You are on page 1of 12

S

Republic of the Philippines


DAVAO ORIENTAL STATE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Institute of Education and Teacher Training
Guang-guang, Dahican, City of Mati, Davao Oriental− 8200

1st Semester 2019-2020

BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN FILIPINO

LIT 101− Panitikan ng Rehiyon

Ulat Sulat sa mga Halimbawang Akda sa Pangasinan at Pampanga

Inihanda nina:

Namrah Jornorlyn S. Daingan

Emilio Mabanding

Joseph Art Bucio

Kathleen Joy Ruiz

Mae Lanie Enomar

Iris Mocoy

Jade Piligrin
MGA HALIMBAWA NA AKDA SA PANGASINAN

Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Filipinas sa rehiyon ng Ilocos.


Natuklasan ang bayang ito ni Juan de Salcedo ng utusan siya ng kanyang amang si
Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legaspi na ayusin ang kapayapaan sa parting
ito ng bansa habang bumabaybay sa Northern Luzon. Matatagpuan ang lalawigan sa
kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat
Tsina. Ang mga mamamayan sa Pangasinan ay tinatawag na Pangasinan o
Kinastilang Pangasinense, o sa payak na taga-Pangasinan. Nagmula ang Pangasinan
sa salitang “Panag at Asinan” o “Panag-asinan”, na ibig sabihin ay “kung saan asin
ay ginawa”, dahil mayaman sa pinong asin ito ang kanilang pinagkikitaan, ang
Saltfarm o Asinan. Ang halimbawa nito ay Asinan sa Dasol. Isa sa kanilang
pangunahing hanapbuhay ay ang pangingisda dahil sila ay nasa tabing-dagat.
Pangasinense, Ilokano, at Bolinao ang wikang sinasalita ng mga taong naninirahan
sa Pangasinan kung saan nasasailalim ito sa Wikang Malayo-Polynesia. Ang
Pangasinense ay sinasalita ng higit pa sa 2 milyon na mga taga Pangasinan. Ito ay
isa sa walong pangunahing wika sa Filipinas. Ito ang ikatlong pinakamataong
lalawigan sa Filipinas.

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang Gawain na


ipinamana ng kanilang mga ninuno. Kilala ang Pangasinan dahil sa pag gawa ng asin
at bagoong, iba’t ibang yaman ng kalikasan, kaugalian, pamumuhay, paniniwala at
pagdiriwang. Ang bugtong sa Pangasinan ay tinatawag na Pabitla o bonikew. Kapag
ang isang taong nakatira sa Pangasinan ay nakagawa ng isang bugtong ibig sabihin,
ito ay nagpapahalaga sa kanilang kultura sapagkat ito sa kanila dahil nagsisilbi itong
magandang paglilibang at mahahasa rin ang pag-iisip at pagsagot ng mabilis. Ilan sa
mga halimbawa ng bugtong sa Pangasinan ay:

Bugtong: “Hindi tao, hindi hayop kumakain nang marami, walang panlasa”

Sagot: “Lagari”

Bugtong: “Baston ang Kapitan, Hindi mahawakan” “Baston nen Adan, Aga
nabenbenan”
Sagot: “Ahas” o Uleg

Bugtong: Nitan lay siglem, Awit awit toy silew (kantikanti)

Sagot: heto na si bayaw, Dala-dala ang ilaw (alitaptap)

Bugtong: tipakaklantipak, ag narengelnaibak (mata)

Bugtong: Pilimiro alemek, Piduwa anawet, Pitlo amputi, pipat alak (bungay niyog)

Sagot: Sauna’y malabot, Pangalawa’y matigas, pangatlo’y maputi, Pang-apat ay alak

Mayroon din silang maikling kwento na nagbibigay mensahe o nagsisilbing


daan upang umunlad ang panitikang Filipino. Ilan sa mga halimbawa ng maikling
kwento ay pinamagatang “Batikungkong” Isinulat ni Fernando B. Sanchez at ang
mga akdang isinulat ni Leonarda Carrera o mas kilala sa pangalang Amor Cico na
pinamagatang “10 Kwento”, “11 Kwento” at “55 Kwento” ito ay ayon sa Listahan ng
mga Akdang Pampanitikan ng KWF.

