Professional Documents
Culture Documents
Sulyap sa Nakaraan
Noong Abril 19, 1898, nagpahayag ng pakikidigma ang Amerika sa Espanya.
Mayo 1, 1898 nang pinalubog ni Almirante Dewey ang plota ng mga Kastila sa Cavite.
Si Emilio Aguinaldo ay nagbalik sa Pilipinas buhat sa Singapore noong Mayo 19, 1898
at nagpatuloy ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.
Nilagdaan ang Kasunduang Paris noong Agosto 13, 1898. Sa kasunduang ito ay
inililipat ng Kastila ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang 20 milyong dolyar. Ang
mga pangyayaring ito ay nagpasiklab ng damdamin ng mga Pilipino. Hindi tinanggap
ng mga Pilipino ang kapangyarihan ng mga Amerikano.
Ang digmaang Pilipino at Amerikano ay nagsimula noong Pebrero 6, 1899.
Pangunahing dahilan ay ang mga sumusunod: isang Pilipinong opisyal ang binaril at
napatay ng isang sundalong amerikano sa tulay ng San Juan noong Pebrero 4, 1899.
Duimano, ang kawal na Pilipino ay hindi huminto nang siya ay pigilin ng isang
sundalong Amerikano sa pagtawid sa tulay ng San Juan.
Sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano sa mga bayan-bayan. Hinangaan ng
mga Amerikano ang depensang ipinamalas ng mga Pilipino sa tulay ng Zapote noong
Hunyo 14, 1899. Gayon dim ang ipinamalas na katapangan at taktika ni Hen. Gregorio
del Pilar sa pakikidigma sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899.
Ngunit ang lakas ng mga Pilipino ay tuluyang bumagsak nang madakip si Hen.
Aguinaldo ni Hen. Funston ng Amerika sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901. Si
Hen. Miguel Malvar ang kahuli-huliang sundalong Pilipino na sumuko sa mga
Amerikano. Ang Digmaang Pilipino at Amerikano ay nagwakas noong Abril 16, 1902.
Layunin
PAGTATALAKAY
MANUEL BERNABE
Poeta Laureado sa panulaang Kastila
Paksa ng kanyang tula ay pagbibigay puri sa Espanya, ukol sa relihiyon,
paglalarawan sa buhay,at mga tulang pangkaisipan.
Tinipon niya ang kanyang mga tula sa isang aklat na pinamagatang Cantos del
Tropico (Mga Awit sa Tropiko)
CLARO M. RECTO
Siya ay naging propesor sa batas, at sumulat ng mga aklat ukol dito
Sa gulang na 21, ang kaniyang mga tula ay tinipon sa isang aklat na
pinamagatang Bajo Los Cocoteros (Sa Ilalim ng Niyugan).
Ang kanyang dulang sinulat na nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak na
binuksan ng El Renacimiento ay may pamagat na La Ruta de Damaso (Ang
Daan Patungo sa Damasko) at ang Solo Entre La Sombras (Tanging Karimlan)
na nagtamo rin ng unang gantimpla sa timpalak na itinaguyod ng Kapisanang
Talia.
Akda: Ante El Martir
Mga Manunulat ng Prosa o Tuluyan sa Kastila
ENRIQUE LAYGO
Naglathala ng katipunan ng maikling kuwento na pinamagatang Idilo Con Pies de
Barro (Ang Diyus-Diyosang May mga Paang Luwad). Ito ay nagtamo ng Premio
Zobel noong 1925.
EPIFANIO DE LOS SANTOS
Mas kilalal sa tawag na Don Panyong
Ang karunungan niya ay sinasabing parang ensayklopediya.
Pinakamahusay na mamumuna, mananalaysay, mananalambuhay, at
mananaliksik ukol sa bagay na Pilipino.
T.H. PARDO DE TAVERA
Naging patnugot ng Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa
Ang nagpasok ng mga titik w at k sa ortograpiyang Tagalog na ginagamit ngayon
Umabot sa 63 ang mga akdang naisulat, na isinalin sa iba’t ibang wika tulad ng
Aleman, Pranses, at Ingles.
