You are on page 1of 3

Pinsala sa Ulo

_____________________________________________________________________
___
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
 Ang isang pinsala sa ulo ay anumang pinsala na nasasaktan ang anit, bungo, o utak. Ang
ilang pinsala ay maaaring maging sanhi ng banayad kirot ngunit walang nagtatagal na mga
problema. Ang ibang mga pinsala ay maaring makapinsal sa utak maging sanhi ng permanenteng
kapansanan o kamatayan.
 Ang mga sintomas ng pinsala sa ulo ay maaaring hindi lumabas sa loob ng 2 hanggang 3
araw. Kung nag-aalala ka na maaari kang nakaranas ng malalang pinsala sa ulo o ng pagkaalog sa
utak, kontakin ang iyong healthcare provider o pumunta sa pinakamalapit na departamento ng
emergency para masuri.
 Tanungin ang iyong provider kung mayroong mga aktibidad ang dapat mong iwasan at kung
kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na mga aktibidad. Siguraduhin na alam mo kung ano
ang mga sintomas o problema na dapat mong bantayan at kung ano ang gagawin kung mayroon ka
nito.
_____________________________________________________________________
___
Ano Ang Pinsala Sa Ulo?
Ang isang pinsala sa ulo ay anumang pinsala na nasasaktan ang anit, bungo, o utak. Ang ilang
pinsala ay maaaring maging sanhi ng banayad kirot ngunit walang nagtatagal na mga problema. Ang
iba pang pinsala ay maaaring napakalala. Ang ilang pinsala sa ulo ay maaaring maging sanhi ng
pagkaalog ng utak, na isang pinsala sa utak. Ang mga pinsala ay maaaring banayad hanggang sa
malala. Ang malalalang pinsala sa ulo ay maaaring maging sanhi ng permanenteng disabilidad o
pagkamatay.
Ano Ang Sanhi?
Ang pinsala sa ulo ay maaaring mangyari sa iba’t ibang paraan:
 Kapag bumagsak ka at tumama ang ulo
 Kapag nauntog ang iyong ulo sa isang bagay, tulad ng pinto ng paminggalan o isang
windshield sa isang aksidente sa kotse
 Kapag tinamaan ka sa ulo ng isang bagay, tulad ng bato o ng bola
 Kapag pumalo-palo ang iyong ulo at matinding naalog ang iyong utak, tulad sa isang
aksidente sa kotse
Ang mga karaniwang sanhi ng mga pinsala sa ulo ay mga aksidente sa kotse o motorsiklo, aksidente
sa bisikleta, mga aktibidad sa sports, at mga pagbagsak.
Ano Ang Mga Sintomas?
Kahit ang isang maliit na pinsala sa ulo ay maaaring medyo masakit. Ang ulo ay maraming supply ng
dugo. Ang maliliit na galos sa mukha o anit ay maaaring magdugo nang sobra. Maaari kang
magkaroon ng malaking bahaging namamaga kung saan kinokolekta ang dugo sa ilalim ng balat.
Ang bahagi ay maaaring magpasa at magbago ang mga kulay sa isa o dalawang linggo.
Bilang karagdagan sa sakit, maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
 Pagkawala ng malay
 Kalituhan o kahirapan sa pag-iisip nang malalim
 Pagkaantok
 Pagkahilo, panghihina, o kawalan ng balanse
 Malabong paningin o pagkasensitibo sa ilaw
 Pagduduwal o pagsusuka
 Mga atake
Ang mga sintomas ng pinsala sa ulo ay maaaring hindi lumabas sa loob ng 2 hanggang 3 araw. Kung
nag-aalala ka na maaari kang nakaranas ng malalang pinsala sa ulo o ng pagkaalog sa utak, kontakin
ang iyong healthcare provider o pumunta sa pinakamalapit na departamento ng emergency para
masuri.
Papaano Itong Sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa kung papaano kang nagkasugat sa ulo at
susuriin ka. Ang iyong provider ay magsasagawa ng mangilan-ngilang klase ng pagsusuri. Ang isa sa
mga pagsusuring iyon ay susuriin ang iyong kakayanan na mag-isip at magsalita nang malinaw at
sumunod sa mga direksyon. Ang isa pang pagsusuri ay susuriin ang iyong balanse, lakas, at mga
