You are on page 1of 1

ANG ALAMAT NG MINDORO

Ang Mindoro ay mula sa salitang kastilang "mina de oro; na


ang ibig sabihin ay mina ng ginto. Bagaman and pulong ito
ay hindi nagtataglay ng ginto, itinuturing itong minahan
dahil sa angking likas na yaman.
narito ang alamat tungkol sa isla ng Mindoro na
matatagpuan sa katimugang Luzon.
Noong unang panahon ay walang pangalan ang iba’t ibang
lugar sa kapuluaan ng Pilipinas. Karaniwang itinuturo
lamang ang isang lugar sa pamamagitan ng; sa kabilang
ibayo, sa paanan ng bundok, sa kabilang pulo, at iba pa.
Sa isang malayong pulo ay may nakatirang mag-asawa na
ang pangalan ay Mina at Doro. Sila ay may malaking
tahanan sa may pampang ng ilog. Marami silang alagang
hayop. mayroon din silang malawak na palayan.
Masasabing nakaaangat sa pamumuhay ang mag-asawa.
Ngunit ang nakahihigit na katangian ng mag-asawang ito ay ang kanilang kabutihan. Sinuman ang
nangangailangan ay kanilang tinutulungan.
Bukod sa mag-asawa ay may isa pang naninirahan sa pulo. Tulad nila, pawang mayayaman ang mga ito at
naglalakihan ang mga bahay. Ngunit kaiba kina Mina at Doro, ang mga kapitbahay nila ay pawang makasarili.
Wala silang panahon upang tumulong sa kanilang kapwa dahil para sa kanila ay isang kaabalahan ang
pagtulong sa anak-dalitang kababayan.
Minsan ay naiisip ni Bathala na subukin ang taong naninirahan sa pulong iyon. Bumamaba siya sa langit at nag-
anyong pulubi.
Kumatok si Bathala sa tahanan nina Mina at Doro. "palimos po", ang kanyang wika. " Ako’y nagugutom".
"Pumasok na po kayo," ang wika ng mag-asawa at kaagad itong hinainan ng makakain.
Nasiyahan si Bathala. Kinain niya ang mga pagkain sa hapag-kainan. Natutuwang pinananood siya ng mag-
asawa habang kumakain ngunit nagtaka ang mga ito nang mapansing habang patuloy na kumakain ang matanda
ay tila hindi nababawasan ang pagkain sa hapag.
Matapos kumain ay nagpakilala si Bathala. "Kapuri-puri kayong mag-asawa. Humiling kayo at ito ay aking
ipagkakaloob."
Nagpasalamat ang mag-asawa. "Ang tangi po naming kahilingan ay pagsamahin kaming mag-asawa hanggang
kamatayan, "ang wika nina Mina at Doro.
Sumunod ay nagtuloy si Bathala sa mga katabing bahay. Siya ay kumatok "tao po," ang kanyang tawag,
"palimos po".
A" Alis diyan, alis, "pabulyaw na sigaw ng maybahay.
"Sulong! Hampas-lupa! Layas!" ang sabi naman ng iba.
Bukod kina Mina at Doro ay wala nang nagpatuloy pa sa matandang pulubi. sa ganotoy nagalit si Bathala. Noon
din ay kumulog at kumidlat nang malakas. Tinamaan ng kidlat ang mga kabahayan at mga punungkahoy.
natakot ang mga tao at hindi malaman ang gagawin. Tanging ang tahanan nina Mina at Doro ang nakaligtas.
makaraan ang ilang sandaling pag-unos ay muling tumahimik ang pulo.
Nagbalik sa mag-asawa si Bathala at nagwika. " Mula ngayon ay magkakaroon ng saganang likas na yaman sa
pook na ito. At mula rin ngayon ay tatawagin ang pulong ito ng Mindoro bilang alaala ng inyong pangalang
Mina at Doro.

You might also like