You are on page 1of 14

PANITIKAN SA PANGASINAN

K A B A N ATA I V
HANNAH JANE DELA TORRE -ZAPANTA
LAYUNIN:

• Matalakay ang mga impormasyon tungkol sa


Panitikan sa Pangasinan;
• Maunawaan ang katangian ng bugtong at
salawikan; at
• Maunawaan ang kahalagahan ng Panitikan sa
Pangasinan.
PA N G A S I N A N
• Isa sa 77 na lalawigan sa Pilipinas
• PANGASINAN – galing sa panag-asinan
(bayan ng asin)
• Ang termino ay galing sa pangunahing
hanapbuhay ng ga taong naninirahan sa
baybaying dagat ng Bolinao at Dasol.
• Matatagpuan sa hilagang kanluraning
bahagi ng Luzon at nakaharap sa
kalawakan ng Dagat Tsina.
BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
• Ang Pangasinan ay mga lugar lamang sa baybaying
dagat kung saan gumagawa ng asin
• Caboloan – ang tawag sa loob na bahagi ng lugar
kung saan maraming makikitang bolo.
• Bolo – isang magandang uri ng kawayan na
matatagpuan sa paanan ng bundok-bundukan ng
Mangatarem, Paniqui at Camiling. Ginagamit ito sa
paghabi ng sawali at bilao.
Pagsakop ng mga Kastila
• Unang nasakop ang mga lugar ng
baybaying dagat at ang pangalang
Pangasinan ang ginamit sa lahat ng lugar
na may parehong naninirahan at wika.
• Hindi rin nagamit ang Caboloan dahil
unti-unti nang nauubos ang bolo sa
paligid.
PANITIKAN
• Aligando
• pinakamahabang katutubong awit na may 565 na linya
• orihinal na awit Pamamasko na umaabot na halos
dalawang oras bago matapos.
• galing ito sa salitang Kastila na Aguinaldo.
• Inaawit ito ng may dalawang boses sa salw ng musika at
gitara.
PANI TI KAN
• Cancionan
• Sa kasalukuyan ay popular pa rin ito, isang paligsahan
tuwing may kapistahan
• Zarzuela
• Kung minsan sa isang barangay ito tinatanghal
• Cenaculo
• Tuwing Mahal na araw itinatanghal ng isang grupo sa
Malindog, Binmaley sa iba’t ibang lugar.
PANI TI KAN
Mayaman din sila sa
Uliran (Alamat)
Diparan (maxims)
Pabitla o bonikew (bugtong)
Gozos (nobenang inaawit)
Pagbasa (pagbasa ng pasyon)
PANI TI KAN
• Ang anlong (Tula) at tongtong (kwentong patula) ay
nagsimula noong panahon ng Amerikano ngunit
nawala ang pagbigkas nitong tradisyon.

• Pasintabi – isang maikling panimulang awitin bago


simulant ang isang pagtatanghal.
S A L AW I K A I N
• Salitang matalinghaga at mapalamuti.
Maaari rin iyong binubuo ng idyoma.
• Ang bawat kasabihan ay tinatagong
kasabihan
• Ito ay may taludtod, mayroon mga sinulat
na magkatugma, mayroon namang hindi.
• Nag-iiwan ito ng aral at pilosopiya sa
bawat mambabasa.
S A L AW I K A I N
Ang pag-ibig kapag bago ay matamis
Ngunit kapag ito’y kumupas ay mapait.

Ano man ang iyong gawin,


Makapitong beses dapat isipi.
BUGTONG
• Isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
palaisipan.
• Gumagamit ng talinghaga sa pagsasalarawan
sa isang particular na bagay o mga bagay na
hulaan.
• Ito ay nangangailangan ng katalinuhan at
maingat na pagnilay-nilay para ito’y
mahulaan.
BUGTONG
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
- Kamesita
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa nakikita.
-Tainga
Malambot na parang ulap, kasama ko sa
pangarap. -Unan
GAWAIN 3 (PDF SCRAPBOOK)
Bugtong at Salawikan
• Magsaliksik ng sampung (10) Salawikain at Bugtong.
• Suriin ang bawat Salawikain base sa inyong
pagkakaunawa. Isang salawikain, isang pagsusuri.
• Ang mga bugtong ay hindi dapat narinig o nalaman na ng
karamihan. Maghanap ng mga bagong bugtong.
• Maaari itong gawin sa Powerpoint o Word Document
basta’t lagyan niyo lang ng mga disenyo para maging
scrapbook bago ito i-save as PDF.

You might also like