You are on page 1of 6

Mag-inang Mahirap

Si Aling Munda, isang matandang magdaramo, at si Pilar, isang tinderang dumadayo sa


ibat ibang bayan, ang tinaguriang Mag-inang Mahirap sa nayon ng B
Nagkasakit si Aling Munda kayat napilitang tumigil sa pagtitinda si Pilar. Ubos na ang
kaunting ipon ni Pilar, ngunit may sakit pa rin si Aling Munda. Isang gabing humihingi
ng itlog ng manok ang ina, lakas-loob na lumabas ng bahay si Pilar upang makiusap sa
sinumang kapitbahay.
Subalit walang nagbigay ng itlog kay Pilar at sa halip, pinagtiyap ng malas na siyay
makita ng mga tulisan. Tinangay si Pilar ng mga tulisan at ipiniit siya sa gubat.
Sumabog sa buong nayon ang malungkot na balita tungkol sa pagtangay ng mga tulisan
kay Pilar. Nagpasya ang isang binata, ang kasintahan ni Pilar na si Alberto, na sundan sa
gubat si Pilar at iligtas ito sa kamay ng mga tulisan.
Sa pagtatanggol ng kanyang puri, napatay ni Pilar si Ulupong, ang pinunong-tulisan.
Si Limbas, ang pumalit kay Ulupong bilang puno, ay may magandang kalooban.
Ipinasya niyang walang dahilan upang parusahan si Pilar o kayay piitin sa gubat. Maaari
nang umuwi si Pilar, kasabay ang binatang naghahanap sa kanya, ayon sa sulat ni
Halimaw, isa ring pinunong-tulisan. Ang binatang itoy walang iba kundi si Alberto na
naging kaibigan si Halimaw.
Samantalang inihahatid sina Pilar at Alberto nina Limbas at Halimaw papunta sa
kabayanan, silang apat ay nahuli ng mga kwadrilyero. Sa madaling salita, pati sina Pilar
at Alberto ay kinasuhan bilang mga tulisan at ikinulong sa piitang-panlalawigan.
Nakalaya si Pilar dahil sa suhol ni Juan, isang mayamang sugarol na may masamang
gusto kay Pilar. Naiwan sa bilangguan sina Alberto, Limbas, at Halimaw.
Sa kasamaang-palad, muling nakulong si Pilar sa piitang-bayan. Subalit dahil ditoy
nakilala siya ni Kapitan Manuel Marasigan, ang alkalde ng bayan. Nang malaman ni
Kapitan Manuel na si Pilar at ang kanyang ina ang tinaguriang Mag-inang Mahirap,
pinalaya niya si Pilar at ipinahatid sa kanyang karromata, kasama ang dalawang batang
naging dahilan ng pagkakulong nito. (Ang dalawang batang ito ay sina Ana at Elisa, mga
anak ni Limbas.)
Dito unti-unting nabunyag ang lihim ng Mag-inang Mahirap:
Si Martina Baluyot, ang nasirang asawa ni Kapitan Manuel, ay pinsang buo ni Aling
Munda. Si Kapitan Martin, ang ama ni Martina, ay tunay na kapatid ni Mamerto, ang
ama ni Aling Munda. Nakatapos ng pag-aaral si Martin, subalit si Mamertoy
nagbulakbol lamang.

Walang naiwang testamento ang mga magulang nina Martin at Mamerto. Dahil ditoy
kinamkam ni Martin ang mana ni Mamerto. Madaling nagawa ito ni Martin sapagkat
siyay nag-aral at si Mamertoy hindi.
Ang kasakiman ni Martin ay hindi dito natapos. Kinamkam din niya pati ang lupang
sariling pundar ni Mamerto. Ito sana ang mana ni Aling Munda kayat itoy hinabol niya
sa husgado. Subalit natalo si Aling Munda sa usapin at namatay pa ang kanyang asawa.
Nooy dalawang taon pa lamang si Pilar.
Upang makapagtawid-gutom silang mag-ina, si Aling Munday nandamo sa bukid,
nangapa ng isda sa ilog, at nag-araw sa pagtatanim at paggapas ng palay. Mismong si
Kapitan Martin ang nagbigay sa mag-ina ng bansag na Mag-inang Mahirap.
Ngayoy dalaga na si Pilar at patay na si Kapitan Martin at si Martinang asawa ni Kapitan
Manuel. Nakasilip si Aling Munda ng pag-asang makaahon sa kahirapan dahil sa
pakitang-tao ni Kapitan Manuel. Subalit nauwi sa wala ang lahat. Pinalabas ni Kapitan
Manuel na nakasangla sa napakataas na halaga ang mga lupang mana ni Aling Munda.
Samantalay sumiklab ang rebolusyon ng mga katipunero laban sa mga Kastila. Tumakas
mula sa bilangguan sina Alberto, Limbas, at Halimaw at sumapi sa Katipunan. Si
Albertoy natanyag bilang puno ng isang maliit na pulutong ng mga katipunero.
Matapos lagdaan ang Kasunduang Biak-na-Bato, mistulang bayaning nagbalik si Alberto
sa nayon ng B upang makipag-isang dibdib kay Pilar. Subalit si Albertoy inagaw ng
isang Julia. Dala ng pagsisisi, nagpakamatay si Alberto at si Julia namay namatay sa
panganganak.
Isinumpa ni Pilar na siyay miminsang umibig. Subalit pinakasuyo ni Juan si Aling
Munda. Bilang pagtanaw ng utang na loob dito (hinango ni Juan si Pilar sa bilangguan) at
upang mahango silang mag-ina sa kahirapan, hinikayat ni Aling Munda si Pilar na
pakasal kay Juan.
Pumayag si Pilar sapagkat utang niya ang kanyang buhay sa kanyang ina. Gasino nang
magpakasal sa isang lalaking hindi niya minamahal?
Idinaos ang kasalan. Lumulutang sa kaligayahan si Juan, subalit tumatangis ang puso ni
Pilar. Sa gitna ng masayang salusalo matapos ang kasal, inatake sa puso si Pilar. Natapos
ang kasaysayan sa pagtangis ni Aling Munda sa bangkay ni Pilar.

