkasama tayo,


Salamat sa mga guro ,
Sa mag aral na na tutunan ko,
Ma mimiss ko po kayo salamat sa lahat salamat.
“Hayskul Layp”
Ni Aeron Nifras

" High school", ito ang mga panahon na,


Marami kang magagawang masasayang ala-ala,
Panahon kung saan makakakilala ka ng mga matatalik mong
kaibigan,
Na balang araw ay makakasama mo sa pagtanda.

Dito ay marami kang masasagupang gawain,


Mga asignatura, proyekto, at iba pa,
Ngunit ito ay iyong makakaya,
Sa tulong ng iyong mga kaklase at barkada.

Di lamang puro saya at tawanan ang high school,


Meron kang makikilalang kalaban,
Na kadalasan ay sisira iyong buhay at kailangang takbuhan,
At dapat nating kayanin ang sakit oara sa kalayaan.
“Kaalaman sa Eskwela”
Ni Yestin Noblezada

Ang buhay sa highschool ay nakakainteresado,


May bagong kaklaseng makikilala,
Bagong bagay na matutuklasan,
Masarap kasama mga tunay na kaibigan,
Na hindi ka iiwan sa gitna ng laban.

Sa silid aralan,ay iyong mararanasan,


Mga ingay,kantyawan,kulitan,tawanan,
At hindi mawawala ang kabiguan,
Maraming guroang makikilala na dapat ring maalala.

Kay saya taaga ng buhay sa highschool,


Kay sarap maranasan at balikan,
Alaala na hindi malilimutan.
“Buhay Estudyante”
Ni Alexean Palonpon

Ang buhay ng estudyante ay masaya,


Maraming masasayang alaala,
Maraming proyekto,
At maraming pagsusulit.

Maraming iyakan at tawanan,


Maraming kalokohan at kulitan,
Maraming kwetuhan,
At maraming takdang aralin.

Walang iwanan,
At maraming kaibigan,
Walang problema ,
At maraming kasama.
"Barkada''
Ni John Vincent Tagabuen

Maraming bagay ang gusto kong sabihin,


Marami narin ang gusto kong linawin,
Ang oras at araw ba ay sisirain,?
Sabihin ninyo sa akin ano ang gagawin.

Ano ang ginagawa ko sa inyo,


Bakit nga ba tayo nagkaka ganito,
Sisirain ba natin ang araw at taon,
Mga araw na pinagsamahan natin ay ipilit nabang ibaon?

Masaya naba kayo sa ginawa niyo,?


O maari kitang tawaging bobo,
Para sa akin wala ng mas mahalaga pa,
Kundi kayo, aking barkada.
“Tropa”
Ni Zhanelle Aleya Amaller

Sa una nating pagtatagpo,


Hindi alam na magiging ganto,
Hindi alam kung saan uumpisa,
Papansinin ba o hindi na.

Sa ikalawang araw na tayo'y nagpansinan,


Sinabayan ng kwentuhan,
Pati na ang biro't tawanan,
Diyan nagumpisa na tayo'y naging magkaibigan.

Hindi inaasahang sa loob ng ilang buwan,


Naging matatag ang ating samahan,
Kahit anong problema ang ating dinaan,
Nandito ang isat isa para gabayan.

Napakaswerte ko sa inyo kaibigan,


Nandiyan kayo kapag akoy nangangailan,
Nandiyan din kayo sa mga panahong,
Akoy may malaking problema na akala ko'y hindi ko na malulutasan.

Masasabi ko lang sa inyo,


Mahal ko kayo,
Pagbaliktarin man ang mundo,
Hindi ko pinagsisishan na naging parte kayo ng buhay ko.
“Karanasan sa Sekondarya”
Ni Mary Isabela Aujero

Sa unang taon mo,


Ika'y maninibago,
Bagong mukha,kaklase at mundo,
Ang masasaksihan mo.

Sa loob ng silid aralan,


Marami kang mararanasan,
Ingay,kantyawan,kilig at tawanan,
Sa mga kaibigan mong laging nag aasaran.