Mayaman din sila sa mga alamat. Dala ng kanilang Alamat ang kanilang mga
paniniwala. Isang halimbawa neto ay ang “Alamat ng Sandaang Pulo”. Narito sa
ibaba ang buod ng alamat.

“Alamat ng Sandaang Pulo”

Sa may dalampasigan ng Alaminos, Pangasinan ay matatanaw ang mga pulong kilala


sa pangalang Sandaang Pulo. Marahil ay hihigit sa sandaan kung bibilanging mabuti.

Ang pook na ito ay ligaya ng mata para sa mga ekskursyunista. Marami ang
nagsasadya roon upang bisitahin ang mga tanawin, nialigo sa dagat at mamangka.
Bibilang-bilangin sa daliri ng manlalakbay ang pangalan ng mga pulo bago
bibigkasin. Para bagang dasal na inuusal. Ang pangalan ng isang pulo ay Pangulong
Quezon. Doo'y nakatayo ang isang bantayog na parangal sa pangulo.
Matagal nang panahon, may tumitira sa malaking pulo na kilalang pinakamasipag na
mangingisda sa buong nayon. Sa gabi kung siya'y mangisda. Ipinagbibili ng kanyang
butihing asawa ang kanyang huli. Sila'y nakakaraos na walang problema sa buhay.
Ang hindi magpatantan sa mangingisda ay ang hangaring yumaman. Ang ambisyon
nila ay magkasalapi.

Isang gabi samantalang wala ang lalaki at nasa laot, ang babae ay nanaginip sa
kanyang pagtulog. Ang akala niya'y may isang matandang lalaking kumatok sa
kanilang dampa. Kanya raw sinabi sa babae, na kung siya'y makakapaghintay sa
loob ng tatlong taon, silang mag-asawa ay yayaman. Ngunit may isang kondisyon:
sa anumang masungit na kapalarang darating, sila'y hindi dapat maringgan ng kahit
isang salitang sumpa (curse). Magagalit daw ang Bathala sa gagawing ito.

Kinaumagahan, nang dumating ang mangingisda, ipinagtapat ng asawa ang


kanyang napanaginipan.

Ang balitang ito ang pinakahihintay ng mamamalakaya. Lalong nag-alab ang


kanyang pagnanais na yumamang bigla. Siya'y nagsalita," Kung talagang gusto ng
Diyos na tayo'y yumaman, bakit hindi Niya gawin iyon? Bakit tayo pinaghihirap?
Matanda na tayo. Wala tayong anak. Ano ang halaga ng yaman kung hindi naman
natin tatamasahin ang kasalukuyan?"

"Maghintay tayo, Lakay! Darating ang mabuting kapalaran!" tugon ng babae.

"Kapalaran? Hindi ako naniniwala sa kapalaran! Ayaw kong marinig pa ang iyong
mga panaginip!" at tuloy nagbihis ng panggabing suot at natulog.

Katulad ng nakagawian, ang lalaki'y lumabas at nangisda kinagabihan. Siya'y


napalaot sa dagat na ang tanging gabay ay liwanag ng lamparang aandap-andap.
Inihagis niya sa tubig ang kanyang dala. Nang iahon ito, walang isda. Ang nasa loob
ay pawiang mga batong ganggasuntok. Itinapon ang mga ito kasabay ang
pagtungayaw at pagsumpa.
Walang anu-ano'y may narinig na malakas na ingay at alingawngaw. Rumagasa ang
malalaking alon. Sinalunga niya ang alon at gumaod papunlang dalampasigan sabay
ang mariin at paulit-ulit na sumpang hindi dapat marinig.

