You are on page 1of 13

Kabanata 4

PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA


(Anyong Patula)

Butil ng Karunungan
_ Anonymous

Inaasahang Pagkatuto
Sa katapusan ng aralin na ito, kayo ay inaasahang:
A Natutukoy ang mga kaisipan, paniniwala, pamahiin, pag-uugali, tradisyon at
mga kaugaliang nasasalamin sa mga natalakay na mga karunungang bayan.
B. Natatalakay ang kahalagahan at kabuluhan ng mga awitin o kantahing bayan
sa pamumuhay ng mga Pilipino noong unang panahon.

C. Nakakapagpapaliwanag at nakasusuri ng mga halimbawang bugtong,


palaisipan, salawikain, kasabihan na kumakatawan sa bawat rehiyon o pangkat
etniko ng bansa.

SIMULAN NATIN!

HULAAN MO AKO!
TALAKAYIN NATIN!
Aralin 1 : Panitikan Bago Dumating Ang mga Kastila
Ang mga bugtong, palaisipan, salawikain, kasabihan, at mga talinghaga ay itinuring na
mga karunungan baying nagging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay n gating mga
ninuno. Ang mga ito ay ipinalalagay na kauna-unahang mga tula na anging susi ng maunlad,
mapayapa at amy sistemang lipunan. Ang mga unang tulang ito ay may temang panrelihiyon at
samahang panlipunan.
Ang tulang ito ay binibigkas nang may himig at patungkol sa kanilang mga paniniwala sa
mga naito na humuhubog ng kanilang pag-uugali, pagkilos at pananaw sa buhay upang gumaling
ang mga maysakit sa paglibing ng mga namatay.
Ayon kay Medina, ang mga Pilipino bago pa man sila nasakop ng ibang malalakas na
bansa ay sagana sa maiikli at mahahabang tula. Dagdag pa niya, “ ang mga katutubo noon ay
mahilig na sa mga tula’t pagtatanghal at wala silang pagod kapag tula ang pinag-uusapan.

a.Kawikaan, Kasabihan at Salawikain


Ayon kay Villafuerte, et al. (2000), ang mga salawikain/ kasabihan ay maiigsing pahayag
ng mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang tuntunin o mga alituntunin ng kaasalan. Ito
ay maaaring patula o tuluyan. Ang mga may-akda ay hindi matunton at ang mga ito ay pasalin-
salin sa mga lahi.
Ayon naman, kay Sauco, et al.(1987), ang salawikain ay mga butil ng karunungang
hango sa karanasan ng mga matatanda. Ito ‘y kinapapalooban ng mabubuting payo tungkol sa
kagandahang asal at mga paalaala tungkol sa batas ng kaugalian. Ang salawikain ay karaniwang
patalinghaga at nasusulat ng may sukat at tugma.

Mga Popular na Kasabihan o Salawikaing Laganap sa Kapuluan


Anhin mo pa ang damo
Kung patay na ang kabayo

Walang utang
Na hindi pinagbabayaran

Ang anumang balakin


Makapitu munang isipin

Ang magtanim ng hangin


Bagyo ang aanihin

Ang maniwala sa sabi-sabi


Walang bait sa sarili

Salawikain at Kawikaan (Rehiyon 3)


Ang sakit ng kalingkingan
Damdam ng buong katawan

Ang taong nagigipit


sa patalim kumakapit

Hindi nakikilala ang bayani sa salita


Kundi sa kanyang mga kilos at gawa

Salawikain at Kasabihan (NCR)


Ang taksil na kaibigan
Higit na masama kaysa kalaban

Ang mag-asawang walang bunga


Parang kahoy na walang sanga

Hurubaton/ Daragilon/ daraida(Rehiyon 6)