Sa mga gawain hindi rin tayo papahuli,


Mapa sayaw man o pagkanta na nakawiwili,
Mga tunay na kaibigan iyong makikilala,
Na sa hirap at ginhawa ay lagi mong makakasama.

Sa iyong pagtatapos,
Sa bagong pagsubok ka makikipagtuos,
Tandaan mo,hindi ito ang tuldok,
Simula ito ng bagong pagsubok.
“Tunay na barkada”
Ni Phoemela Marriane Bagunas

Para sa akin hayskul ang pinakamasaya,


dahil tunay na BARKADA dito ko nakilala,
Nabuo kmi sa pamamagitan ng pakikipag kilala,
at paggawa ng hindi inaasahan ala-ala.

Nagkukulitan,nagiiyakan,nagtatawanan,
at siyempre hindi mawawala ang lambingan,
Parte ito ng perpektong pagkakaibigan,
na kailan man ay aking nararanasan.

Pagdating sa pagsusulit may mga diskarte kaming ginagamit,


kahit ang layo namin sa isa’t isa ,
gagawa parin kmi ng paraan upang makapasa.

Walang rason upang tayo'y mabuwag,


dahil kailan man ay hindi ako makakapayag,
Kayo ang tunay kong kaibigan,
ngayon at magpakailanman.

“Inspirasyon”
Ni Janna Dennise Benoman

Ika’y aking hinahangaan,


Palaging sumusuporta sakin kahit kailan,
Nagbibigay ng kulay sa aking madilim na nakaraan,
Problema sa iskul ika’y aking tinatakbuhan.

Ikaw ang aking mathematician,


Magulong problema palaging may solusyon,
“Mahirap ang math” pagkarinig mo ako’y iyong tinakbuhan,
Pagkagalak aking naramdaman pagkatapos mo ako’y turuan.

“Salamat”,salita dapat kong sabihin,


“Paalam”, mga alaala ating nilimot at binaon,
Mga taong saksi sa ating pag-iibigan,
Masaya akong ika’y aking kinaibigan.

Mga panahong di ko inaasahan magpapalapit satin,


Tadhanang na siyang mismo gumawa ng paraan,
Ngunit sa isang iglap tayo’y pinaglayo ng sapilitan,
Hayskul life maraming alaala at aral aking natutunan.

Barkada na handang makinig at masasandalan,


Mga guro na siyang gagabay para sa ating kinabukasan,
Crush mong na siyang magbibigay inspirasyon,
Magulang mong nagpapatatag at sumusuporta sa ating edukasyon.
"Hayskul life"
Janella Kaye Catilo

Hayskul life pinakamasayang taon,


Sapagkat marami kang mararanasan na kasiyahan,
Kasiyahang walang humpay, kasiyahang hindi nalipasan ng
panahon,
Sapagkat ito'y dumadalaw lamang habang ang araw ay umuulad.

Maraming kaibigan kang makikilala,


Kaibigang sasamahan ka sa hirap at saya,
Sila yung kaibigan na tutulong at gagabay sa iyo,
Dahil sila ang kasama mo sa paaralan ng pagkatuto.

Hayskul life gumigising ng maaga,


Upang ako'y matuto para ito'y aking magamit,
Para aking mga pangarap makamit,
Upang sa huli ako'y magtagumpay sa aking ninanais.
“Pinagdadaanan”
Ni Jasmin Mae Cerbo

Naglalakad papuntang paaralan,


Sinusubukang itago ang nararamdaman,
Para hindi mahalata ang kalungkotan,
Dahil ayaw ko na ako'y kaawaan.

Sa paaralan makakadama ako ng kasiyahan,


At puro lang katuwaan,
Kasama ang aking mga kaibigan,
Nakakalimutan ang sakit na pinagdadaanan.

Sa paaralan nakakaramdam ako ng pagmamahal ng magulang,


Sila ang aking gurong ginagalang,
Sila ang tumatayong pangalawang magulang,
At minsang nagturo kung paano maging matapang.

