You are on page 1of 4

MEJOS, WELMAR M.

BSED-FILIPINO

BANGHAY ARALIN

I. LAYUNIN
A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kwento.
B. Naiuugnay sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa kwento.
C. Nakapaglalahad ng sariling opinyon tungkol sa mga pangyayari sa kwento.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Si Binibining Phathupats ni Juan Crisostomo Soto
Sanggunian:
Kagamitang Pampagtuturo: Pisara, IM’s

III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda

1. Pagbabalik-Aral
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano o sino ang tinalakay natin noong isang araw?
2. Anong katangian meron si Impeng Negro?

2. Pagganyak
- Para sa mga lalake, bubunot sila ng isang tinupi tuping papel na naglalaman ng salitang
“Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay maaari ng
maupo, samantalang ang makabunot ng “Gwapo ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng
ideya tungkol sa salitang “Binibini”
B. Paglalahad
1. Pag-alis ng Sagabal
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga salita at kanila itong gagamitin sa pangungusap :
1. Karakter
2. Tauhan
3. Paksa
4. Binibini
5. Pagtataksil

2. Pagbasa ng kwento
Bago bumasa:
ipapabasa ang pamagat ng kwento.
Tanong: Saan kaya patungkol ang kwento?
Habang bumabasa:
Ibibigay ng guro ang mga gabay na katanungan na sasagutin ng mga mag-aaral.
Panuto: Suriin ang maikling kwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
tanong:
1. Sino ang taong gumaganap ng mahalagang papel sa kwento?
2. Anong uri ng tauhan si Binibining Phathupats? Bakit?
3. May tiyak bang lugar na binanggit kung saan nangyari ang kwento? Saan ito?
4. Ano ang damdaming namayani sa kwento?
5. Anong nangyari matapos matutunan ni Binibining Phatupats ang Ingles?
Pagkatapos bumasa:
Itatalakay ng guro ang ibinigay niyang mga katanungan sa mga mag-aaral.
C. Pagpapahalaga
1. Ano ang gagawin mo kung ang iyong matalik na kaibigan ay isang “Binibining Phathupats”?
2. Nararapat bang husgahan at kutyain ang isang kagaya niya? Bakit?
3. Anong magagawa mo upang huwag nang dumami pa ang mga “Binibining Phathupats” sa
ating lipunan?

C. Paglalahat
1. Maganda ba ang kwento?
2. Anu-ano ang mga aral na inyong natutunan sa kwento?
3. kung kayo ang nasa kalagayan ni Binibining Phathupats ano ang inyong gagawin?

IV. Pagtataya
Kumuha ng isang buong papel.
Panuto: Punan mo ng mga kadahilan ang mga sumusunod na pahayag gamit ng iyong sariling
opinyon na maaaring maiugnay mo sa iyong sarili, sa buhay ng iba o maging sa lipunan.
1. Tinulungan ko si Yeyeng na matutong magsalita ng ingles dahil…..
2. Kung ang kapalit ay ang pagtalikod ko sa aking wika, hindi ko gustong matutuhan ang Ingles
dahil…..
3. Hindi ko madaling makakalimutan ang sarili kong pagkatao dahil…..
4. Hindi ko makakayang magkunwaring Amerikano sa mata ng ng ibang tao dahil…
5. Dapat lang ang nangyari kay Binibining Phathupats dahil….

V. Takdang Aralin
Basahin ang kwentong “ Ang Mangingisda” Pahina 226-232

You might also like