You are on page 1of 20

Name: _MAIRA____BERTOLANO_______ Date: 05-27-21_

Year & Section: __BSED ___FILIPINO_____ Score: ______________

Gawain yunit - 6

Pagsusuri ng mga piling akda:

1. TULA

Tinig ng Darating

ni: Teo S. Baylen

Sino si Teo S. Baylen?

TALAMBUHAY

 Isinilang noong Enero 24, 1904 sa Noveleta, Cavite


 Naging pastor at empleyado ng US Navy.
 Ang “bawat hukay” na ay ang kanyang unang nailimbag na tula na lumabas sa
magasing na Sampaguita noong 1931.
 Ang kanyang unang tula ay lumabas din sa magasing na liwayway , ilang-ilang,
paru-paro at iba pa.
 Yumao si Baylen noong Disyembre 05, 1990 sa edad na 89.

Tinig ng Darating

Ang guniguni mo’y paglakbayin doon


Sa madugong landas ng ating dantaon ;
Masasalubong mo ang isang panahon
Na sambuntong abo at nagngangang libing?
Ito ba ang lupang aking aankinin
Na tira-tirahan ng apoy at talim?
Ito ba ang manang aking bubungkalin
Sa sambuntong abo at nagngangang libing?
Ito ba ang hinila kung saan
Ng Gulong ng inyong hidwang kaunlaran?
Ito ba ang bunga ng Sining mo’t Agham?
Ito ba ang aking manang kalinangan ?
Iyan ba ang bukid na walang naimbak
Kundi mga bungo ng mga kaanak?
Binaog ng inyong punlong makamandag
At wala ni damo na diya’y mag-ugat?
Kahubdan at gutom , isipang salanta,
Bigong pananalig at pag-asang giba;
Ito ba ang aking manang napapala
Na labi ng inyong taniman at sumpa?
O sangkatauhan ng Dantaong ito
Na dapat sisihin ng mga inapo;
Ano sa darating ang isasagot mo
Sa sumbat ng lahing susunod sa iyo?
PAGSUSURI

Mga sangkap ng Tula

 Ritmo

Ang guniguni mo’y paglakbayin doon


Sa madugong landas ng landas ng ating dantaon;
Masasalubong mo ang isang panahon
Na sambuntong abo at nagngangang libing?
Ito ba ang lupang aking aankinin
Na tira-tirahan ng apoy at talim?
Ito ba manang aking bubungkalin
Sa sambuntong abo at nagngangang libing?
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng Gulong ng inyong hidwang kaunlaran?
Ito ba ang bunga ng Sining mo’t Agham?
Ito ba ang aking manang kalinangan ?
Iyan ba ang bukid na walang naimbak
Kundi mga bungo ng mga kaanak?

 Ang himig ng mga salita tila’y nangangamba at nanghihinayang sa mga


darating pang panahon. Ipinadama ng may-akda sa mga mambabasa kung anu
ang magiging kahihinatnan ng mga susunod na henerasyon. Ipinapahiwatig
dito na habang maaga pa ay kailangan ng magising ang mga mamamayan upang
mapabuti ang kalikasan para sa mga darating pang panahon.
 Imahen

Ito ba ang lupang aking aankinin


Na tira-tirahan ng apoy at talim?
Ito ba ang manang aking bubungkalin
Sa sambuntong abo at nagngangang libing?

 Ang paggamit nang pahayag na ito ay nakakatulong upang ang imahinasyon ng


mga mambabasa ay maglakbay at mapukaw sa mga nangyayari sa kapaligiran at
kung papano pa ito mabago alang alang sa kinabukasan ng susunod na
henerasyon

 Kaisipang Pampanulaan

Ang tulang ito ay may malalim na kaisipan at mabuting hangarin sa bawat


mamayan.Dahil ang nakapaloob dito ay mga makatotohanang nangyayari sa ating
kalikasan. Nais nang may-akda na mapukaw ang isip ng bawat isa alang-alang sa
kinabukasan ng bawat kabataan.

 Tugma

Ang tunog ng bawat salita sa hulihan ng bawat saknong ay magkakatulad kaya ang
tulang ito ay may tugma.

 Damdamin

Ang tulang ito ay magkahalong pangamba at galit ang nararamdaman ng mga


mambabasa dahil hindi pinahahalagahan ng mga tao ang kalikasan at maaari maging
malaking suliranin ito sa darating na panahon.