Madalas maraming Gawain,


Pero sabi ng guro namin na dapat kayanin,
Kaya dapat ang gawain ay bigyan pansin,
Ang pagod at lungkot ay alisin.
“Alaala”
Ni Cheska Sophia Esmanel

Ito ang pinakamasayang parte ng buhay ng tao,


Mga alaala na kailanman hindi magbabago,
Ibat’ ibang tao ang nakilala,
Na nagbigay sa akin ng lungkot at saya.

Mga Guro na habang buhay kong pasasalamatan,


Sa pasensiya at araw-araw ninyong pagtitiis,
Saludo ako sa inyong kabayanihan.

Aking mga kaibigan na hindi umalis sa aking tabi,


Sana’y ganito pa din tayo hanggang sa ating paglaki,
Ang iba sa inyo ay hindi man totoo,
Wala akong pakialam dahil mahal ko parin kayo.

Sa oras ng ating paglisan,


Tayo’y tatahak na sa iba’t ibang daan,
Sabay sa ating pag-alis ang ngiti at saya,
At tanging alaala nalang ang matitira.
"Katuwaan sa Paaralan"
Ni Missy Enumerables

Hayskul layp ang pinakamasaya,


Nararamdaman ko ang tuwa at ligaya,
Kahit unang pasok wala pa akong kakilala,
Ngunit naramdaman ko na ang aking baitan ay magiging masaya.

Dito mo lahat maibabahagi,


At makilala ang iyong pag uugali,
Unti-unti ang lahat nag kakalapitan,
Makinig sa kwentong di malilimutan.

Nakilala ko ang mga taong makukulit,


Kapag kami'y kumukuha ng pagsusulit,
Tatawag at hihingi ng sagot,
Pero dapat sa guro'y di malalagot.

Mga kaklase ang kasama sa hirap at saya,


Laging nandiyan sa lahat ng mga ginagawa,
Kalokohan ng isa, kalokohan ng lahat,
Basta handa maglinis sa mga nainwang kalat.

Hindi ko talaga malilimutan,


Ang lahat ng ating pinagsamahan,
Aking nasuri ang mga di inaasahang pangyayari,
Na puno ng kaligayahan,
Kasama ang mga kaibigan.
“Paaralan”
Ni April Joy Grijaldo

Mga bagay na hindi ko inaasahan,


Sa paaralan ko lang mararanasan,
Kaba at saya ang aking nararamdaman,
Sa unang pagtapak sa paaralan.

Mata’y aking inilibot,


Sa apat sulok na kwarto,
Mga ngiting aking nasisilayan,
Ako’y napangiti ng hindi ko namamalayan.

Mga tinig ng mga kaibigan,


Akin masinsinang pinapakinggan,
Tulad ng mga huni ng ibon,
Ako’y sa kalingkutan umaahon.

Kasiyahan ay nag-uumapaw,
Pagkasabik rin ay nangingibabaw,
Sa pagharap ng mga hamon,
Na aking haharapin sa pagdating ng panahon.
“Pagsubok”
Ni Sarah Guevara

Ako ay isang estudyanteng may malaking pangarap,


Gustong abutin at makamit sa hinaharap,
Kailangan paghirapan at laanan ng pasensya,
Upang sa hinaharap ay magiging labis na masaya.

Mga proyektong pinuyatan at inalaanan ng oras,


Para makamit ang ngiti ng guro na walang kupas,
Mahihirap na intindihin na mga aralin,
Pilit na ina-aral sa lina'ang oras at araw na bitin.

Tawanan, pagkadismaya, at iyak,


Aming naranasan sa bawat pagsubok na tinatahak,
Malapit na namin masilayan ulit ang ganda ng buhay,
Kung gagawin namin ang bawat oras at araw na makulay.
“Pag-aaral sa High School”
Ni Yesha Angelie Hucalinas

Ating kinabukasan,
Utak laging may Laman,
Pag aaral lagi,
Talino makamtan.