Mga akda: El Alma Filipina at Notas Para Una Cartograhia de Filipinas
RAFAEL PALMA
Kapatid ni Jose Palma
Sumulat sa mga pahayagang Revista Catolica noong 1894, sa La Independencia
noong 1894, at sa El Nuevo Dia noong 1900.
Naging director ng Academia Filipina noong 1923, at naging pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas.
Mga Akda: Alma Mater, ang La Luneta, ang Historia de Filipinas, at ang Biografia
de Rizal
may pamagat na Ang Kalupi at R.I.P (Sumalangit Nawa). Ang dula ito
ang siyang pumatay sa moro-moro.
Kinilalang Ama ng Sarswelang Tagalog.
Hermogenes Ilagan
Isinilang sa Bigaa, Bulakan noong Abril 19, 1873
Ang kanyang Samahan Ilagan ay umani ng papuri at tagumpay sa mga
lalawigan at bayan-bayang pinagtanghalan ng dula.
Ang Dalagang Bukid, ang isa sa kanyang dulang tinangkilik ng marami sa
panahong iyon.
Lucha Electoral, Despuez de Dios, El Dinero, Dalawang Hangal, Biyaya
ng Pag-ibig, at marami pang iba.
Ang mga natanyag niyang mga anak sa dulaan at pelikula ay sina Angel
Esmeralda, Gerardo de Leon, at Tito Arevalo
Aurelio Tolentino
Isinilang sa Guagua, Pampanga noong Oktubre 13, 1867.
Unang nag-aral sa malolos, Bulakan, at nagpatuloy sa San Juan de Letran.
Dito siya natpos ang Segunda Enseñanza. Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa
sto. Tomas at nakamit niya ang titulong Batsilyer sa Pilosopiya.
Luhang tagalog-obra maestro ni Tolentino.
Ang iba pang mga akda ni Tolentino ay ang Sumpaan, Pilipinas at Espanya,
Sinukuan, Ang Makata, Bagong Kristo, at Manood Kayo
Patricio Mariano
Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Marso 17, 1878. Siya ay isa ring
pintor,mamamahayag, at nobelista, ngunit nakahihigit ang kaniyang
pagkamandudula.
Lakambini- isang trahedyang may tatlong yugto hinango sa unang pagsapit
ng mga Kastila sa Kamaynilaan.
Mga dulang kinatha niya: Ang tulisan, Buhay-Dapo, anak ng dagat, Luha’t
Dugo, Ang dalawang Pag-ibig, at Unang Binhi.
Julian Cruz Balmaceda
Ipinanganak sa Udyong, Bataan noong Enero 28, 1885. Unang dulang sinulat
niya sa gulang na 14 ay Ang Sugat ng Puso.
Ang Piso ni Anita, dulang may tatlong yugto ukol sa kahalagahan ng
pagtitipid, ay nagtamo ng unang gantimpala
Naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.
Dulang kanyang sinulat na naghatid sa kanya ng katanyagan: Budhi ng
Manggagawa, Dugo ng Aking Ama, Kaaway na Lihim, Ang Tala sa
Kabundukan, ang Hampas ng Langit, ang Bagong Kusinero, Tulisang Pulpol,
at marami pang iba.
MGA MAKATA SA PANULAANG TAGALOG
Ang pag-unlad ng panulaang Tagalog ay nagsimula kay Francisco Balagtas
na kinilalalang Ama ng Panitikan dahil sa kanyang walang kamatayang
Florante at Laura at Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal.
Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang
mga sumusunod (1)MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Iñigo Ed.
Regalado; Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio
H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos;
Teodoro E. Gener
Isinilang sa Norzagaray, Bulacan noong Nobyembre 9, 1892
Ang ilan sa kaniyang mga tulang lalong pinagbuhusan ng isip ay ang
Masamang Damo, Anak-Pawis, Pag-ibig, Ang Guro, Ang Buhay, at iba pa.
Cirio H. Panganiban
Ipinanganak noong Agosto 21, 1895.
Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1948, at
Puno ng Kagawarang Filipino sa Far Eastern University.
