You are on page 1of 1

Ang Kukok

Ang kwentong bayan na ito ay galing sa Ilongo at isinalaysay ni Charice Tulen ng Tukuran,
Zamboanga Sibugay

Buod:

Noong unang panahon, ang Sitio Alingit sa Barangay Badas ay itinuturing na


pinakamapanganib na lugar para sa mga bata. At naniniwala sila na ang bata ay kinakain ng
buwaya sa ilog at hindi na nakabalik sa kanilang tahanan. May isang kawawang bakwa na
napadpad sa ibabaw ng nakatumbang punongkahoy. Hindi siya nakaalis sa kanyang
kinaroroonan sa kadahilanang inabutan siya ng malakas na ulan at matinding init ng araw.
Tanging ang mga insekto lamang na gumagapang sa kahoy ang naging pagkain niya.

Nakalipas ang mga araw, tumutubo ang mga balahibo ni bakwa at malakas na rin ang
kanyang mga pakpak. Sinubukan niyang lumipad muli ngunit bahagyang lamang nakalipad
at hindi makalayo sa pinaroroonan. Ilang araw rin ay nagsanay ang bakwa bago ito nakalipad
ng matataas at mababa sa kawayanan. Ganunpaman, umuwi pa rin at duon natutulog ang
bakwa sa nakatumbang punongkahoy. Kapag hindi siya nakalipad, naghahanap siya ng
pagkain at nagpapahinga. Napaisip ng bakwa na gumawa na gumawa ng bangka na mula sa
punongkahoy sa dating niyang tinitirahan hanggang siya ay gumaling.

Isang araw nakita ng unggoy ang ginawang bangka ni bakwa at nagtanong ang
unggoy. “Mare, ang ganda ng bangka mo! Saan ka pupunta? “Salamat,” sabi ng bakwa.
Pupunta ako sa Borneo” sagot ni Bakwa. “Puwdi ba akong sumama sa iyo? Tanong ni
unggoy sa bakwa. “ Bakit hindi? Peru may problema tayo,” sabi ng bakwa sa unggoy.“Ano
ang problima? Tanong ng unggoy. Ayaw lumutang ng bangka,” sagot ng bakwa. “Kailangang
talian mo ng mga bat ang iyong baywang para lumutang ang Bangka.” O sige,” sagot ng
unggoy. Kumuha ng baging at nagtali ng bato sa kanyang baywang ang unggoy. Pagkaraan,
itinulak ng bakwa at unggoy ang bangka papunta sa ilog saka naglayag sa karagatan. Nang
nasa gitna na, nagsimulang pumasok ang tubig sa bangka at unti-unting lumubog sa dagat.
Mabilis lumipad ang bakwa. “Mare, tulungan mo ako!” pagmamakaawang sigaw ng unggoy.
“Hindi kita kumpare ngayon! Sagot ng bakwa, saka lumipad pabalik sa kanyang tahanan sa
kawayan.

Aral: Hindi ka dapat magtitiwala sa mga tao nasa paligid mo dahil yung mga kaibigan at
pamilya na ang pagturing mo sa kanila , yun pala ang sanhi ng pagwasak ng buhay o di kaya
nagpapakitang tao lamang. At kung i-uugnay natin ang kwentong ito sa pamumuhay nila ay
nakikita natin na marunong silang makihalubilo at napakamatulungin pa subalit ang kanilang
kabaitan sa kapwa’y nagtulak sa kanilang kapahamakan.

You might also like