You are on page 1of 23

Panitikan

sa
Cordillera
Ang rehiyon ng Cordillera ay matatagpuan sa
kalagitnaang bahagi ng bulubundukin ng
Hilagang Luzon. Pinakamahabang bulubunduking
ito ay bumabaybay sa humigit-kumulang 250
kilometro. Kasama rito ang Lungsod ng Baguio at
mga Lalawigan ng: Benguet, Ifugao, Mountain
Province, Abra, Kalinga at Apayao
Marami nang pagbabago ang naganap sa
bulubunduking rehiyong ito sa paglipas ng
panahon bagama't ang pagbubukas ng Cordillera
sa mundo, ang mga pagbabagong istraktura at
prosesong politikal at ang pagbaha ng
impluwensiyang Kanluranin ay hindi nagdulot ng
ganap na pagkaguho ng kanyang katutubong
kultura. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga
katutubong gawi at ritwal ay isinasagawa pa rin.
Ang pagkapit ng mga taga Cordillera sa kanilang
pinagmulan ang siyang nagsisilbing lakas na nagbibigay
sa kanila ng identidad. Dahil sa kanilang karanasang
kolonyal, nagkaroon ng di magandang imahe ang mga
taga-bundok ng Cordillera. Malimit na binabansagan ang
mga ito na Igorot, na bansag lamang ng mga dayuhan.
Kakabit nito ang pagkilala sa kanila bilang sanggano at
walang pinag-aralan. Sa ganitong kadahilanan ay hindi
matanggap ng mga tao sa Kordilyera ang bansag sa
kanila.
Bilang isang pangalang nagmula sa mga
dayuhan, kalakip nito ang mga negatibong
pananaw ng mga mananakop hinggil sa mga
katutubo. Ilan dito ay ang pagiging mabangis,
mabalasik, di-sibilizado, taong-gubat, at napag-
iiwanan.
Ang mga katutubong populasyon ng Cordillera na
umaabot na sa 1.3 milyon ay kinabibilangan ng
ilang natatanging grupong etnolinggwistik tulad
ng Bontok, Ibaloy, Ifugao, Isneg, Kalinga,
Kankanay at Tinguian at mga katutubong nakatira
sa Kordilyera.
Kahit na may kanya-kanya silang wika, katangian, at
kaugalian, ang mga katutubo ng Cordillera ay may
pagkakapareho pagdating sa organisasyong
panlipunan at kultura. Ang kanilang lipunan ay
nakabatay sa relasyon ng mga angkan at mga
pamilyang nakatira sa nayon na may mga tungkulin
at gawain na ginagabayan ng mga institusyong
sosyo-politikal tulad ng ator sa Bontok.
Panitikan
Literaturang Cordillera
Ang Panitikang Cordillera ay panitikan na
nasa PASALITA. Ito ay nahahati sa
dalawang uri:
• Pang-ritwal
• Hindi-pangritwal
Pang-ritwal

Ang mga pang-ritwal na uri ng literatura ay


kinabibilangan ng mga awit, dasal, at kuwento na
itinatanghal o binibigkas sa isang banal na
konteksto kung saan may mga namamagitan sa
ugnayan ng mga espiritu at mga tao.
Hindi-
Pangritwal
Ang mga hindi pang-ritwal
na uri ng literatura ay kinabibilangan ng mga
kaanyuang maaaring itanghal sa kahit anong
okasyon tulad ng mga kapistahan, mga sandaling
malaya at sa pagpapahayag ng saloobin ng mga
mamamayan o mga personal na kahilingan.
Ang panitikang Cordillera ay
matatalakay sa pormang: epiko,
tula, awit, mito, alamat,
kuwentong bayan, salawikain,
at bugtong.
Mga Tanyag na Manunulat

1. Pedro Bukaneg (the Father of Ilocano literature):


manunulat ng epikong Biag ni Lam-ang.
2. Edgar Maranan (Carlos Palanca Memorial
awardee) : isang manunula at manananaysay.
3. Chi Balmaceda Gutierrez
Mga
Halimbawa
Biag ni
Lam-ang
Salin ni: Pedro Bukaneng
Ang Biag ni Lam-ang ay isang epikong kuwento ng mga Ilokano mula
sa rehiyon ng Ilocos sa Pilipinas. Ito ay kapansin-pansin sa pagiging
kauna-unahang epikong bayan ng Pilipinas na naitala sa anyong
nakasulat, at isa lamang sa dalawang epikong bayan na dokumentado
noong panahon ng Kolonyal ng Kastila sa Pilipinas, kasama ang
epikong Bikolano ng Handiong. Ito rin ay kilala sa pagiging isang
katutubong epiko mula sa isang "Christianized" lowland people group
(ang mga Ilokano), na may mga elementong kasama sa
pagkukuwento.
Mga Tauhan:
Namongan, Don Juan, mga Igorot, Tandang
Gibuan, Tandang Marcos, Alisot, Pas-hong,
matandang babaeng kuba, Donya Ines
Cannoyan, Sumarang

Tagpuan:
Calanutian, Bundok na Kaitim-itim, Lambak ng
Nalbuan, llog Amburayan
Kasukdulan (Climax):
Labanan sa pagitan ni Lam-ang at
mga Igorot.

Katapusan:
Matapos makasal kay Ines, si Lam-ang ay nakain ng
pating Berkahan. Nagbangon si Lam-ang na para
bang nagising sa mahimbing na pagkakatulog at
namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.
“MGA ANAK MULA
SA KALANGITAN”
Salin ng: Children from the Skyworld ni Franklin
Barton (1955)
Salin ni: Romualdo M. Protacio
Mga Tauhan:
Kabigat, Bugan, Wigan

Tagpuan:
kabundukan ng kalangitan; kapatagan

Kasukdulan (Climax):
Inutusan ni Kabigat ang ulan na bumuhos at
paapawin ang mga sapa upang maanod ang
kanyang mga anak sa kapatagan.
Katapusan:
Hinayaan na n Kabigat ang kanyang mga
anak upang dumami ang tao sa kalupaan.
Magandang Hapon sa
Lahat at Maraming
Salamat
Pangalawang
Pangkat
Mga
Membro:
Dala, Sarah Jane
Jabla, Mavic Aira S.
Lazar, Charisse C.
Yaba, Grace E.

You might also like