Proyekto at takdang aralin,


Laging nandiyan,
Markahang pagsusulit,
Nakakapagod din minsan.

Buhay estyudante,
Dapat gampanan,
Ito'y tungkulin at,
Karapatan.
"Emosyon''
Ni Maria Alessandra Huyaban

Cock-a-too! Cock-a-too! Isa... Dalawa... Tatlo,


Naimulat ko ang isipan at mga mata ko,
Ako'y bumangon at naghanda,
Kahit inaantok ito'y hindi ininda.

Noong ako'y tumuntong aa sekondarya,


Sobrang saya ang aking nadama,
Lalo na't ako'y papasok sa panibagong paaralan,
Paaralan kung saan pangarap ko talagang mapasukan.

Unang araw ng eskwela,


Ni isa wala talaga akong kilala,
Halo-halo ang nararamdaman ng aking damdamin,
Ngunit takot at kaba ang mas nangingibabaw sa akin.

Araw at buwan na ang lumipas ,


Ako't patuloy nangagarap ng mataas,
Marami ang aking naging kaibigan,
Maramu 'ring emosyon ko ang kanilang namataan.

Lumipas na ang tatlong taon,


Sadyang mabilis nga ang panahon,
Masasabi kong masaya ang buhat sa sekondarya,
Lalo na kapag sa tama at totoong kaibigan ang iyong mga kasama!
"Kaibigan"
Ni Katlyn Janas

Bagong paaralan, bagong mundo,


Hindi ko inaakalang makapasok rito,
Pinangarap kong makapasok rito upang matuto,
At unang pasok ko ako'y nanibago.

Hindi ko aakalain na makakilala ng kaibigan,


Na palaging nandyan at hindi ako iiwan kahit kalian,
Naging tagapayo, kapatid at higit sa lahat ang aking sandigan,
At kapag ako'y may problema ito'y aking maasahan,

Sa mga pagsubok na ating naranasan,


Ay nagawa natin itong lampasan,
Dahil sa matibay nating samahan,
Na hindi kailan man mawawakasan.

Nagpapasalamat ako ika'y aking nakilala,


At sa mga masasayang alaala,
Mga alaala na iyong dinala,
Na sa akin nagpapasaya.
“Mga Alaala”
Ni January Joy Junio

High school life ang pinakakaiba,


Ala-alay hindi malilimutan kahit isa,
Kwentuhan,tawanan at dramahan,
Lahat ating pagdadaanan.

Nagkakaroon ng bagong kaibigan,


Na nahahantong sa pag-iibigan,
Sama-sama gagawa ng bagong alaala,
Ala-alang hindi mawawala.

Masasayang pagsasamahan ating pinagdaan,


Na talagang hindi malilimutan,
Hindi sasayangin ang pinagsamahan,
Itatatak sa puso at isipan.
“Tunay na kaibigan”
Ni Kirsten Meg Malones

Ano nga ba ang tunay na kaibigan,


Tingin ko madali lang natin iyan malalaman,
Tunay na kaibigan laging nariyan,
Sa oras ng ligaya o kalungkutan man.

Ano man maging problema sa buhay,


Narito lamang ako handang umalalay,
Kahit pa ako minsa'y iyong kaaway,
Ika'y patuloy na sasamahan hanggang sa iyong tagumpay.

Nais kong iyong malaman,


Na ako'y nasisiyahan,
Nag-iisang mahal kong kaibigan,
Kapatid ang naging turingan.
“Pagkakaibigan”
Ni Kim Aisha Martirizar

Mga panahong tayo ay mag kakasama,


Bumuo ng hindi mapapalitang mga alaala,
Pagkakaibigang hindi ko inakala,
Binigay ko ang lahat ng aking tiwala.

Panaho'y lumipas ng hindi namalayan,


Pagbabago mo'y aking nasaksihan,
Mga pangako na ating binitawan,
Ay binaon at tuluyan ng iniwan.

Nais kong ibalik ang nakaraan,


Mga bangayan at ating asaran,
Mga alaala na inakalang di makakalimutan,
Sa mga panahong tayo'y nagtatawanan.