Tondo Man ay Langit din

Nagsimula ang Ang Tundo Man May Langit Din sa pagtawag ni Flor kay Victor
upang silay muling magkita. Nagtagpo ang dalawang dating magsingirog sa dati nilang
madalas na punatahan na palamigan sa Quiapo. Doon nalaman ni Victor na dalawang
buwan nang nagdadalangtao sa Flor sa kanyang asawa na si Tonyo. Nag-usap ang dalawa
at dahil ditoy na huli sa Victor sa napag-usapan nilang tagpuan ng kanyang kaklase na
siAlma. Nagkagalit nag dalawa, at matapos noon ay napagpasyahan ni Victor na dalawin
si Flor sa kanyang tinitirahang apartment. Pag-uwi ay nakipag-inuman si Victor sa
kanyang nakatatandang kapatid na si Luas at ang tatlo nitong kaibigan na sina Paeng
Gasti, Tatong Bamban, at Pilo. Matapos noon ay napaaway ang magkapatid na Del
Mundo sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong silay nasa restawran.
Kumalat ang pakikipagbakbakang ito sa buong Looban.
Kinabukasan sa paaralan ay may bisitang dumating., isang awtoridad sa kasaysayan ng
Pilipinas na ang pangalan ay Agila. Hindi ito nakasundo ni Victor at kinuwestyon niya
ang naturang libro ng nasabing manunulat. SI Alma naman ay na-realize na na may gusto
siya kay Victor at bumili ito ng isang talaarawan o diary upang dito isulat ang kanyang
mga saloobin. Napagpasyahan din nito na magkaroon ng isang pagtitipon para sa
kanyang mga kaklase sa kanilang bahay, kasama na rito si Victor. Sa araw ng party ay
pumunta muna muli si Victor sa apartment ni Flor, at silay muling nag-usap. Pagkatapos
ay tumuloy na siya sa party ni Alma, kung saan ay inimbitahan din pala ng mga
magulang niAlma ang kanyang mga mayayamang kaibigan. Pag-uwi ay binigyan si
Victor ng kanyang ina at kuya ng toga para maisuot sa kayang nalalapit na graduation.

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata


Isang araw ay ginunita ng guro ang pinagsamahan niya at ng kanyang mabuting
estudyante. Inilarawan niya ang kanyang estudyante bilang pinakamaliit at pinakapangit
sa buong klase na mayroong kakatuwang punto na nagpapakilalang siya ay taga-ibang
lugar. Ngunit sa kabila nito, siya ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat
tumutulong siya sa mga tagalinis, tinutuwid ang mga upuan at bago umalis ay lumilingon
upang magsabi ng Goodbye,teacher! At di nagtagal, nalaman ng guro na siya ay
munting ulilang galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod upang mamasukan
kung kayat napagtanto ng guro na maliban sa itsura, ang mga iyon ay dahilan din ng
kanyang madalas na pag-iisa. Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag
na niya ito ng madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa
kanya. Doon ay nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan ngunit isang araw ay
napagbaligan ang estudyante ng kanyang init ng ulo at dama niya ang labis na
pagkalungkot ng bata. Nang mga hapong iyo'y naging matamlay ang bata. Ginawa ng
bata ang kaniyang mga nakasanayang gawin ang pag tuwid sa mga upuan bawat hanay
pagbili ng minindal sa tabing tindahan ang pagkuha sa tsinelas at nagpaiwan din siya
upang likumin ang mga kagamitan . Ngunit di lamang siya tumingin sa kanyang guro
ngayo'y paalis na siya .Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay
mabibigat na tila sa isang matandang pagod .Ngayon lamang siya hindi lumingon upang
magsabi ng "Goodbye Teacher!" nagtaka ang kaniyang guro bigla bigla ang maitim at
pispis na mukha ng bata'y nakita ng kaniyang guro sa may pintuan "Goodbye Teacher!"
ang sabi nya pagkatapos ay umalis na siya.Nag balik siya upang sabihin iyon sa kaniyang
guro. kung gagano katatgal ang pagkakaupo ng kaniyang guro ay hindi na niya magunita
ngayon ang tangi niya lamang magunita'y ang pagpapakumbaba ng guro sa kalakhan ng
puso ng munting batang yaon nang mga sandaling yaon ang bata ang kaniyang naging
guro .

Florante at Laura
Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may
dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag.
Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga
gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang
nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin.
Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang
handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na
hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si
Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.
Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor.
Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway.
Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula
sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay
ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay
niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa
labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin
na umagaw sa Albanya nang siyay nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang
Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa
pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin
sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano
at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa
kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo
ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Fleriday
tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat
ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si
Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip
si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay
pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at
sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan AliAdab, ay naghari sa Persya.

You might also like