 Wikang Pangkaisipan

Ang mga salita sa tulang ito ay nagtataglay ng malalim na kahulugan. At maaring


ang ibang salita ay magdudulot ng palaisipan sa mga mambabasa.

 Sukat
May sukat (Lalabindalawahin)

 Sining at kariktan

Tugmang ganap at tayutay, Lalabidalawahin pantig. Ang may akda ay gumamit ng


matalinhaga at malalim na salita upang masubok ang kakayahan at isipan ng mga
mambabasa.

 Talinghaga

Gumamit ng mga matatalinhagang salita ang may akda.

 Anyo ng tula

Ang tula ay nasa anyong tradisyunal dahil may sukat, tugma at matatalinhagang
salita ang ginamit ng may- akda.

 Tono /Indayog

Ang namayaning damdamin sa tula ay naglalahad ng pagkabahala ng persona.


Paulit- ulit na pagtatanong ng mga kabataan sa darating na panahon kung bakit umabot
sa ganitong sitwasyon.

 Persona

Unang panauhan

 Paksa

Tungkol sa unti unting pagsira ng kalikasan

 Layunin ng may-akda

Ang layunin ng may-akda ay imulat ang mga mata ng bawat isa sa mga maling
nangyayari sa paligid. Nais nitong isalba ang unti-unting pagsira sa natural na yaman
ng mundo . ipinahiwatig din nito na maaari pang isalba ang mga nasira na at alagaan
ang mga natitira pa.

 Mensahe/Aral
Nais ipabatid ni ng may-akda na alagaan at mahalin natin ang inang kalikasan
dahil ito ang nagsisilbing bahay ng bawat tao sa mundo. Huwag pabayaang masira at
mas lalong huwag sirain dahil lang sa pansariling pangangailangan. Marami pa ang
naghihintay at maaaring mabuhay sa mundong ito ,lalo na ang susunod na henerasyon.

2. MAIKLING KWENTO

Sandaang Damit

Fanny A. Garcia

May-akda

 Si Fanny A. Garcia ay ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na


ngayon ay Malabon city.
 Nagtapos sa UP- Diliman
 Isang guro , manunulat, mananaliksik, editor at tagapag- salin
 Nagwagi ng 2005 National Book Award para sa Autobiography ng Manila Critics
Circle para sa librong Erick Slumbook: Paglalakbay kasama ang Anak kong
Autistic(2004).
 May labindalawa na siyang libro kasama na ang bersyong Ingles na “Journeys” with
My Autistic Son (2009).” Sa kasalukuyan (2012), nagtuturo siya sa De La Salle
 University-Manila at sa University of the Philippines-Diliman.

Buod:

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang


kanyang pagiging walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang
sulok. Siya ay madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik
lamang ang kanyang damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang
baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman.

Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang
kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sakanyang kalagayan. Sinasabi
na lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit at masarap
na baon kung makakakuha na nang trabaho ang kanyang Ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya.


Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa
kanyang mga kaklalase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.

Isang araw ay hindi na natiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at
natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa
kanilang bahay. Hindi naniwala ang kanyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila,
inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat damit niya at dahil dito ay naniwala na sila sa
kanya.

Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya ng
mga ito. Naging palasalita na siya na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay
binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang masarap na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang
lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase
na dalawin siya sa kanilang bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang
payat na babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi- tagpi lamang, Luma at salat sa
marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae nakahiga
at may sakit pala.

Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa dingding.


Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon
ang sandaang damit na ni minsan ay hindi pa nila nasilayan . Sandaang damit na
pawang drawing lamang.

Layunin ng may-akda

 Layunin nitong pukawin ang paniniwala ng bawat tao na huwag mang-api ng


kapwa. Dahil hindi natin alam ang kanilang hirap nararanasan sa buhay.

 Sa maikling kwentong ito binigyan din ng pansin ng may-akda ang iba’t ibang
ugali o asal ng bawat kabataan sa loob ng paaralan mayroong mapang-api, inaapi,
mabait , masungit atbp. Kaya nais nitong ipabatid sa mga mambabasa na kailangan
maging mabuti at matulunging tao upang hindi magsisi sa huli.

Paksa o tema

Ang kwentong ito ay tungkol sa batang inaapi , na nagawang magsinungaling


upang tigilan na siya ng mga batang nang-aapi sa kanya.

Pamamaran

Palarawan

Sangkap ng Maikling Kwento


Mga Tauhan ;

 Batang babae - pangunahing tauhan sakwento


- Laging inaapi o tinutukso
- Ang may-ari ng sandaang papel

 Ina ng batang babae - taga pakinig sa mga karanasan ng anak


- nagpapalakas ng loob ng kanyang anak.