Umaasa ako'y iyong maaalala,


Ako'y tuluyang nabigla,
At bahagyang nabahala,
Sa iyong mabilisang pagkawala.
“Paghihirap”
Ni Nicole Medianista

Maraming gabing walang tulog,


Mga araw na pagod na pagod,
Ang pagpupuyat at pagsisikap,
Alam kong hindi masasayang sa hinaharap.

Mga kaklase't kaibigan,


Palaging nagtutulungan,
Walang pataasan ng iskor at grado,
Nais lamang na ang lahat,
Ay makapagtapos at magkaroon ng magandang trabaho.

Kahit na minsan, napapagod na,


Dahil sa maraming proyekto at takda,
Alalalahanin mo na sa kabila ng mga pasakit mo,
Magagandang bagay ang idudulot nito.

Maraming pagsubok ang dinaanan,


Mahaba pa ang daan na patutunguhan,
Kainlangan pang magsikap,
Para balang araw, maisip mo na lang,
Na naging sulit ang lahat na problemang hinarap.
“Sa Loob ng Silid”
Ni Shane Oque

Dumating na naman ang bagong taon,


Bagong kaklase,bagong guro,bahong kaibigan at syempre bagong,
paghanga ang makikilala mo.

Sa loob ng silid,iyong maririnig,


Mag nangingibabaw na mga tinig,
Tawanan,hiyawan,tuksuan,biruan at kilig.

Sa araw ng botohan,
Hindi mawawala na pagsamahin ang mag jowa o di kaya’y may
napupusuan ,
Mga hiyawan at kilig ang mag iingay kapag pinagsama na,
Ito ang araw ng biruan at kasayahan.

Sa araw ng pamamaalam Luha’y pumapatak galing sa matang


nangdidilim,
Sakit na nararamdam ay unti-unting nag laho dahil napagisipang
araw dapat ng kasiyahan ngayon.
"Salamat"
Ni Julia Francine Palabrica

Unang araw ng eskwela,


Hindi pa tayo magkakilala,
Nahihiya sa umpisa,
Na baka hindi tayo magtugma.

Ilang araw at buwan ang lumipas,


Saya kapag magkasama'y walang kupas,
Mga ala-alang ginawa sa apat na sulok ng kwarto,
Hinding-hindi ko makakalimutan sa aking puso.

Salamat dahil kayo'y aking naging kaibigan,


Salamat sa mga masasayang ala-alang ating pinagsamahan,
Salamat sa mga memoryang hinding-hindi ko makakalimutan,
Salamat.
“Karanasan”
Ni Princess Deserie Pasquin

Unang araw ng pasokan, ako ay kinakabahan,


Makakakita ba ako ng mabuting kaibigan,?
Mas madaming istudyante, mas malapad na paaralan,
Oh diyos ko, sa bawat hakbang ako ay tulongan.

Sa unang mga araw kay nagkakahiyaan,


Pero di nagkalaona'y napuno ng tawanan,
Magkasamang sa recess, tanghalian at uwian,
Nabuo ang pagkakaibigan sa silid aralan.

Ngunit anu itong nadarama ko,?


May bagong damdamin ang nabubuo,
Hindi ako sanay kaya isip ko'y gulong gulo,
D maintndhan, pag ibig ba ito?

Sa mga taon na aking ginugol sa nasabing paaralan,


Masaya man or mapait na pangyayari ay wala akong pinagsisihan,
Sapagkat ito ang naghulma sa aking hubog at kataohan,
Ang aking pinakaiingatan at pinapahalagahang karanasan.
“Mga barkadang aking nakilala”
Ni Christine Joy Patriarca

Tandang tanda ko pa ang unang pasok ko sa paaralan,


Wala akong kilala kahit sino man iyan,
Mapa kaklase't guro o kahit sino paman,
Hindi ko akalain sila'y magdudulot ng akin ng kasiyahan.