Nang dumating sa bahay, kanya munang isinampay sa bilaran ang dala bago
pumanhik. Ang yabag ng kanyang mga paa ang nagpagising sa asawa. Nang
kumustahin ng babae ang tungkol sa kanyang huli,ang sagot ay marami raw siyang
dala, ngunit maiitim at malalaking bato.

Hindi niya binanggit ang kanyang pagtutungayaw. Ilan pang sandali, ang dalawa'y
nakatulog.

Kinaumagaha'y nagisnan ng babae na ang kanyang asawa ay tuwid na tuwid at


malamig na bangkay. Wala siyang maisipang gawin.

Sa di-kawasa'y ang lalaking kanyang napanaginip ay nasa kanyang harapan. Ito'y


nagsalita "Kung nakinig lamang ang iyong asawa sa iyong payo at babala, disin
sana'y hindi niya sinapit ang masaklap na pangyayari. Iba-iba nga naman ang
saloobin ng mga tao. May suwail at sukab!"

Ang lalaki ay kagyat na nawala sa isang iglap, katulad din ng kanyang pagdating.
Ang matandang babae ay parang namalikmata. Siya'y litung-lito. Nang siya'y
manungaw sa bintana ay nakita niya ang maliit na isla na sumulpot sa dagat.

Muling napakita ang matandang lalaki sa loobang kalapit ng silong sa ilalim ng


pasimano ng bintana.

Siya'y nagsalita sa tinig na malumanay, "Ang mga islang yaong iyong nakikita ay siya
sanang iyong magiging kayamanan. Iyan ang salapi at gintong sana'y mapagbibilhan
ninyo sa isda sa loob ng tatlong taon. Ngunit iya'ykusang itinapon ng iyong asawa.
Siya ay tumanggi sa kapalaran! Kanyang itinapon ang mga bato sa laot ng dagat" at
biglang nawala ang mahiwagang panauhin.

Ang babaeng naiwan ay lumuhod sa piling ng asawa at umiyak nang umiyak.

MGA HALIMBAWA NA AKDA SA PAMPANGA

Ang panngalang Pampanga ay ibinigay ng mga kastila sa lalawigan dahil


natagpuan nila ang mga unang naninirahan dito sa tabi ng pampang. Ang wikang
sinasalita sa Pampanga ay “Kapampangan o pampango”. Ito ay miyembro ng wikang
Malayo-Polynesia. Mayroon itong sariling ortograpiya at alpabeto. At kung
mapapansin sa alpabetong Kapampangan ay wala itong titik “h”. Noong 1896,
nailimbag ang isang aklat tungkol sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na
“Alfabeto Pampanga” na isinulat ni Alvaro de Benavante. Nabatid ng kastilang si
Martin de Goite noong 1571, na ang palapantigan ng wikang ito ay maaring iugat sa
wikang Devanagari o Sanskrit. Ito ay sagrado at pinakamatandang wika na
ginagamit ng mga sinaunang tao ilang libong taon nang lumipas. Maiuugat ang
wikang Kapampangan sa wikang Devanagari dahil ayon sa pag-aaral ng mga
linggwistik mula sa iba’t ibang bansa, ang Sanskrit ay nagbigay impluwensiya sa
halos lahat ng wika sa buong daigdig sapagkat napatunayan nila na ang bawat wika
ay may mga salita ng Sanskrit.

Bago ang pananakop, mayroon ng umiiral na sistema ng pamamahala dito.


Ayon kay H. Otley Beyer, ang pamayanang naninirahan sa lupain ng Pampanga ay
nagmula pa sa Emperyong Madjapahit na namayagpag noong 300-200 B. K. (Bago
kay Kristo). Noong mga panahong ito, mayroon ng iba’t ibang uri ng panitikan.
Nariyan ang alamat, tumayla, bugtong, kwentong bayan, salita, kasebian at awiting
bayan.