Ang mga HURUBATON ay mga gabay o panununtunan o mga tagubilin na tila
nagpupumilit sundin.
Halimbawa:
Ayaw pagtanum it dumut kag kapusa nga kalagyan
Hay nagakitid ang banas nga masami mo maagyan
Daragilon
Ang daragilon ay katumbas ng mga salawikain at kasabihan sa panulaang Tagalog. Ito
ay mula sa salitang dagli (pagsambit ng mga kataga)
Sa panggas nga tinuruan kang balhas
Manamit nga uyas ang maani nimo
Pay sa bunga nga tinagilhas
Malas-ay ang maburaw mo

Ang paggahud kang dagasnan


Nagapakilala kang ana kanabaw
Pay di ang kagahud indi mo mabatian
Sa malinong madalum nga linaw
Daraida- Ang matatanda noong unang panahon kung may nais ipaalala sa mga kaapuhan o kung
nais nilang mangaral sa mga gusting making, hindi marahas ang kanilang paraan kungdi
idinadaan nila sa Daraida.
Kon magkapug ang tinig-ang
Indi ka gid magkalu-kalu,
Maraw-ay ina nga buhat-
Tikang nga makarulukso
Mayad kon mayad ang maluksuhan mo
Mayad man ang imo maabtan
Pay kun aswang ang maluksuhan mo,
Panambion ka kang mga tawo
Bugtong at Palaisipan
Ayon kay Bisa at Bisa (1981), ang bugtong ay mga tugmang naghahamon sa isang tao na mag-
isip nang madalian na walang pinagbabatayan kungdi ang inilalarawan ng mga salita.
Ayon kay Villafuerte, et al. (2000) ang bugtong ay isang uri ng panitikan na kawili-wili .
ito ay isang pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay na mabilis na pag-iisip na nagpasalin-
salin sa bibig ng mga ninuno.
Halimbawa:
Hayan na hayan na
Di nakikita Sagot: Hangin

Kung kalian ko pinatay


Saka humaba ang buhay Sagot: Kandila

Palaisipan- tulad ng bugtong ay nakakapukaw at nakahasa din ng isipan ng tao.


Nangangailangan din ito ng isip upang sagutin.
Halimbawa:
Sa duklay ng isang sanga
Limang ibon ang kumakanta
Lumipad ang isa
Ilan ang natira?
Sagot: Lima pa rin. Lumipad lang ang ibon. Hindi umalis

Palatu/Palagatu o Paktakon ng Kanlurang Bisayas


Sa Kanlurang Bisayas, ang bugtong ay mas lalong kilala sa tawag na palatu, palagatu o
paktakon na galling sa salitang Hiligaynon na pakot na nangangahulugan na Ingles na, guess.
Ang salitang Hiligaynon na akon ay nangangahulugan sa Ingles na mine.
Ang salitang palate o palagatu ay mga salitang kinaray-a para sa salitang paktakon. Sa
paktakon ay makikilala kung sino ang magaling sumagot sa katanungang inilalahad ng pahayag.
Halimbawa:
Kon maghulog nagaagsik
Pay wara’t sin o nga makaisip Sagot: ulan
Kaptan mo anay sa ikug
Ugaring sa sinabawan itusmog Sagot: sandok

MGA HALIMBAWA NG IBA PANG MAIKLING TUGMA


Talinghaga
Ang talnghaga ay isang simpleng metaporang may walong pantig sa bawat
taludtod. Ito ay may sukat at tugmaang regular.
Halimbawa:
Labong ng kawayang bago tumutubo
Langit na mataas ang itinuturo
Kapag tumanda na at saka lumago
Lupang pinagmulan, doon din ang yuko.
Mga Tugmaang Pambata
May mga tugmang pambata din na hindi maituturing na mataas na uri ng panitikan
subalit ang mga ito’y matatandang tugmaang may kahalagahang pampanitikan. Kinalulugdan
ang mga ito ng matatanda at bata pagkat nakapagdudulot ng kaaliwan.