Sa tatlong taon ko sa paaralan sila'y kasama ko,


Akala ko magiging tahimik ang buhay kong ito,
Pero dahil sa kanila naging maingay na ako,
Sila'y palaging nasa puso't isip ko.

Paglipas ng ilang taon pagkakaibigay tumitibay,


Hindi na nga mapaghiwalay kahit merong sumasablay,
Hindi man magkaklase kami'y iisa,
Lalo na sa panahong relasyon niyong wala ng bias.

Barkadang aking nakilala,


nagbigay ng maraming mga alaala,
Hindi ko akalain sila'y pinagpala,
Sa panahong isip ko puno ng akala.
“Tunay na kaibigan sa highschool ko natagpuan”
Ni Richsheen Lyn Pez

Noong unang taon ko sa hayskul ako ay hindi makapag salita,


Dahil ako'y nahihiya,
Ako ay nauutal sa pagpapakilala,
Sapagkat wala akong kakilala.

Kung sino pa ang hindi ko inaasahang maging kaibigan,


Ay siya pang aking naging sandalan,
Sa pag lipas nang panahon sila ay aking lubos na nakilala,
Nalaman ko nang pa unti unti ang kwento ng nang bawat isa.

Iyakan, tawanan, asaran, kwentuhan, kadramahan at tampuhan,


Lahat ng yan ay aming napagdaanan,
Ngunit sa bawat pitik ng kamay sa orasan,
Ay maaalala mong ito'y may hangganan.

Ayos lng ako,


Pero sa kaloob-looban ko napakasakit ito,
Kaya highschool life ay aking pinapahalagahan,
Dahil ito ang mga alaalang hinding hindi ko makakalimutan.
“Saklab ng damdam”
Ni Mary Jianna Porras

Sa mundong iba't iba ang anyo,


Mahirap maghanap ng taong pagkakatiwalaan ko,
Kailangan ko lamang magpakatotoo,
Sa aking sarili ito'y aking napagtanto.

Iyan ang buhay sa high school,


Maging matatag upang hindi bubukol,
Maraming gawain,utak di' pupurol,
Tagumpay sa lahat ang tanging habol.

Magagandang alaala aming ginagawa,


Ng aking mga kaibigan,kaklase,guro at mga kakilala,
Kulitan at tawanan aming kaligayahan,
Asaran at kanchawan hindi inuurungan.
“Paghanga”
Ni Mary Bernadine Pregil

Dito nagsisimula ang paghanga,


Sa kaklase,sa guro at sa kapwa,
Gawing inspirasyon sa pag-aaral,
Para makatapos nang marangal .

Minsa'y naiinis, minsa'y naiinip,


Sumasakit ang ulo sa kaiisip,
Sa mga gawaing tila walang katapusan,
Na sadyang kayraming pangangailangan.

Sa mga tawa't hagikhikan,


Ng mga kaklaseng walang pakialam,
Nag-aaral kaman, gusto mo ng katahimikan,
Wala kang magawa,makisabay kanalang.

Pag sasamang hindi malilimutan sa pag tanda'y laging tatandaan,


Karanasang nabuo aking pangangalagahan.
“Klasmeyt”
Ni Angel Mae B. Robles

High school life ay puno ng ligaya,


lalo na pag kasama ang barkada,
Dito mo mararanasan ang mahihirap na problema,
pero dito mo rin maranasan ang maging malungkot at masaya.

Sa bawat hakbang ko patungong eskwelahan,


Meron agad akong sinusout na maskara,
Na nagtatago nang aking identidad,
Para di nyo ko makilala na parang sagad na sagad.

Di pa natin kilala ang isa’t isa,


Pero habang tumatagal nagging malapit na ang loob natin,
Na ang turing ay parang pamilya na,
At habang tumatagal rin hinuhubad ko na ang aking maskara.

Para makilala kana nila,


Sila ang parating nandyan sayo lalo na kapag ikaw ay problemado,
Kaya dahil sa kanila may kinikilala kanang,
Mga kapatid ama at ina na kung saan isa na kayong masayang
pamilya.

You might also like