You are on page 1of 41

+

ANG PAGSASALING PAMPANITIKAN


SA KURIKULUM NG K to 12:
Kabuluhan, Kasanayan, at Kahalagahan
RAQUEL E. SISON-BUBAN, PhD
PAMANTASANG DE LA SALLE-MAYNILA
+ ANTOINE DE SAINT-EXUPERY
+
Ano ang pagsasalin?

n  Maramingdepinisyon, pakahulugan, at mga


teoryang tungkol sa pagsasalin

n  Sintanda ng sibilisasyon ang pagsasalin

n  SALIN salitang Javanese


n  To shift “maglipat”
n  To change “magpalit”; “magbago”
+ Ayon kay Jakobson (1959: 114)
may tatlong uri ng pagsasalin:

1- Intralinggwal (rewording)

2- Interlinggwal (translation proper)

3- Intersemiotiko (transmutation)
+
Ano ang pagsasaling pampanitikan?

n  Ang
pagsasaling pampanitikan ay isang uri ng
pagsasaling naiiba sa pangkaraniwan at
pangkalahatang konsepto ng pagsasalin.

n  Sinasalaminng pagsasaling pampanitikan ang


imahinasyon, matayog na kaisipan, at ang
intuitibong panulat ng isang may-akda.
+

n  Sa katunayan, natutukoy kung ano ang isang


akdang pampanitikan dahil sa taglay nitong
estetika.

n  Binuod ni Belhaag (1997: 20) ang mahahalagang


katangian ng pagsasaling pampanitikan:

-  Ekspresibo

-  Konotatibo

-  Pragmatiks
+
- Simbolikal
-  Nakapokus sa anyo at nilalaman
-  Subhektibo
-  Bukas sa iba’t ibang pagpapakahulugan o
interpretasyon
-  Hindi kumukupas at may katangiang unibersal
-  Gumagamit ng mga natatanging pamamaraan
upang itampok ang bisang pangkomunikatibo–
isang pagkiling sa intensiyong humiwalay sa mga
alituntuning pangwika/panggramatika
+ Sino-sino daw ang may “K” sa
pagsasalin ng mga akdang
pampanitikan?

n  Hindi sapat na marunong lamang ng isang


banyagang wika ang isang tagasalin.
n  Kailangan ding maging maalam siya sa kultura ng
wikang kanyang isinasalin.
n  Kailangang nauunawan din niya at nararamdaman
iyong sinasabing “foreign culture mentality.”
+

n  Madalasna nagiging pangunahing konsiderasyon


para sa oryentasyong hinihingi sa propesyonal na
pagsasaling pampanitikan ang eksposyur at
kaalaman sa komunikasyong kros-kultural at
philological (kaalamang linggwistikal);

n  Binibigyangpagkakataon nito na malampasan o


higitan ng isang tagasalin ang kanyang sariling
kultura.
+

n  Dapatisaisip ng sinumang tagapagsalin ng mga


akdang pampanitikan na ang pagsasalin ay
itinuturing na isang anyo ng komunikasyong
bilinggwal at interkultural;

n  Dagdag
pa rito, kailangang isaalang-alang din na
ang mga tekstong nasa SL at TL ay nalikha mula sa
magkaibang sitwasyon at sa magkaibang kultura.
+
Dapat isipin:

n   May
isang pangunahing personalidad sa pagitan
ng teksto at mambabasa at ito ang tagasalin; at
laging kaakibat ng kanyang gawain bilang
tagasalin ang pagsala sa mga pagpapahalagang
moral at espiritwal na siyang inaaasahang tutulong
sa pagsipat ng mababasa sa realidad na nililikha
ng akda;

n   Kailangang patuloy na magsanay ang isang


tagasalin.
+
Ilang praktikal na bagay:

n  Una, kinakailangang
magkaroon ng dahan-dahang
kasanayan sa pag-unawa ng isang akdang salin
ang mambabasa at ang tagasalin;

n   Ikalawa, kailangang
bantayan ang mga
natatanging pekulyaridad na kaakibat ng bawat
hakbanging kasangkot sa proseso ng pagsasalin;
+

n  Ikatlo, isaalang-alang
ang mga kondisyon sa
edukasyon (bilang ng mga oras na laan para sa
pagsasalin ng akda, mga programang
kapapalooban ng pagsasalin at/o pagbabasa ng
salin, at maging ang gagamiting modelo ng
pagbabasa na gagamitin;

n   Ikaapat, pataasin
ang kompetens at kahusayang
pangwika ng mga magsasalin at target na
mambabasa (Aksyonova, 2006; Komissarov, 1997).
+
Sa ibang salita--

n  Hindisapat ang marunong lamang ng dalawang


wika ang isang tagasalin; kinakailangan ding may
malalim na kabatiran siya tungkol sa mga
alituntunin at mga kondisyong itinatakda sa
paglilipat-wika mula sa bawat yunit nito hanggang
sa mga pagkakaibang kultural at pragmatik.
(Komissarov, 1990)
+
Kung gayon--

n  Ibig
sabihin, dapat marunong mag-interpret ang
isang tagasalin ng akdang pampanitikan.
+
Bakit nga uli?