 Mga kaklase - laging nanunukso sa batang babae


-mga pumunta sa bahay ng batang babae

Tagpuan - ito ay tumutukoy pook o lugar na pinangyarihan ng mga tagpo sa


kwento.
 paaralan
 Bahay ng batang babae

Banghay; tumutukoy sa pagkakasunod -sunod ng mga pangyayari sa kwento

 Panimula

Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae at


ang panunukso ng kanyang mga kaklase.

 Saglit na kasiglahan

Nang unti-unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng kanilang


pamilya. Pinili niyang sarilinin ang kanyang pagdaramdam at hindi na siya
nagsusumbong sa kanyang ina.

 Kasukdulan

Nang matuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon siyang
sandaang damit sa kanilang bahay at nang hindi siya pinaniwalaan ay inisa-isa niyang
ilarawan ang kanyang mga damit na ito.

 Kakalasan

Ang kakalasan ng kwento ay nang maging kaibigan niya na ang kanyang mga
kaklase dahil sa paniniwala nilang siya’y may sandaang damit. Dito ay binibigyan na
siya ng kanilang baon at nawala na ang kanyang pagiging mahiyain.
 Wakas

Nagwakas ang kwento nang isang lingo ng lumiliban ang batang babae. Nag-
alala ang kanyang guro at mga kaklase kaya dinalaw nila ito sa kanyang bahay. Nakita
nila ang bata na may sakit at ang mga papel na nakadikit sa pader , natagpuan nila
ang damit ng bata na pawang mga drawing lamang.

URI NG KWENTO

Paningin
- Paningin ng pangatlong panauhan

Suliranin
- Ang mga nararanasang panunukso at pang-aapi ng batang babae sa kanyang
mga kaklase

Tunggalian ;

Tao laban sa lipunan

“Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kakaiba ang kanyang
kalagayan kung ihahambing sa kanyang mga kaklase. Ipinakita at ipinapabatid nila iyon
sa kanya. Mayayaman sila, magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa
paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit. Ang kanyang damit kahit
malinis ay halatang luma na , palibhasa ay kupas na at punong -puno ng sulsi “

Aral at Implikasyon

 Huwag maghangad ng sobra


 Huwag maging ambisyosa
 Magpakatotoo sa sarili
 Matotong makuntento sa buhay na meron ka

Paksang Diwa

Ang paksa ng kwentong ito ay ang pagkukuwari ng batang babae na siya ay


mayroong sandaang damit upang matanggap siya ng kanyang mga kaklase

PAGSUSURING PANGNILALAMAN

Padulog Sosyolohikal
 Ang diskriminasyon na nararanasan ng isang tao sa lipunan

Ang panunukso ng kanyang mga kklase ay hindi lamang nagyapos sa kanyang


mga damit.
Sinisilip pa nila kung ano ang kanyang pagkain saka magtatawanan kapag nakita
nila na ang kanyang baon ay isa lamang tinapay at wala pang palaman.

-Ipinakita sa kwento ang diskriminasyon sa lipunan ay hindi namimili maging sa


paaralan ay nangyayari ito. Dahil kapag mahirap lamang ang isang tao ay iba ang trato
ng kanyang kapwa.

Padulog romantisismo

 Ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanyang anak

Ang nangyayaring panunukso sa batang babae ay alam ng kanyang ina , dahil madalas
niyang sinasabi sa kanyang ina ang ginagawa ng kanyang mga kaklase. Pinapalakas
lamang ng kang ina ang kanyang sama ng loob sa pamamgitan ng paghaplos sa
kanyang buhok na may pagmamahal at pagsabi na ibibili lamang siya ng mga damit at
masarap na pagkain kapag may maganda ng trabaho ang kanyang ama.

A. DULA

Kwentong Kutsero; Ang Pulibi

ni Epifanio G, Matute

Pagkilala sa may-akda;

 Si Epifanio G. Matute ay isang manunulat ng dulang itinanghal sa wikang


Filipino.
 Siya ay isang reporter para sa mabuhay sa ilalim ng DMHM. Naging patnugot
din siya ng mga magasin ng Sampaguita , Mabuhay at pagsilang, , at kagawad
ng mga magasing Liwayway at Malaya.
 Naging pangunahing scriptwriter ng Dramatic Philippines sa ilalim ng direktor na
si Narciso Pimentel Jr. na nakilala sa mga dulang panradyo at pantanghalan.