Ang lalong nagpabantog sa kaniya ay ang mga tulang Sa Likod ng Altar,
Hiwaga ng Buhay, Ang Panday, Manyika, at Karbal ng Puso
ANG NOBELANG TAGALOG
May mga nagapahayag na ang kauna-unahang nobela sa Tagalog ay ang Barlaan at
Josaphat, salin sa Tagalog ni Pari Antonio de Borja noong 1712, at ang pangalawa ay
ang Tandang Basio Macunat ni Pari Miguel Lucio Bustamante noong 1885. Ayon sa
pahayag, ang nobelang Tagalog ay nagsimulang maging babasahing pambayan
noong 1900, at ang kauna-uhang nobelang nasulat ng taong naturan ay sinulat ni
Lope K. Santos na may pamagat na Salawahang Pag-ibig. Ito ay inilathala nang
yugto-yugto sa pahayagang Kaliwanagan, at ipinagpatuloy sa pahayagang Ang
Kapatid ng Bayan. Halos kasabay ng nobelang Salawahang Pag-ibig ang dalawang
nobela ni Valeriano H. Peña na may pamagat na Si Rosa at Si Valerio at ang Unang
Bulaklak.
Ang sinasabing gintong panahon ng nobelang Tagalog ay naglaho noong 1925 nang
magsimulang lumaganap ang mga pahayagan, magasin, at maikling kuwentong
Tagalog. Narito ang ilan sa mga nobelang naging tanyag:
1. Nene at Neneng, Valeriano H. Peña, 1905
2. Banaag at Sikat, Lope K. Santos, 1906
3. Pinaglahuan, Faustino Aguilar, 1907
4. Mga Imbi, Jose N. Sevilla, 1908
5. Madaling-Araw, Iñigo Ed. Regalado, 1909
6. Bayan at Pag-ibig, Mamerto Paglinawan, 1910
7. Mga Anak ng Bukid, Rosauro Almario, 1911
8. Kung Magmahal ang Dalaga, Iñigo Ed. Regalado, 1912
9. Ang Babaing Uliran, Maximo Sevilla, 1914
10. Isa Pang Bayani, Juan Arciwals, 1915
11. Hamtik, Jose D. Ampli, 1916
12. Kung Maglaro ang Puso, Juan R. Lazaro, 1917
13. Pangarap Lamang, Antonio Sempio, 1919
14. Mutyang Itinapon, Rosalia Aguinaldo, 1922
15. Mutyang Pinaghahanap, Narciso Asistio, 1923
Valeriano H. Peña
Nakilala bing Manong Anong ay ipinanganak noong Disyembre 12, 1858.
PANITIKAN SA INGLES
JORGE BACOBO
Magaling na manunulat sa sanaysay
Naging pangulo ng U.P. at naging miyembro ng gabinete ni Pangulong
Quezon
Magaling din siyang mananalumpati
Ilan sa kanyang mahuhusay na sanaysay ay ang: Pilipino Contact with
America”, College Uneducation” at “A Vision of Beauty”
FRANCISCO BENITEZ
Nagtatag at naging unang editor ng “Philippine Journal of Education”
Pinakamaganda niyang naisulat ang “What is An Educated Filipino?”.
Dito’y tinalakay niya ang mga pagbabago sa ating buhay-panlipunan, ang
mga pagbabago sa edukasyon, mga praktikal na mga gawain at
masisining na pagsasalita at pag-uugali.
MAXIMO M. KALAW
Guro, mambabatas, abogado, at manunulat
Editor ng “College Folio”, unang pahayagang lumabas sa Pamantasan ng
Pilipinas
Isinulat niya ang “My Ideal University” at dito’y binanggit niya ang
pagsang-ayon sa pagdadala ng pamantasan sa mamamayan.
FERNANDO M. MARAMAG
Makata, mamamahayag at naging editor ng “The Manila Tribune”
Mga akdang tula: “A Christ Without the Cross”, “The Atheist”, “Jose Rizal”,
“Christmas”, at “Moonlight on the Manila Bay”
LUIS DATO
Unang aklat ng tula “Filipino Poetry”, ito’y nalimbag noong 1924 at
ibinilang na kauna-unahang antolohiya ng tula sa Ingles.
Sa aklat ni Jose Garcia Villa, “A Doveglion Book of Philippine Poetry”
dalawang tula nito ang napasama, ang “Day on the Farm” at “The
Spouse”