n  Sa
pagsasalin ng anumang akdang sining,
makatutulong ang pagkakaroon ng malalim na
pag-unawa sa akda.

n  Napadadali ng malalim na pag-unawa ang


pagsipat sa akda.

n  Samantala, tumutuon naman ang walang habas na


editing ng salin sa kahusayan sa kinagisnang wika
ng tagasalin sa anyong pasulat.
+
Kabuluhan ng Pagsasalin sa
Kurikulum ng K to 12
n  Nagagawa nitong gisingin ang kamalayan ng mga mag-
aaral sa iba’t ibang panitikan mula sa iba’t ibang panig
ng bansa at ng daigdig

n  Nagsisilbing
tulay ang pagsasalin upang lalong
lumawak ang kaalamang pangwika ng mga
mambabasa (salitang kultural)

n  Nasasanay nito ang mag-aaral na maging sensitibo sa


iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan o
pagbibigay-interpretasyon sa iba’t ibang tekstong
limbag
+
Bakit kailangang magsalin ng
mga akdang pampanitikan?
n  Hindi
maitatwang may gampaning papel ang
pagsasalin sa pagpapaunlad ng isang wika katulad
ng sinabi ng pilosopong si Vossler (1932:177) sa
Venuti 2000,

“ang pagsasalin ay instrumental sa preserbasyon at


development ng mga pambansang wika”.
+
+
+
May itinakdang babasahin ba na
dapat maisalin? (Kanon)
n  1985-1997 Canon of Philippine Literature na pinondohan ng
FORD Foundation

n  Kailangan ng apdeyt

n  Batay sa rekomendasyon ng DepEd na nakasaad sa K to 12


Gabay Pangkurikulum sa Filipino

n  Imbentaryo ng salin sa Filipino mula sa Sentro ng Wikang


Filipino sa UPD
+
+
+
+
+
Isang halimbawa ng salin:

n  PAMAGAT

Dula:

A STREET CAR NAMED DESIRE

(Tennessee Williams)

Salin sa Filipino:

Huling Biyahe

(Efren Abueg)
+ Narito ang isang bahagi ng dula Narito naman ang isang sipi ng
ni Williams sa Steffensen salin ni Abueg ng “Huling
(518-519) na “A Streetcar Named Biyahe” Unang Yugto, Unang
Desire”, Unang Yugto, Unang Tagpo (hango sa “A Streetcar
Tagpo (Blanche, Stella) : Named Desire” ni Tenessee
Williams):

Blanche: (Faintly to herself.) I’ve Estela: (magmamaktol)


got to keep hold of myself! Magpopoker na naman tayo
(Stella comes quickly around the bukas.
corner of the building and runs to Estoy: (tatawa) Ala, e ... panalo
the door of the downstairs flat) naman tayo.
Stella: (Calling out joyfully) Estela: ‘Yan din ang sabi mo no’n,
Blanche! (For a moment they stare pero natalo ka ng beinte singko
at it each other. Then Blanche pesos!
springs up and runs to her with a Estoy: Ala, e... minalas. (Kikilos,
wild cry) mananaog ngunit aagapan ni
Estela.)
Estela: Saan ka pupunta?
Estoy: Maaga pa... magboboling
ako.
+
Blanche: Stella, oh, Stella! Stella Estela: Sasama ako.
for star! (She begins to speak Estoy: (Saglit na hahagurin ng
with feverish vivacity as if she tingin ang asawa, saka
feared for either of them to magkakamot ng ulo)
stop and think. They catch each Buntis ka, a...
other in spasmodic embrace.) Estela: Manonood lang ako.
Now, then, look at you. But don’t Estoy: Ala, e ...
you look at me, Stella, no, no,no, (Sa landing sa itaas, kikiligin
not till later, not till I’ve bathed ang dalawang babae.
and rested! And turn that over- Tatanawin ang magkaakbay
light off! I won’t be looked at in nang sina Estoy at Estela.)
this merciless glare! (Stella
laughs and complies)
+
. Come back here now! Oh, my Puring: Haaay! Masarap
baby! Stella! Stella for star! palang asawa ang
(She embraces her again) I Batanggenyo, Didang.
thought you would never come Didang: Talaga. Kung
back to this horrible place! magmahal, parang dalanghita
What am I saying? I didn’t sa tamis. Pero mag-ingat,
mean to say that. I meant to be parang balisong kung magalit.
nice about it and say –Oh, what (Maririnig sa ibaba ang sigaw
a convenient location and such ng isang lalaki).
—Ha-a-ha! Precious lamb! You Puring: Ang asawa mo,
haven’t said a word. Didang.
Didang: D’yan ka na,
Stella: You haven’t given me a Puring...gutom na
chance to, honey! (She laughs, siguro si Teban.
but her glance at Blanche is a Ipagtutulakan ng lalaki si
little anxious.) Didang. Sasagot itong hindi
mawawatasan.)
+

Blanche: Well, now you talk.