KWENTO

Pulubi: (Habang pumapasok ay nag- aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng magandang


araw.
Tony : (Titindig sa pagkakaupo) “Gandang araw po naman ….May kailangan ho ba
kayo?
Pulubi : (Isasahod ang kaliwang kamay) Nagpapalimos po ako …maawa po kayo sa
pobreng pulubi.
Cruz : Pur bida…Mal-akas man sang pul-ubing ito …bat-a-pa…
Junior : Mukha naman ke-lakas-lakas ninyo Mama…
Pulubi : Tama ang sabi mo Totoy ….ke-lakas-lakas ko ngang kumain!

Cruz : Pur bida! …kung malas-as kay-ong ga-kaon…Baki-t hind-i may kay-u-ga
trabahar? Wal-a man kay -ung sak-it?
Pulubi : (Babaling kay Mr. Cruz). Wala ngna po akong sakit …kaya ako malakas kumain
eh!
Tony : O , e gano’n pala ….bakit hindi kayo magtrabaho?….
Pulubi : E …alam ninyo … Masama po sakin ang mag- trabaho e…
Terya : Masama sa inyo ang magtrabaho ?…. Aba , bakit ho naman?
Pulubi : pag nagtrabaho po ako … Napapagod po ako e.
Junior : Anak ng huwe naman! Meron ho ba naming trabahong hindi nakapapagod?
Pulubi : Alam ko , Totoy… Pero , pag napapagod ako…. lalo akong lumalakas kumain!
Cruz: ay pu bida ! … Mi kat-wiran man sya!
Tony: ( Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw… Tamad ka ninyo ang pulubing ito!

Pulubi : (Narinig ang sinabi ni Tony ) Aba , hindi po ako tamad….. ang gusto ko lang
trabaho …e yong walang ginagawa!
Terya : Walang ginagawa ? …Aba naku… e meron ho ba naming trabahong …walang
ginagawa?
Pulubi : Aba meron po , Aling ano…meron po
Tony :Saan ho naman ang trabahong iyon?
Pulubi : Saan po ho!…. sa kongreso!
Tony : sa kongreso?…. Aba …marami hong ginagawa ang mga Kongresista!
Pulubi : Wala po …pasyalan lamang sila nang pasyalan….
Cruz : Purbida !….ano man ang ibig mong sabihin ….gapasyal lam-ang sila?
Pulubi : E hindi po ba …panay ang kanilang kumprerensya kung saan-saan?…
Yon po ang ibig kung trabaho…
Junior ; Ayooon … E bakit hindi ho kayo kumandidato sa kongreso ?
Pulubi ; Hindi maaari Totoy …. Hindi ako pwede
Terya : At bakit naman hindi?
Pulubi ; Maski naman po ako ganito … honest po ako!…. Ayokong manloko!
Tony : Aba, hindi naman lahat ng pulitiko ay manloloko!
Terya : Aba naku …ano bay an? Nanghihingi lang ng limos ang tao e… nagtatalo pa
kayo?
Tony ; O bweno …Bigyan na ninyo ng limos! (uupo uli sa silya at itutuloy ang
pagbabasa)
Terya : (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e…wala yata akong barya e …
(Babaling sa pulubi ) Este …tumatanggap ho kayo ng bigas , Mama?
Pulubi : (Tinitingnan muna ang kanyang bayong) Aba e …. komporme ho sa bigas…
Cruz : (Pabulalas ) Ay pur bida….dilikado man sang pulubing itu!
Pulubi ; Aba iyan lang ho ang maipagmamalaki ko ….Maski na ako ganito e…hindi po
ako basta-basta pulubi!
Tony : (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E , ano ho bang klaseng bigas pa ang
gusto ninyo?
Pulubi : (Babaling kay Tony ) Hindi naman ho ako delikado… Maski na… elon-elon na
lang!
Terya : (Pataka) Elon-elon ? … Aba , naku… E . Naric ! lang ho ang bigas naming e…!
Pulubi : Naric?… Ay naku ..Huwag na ho! Maraming salamat ho.
Junior : Bakit ho? … anong diperensya ng Naric?
Pulubi ; Ay naku, Totoy … sa tanang buhay ko …hindi pa ako tumitikim ng Naric!
Tony : Bakit ho naman ? Masarap naman ang bigas-Naric …medyo nga lang
malagkit….
Pulubi : Hindi ho malagkit … Ma-racket!
Tony : (Payamot) Sya …sya Kung ayaw ng bigas e… Bigyan na lang ng pera nang
matapos na ang salitaan!
Terya : O sya hala …Pero …wala akong barya e …( Babalingan si Junior) Meron ka ba
riyan , Junior?
Junior ; (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino ako? ….ay walang laman ang bulsa ko kundi
butas!( Lalapit kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw kuya ?….Abonohan mo muna…
Tony : Ha? (kakapain ang mga bulsa ) Wala rin e…. Teka ( Titindig sa pagkakupo at
lalapitan si Mr. Cruz) Meron ba kayo riyan Mr. Cruz?
Cruz : Ha?…Ay pur bida.. maski saan ga-umpisar …sa akon man ga tapos!

