You are on page 1of 4

PAGSASALING SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL

 Ang pagsasaling pampanitikan ay ang proseso ng muling pagsulat sa ibang wikang


malikhaing akda tulad ng tula, dula maikling kuwento, sanaysay, nobela at iba pang anyong
pampanitikan. Samantala lahat ng tekstong hindi pampanitikan ay mabibilang sa tekstong
teknikal.
 Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang pagsasalin sa siyensiya at teknolohiya. Ang
ganitong uri ng mga teksto'y naghahatid ng mga suliranin sa pagsasalin na iba kaysa sa mga
suliraning nakakaharap sa pagsasaling pampanitikan. Mas eksakto ang lengguwahe ng
pagsasaling siyentipiko at teknikal kaysa pagsasaling pampanitikan; kadalasan ding hindi
hinihingi sa tagasalin ang matalinghaga at matayutay na mga pangungusap na karaniwan sa
lengguwaheng pampanitikan.

Layon ng Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal

 Ayon kina Antonio at iniego Jr. (2006), hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagsasaling
siyentipiko at teknikal (ST) sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba’t ibang sangay at
institusyon ng bansa. Ito rin ang pinakamahalagang sangkap sa paglilipat, pag-imbak at
muling pagpapanumbalik ng mga karunungan sa lahat ng panig ng daigdig.

Ang Tagasalin ng Tekstong Siyentipiko at Teknikal


Ayon naman sa London Institute of Linguistics (sinipi nina Antonio at Iniego Jr., 2006),
kailangang taglayin ng tagasalin ng mga tekstong siyentipiko at teknikal ang sumusunod na mga
katangian:
1. Malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Mayamang imahinasyon upang mailarawan sa isipan ang kasangkapan o prosesong
tinatalakay.
3. Katalinuhan, upang mapun.an ang mga nawawala at/o malabong bahagi sa orihinal na
teksto.
4. Kakayahang makapamili at makapagpasya sa pinakaangkop na terminong katumbas mula sa
literatura ng mismong larangan o sa diksiyonaryo
5. Kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika nang may kalinawan, katiyakan, at bisa.
6. Karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na larangan o disiplina.
Mga Suliranin sa Pagsasalin ng Tekstong Siyentipiko/Teknikal
Sa libro ni Mona Baker, In Other Words (1992), ang problem of non-equivalence: SL
concept not lexicalized in TL ang karaniwang problema sa pagsasalin ng tekstong teknikal.
Walang katumbas na salita sa TL ang konsepto sa SL.
Dalawa ang problema sa pagtutumbas ng mga salitang dayuhan na walang katapat sa
wikang Filipino: a. panghihiram ng mga salita at b. pagbaybay ng mga salitang hiram. Dalawa rin
ang maaaring paraan sa pagtutumbas sa mga salitang maaaring hiramin.

1. Panghihiram ng mga salita


Sa totoo lang, hindi masasabing panghihiram ang paghiram ng mga salita, sapagkat hindi
na ito ibinabalik. Madalas pa nga’y ni hindi alam ng hiniramang wika na napaunlad na ito sa
pamamagitan ng pagbabago at pag-aangkop nito sa bigkas at baybay ng wikang nanghiram.

Dalawang Uri ng Panghihiram


a. Panghihiram na Kultural – panghihiram sa salitang nakabuhol sa kultura ng wikang
hinihiraman upang malasap ng mga tagabasa ng salin ang natatanging kultura ng SL.
Halimbawa:
obi, kimono, tempura, sensei, betja, diaper

b. Panghihiram na Pulitikal – karaniwan itong nagaganap sa mga bansang sinakop ng ibang


bansa bagamat minsan ay may mga salitang hindi nasaliksik nang mabuti at ginamit na lamang
basta. Ang mga salitang ito ay tinawag ni Almario na Hindi Kastila, hindi rin Ingles.
Halimbawa:
misyonaryo (missionary sa Ingles, misyonero sa Kastila)
prayoridad (priority sa Ingles, prioridad sa Kastila)
kontemporaryo (contemporary sa Ingles, contemporaneo sa Kastila)
librerya (library sa Ingles, biblioteca sa Kastila)

2. Paglikha ng salita (coining)


Noong 1960, naisagawa ang paglikha ng mga salita na tinawag na Maugnaying
Talasalitaan bagamat hindi naging positibo ang pagtanggap dito sapagkat natutunan na ng
marami ang mga salitang teknikal at akadamiko mula sa wikang Ingles.
Pamamaraan sa Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Naglahad sina Virgilio C. Enriquez at Elizabeth F. Marcelino (sinipi nina Antonio & Iniego
Jr. 2006) mula sa kanilang Neocolonial Politics and Language Struggles in the Philippines (1984)
ng mga pamamaraan sa angkop na pagsasalin ng mga salita ng ilang mga konsepto sa pagsasa-
Filipino ng ilang mga konsepto sa sikolohiya.

1. Saling-angkat (direct borrowing) – paggamit ng salita sa orihinal na porma nito, maaari


limitado ang ilang pagbabago sa salita o konsepto
Halimbawa:
persepsyon (perception)
amnesya (amnesia)
katarsis (catharsis)

2. Saling-paimbabaw (surface assimilation) – ginagamait ang salita ayon sa orihinal nitong


teknikal na kahulugan
Halimbawa:
reimporsment (reinforcement)

3. Saling-panggramatika (grammatical translation) – may ilang pagbabagong nagaganap sa


gramatikal na aspeto ng salita
Haimbawa:
social interaction
sosyal inter-aksyon
interaksyong sosyal

4. Saling-hiram (loan translation) – pagbuo ng mga bagong salita na maaaring tanggapin o hindi
ng karamihan
Halimbawa:
paghuhugas-utak – brainwashing na mas angkop ang paghuhugas-isip

5. Saling-likha (word intervention) - Isaalang-alang ang paglikha ng mga salita na may


kaangkupan upang hindi maging biro lalo na kung may kaugnayan sa mga usaping sekswalidad.

6. Saling-daglat (abbreviated words) – mga pinaikling salita o paggamit ng akronim sa mas


mahahabang mga salita
Halimbawa:
S-R, stimulus-response
IQ, intelligence quotient

7. Saling-tapat (parallel translation) – paggamit ng mga katutubong wika bilang panumbas sa


mga salita
Halimbawa:
social interaction - pakikisalamuha

8. Saling-taal (indigenous-concept oriented translation) – paggamit ng mga salitang


makabuluhan sa lipunang Pilipino
Halimbawa:
Kapwa na likas sa lipunang Pilipino

9. Saling-sanib (amalgamated translation) – paggamit ng mga salita mula ssa katutubong wika
sa Pilipinas
Halimbawa:
mahay o nagmamahay sa Cebuano, nangangahulugang pagbigo ng kapwa Cebuano

You might also like