Open your pretty mouth and
talk while I look around for
some liquor! I know you must
have some liquor on the place!
Where could it be, I wonder?
Oh, I spy, I spy!
Stella: (Noticing) Blanche, you
sit down and let me pour the
drinks. I don’t know what
we’ve got to mix with. Maybe,
a coke’s in the icebox. Look’n
see, honey, while I’m –
+

Blanche: No coke honey, not


with my nerves tonight! Where
—where—where is--?

Stella: Stanley? Bowling! He


loves it.
They’re having a –found some
soda! – tournament...
+
Pansinin:

n  Malayo na sa orihinal ang bersyong salin

n  Mas maikli kaysa orihinal

n  Nabago ang mga pangalan ng karakter

n  May mga bahagi sa orihinal na hindi makikita sa salin


+
Paano ba magbasa ng isang
akdang salin?
Kailangang basahin ang isang akdang salin

bilang salin.
+
Ilang alintuntunin sa pagbasa ng isang
akdang pampanitikan:

n  Huwag magbasa para lamang sa kahulugan, kundi para


din sa lenggwahe ng salin; pahalagahan ang mga
katangian ng salin.

n  Pahalagahanang diksiyon ng tagasalin, ang kakaibhan


ng estilong ginamit sa salin at ang pagkakaiba-iba sa
bahid ng pagpapakahulugan.
+

n  Maaaring itatanong ng mambabasa:

Hindi ba’t nasa orihinal din ang mga katangiang ito?


Hindi palagi; liban na lamang kung walang anumang
baryasyon sa isinagawang salin.

n  Ano
pa man ang pagsisikap na magaya ng tagasalin
ang orihinal na teksto,

ang katotohanan: SIYA pa rin bilang tagasalin ang


pumipili ng bawat salita sa kanyang salin.
+

n  Huwagasahang ang bawat salin ay isinusulat lamang


sa kasalukuyang baryasyon ng wika.

n  Kadalasang
mapapansin sa salin ang naging
rendisyon ng tagasalin para sa mga pahayag na
maaaring diyalektal, balbal, mga bagong idyoma,
mga jargon at hiram na salita na maaaring sadyang
mahirap tumbasan sa target na lenggwahe.
+

n  Huwagkaliligtaang basahin ang inihandang


sanaysay ng tagasalin.

n  Ano
ang maaaring gawin ng tagasalin? Magsulat.
Mahalagang tingnan ang tagasalin bilang isang
espesyal na uri ng mga manunulat.

n  Hinahanapan natin ng bago, kakaiba, at katangi-


tangi ang isang tagasalin bilang pagmamatuwid
kung bakit kinakailangang magkaroon ng bagong
salin ang isang akdang pampanitikan lalo’t yaong
mga itinuturing na klasiko.
+

n  Huwag
ipagpalagay na ang isang bersyong salin ay
kumakatawan na sa kabuuan ng tekstong isinalin.

n  Gayunpaman, ipagpalagay na hindi ganap o


absolute ang interpretasyon ng tagasalin. Isiping
ang salin ay nakatuon sa kultura ng mambabasa.
+
Maraming salamat po!
+

n  Bassnett-McGuire, Susan. Translation Studies. London:


Methuen & Co.Ltd., 1980. Print.

n  _proyekto/download/salinan_imbentaryo.pdf

n  http://www.wordswithoutborders.org/article/how-to-read-a-
translation

n  http://sentrofilipino.upd.edu.ph/programa_at pagsasalin.
+

n  Medina Jr.,B.S. Sa Ibang Salita. Manila: De La Salle University


Press, 2000. Print.

n  Steffensen, Jr., James L., ed. Great Scenes From the World
Theater. Volume 1. Avon Book Division. Chicago, U.S.A.: The
Hearst Corporation, 1965. Print.

n  Venuti, Lawrence. ed. The Translation Studies Reader. London


& New York: Routledge, 2000. Print.

n  Vermeer, Hans J. Skopos and Commission in Translational


Action (A. Chesterman, Trans.). In L. Venuti (Ed.) The
Translation Studies Reader. London: Routledge, 2000. 221-32.
Print.

You might also like