You are on page 1of 4

Bianca Christina S.

Alba Motifs at Buod ng Labaw Donggon

Pan Pil 12 THW1 Hulyo 23, 2013

1. WALANG HANGGANG SAMPALAN 803-833 Linarawan rito ang walang hanggang labanan nina Labaw Donggon at Saragnayan. Umabot ito ng ilang taon na tila ba wala na itong katapusan. Nagsimula ang kanilang labanan ng ilublob ni Labaw Donggon si Saragnayan ng pitong taon, hanggang sa pagpapalo-paluin ni Labaw Donggon ang katawan ni Saragnayan at paghagis at pagpapaikot-ikot nito sa langit. Umabot ang kanilang labanan ng ilang daang taon. 1514-1630 Dito naman isinalaysay ang labanan nina Saragnayan at ang mga anak ni Labaw Donggon na sina Asu Mangga at Baranugun. Isinalaysay kung gaano karaming mga lalaki ang tumulong at lumusob sa labanan na siya ring mga namatay. 2. BIDANG DI MAMATAY-MATAY 803-833 Kahit hindi bida ay di pa rin namatay-matay itong si Saragnayan matapos ang ilang daang taong paglalaban nila ni Labaw Donggon. Pitong taon sa ilalim ng tubig ay hindi pa rin ito nalunod. Inihiga si Saragnayan sa ibabaw ng bato saka pinagpapalo at nagkahimay-himay ang katawan ngunit buhay pa rin si Saragnayan. Binuhat, inihagis pataas at ipinaikot-ikot sa langit ngunit wala pa ring kamatayan si Saragnayan. 834-850, 890, 1899-1918 Ang bidang si Labaw Donggon ay nanghina ngunit hindi ito namatay. Ikinulong lamang siya ni Saragnayan. Nabanggit sa linyang may bilang 890 na si Saragnayan ay isang aswang o mangkukulam na nangangain ng biktima ngunit hindi niya kinain si Labaw Donggon. Ang huling pangkat ng mga linya ay ang paguusap ng mag-asawang si Saragnayan at Nagmalitong Yawa. Dito ay itinanong ni Nagmalitong Yawa kung bakit ikinulong lang si Labaw Donggon at hindi pa linamon at pinaslang. Ito ang ilan sa mga linyang nagsasabing ang bida ay di mamamatay. 1514-1630 Sinalaysay ang labanan nina Saragnayan at mga anak ni Labaw Donggon na sina Asu Mangga at Baranugun. Namatay ang mga kalalakihang tumulong at nakipaglaban ngunit nanatiling buhay sina Saragnayan, Asu Mangga at Baranugun na tila ba wala silang kahinaan.

3. HAPPY ENDING 2300-2325 Ito ay isang happy ending sapagkat buhay pa rin si Labaw Donggon at nagbalik ang kanyang lakas at kanyang dating matipunong katawan. 4. IPAGHIHIGANTI KO SI INAY 1153-1166 Matapos makita ni Baranugun kung ano ang nangyari sa ama, siya ay nagbanta, kahit wala roon ang pinagbabantaan na si Saragnayan, kung paano niya babawiin ang kanyang ama at lalabanan, at tuturuan ng liksyon itong si Saragnayan. 1477-1513 Ito na ang paghaharap nina Baranugun at Saragnayan. Winika ni Baranugun kung paano niya ipaglalaban ang amang si Labaw Donggon. Nais niyang bawian ng buhay itong si Saragnayan upang maipaghiganti ang kanyang ama. Nagwika rin ng sabay ang dalawang anak ni Labaw donggon na sila ay lalaban hanggang sa kamatayan at mamamatay sila sa ngalan ng kanilang ama. 5. AGAWAN SA MANA 724-767 Simbolo ang mana para kay Nagmalitong Yawa. Pinagaagawan siya ng dalawang lalaki na sina Saragnayan na siyang asawa nito at ni Labaw Donggon na nais pa siyang suyuin at pakasalan. 6. BIDA NA MAGKAKA-AMNESIA 844-850, 1137-1152, 1289-1294, 2134-2138 Hindi tunay na nagka-amnesia si Labaw Donggon ngunit sa nangyari sa kanya ay para na rin siyang nagka-amnesia. Tila ba nawala sa kanyang tunay na sarili si Labaw Donggon noong siya ay matalo ni Saragnayan. Siya ay nanghina, kumapal at humaba ang buhok niya sa buong katawan, at naging matatakutin rin. Nawala ang kanyang tapang at lakas na unangunang pagsasalarawan kay Labaw Donggon. 7. PINAGHIHIWALAY NA MAGKASINTAHAN 724-767 Ito ang unang paghaharap nina Saragnayan at Labaw Donggon. Ipinahayag ni Labaw Donggon ang kanyang layunin na suyuin at pakasalan ang asawa ni Saragnayan na si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit hindi agad pumayag si Saragnayan at sinabing makukuha lamang ni Labaw Donggon si Nagmalitong Yawa kung magagawa ni Labaw Donggon na bawian ng buhay si Saragnayan. Dito nagsimula ang kanilang labanan.