Putak,putak!
Batang duwag!
Matapang ka’t
Nasa pugad

Bulong
Ayon kay Santiago, et al.(1989) ang bulong ay mga maikling tugmang ginagamit n gating
mga ninuno na pangkulam o pang-ingkanto.
Ayon naman kay Panganiban (1981), ang mga bulong ay ginagamit ng arting mga ninuno
sa paghingi ng paumanhin o pasintabi sa mga lamang lupa tulad ng mga dwede. Binubuo ito ng
mga taludtod. Sa bulong makikita ang malaking paggalang at pangamba ng mga tao noon sa mga
nakikitang ispiritu.

Halimbawa:
1.Huwag magagalit, kaibigan
Aming pinuputol lamang
Ang sa amin ay napag-utusan.

2.Dagang malaki, dagang maliit


Eto ang ngipin kong sira at pangit
Sana ay bigyan ng bagong kapalit

AWITING BAYAN
Laganap sa Pilipinas ang awiting bayan, isang tulang inaawit sa pagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya at gawain o hanapbuhay ng mag taong
naninirahan sa isang pook. Isinilang sa mga bulubundukin at kapatagan, mula sa Luzon
hanggang Bisaya’t Mindanaw, ang mga ito’y napasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan
hangang sa tanggapin nila at nakaugaliang tanggapin.
Walang paghahanda o minsan ay biglaan, impormal ang pagpapahayag ng mga ito na
nagpapamalas ng reaksyon ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na gawain karanasan at
pakikipagkapwa-tao.
Ayon kay Panganiban, ang mga uri ng awiting bayan ay ang mga sumusunod:
Talindaw-awit sa pamamangka
Soliranin- awit sa paggaod
Diona- awit sa panliligaw kasal
Oyayi –awit sa pagpapatulog ng bata
Dalit o imno- awit sa pagpuri o pagsamba
Kumintang- awit sa pakikidigma
Sambotani- awit ng tagumpay
Kundiman- awit ng pag-ibig

Awiting Bayan ng mga Bisaya


Iloilo Ang Banwa Ko Iloilo ang Bayan Ko
Iloilo ang bayan ko pinangalanan
Iloilo ang banwa ko ginahingadlan
Kaaki-akit na ngalang kinamulatan
Matam-is ng pulong nga akon ginmat-an
Hindi ko ikaw iiwan bayan kong minamahal
Dili ko ikaw bulagan banwa kong nalulutan
Sa iyo nangagaling ang kaligayahan
Ikaw ang gintunaan sang kalipayan
Ilonggo ako na tunay
Ilonggo ako nga tunay
Na nanahan sa tabi ng baybay
Nga nagapuyo sa higad sang baybay
Magandang umindak-indak
Manami magkiay-kiay
At sa aking puso’y tigib ng ligaya
Sa tagipusuon bug-os ang kalipay

Sa higad Sinang Bukid

Sa higad sinang bukid,may isa ka tuburan.


Sa bato naga ilig,ang matin-aw nga tubig.
Sa daku kong kauhaw,ako ay naghapit.
Kag didto ko nabatyagan,ang kabugnaw sang tubig.
Kag didto ko nakit-an,larawan sang kagayon.
Nagbatyag kauhaw ining dughan nakon.
Katulad sang tuburan,may gugmang dalitan
Daw tubig naga ilig,nga dili ko mapunggan.