Pagsusuri sa akda

1. Paksa

Ang dulang ito ay tumutukoy sa isang taong pulubi ngunit maraming alam sa
paligid , at maraming kaartihan sa sarili.

2. Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng may-akda sa paglalahad ng kanyang akda gumamit siya ng
dayalogo sa pagpapalitan ng salita ng bawat tauhan. Gumamit ang my akda ng malalim
na salita ngunit makahulugan upang ipabatid sa mga mambabasa ang uri ng mga taong
nanakop sa ating bansa.

3. Tayutay

 Bigyan po kayo ng magandang araw - biyayaan ng magandang araw.


 Walang laman ang bulsa ko kundi butas - ibig sabihin wala siyang sukli sa bulsa.
 Sa akon man gatapos- sa kanya parin ang nagtapos ang lahat.

4. Sariling Reaksyon

a. Istilo ng Awtor - ginamitan niya ito ng teoryang realismo kung saan ang
layunin ng panitikang ipadama at ipakita ang mga karanasan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Sa akda ding ito ay padayalogo ang ginamit na istilo ng may-
akda kung saan ang bawat tauhan ay binibigyan ng pagkakataon na
makapagsalita sa loob ng akda.

b. Galaw ng Dula Ang galaw ng dulang ito ay simple ang ginawang dula ngunit
maganda ang pagkakasunod-sunod sa pangyayari. Pinapakita rin dito ang
totoong nangyayari sa ating lipunan. Madali rin maunawaan ang bawat diyalogo
sapagkat maayos ang gamit ng bantas kaya madaling malaman kung anong
damdamin ang nais ipahiwatig ng may-akda.

Bisang Pampanitikan

 Bisa sa isip
Matapos kong basahin ang akdang ito ay napagtanto ko na hindi lahat ng
palaboy -laboy ay nakakaawa minsan sila pa mismo ang maarte. Ngunit napagtanto ko
rin na madeskarte at maraming alam ang pulubi lalo na sa pamamalakad ng mga
pulitiko sa ating lipunan. Mahihinuha ko din ang pagiging matulungin at maawain ng
mga Filipino sa dulang ito sa kabila ng pagiging maarte ng pulubi.

 Bisa sa Damdamin

Ang dulang ito ay nakakaantig ng Damdamin , dahil sa kabila ng pagiging


mapagmataas ng pulubi ay nagawa parin nilang tulungan ito. Marami ring damdamin
ang namayani habang binabasa ko ang dula mayroong masaya, malungkot,
nakakatawa at nakakainis lalo na sa pag-uugali ng pulubi sa dula.
 Bisa sa kaasalan

Ang dulang ito ang pumukaw sa aking isipan na huwag maging mapagmataas
matuto tayong gumalang sa kapwa. Maging ito man ay mahirap o mayaman nararapat
parin na igalang ang bawat isa.

B. NOBELA

“Satanas sa Lupa”

ni Celso Al Carunungan
Buod :