Ang bugtong ay kilala rin sa tawag na “Bugtongan”. Ito ay karaniwang


binibigkas sa mga lamayan at kasal. Sinasambit din ito sa mga kritikal na panahon
kung saan nangangailangan ng mabigat na pagpapasya. Halimbawa, ang pagsagot
sa isang bugtong ay maaaring maging pahiwatig ng magandang kahihinatnan ng
isang pangyayari at mapagpalang kapalaran. Ang halimbawa nito ay:

Pampango: “Metung a butil a pale bigas, Sakup ne ing mabilug a bale.”

Filipino: “Isang butil ng bigas, sakop ang buong buhay.”

Sagot: “Sulu” o “Lampara”

Tulad ng bugtong, ang kasebian o casebian ay binibigkas din sa mga


pampublikong salu-salo tulad ng lamay at kasal. Ito ay katumbas ng salawikain ng
mga tagalog. Isang halimbawa ay:

Pampango: “Inga sung balabaluktok, butul man e akapulut”

Filipino: “Isang asong nakabaluktot buong araw, hindi makahanap ng buto”

Isang tanyag na akdang pampanitikan sa kanila ay ang awiting bayan. Ayon


kay Alejandro Q. Perez, maaaring hatiin ang awiting bayan ng kapampangan sa
maraming uri. Ang una ay ang basulto o basultu na karaniwang inaawit ng mga
pastol sa bukid. Maaari rin itong awitin habang isinasayaw. Ito ay pataludtod. Nang
lumaon, naging isa na rin itong kompetisyon tuwing pista na sinasabayan ng musika
o pagsayaw. Mga halimbawa nito ay may mga pamagat na “O Caca, O Caca” na ang
ibig sabihin ay “O Brother, O Brother”, “Tinanam Kung Kamantigi”, “Karin Pu
Kekami” at “Puntung Biabas”.

Pangalawa ay ang pamuri. Ito ay mula sa salitang “buri” na ang ibig sabihin
ay gusto. Ito ay isang awit ng pag-ibig o “love song”. Ang “Aruy! Katimyas na Nitang
Dalaga” (Ay! Kaakit-akit ang Naturang Dalaga) at “Atsing Neneng” ay ang mga
halimbawa nito.

Ang pangatlong uri ay ang pang-obra. Ito ay isang awit sa pagtratrabaho.


Mga halimbawa nito ay ang "Bye Ning Kasamak” (Ang Buhay ng Magsasaka) at
“Deting Tatanam Pale” (Itong mga Taong Nagtatanim ng Palay). Sa mga nabanggit
na halimbawa masisilayan ang panitikan bilang salamin ng pamumuhay ng mga tao.

Ang pang-apat ay ang paninta na mula sa salitang “sinta” na ang ibig sabihin
ay minamahal o pag-ibig. Kung ang pamuri ay para sa isang taong minamahal sa
romantikong paraan, ang paninta naman ay para sa pamilya at kaibigan. Ang mga
pamagat na “Ecu Pa Kelingwan” (Hindi Ako Nakalimot), “Ing Dalumdum ning Bengi”

(Ang Kadiliman ng Gabi) at “Atin Ku Pung Singsing” (Mayroon Akong Singsing) ay


ang mga halimbawa nito. Ang huli ay kinakanta at itinuturo pa rin sa mga paaralan
magpahanggang ngayon. Narito ang kanyang liriko:

Atin ku pung singing Ing sukal ning lub ko

Metung yang timpukan Susukdul queng banwa

A mana que iti Mengurus kung gamat

Queng mdung ibatan Babo ning lamesa

Sungkan queng sininup Ninumang menakit

Queng metung a kaban Queng singsing kung mana

Nawala ya iri Kalutung pusu ku

Eku Kamalayan Nanginy ya keka

Panglima ay ang karagatan o caragatan. Ito ay isang patulang larong


ginagawa tuwing may lamay. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtatanong at
pagsasagot gamit ang tula.