reflex.
Ang ilang taong nagkaroon na ng pinsala sa ulo ay kakailanganin ng:
 Isang CT scan, na isang serye ng mga X-ray na kinukunan sa magkakaibang anggulo at
inaayos ng isang computer para ipakita ang mga cross section ng utak.
 Isang MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para kumuha ng
mga larawan mula sa magkakaibang anggulo para ipakita ang mga cross section ng utak.
Papaano Itong Ginagamot?
Walang sinuman na may posibleng malalang pinsala sa ulo o leeg ang dapat galawin. Dapat tumawag
agad ng ambulansya. Kung sumasakit ang iyong leeg pagkatapos ng pinsala sa ulo, subukang huwag
gumalaw hanggang sa masuri ka ng isang healthcare provider.
Kung may malalim o mahaba kang sugat sa iyong ulo, maaaring kailanganin mong tahiin. Maaaring
kailanganin mo rin ng bakuna sa tetano, depende sa kung papaano ka napinsala at kung kailan ka
huling nagpabakuna.
Para sa maliit na pinsala sa ulo, maaari kang uminom ng acetaminophen para sa sakit kung wala
kang medikal na dahilan para hindi inumin ang gamot na ito. Huwag iinom ng aspirin o iba pang
mga NSAID, tulad ng ibuprofen o naproxen, dahil maaaring palalain ng mga gamot na ito ang
anumang pagdurugo. Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang
problema. Basahing mabuti ang etiketa at inumin gaya nang inuutos. Maliban lang kung
inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. o
iinumin ito nang mas matagal sa 10 araw. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan
ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen.
Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom
ang gamot na ito.
Huwag umino ng alkohol o iinom ng anumang gamot na maaaring makapagpaantok o
makapagpalito sa iyo (tulad ng mga narkotiko o mga sedative) maliban kung iniinom mo ang mga
gamot na ito nang regular para sa iba pang medikal na problema. Ang mga epekto ng mga gamot na
ito ay maaaring makalito sa mga senyales ng isang pagkaalog ng utak.
Kung ang pinsala ay nangyari habang naglalaro ka ng sports, huwag bumalik sa laro sa parehong
araw ng pinsala. Tanungin ang iyong healthcare provider kung kailan ka makakabalik sa paglalaro ng
sports.
Tanungin ang iyong healthcare provider:
 Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
 Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan mula sa pinsalang ito
 Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga
normal na aktibidad
 Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
 Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung
magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng
appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Papaano Akong Makakatulong Iwasan Ang Isang Pinsala Sa
Ulo?
 Magsuot ng helmet o kasuotang pangprotekta at sundin ang mga patakarang pangkaligtasan
kapag maglalaro ka ng sports o gagawa ng matataas-na-peligrong aktibidad, tulad ng pag-akyat sa
bato, skiing, pagbibisikleta, at snowboarding.
 Palaging isuot ang seat belt kapag maglalakbay sa isang kotse.
 Mag-ingat nang husto kapag maglalakad ka sa mga hindi pantay o madudulas na pang-
ibabaw.
 Sundin ang mga kasanayang pangkaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuhan at sa bahay,
tulad kapag umaakyat ka ng hagdan.
 Gawing ligtas ang mga sala. Bilang halimbawa, tanggalin ang mga nakatanggal na rug,
magkabit ng mga barandilya sa hagdanan, at magkabit ng sapat na ilaw sa buong bahay.
 Huwag magmamaneho o magpapatakbo ng makina kung umiinom ka ng alkohol o
gumagamit ng mga droga.

You might also like