You are on page 1of 5

Paglalarawan

sa tagpuan
Ano ang tagpuan
▪ Ang tagpuan ay tumutukoy sa pook at panahon ng
pangyayarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan o
kapaligiran ng mga tauhan.
▪ Inilalarawan nang boung linaw, pati na ang kaugalian
ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang
pamaraan
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang
mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung
kalian at saan naganap ang akda sa paraang
makagaganyak sa mga mambabasa. Maaring
ilarawan ng tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng
tauhan sa kapaligirang ito.
• Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito? Marumi, luma
kinakalawang, gumigiray nagkalat ang nagkaririmarim na basura,
naglipana ang mga langaw, mga mangalkal ng basura naka sout ng
tagpitagping halos basahan na, may taglay ang nakapanlulumong
kahirapan at kapangitan
• Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? Sigaw ng mga inang hindi
magkamayaw sa mga gawain, iyakan ng mga batang gutom at di pa
nakapag-almusal, ingay ng mga truk na nagdadala ng basura, hugos ng
mga basurang ibinabagsak sa tambakan, busina ng mga sasakyan na di
kalayuang kalsada.
• Anong amoy ng mamamayani? Masangsang na amoy ng mabubulok na
basura, amuy ng usok ng nagmumula sa buton ng mga basura.
• Ano ang pakiramdam ng lugar na ito? Mainit o malansangan, gutom,
napakanlalagkit na pawis at alikabok, hindi komportable,
nakaririmarim o nakadidiring bagay sa paligid, kawalan ng pag-asa.
• Ano ang lasa ng pagkain ditto? Pagpag na lamok na nagsisimula nang
mapanis kayat maasim na, masebo at matabang na karne mula sa
karinderyang nilalangaw.

Mula sa sagot sa mga tanong na ito ay maari nang mabuo ang manunulat
ng isang paglalarawan sa tagpuan makapagdadala sa mga mambabasa sa
lugar, sitwasyon, o kalagayang pinagalawan ng mga tauhan.

You might also like