Ang Mga Epiko


Ang epiko ay mga kwento ng kabayanihan. Punong-puno ito ng kagila-gilalas na
pangyayari.
Ayon kay Manuel (1976), ang epiko ay isang tulang pasalaysay na may di-karaniwang
haba. Ito ay kinakanta o binibigkas na amy himig. Ang mga tauhanay may di-pangkaraniwang
katangian, may pambihirang lakas, ang mga pangyayari ay puno ng kababalaghan o may
milagrong nagaganap; at umiikot sa kultura, pamahiin, kaugalian, uri at paraan ng pamumuhay
ng isang tiyak na pangkat etniko.
Ayon kay Villafuerte (2000) ang mga sumusunod ay ang katangian ng epiko:ang pag-alis
ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan; pagtaglay ng agimat o anting anting ng pangunahing
tauhan, paghahanap niya sa isang minamahal; ang kanyang pakikipaglaban, patuloy na
pakikidigma ng bayani; pamamagitan ng bathala para matigil ang labanan; pagkamatay at
pagkabuhay muli ng bayani; pagbalik ng bayani sa sariling bayan; at ang pagpapakasal o pag-
aasawa ng bayani.
Bawat pangkat etniko ng mga Pilipino lalo na yaong hindi kaagad naimpluwensyahan ng
relihiyong kristiyano ay may maipagmamalaking epiko. Ilan sa mga ito ay:

Alim Ifugao

Tuwaang Bagobong Muslim

Parang Sabir Muslim Taosug

Biag ni Lam-ang Iluko

Ibalon Bicol

Darangan Muslim Maranao

Hudhud Ifugao

Indarapatra at Sulayman Muslim Maranao

Bantugan Muslim Maranao

Labaw Donggon Lambunao, Iloilo (Panay)

Hinilawod Panay

Tulalang Bagobong Muslim

SUBUKIN NATIN!
Basahin ang teksto

HINILAWOD (EPIKO NG PANAY)


Nagsimula ang lahat nang may isang Dyosa ng kalangitan na nagngangalang "Alunsina", sa takot na di
na makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng mga Diyos na si "Kaptan" na sya ay mag asawa na.
Maraming Diyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang lahat ay bigo
sapagkat ang napili ni Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang "Paubari".

Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod.

Ang desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong dyos. Napagkasunduan ng ilang
dyos sa pangunguna ni "Maklium-sa-t’wan" na magkaroon nang pagpupulong upang maudlot ang kasal ni
Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa halawod.

Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni Suklang Malayon, ang kapatid
ni Alunsina. Natunugan ni Malayon ang plano ng ilang dyos kayat sinabi nitong magpunta sa mataas na
lugar sina Paubari at Alunsina.

Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari sa halawod.

Matapos ang ilang buwan ay nagsilang si Alunsina ng tatlong lalaki at pinangalanang Labaw Dongon,
Humadapnon at Dumalapdap.

Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-Banwa para gawin ang ritwal
upang maging malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal ay naging malalakas at makisig sina Labaw
Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.

Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanyang pakikipagsapalaran katulad na lamang
ni Labaw Donggon na nakipaglaban kay Saragnayan ngunit ito'y bigo at ibinilanggo ni Saragnayan.

Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labaw Donggon at agad na kinalaban si Saragnayon. Kalauna'y
nagtagumpay ang anak ni Labaw Donggon at sila'y parehong bumalik sa kanilang lugar.

Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na nagalit si Humadapnon at Dumalapdap.


Nangako si Humadapnon na ipaghihiganti nya ang kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.

Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si Dumalapdap upang


makipagpalaran at pakasalan si "Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan". nakipaglaban si
Dumalapdap sa nilalang na may dalawang ulo na kung tawagin ay "Balanakon".

Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na "Uyutang" na kawangis ng isang
paningi na may malaking mga pangil at makamandag na kuko. Nilabanan ni Dumalapdap ang Uyutang sa
loob ng pitong buwan.

Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang umuwi si "Lubay-Lubyok Hanginun si


Mahuyokhuyokan" upang pakasalan.

Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu Paubari ang tagumpay ng mga ito
1. Isa-isahin ang mga kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko. Pagkatapos,
sagutin mo ang tanong: “Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing
kababalaghan upang makilala ang mga tauhan?” Gamitin mo ang dayagram sa
iyong pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat

HINILAWOD
2. Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at
pangyayaring nakapaloob sa epiko, bumuo ng Character Profile
tungkol sa pangunahing tauhan .

You might also like