Si Benigno Talavera ay isang karaniwang tao bago siya mahalal na Kongresista


sa ating Batasang -Bayan . Ang kanyang pagiging gerilya ang siyang naghatid sa kanya
sa tagumpay bilang kinatawan ng lalawigan ng San Miguel . Siya ay mabuti at matuwid.
Ginawa niya ang mga dapat niyang gawin para sa ikabubuti ng kanyang lalawigan. Sa
pananamit at pamumuhay ng pamilya niya , makikita na hindi siya magnanakaw sa
kaban ng bayan . Nagbago ang prinsipyo ni Benigno sa hindi niya kagustuhan. Makikita
sa katauhan ni Benigno na ayaw niyang maging masama ngunit sa pagpupumilit ni Dr.
Del Rey, nagbago siya. Kinasangkapan ng doctor ang pagiging kongresista niya upang
ipalakad ang “loan application” nito sa PNB .
Nalakad ni Benigno ang loan ng doctor kaya nagpasalamat ang huli. Sa isang
paghahapi-hapi ni Benigno sa may Roxas Boulevard , nakatagpo niya si kongresista
Caprio. Inanyayaan nito si Benigno na uminom at pagkatapos ay dinala sa isang bahay
na kung saan ipinakilala siya kay Diana - isang babaing labing -anim na taong gulang at
sariwa pa. Madaling nahulog ang loob ni Benigno sa babaeng ito. Pagkatapos ng di
inaasahang maganap , ikinuwento ni Diana ang buhay niya . Lalong naawa siya kaya
sinabi niya na ititira na lamang niya si Diana sa apartment. Pumayag agad ang babae.
Naging malayo siya sa kangyang pamilya at napalapit na lalo kay Diana. Dahil sa
pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya, umalis ang kanyang mag-anak patungong
probinsya. Sa kasamaang palad , naaksidente sila. Malubha ang naging sugat ng anak
nila si Marichu. Hindi nagtagal at namatay ito. Galit na galit si Benigno. Isinumpa niyang
magbabayad ang may kagagawan nito. Sa kasamaang -palad ulit, namatay ang tsuper
ng trak na nakabangga ng kotse nila. Napag-alaman ni Benigno na si Don Ignacio ang
may-ari ng trak. Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don
na isa mga tumulong sa kanya ng Malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng
asawa niya. Naisip nito na mas mahalaga sa asawa niya ang pulitika kaysa buhay ng
anak nila. Upang makalimutan ang pagkamatay ni Marichu.iminungkahi ni Benigno, kay
Virgie na magbakasyon sila sa Roma.Binalak ni Benigno na magkaroon siya ng larawan
na kasama ang Papa. Kasunod ito ngunit nagtampo naman si Virgie dahil hindi siya
kasama. Dahil sa pagnanais ni Benigno na magkaroon ng larawan nakalimutan niyang
pabendisyunan ang mga rosaryo. Namasyal sila sa iba’t -ibang pook ng Roma.
Inutusan ng kongresista ang kawani ng embahada na isama nito ang Asawa
upang ipasyal si Virgie. Nang silang dalawa pa lamang ang magkasama, nagpadala
siya sa mga babaing nagbibili ng aliw. Kinabukasan,nakaramdam si Benigno ng
kakaiba. Nahihirapan siyang umihi.Nag-alala siya dahil maaaring magkaroon siya ng
sakit sa babae at maaaring nahawa si Virgie dahil nahilig siya noong nakaraang gabi.
Pumasok siya sa ospital. Dito, nalaman na hindi ito sakit sa babae. Bumalik sila sa
Pilipinas. Pagdating nila sa bahay , nalaman nilang nagtanan ang anak nilang si Ester.
Kasama ang anak ni Kongresista David. Ipinatawag niya ang mag-ama upang pag-
usapan ang kasal. Sinabi niya na kailangang malaki ang kasalan pero tumanggi ang
ama ni Rosendo sa kadahilanang wala silang pera. Umuwi na si Rosendo ang Ama
niya. Kinagalitan ni Benigno si Ester hanggang sa maitulak nito ang anak. Namilipit si
Ester kaya dinala siya sa ospital. Napag- alaman nila na nalaglag ang sanggol na
dinadala nito.

Gumaling si Ester at umuwi na nang bahay. Si Benigno naman ay abalang-abala


dahil sa imbestigasyon ng Kongreso sa masamang gawain niya. Naisip niya ang ama ni
Rosendo. Ipinatawag at kinausap tungkol sa kasal ng kanilang anak. Nagkasundo sila.
Sa pagpapalipas-oras ni Benigno sa isang nite club, napag-alaman niya ang mga
pagmamalabis ng anak ni Kongresista Caprio na si Ricky. Nagkaharap ang dalawa at
nag-usap. Nagkasagutan sila at pagkatapos , bigla na lamang nakarinig ng isang putok.

