You are on page 1of 2

Disiplina sa ISNHS naglalaho na nga ba?

Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga nag-aaral. Ang isang paaralang may disiplina ito ang kanilang ikauunlad.Sa loob ng isang paaralan disiplina ang higit na kailangan lalo na ang disiplina sa sarili ngunit paano natin madididisiplina ang bawat isa kung wala tayong disiplina sa sarili?Ang disiplina ang sumasalamin sa tunay na ganda ng paaralan.Ngunit sa paaralang ito bay matatawag na disiplinadong paaralan?Umiiral pa ba kaya ang disiplina dito sa humigit kumulang sa apat na libong estudyante? Ayon sa aking mga napagtanungan,ang bilang ng mga estudyanteng nag-aaral dito ay hihigit ito sa apat na libong estudyante.Ang lahat ng mga mag-aaral dito ay matatalino,ngunit ang ilan sa mga ito ay walang disiplina.Sa dami ng estudyanteng nag-aaral dito ilan lamang sa mga ito ang sumusunod sa mga patakaran ng paaralan,ilan rin sa kanila ang mga walang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa paaralan at iba pa.Ayon rin sa aking napagtanungan na isang mag-aaral,marami sa kanyang mga klasmeyt ang wala sa kanilang silid,dahil sila ay nakatambay sa labas ng kampus o kaya naman ay nasa silong sila ng punong mangga.Ilan lamang iyan sa mga patunay na kulang ang disiplina ng paaralan. Ayon kay Gng. Manrique na guidance coordinator III ng paaralang ISNHS mayroong 4,680 na bilang ng estudyanteng nakapag-enrol sa paaralang ito, kung saan ang bilang ng mga lalake ay 2,170 at sa mga babae naman ay 2,510.Ang kabuuang bilang naman ng mga grade 7 ay 1,262,kung saan ang bilang mga lalake ay 579 at sa mga babae naman ay 683.Sa ikalawang taon naman ay ang kabuuang bilang nito ay 1,218,nakuha ito sa kabuuang bilang ng mga lalake at babae.A ng bilang ng lalake ay 515 at sa mga babae naman ay 643.Para naman sa ikatlong taon ang bilang ng nga lalake ay 543 at sa mga babae naman ay 597 na kung pagasamasamahin ang bilang nito mayroong 1,139 na bilang ng estudyanteng na-aaral sa ikatlong taon. Sa ikaapat na taon ang bilang ng mga estudyante ay 1,061.Ang bilang ng mga lalake ay 474 at sa mga babae ay 587.Sa mga nakalap na impormasyon makikita rito na mas madami ang bilang ng mga babae.Sabi nila mas madaling disiplinahin ang mga babae,ngunit ito ba ay totoo?Ayon sa mga kuru-kuro ng mga mag-aaral,ang higit na kakikitaan ng kawalan ng disiplina ay makikita sa loob ng silid-aralan. Makikita rito ang mga upuang puno ng sulat,mga librong sirang-sira dahil sa walang pakialam ang karamihan,at makikita sa ilalim ng upuan ang mga buble gum na nakadikit.Makikita rin ang kawalan ng disiplina sa mga pampublikong palikuran, at kapansin-pansin rin dito ang mga estudyanteng nakatambay sa labas ng kampus at ilan sa kanila ay may hawak na sigarilyo at umuusok ang kanilang mag bunganga at ilong.Kapansinpansin rin dito ang mga mag-aaral na nagkakating klas.Ayon sa mga obserbasyon ang mga mag-aaral ay tumatakas ang mga mag-aaral kapag ang kanilang guro ay nakatalikod at tumatakbo palayo.Kapansin-pansin rin ang mga pader na puno ng sulat,mga pintuan lalo na sa mga palikuran,mga estudyanteng nakakalat sa sm park,sa mga likuran ng silid sila ay nakatambay,at higit sa lahat ang lantarang pakikipagsuntukan ng mga may kaalitan,kapansin-pansin rin na ang mga palikuran ng paaralan ay nangangamoy na dahil sa hindi nila paggamit ng wasto sa mga ito, lalo na ang tubig,nakakalat rin doon ang mga gamit nila sa pagdadalaga.Ang kawalan rin ng disiplina ay makikita tuwing nagaganap ang pag-awit ng pambansang hirang.Kapansin-pansin rito ang mga magaaral na nakikipag-usap sa isat-isa,mga lalakeng ayaw tanggalin ang sombrero nila.Ang ilan sa

mga mag-aaral rin ay nagtatago sa mga palikuran dahil ayaw nilang pumunta sa kanilang linya.Ang mga pangyayaring ito ang magpapatunay na ang kawalan ng disiplina ang dahilan sa mabagal na pag-unlad ng paaralan.Ang mga pangyayaring mga ito o mga impormasyong nakalap ay nagpapahiwatig lamang na hindi na umiiral ang disiplina sa paaralang ito.Ang kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral ang patunay na silay walang disiplina sa loob ng kanilang tahanan. Ang disiplina ang susi sa tag umpay ng isang paaralan,dahil kung may disiplina ang mga mag-aaral,ang paaralang kanilang kinabibilangan ay tama at wasto para sa mga kabataan.Ang disiplina ang kailangan natin mga mag-aaral lalo na sa ating pag-unlad.Ang kawalan ng disiplina sa loob ng paaralan ang magiging sanhi ng mabagal na pag-unlad nito. Kung saan kailangan ng mga mag-aaral ang istriktong patnubay ng mga magulang at mga guro sa paaralan na siyang nagsilbing pangalawang magulang.

You might also like