8. PANGIT NA BABAENG GAGANDA SA ENDING 1147-1148, 1289-1294, 2134-2138, 2300-2325 Sa halip na babae ang tinutukoy na pangit rito ay si Labaw Donggon mula nang siya ay matalo. Nagiba ang kanyang itsura sapagkat humaba ang kanyang buhok hindi lamang sa ulo kundi sa iba pang parte ng katawan. Nawala rin ang kanyang kompiyansa sa sarili at naging matatakutin. Ngunit sa dulo ay nagawa nina Abyang Ginbitinan at Abyang Doronoon na ibalik ang dating kakayahan, katatagan at katapangan ni Labaw Donggon. Sa huli ay bumalik ang dating lakas ni Labaw Donggon. 9. KIKIDNAPIN NA KAMAG-ANAK 834-850, 1137-1149, 1146-1150, 1288-1291 Sa linyang may bilang na 834-850 isiniwalat kung paano nanghina si Labaw Donggon saka iginapos ni Saragnayan ang bisig, kamay at mga paa ng nauna. Pagkatapos nito ay dinala ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kanyang bahay saka ipiniit sa kulungang-baboy sa ilalin ng kanyang lutuan. Ilang beses pa binanggit na nakulong itong si Labaw Donggon sa ilalim ng lutuan ni Saragnayan. 10. IYAKAN 1137-1152 Dito nakita nina Baranugun at Asu Mangga sa bolang kristal ang kanilang ama na lumuluha sa habang nakapiit sa ilalim ng lutuan ng bahay ni Saragnayan. 1805-1813 Nang makain nina Baranugun at Asu Mangga ang puso ng baboy na naglalaman ng lakas ni Saragnayan ay biglang nanghina ang katawan nito. Naluha si Saragnayan sapagkat alam na niyang tiyak ng papatayin siya ni Baranugun. 11. IYAKAN NA NAMAN 1830-1865 Ito na ang pamamaalam ni Saragnayan sa kanyang asawa na si Nagmalitong Yawa Nagmaling Diwata. Ang mga tanim sa kanilang tahana y lanta na atang mga damo at dahon ay wala nang buhay at sigla. Ang mga ito ay tuyo at kayumanggi na. Dumaloy ang luha sa magasawa at nagbigay si Saragnayan ng huling habilin sa kanyang asawa. 12. BAKBAKAN SA WAREHOUSE 724-850, 1502-1602, 1972-2001 Ang lahat ng labanan na naganap sa pagitan nina Saragnayan at Labaw Donggon at mga anak nito ay nangyari sa bayan ng katanghaliang araw na siyang pinamumunuan ni Saragnayan. Dito inilarawan ang mga matataas na dingding na nagdudulot ng kadiliman sa buong lugar at mga dingding na tanging si Saragnayan lamang ang nakakapagkontrol. Sinabi rin sa linyang 732, na mayroong baybayin sa bayang ito na pinagbabawalang puntahan.

13. NAWAWALANG DIARY 851-1057 Ang diary ay simbolismo para kay Labaw Donggon. Isinalaysay rito kung paano nag-alala ang dalawang anak ni Labaw Donggon na sina Baranugun at Asu Mangga para sa kanilang nawawalang ama. Si Baranugun ay anak ni Labaw Donggon kay Anggoy Doronoon samantalang si Asu Mangga kay Anggoy Ginbitinan. Pareho nilang napansing ilang taon ng nakalilipas ngunit hindi pa rin nakababalik si Labaw Donggon. Kaya naman kanilang napagdesisyunan sa kanilang mga sarili na bilang anak ni Labaw Donggon ay mayroon silang tungkulin na hanapin ang ama. 14. BIDANG GUWAPO, KONTRABIDANG PANGIT 7-11, 34-54 Inilarawan si Labaw Donggon bilang isang matipunong binata at ang kanyang kaaya-ayang pananamit na nababalutan ng ginto at pilak, mga panyong maningning at burdado na hinabi sa isang bansang banyaga. 890, 1991-2001 Binanggit sa unang numero na pinaniniwalaan raw na sa Saragnayan ay isang aswang o mangkukulam na kumakain ng kanyang biktima. Sa ikalawang pangkat ng mga linya, bilang 1991 hanggang 2001, inilarawan naman si Saragnayan bilang mala-higante ang laki, balikat na may pitong dangkal ang sukat at katawan na puno ng balahibong kasintigas ng alambre.

You might also like