Bumalagsak si Ricky at naligo sa sariling dugo. Mula sa insidenteng ito sunod-


sunod na ang mga problemang dumating kay Benigno. Ang anak nitong si Ismael ay
naging isang “drug adict” , si Diana naman ay nakikitungo kay Balbino. Marcial at ang
anak niyang seminarista na si Conrado ay nahumaling ky Diana. Pati ang pangarap
niyang maging bise-Presidente ng bansa ay naging malabo. Si Conrado,ang
seminaristang anak ni Benigno ay unti- unting nahumaling kay Diana. Umabot ang
kanilang relasyon sa pagdadala ni Diana sa anak nila ni Conrado sa kanyang
sinapupunan. Nasaktan si Benigno ng malaman ito. Lahat ng problema ni Benigno ay
gumugulo sa kanyang isip hanggang dumating ang kasukdulan . hindi na niya kaya
pang tanggapin. Ang puso niya ay sumuko na sa mga sama ng loob. Dinala siya sa
ospital ngunit talagang wala na ..hindi na niya gustong mabuhay. Hindi nagtagal ay
binawian na siya ng hininga. Sa bulwagan ng kongreso ginawarang si Benigno na isang
magaling na Kongresista. Ngunit hindi ito nagustuhan ni Virgie. Sinabi niya na hindi niya
kayang tanggapin ang lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa lahat ng
pagkukunyaring ginagawa sa harap ng bangkay ng asawa niya. Sumigaw siya at
sinabing hayaan na lamang siya. Nailibing si Benigno ng matiwasay ngunit ang pulitika
ay patuloy paring gumugulo sa pamilya niya. Tulad ng sinabi Carpio kay Virgie , “hindi
po blackmail Misis ito po’y pulitika.

Istilo ng paglalahad

Ang naging istilong paglalahad ng may-akda sa nobela ay isang daloy ng pangyayari , dahil
naisalaysay niya ito ng matiwasay. Ang buhay ni Benigno ay isang halimbawa ng tunay na pangyayari sa
kasalukuyang panahon.

Mga Tayutay

1.kasamaang-palad na ang ibig sabihin ay may masamang nangyari

2. nagbebenta ng aliw- nagbebenta ng sarili upang magkapera

3. pagpapalipas-oras- paglilibang sa sarili

4. nakikitungo -nakikitira

5. kasukdulan - pinaka tuktok ng pangyayari

TEORYA

1. Bayograpiya

Ang may-akda na si Celso AL Carunungan ay may layunin na pukawin ang paniniwala ng


mga mambabasa sa pamamagitan ng kanyang nobela. Maaaring ipihihiwatig din nito sa mga
mambabasa na kailangang maging maingat sa taong binoboto na maging lider ng pamahalaan
upang maiwasan ang mga masasamaang gawain ng naka upo sa pwesto.

2. Historikal

Sinasalamin sa nobelang ito ang mga masasamang pamamalakad ng mga pulitiko lingid
sa kaalaman ng mga karaniwang tao. Hanggang sa kasalukukayan ay nangyayari parin ito.
3. Klasismo

Sa nobelang ito , pinaiiral parin ang demokratiko ngunit mapapansin natin na pawang
magkakapamilya parin ang namamalakad sa pamahalaan. Nakikita rin dito na nababatay ang
kapangyarihan ng tao sa kanilang yaman at naging sunod-sunuran lamang ang mga nasa ibaba.

4. Humanismo

Pinapakita dito na hindi maganda ang pag-uugali ng pangunahing tauhan na si Benigno.


Nasilaw siya sa kapangyarihan at nakuha niyang lokohin ang asawa para sa sariling kaligayahan.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay nag-sisi ngunit huli na ang lahat nagkaroon na ng malaking
problema ang kanyang pamilya.

5. Realismo

Ang mga pangyayaring naganap sa Nobela ay patuloy pa ring nangyayari sa kasalukuyan.


Marami paring katulad ni Benigno na nanatiling namumuhay sa kasinungalingan.
Ipinapahiwatig ng Nobelang ito kung paano umiikot ang tunay na kalakaran ng gobyerno.

6. Pormalistiko

Gumanit ng maraming pang-uri ang nobela upang mailarawan ang karangyaan ng


pamumuhay ng mga pulitiko. Ang pinaka sentro ng metapora na ginamit sa akda ay ang
pagiging masama na ugali ni Benigno ang pangunahing tauhan sa nobelang ito.

7. Eksistensiyalismo

Sa kabila ng mga matatamis na ngiti ng mga pulitiko ay marami paring ikinukubling


sekreto. Lahat sila ay gumagawa ng katiwalian ng patago dahil ayaw nilang makita ng
mamamayan ang masama nilang gawain. Hindi ito nagpapakita ng kalayaan. Hindi nila
pinapahalagahan ang nangyayari sa kasalukuyan dahil nakaturok sila sa pag-areglo ng mainam
na kinabukasan. Nakalimutan nila ang binigay sa kanilang pagkakataon na makalingkod sa
bayan.
8. Istrukturalismo

Ang nobelang ito ay umiikot sa bagbabago ng pagkatao ng mga tauhan. Pawang


katotohanan ang nais ilabas ng isinulat nito. Ang nobelang ito ay hindi purong Filipino may mga
bahagi nito na nakasulat ang wikang Ingles. Pinapakita dito na umuunlad ang ating bansa ayon
na rin sa mga wikang ginamit sa nobela.