Pang-anim ay ang diparan. Ito ay tulad ng sawikain ngunit inaawit. Ang


pangpito ay ang bulaklakan na isa ring paligsahan gamit ang pagtula kung saan may
dalawang grupo- isa ng mga lalaki at isa rin na mga babae. Ang pag-awit ng gawang
pampanitikan at pagkakaroon ng tugma ay ang dalawang pangunahing katangian ng
panitikang Kapampangan bago dumating ang mga mananakop. Ang tugma ay isang
representasyon ng umiiral na kaayusan sa kapaligiran at buhay ng tao.
Samakatuwid, para sa mga Kapampangan noong panahong yaon, ang pag-alis ng
tugma ay katumbas ng pagsuway sa natural na daloy o galaw ng buhay.

Ang mga nabanggit sa itaas ay ang ilang uri ng awiting-bayan na mayroon na


ang mga Kapampangan bago pa man dumating ang mga Espanyol. Narito naman
ang ilang awiting-bayan na nadagdag sa panahong yaon. Una ay ang “Goso”. Ito ay
inaawit kasabay ng biyolin at tamburin tuwing gabi bago ang araw ng Todos Los
Santos o All Saint’s Day . Ito ay nagtataglay ng tiyak na aral sa buhay at mabagal na
tempo. Ang nasa ibaba ay isang halimbawa nito:

Apu kung makibale O grandowner of the house

Maki manuk lalam bale With a hen under your dwelling

Buri ke sang pakisabi I request that tonight I shall get it

Daunan ke potang bengi To offer from all Soul’s Day.

E mu ne sa daraunan Please don’t offer

Ing manuk kung pakamalan The hen that I dearly love

Seli ke pang aduang dalan I have just bought it for two hundred
pesos

Kang Marianung baritaklan. From worthless Mariano.

Lumaganap rin ang duplo na isang uri ng awiting-bayan kung saan ito ay
isang patulang laro. Ito ay tagisan ng galing sa pagpapahayag, sa pamamagitan ng
tula at kaalaman sa mga bagay-bagay ng napapatungkol sa kultura.

Pangatlo ay ang sapatya. Ang pangalan nito ay mula sa salitang “tapatio” na


tumutukoy sa isang mehikanong sayaw. Ito ay sinasayaw habang inaawit. Ito rin ay
tagisan sa pagtula.

Panghuling lumaganap ay ang Kurido o Corrido na nagmula sa corrido ng


mga Espanyol. Nagsimula ang anyong ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga
corrido ng Espanyol sa Kapampangan. Ang mga corridor ay hango sa mga
banyagang alamat at tula. Hindi ito inaawit o isinasayaw sapagkat ito raw ay
pawang panggagaya lamang ng mga banyagang akda kaya nakatanggap ito ng labis
na kritisismo. Gayunpaman, sinasabi na mas malaki ang naging impluwensiya nito sa
mga tao kaysa akdang panrehiyon. Halimbawa nito ay ang mga akdang “Conde
Irios” at “Aring Palmarin”.
Ang panahon sa pagitang ng ika-17 at ika-18 na siglo ay kilala sa tawag na
Panahon ng Liriko. Sa panahong ito higit na naging talamak ang panggagayang ng
istilo at damdamin mula sa panitikan ng ibang kultura. Dito, nagkaroon ng
napakaraming pagsasalin at adaptasyon. Ang kauna-unahang aklat na nakasulat sa
Kapampangan ay nailimbag noong 1732. Isang halimbawa ng akdang pampanitikan
na nakasulat sa Kapampangan na isinalin sa Filipino kalaunan ay ang mga nobelang
isinulat ni Aurelio Tolentino. Ito ay ang mga sumusunod:

Ang “Napun, Ngeni, at Bukas” o “Kahapon, Ngayon, Bukas” na isinulat ni


Aurelio Tolentino, “Ama ng Dulang Kapampangan” ay nagpapakita ito ng di
pagsang-ayon sa pamahalaang Amerikano, pagbabantang muli maghihimagsik, at
panghuhulang magtatagumpay ito. Tinuligsa rin ni Aurelio ang mga Instik,
Americano, Kastila at pati na rin ang mga Pilipinong nagtaksil sa sariling bayan.
Gumamit siya ng mga pangalang sagisag bilang tauhan ng nobela, gaya ng
Ynangbayan (Pilipinas), Dilat-na-Bulag (Espanya), Bagong-sibol (Amerika), Taga-ilog
(Katagalugan), Haring Bata (Instik), Asal-hayop at Dahongpalay (mga Pilipinong
taksil sa bayan). Ang nobelang ito ay ginawang dula kung saan ito ay naglalarawan
ng kasaysayan ng ating bansa. Narito ang ilang bahagi mula sa akda:

Ynangbayan

Sa harap ng aming libingan


ay sumumpa kang matibay,
na pagdating ng araw,
bibigian ng kalayaang
tibubos si Ynangbayan.

Siya sa iyo’y umiirog


ng sa puso’y lubhang taos,
huag mong dayain at may Dios
na hahampas sa balakiot.
Bagongsibol

Adios, adios!

(Lulubog ang mga libingan sampu pa ng mga kalulua.)

Bagongsibol

Dios ko! Yto’y ano kaya?


Ano’t nangangambang lubha
ang dibdib ko? Nawawala
sa mata ko ang dating biaya

Isa pang halimbawa ng buod ng nobela na isinulat rin ni Aurelio Tolentino ay


ang “Ing Buak nang Ester” o “Ang Buhok ni Ester”. Nagpapakita ito ng kasamaan ng
karunungan, kung ito ay mahilig sa kasakiman, at walang kapaslangang di gagawin,
walang dangal na di yuyurakan at walang pagmamahal na di paglililuhan at
pinapakita rin na ang karunungan ay sapilitan magtatagumpay sa ibabaw ng
kapaslangan, kung hindi man ngayon, ay bukas, upang siya ang maging tanging
timbulan ng buhay sa habang panahon.

KONGKLUSYON

Sa mga nabanggit na anyo ng panitikan, makikita na ang isang natural na bahagi ng


pamumuhay ng mga Kapampangan. Ito ay hindi isang bagay na ginagamit at
nililikha lamang ng mga intelektwal sa paaralan o unibersidad kundi isa itong
elemento na nakatahi sa iba’t ibang gawain ng tao gaya ng sa lamay, sa
pagtratrabaho, panliligaw, pakikipagkapwa, at iba pa. Bukod pa rito, ang panitikan
ay nagsisilbing paliwanag at paglilinaw ng iba’t ibang tradisyon. Halimbawa, ang
pagbigkas ng bugtong sa mga lamayan ay isang pahiwatig na para sa mga
Kapampangan, ang okasyong ito ay isang masayang pagkakataon, ito ay maaaring
taliwas sa paniniwala ng ibang tribu. Mapapansin din na ang “kalikasan” ang siyang
pangunahing paksa ng panitikang Kapampangan. Sinasalamin nito ang kaisipang
nagpapahayag na ang lahat ay bahagi ng kalikasan.

Sanggunian:

Barnuevo Jr. III, N. (n.d.). Slide Share. Retrieved October 11, 2019, from slide share
website: https://www.slideshare.net

Ishida, S. (2017, December 11). About Scribd. Retrieved October 24, 2019, from
scribd website: https://www.scribd.com

Joy, K. (2001, November 18). Ang mga Kapampangan at ang kanilang Panitikan
Wika. Retrieved October 11, 2019, from kathjoy-
www.matchimurakath.blogspot.com

Panganiban, J., Panganiban, C. T., Matute, G. E., & Kabigting, C. E. (1995).


Panitikan ng Pilipinas. Manila: Rex Book Store.

You might also like