9. Feminismo

Hindi man isinulat ng babae ang nobelang ito. Ipinakita rin naman ng nasabing akda ang
papel na ginagampanan ng mga babae sa lipunan at kung paano nila kaya baguhin ang ikot ng
mga bagay bagay.

A. Mga Tauhan

 Benigno Talavera

- siya ay isang Congressman , mapanggamit na tao

- hindi na niya iniisip ang kanyang pamilya

-mabisyo lalo na sa babae

 Virginia Talavera

- Asawa ni Benigno

- mapagmahal sa pamilya

-mapagtimpi sa asawa

 Conrado Talavera

-Anak ni Benigno at Virginia na magpapari

-lumabas sa kumbento dahil sa pagmamahal

-nakipagtanan kasama si Diana

 Ismael Talavera

-anak na lalaki ni Benigno


- pinagbintangang pumatay kay Ricky

B. Galaw ng Pangyayari

Maayos ang paglalahad ng mga pangyayari sa nobela. Naipahiwatig ng may akda ang
nais niya ipabatid sa mga mambabasa dahil tama ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
nobelang sinulat.

1. Paksa at Tema
2. Balangkas ng Banghay
3. Pangkatauhang pagsusuri

-Sosyolohikal
-Sikolohikal-Arkitepal Benignongkakaiba.Nahihirapansiyangumihi.Nag-
alalasiyadahilmaaarin

1. Paksa

Ang paksa ay pinag-uusapan sa kwento. Ito ang nagiging batayan ng isang


masusing pagsusuri ng nobela.

2. Tema

Ang tema ng isang kwento ay ang pangkalahatang kaisipang nais palitawin ng


may-akda. Ito ang kaugnay ng isang panlahat na paksa.
3. Banghay ng Balangkas

Ang balangkas ng banghay ng isang kwento ng isang nobela ay bunga ng


masusing pag-aaral at pagsuri ng may-akda. Ito ang nagsisilbing patnubay sa
manunulat sa pagpapatuloy ng kwento.

C. SANAYSAY

Buod

Patuloy ng nasisira ang ating kapaligiran , dahilan upang magkaroon ng


negatibong pagbabgo hindi lamang dito sa ating bansa pati narin sa buong Daigdig.
Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na
tinatawag na Global Warming.
Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperatura ng ating mga karagatan at
atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga
fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. Ang
ozone layer ang siyang nagsisilbing taga sala nito o filter upang ang mga mabubuting
sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere. Sa isyu ng global warming
napakahalaga na pag tuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng
ganitong panyayari. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng ng unti-
unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels.
Marapat lamang na habang maaga pa ay kumilos na upang hindi na lumala ang
sitwasyo. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masulosyunan ang problemang
kinakaharap natin. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at
malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy na
sumisira sa ating kalikasan .

 Uri ng panitikan

 Layunin
 Paksa

Ang sanaysay na ito ay tungkol sa Global Warming na nangyayari sa bansa.

 Tema

Ang tema ng sanaysay ay ang pagkakaroon ng Global warming na dulot ng


pagsusunog ng mga fossil fuels.
 Panimula

Sinimulan ng may-akda ang pagsasalaysay sa pamamagitan ng pahahalintulad


sa iba’t ibang isyu na nangyayari sa bansa, ngunit ang Global Warming ang
napagtuunan niya ng pansin.

 Nilalaman

Ang nilslaman ng Sanaysay na ito ay tungkol sa isyu ng Global Warming at ang


dahilan nito. Ang pagsusunog ng fossil fuels ay isa sa pangunahing dahilan ng pagsira
ng ozone layer.

 Konklusyon

Nagwakas ang ang akdang ito sa pamamagitan ng paalala sa mga mamamayan


na hangga’t maaari ay huwag nang dumagdag sa mga taong sumisira sa ating
kapaligiran. Pinapaalala ng may-akda na alagaan at mahalin natin ang inang kalikasan
na siyang nagsisilbing tahanan ng bawat nabubuhay sa daigdig.

You might also like