You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paraǹaque

FILIPINO 7 IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO


KWARTER 3

MGA KAALAMANG-BAYAN TULANG PANUDYO, TUGMANG DE


GULONG PALAISIPAN/BUGTONG
KATANGIAN NG MITO, ALAMAT, AT KUWENTONG-BAYAN

Mga Kasanayang Pampagkatuto

F7PU-IIIa-c-13 Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo ,tugmang de gulong


at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan
F7PD-IIIa-c-13 Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokumentaryo kaugnay
ng mga tinalakay na tula/awitingpanudyo,tugmang de gulong, at
palaisipan
F7PB-IIId-e-15 Napaghahambing ang mga katangian ng mito/ alamat/ kuwentong-
bayan batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga
aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay
at iba pa) na nagbibigay-hugis sa panitikan ng Luzon;
FPB-IIId-e-16 Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, at
kuwentong-bayan

Layunin

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito sa loob ng dalawang linggo,


inaasahan na makasasagot ka sa mga katanungan mula sa mga itinakdang
gawain,maibibigay mo rin ang iyong ideya at kaalaman sa pagsulat at pagsuri ng nilalaman
ng napanood at nalikhang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.
Mapaghahambing at masusuri mo din ang katangian ng mito, alamat at kuwentong-bayan.

Balikan Natin

Pamilyar ka ba sa mga ganitong pahayag?

Isang balong
" God knows Judas Bata batuta ! malalim
not pay " Isang perang muta ! napaliligiran ng
patalim

1
GAWAIN 1: ILARAWAN MO…
Panuto: Subukan mong ilarawan/tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.

1. Barya lang po sa umaga


2. Isang senyora nakaupo sa tasa
3. Kung sa isda ito ay dagat, kung sa ibon itoy pugad, lungga naman kung ahas,
kung sa tao ano ito?

Handa ka na ba?

Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo habang pinag-aaralan


ang araling ito. Halika na’t pagyamanin ang iyong kaalaman.

Unawain Natin

Sa bahaging ito mauunawaan mong ganap ang Tulang Panudyo, Tugmang De


Gulong, Palaisipan at Bugtong. Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

MGA KAALAMANG-BAYAN TULANG PANUDYO, TUGMANG DE GULONG


PALAISIPAN/BUGTONG

Ang Tulang Panudyo

Ang tulang panudyo ay isa ring uri ng kaalamang- bayan na ang kayarian ay
patula (may sukat at tugma). Ang layunin nito ay mambuska o manudyo at karaniwang
ginagamit bilang panunukso ng mga bata. Kinagigiliwan itong bigkasin ng mga bata at
maging ng matatanda dahil ito ay nagmula pa sa ating mga tradisyon at naipasa
hanggang sa kasalukuyang panahon. Makikita natin dito ang makulay na kamusmusan
ng ating mga ninuno. Walang tiyak na panahon o petsa kung kailan ito lumitaw. Ito ay
humitik sa pamamagitan ng pasalindila o pasalimbibig. Ibig sabihin, may mga lumilitaw
ding bagong mga tulang panudyo bagama’t ang anyong ito ay nagmula pa sa tradisyon
ng ating mga ninuno.

Mga halimbawa:

1. Tutubi, tutubi!
Huwag kang pahuhuli
Sa batang salbahe!

2. May dumi sa ulo,


Ikakasal sa linggo.
Inalis, inalis,
Ikakasal sa Lunes.

3. Putak, putak!
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.

2
Ang Tugmang De Gulong

Ang tugmang de gulong, sa simpleng pagpapakahulugan, ay ang mga paalala sa


mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip,
bus, at traysikel. Paksa rin ng mga tugmang de gulong ang mga uri ng pasahero, mga
katangian ng drayber, at ang mga pang-araw-araw na sitwasyon sa pagbibiyahe at
pamamasada tulad ng mga hindi nagbabayad ng pamasahe. Sa tugmang de gulong din
masasalamin ang kultura at saloobin ng mga ordinaryong mamamayang Pilipinong mga
nabibilang sa masa na araw-araw na sumasakay sa mga pampublikong sasakyan. Kaya
ito tinawag na tugmang de gulong ay dahil sa pangunahin nitong katangiang mababasa ito
sa mga pampublikong sasakyan na may gulong katulad ng dyip, bus, at traysikel.

Mga halimbawa:

1. Magandang binibini,
ikaw ay bulaklak sa mata ko,
diyosa ng puso ko,
sakit ng bulsa ko
2. Ikaw ang ilaw ng buhay ko,
ako ang switch ng buhay mo
3. Sa pagtaas ng gasolina,
kaming mga drayber ang naghahabol ng hininga

Palaisipan

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sumusubok sa talino


ng lumulutas nito. Ito ay isa sa mga kaalamang-bayan na karaniwan nang ginagamit ng
ating mga ninuno hindi lamang bilang libangan, kundi bilang paliwanag o pag-unawa sa
kagustuhan ng mga Bathala at kalikasan. Ito ay isang paraan ng pagpukaw sa isipan ng
tao.
Katulad ng mga bugtong, ang mga palaisipan ay nakalilibang at humahamong mag-
isip ang mga kasangkot sa paglalaro nito upang malutas ang isang suliraning inilalahad. Sa
karaniwang palaisipan, nilulutas ang isang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama
ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Sa pag-unawa ng
palaisipan at paghahanap ng sagot dito, mahalaga ang pagiging pamilyar ng nakikinig at
nagsasabi ng palaisipan sa kaniyang kapaligiran dahil kadalasan, ang mga imaheng
ginagamit sa pagbubuo ng palaisipan ay nanggagaling sa kapaligiran, at ang mga sagot ay
mga bagay din na karaniwang makikita sa kapaligiran o karaniwang ginagawa araw-araw.

Mga halimbawa ng Palaisipan:

1. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola
nang hindi man lang nagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.

2. May isang tulay na walang sinumang makadaan sapagkat may nagbabantay na


mahiwagang tinig. Tiyak na mamamatay ang sinumang dadaan doon na maka-
karinig ng tinig at hindi na sila makakatawid sa tulay,subalit may isang binata na
nakatawid ng tulay. Bakit hindi namatay ang binata?
Sagot: Bingi ang binata.

3
Mga Bugtong
Pinahahalagahan ng mga tradisyonal na lipunan ang karunungan at malawak na
kaalaman. Makikita ang pagpapahalagang ito sa mga organisasyong panlipunan kung saan
pinipiling mga lider ng bayan ang marurunong at pantas. Isa sa palatandaan ng karunungan
at pagkapantas ng isang tao ang kaniyang mayamang bokabularyo at kahusayan sa
paghahabi ng mga salita at pagkamakata.
Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Inilalarawan nito ang pag-uugali,kaisipan,
pang-araw-araw na buhay, at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula,
madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

Mga halimbawa:

1. May balbas ngunit walang mukha


Sagot: mais

2. Heto na si Delay, may sunong na bahay


Sagot: pagong

3. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin


Sagot: saging

Ngayong nalaman niyo na ang kaalamang-bayan tulad ng tulang panudyo,


tugmang de gulong, palaisipan at mga bugtong. Alamin naman natin kung ano ang inyong
mga naunawaan tungkol sa inyong binasa.

GAWAIN 2: SAGUTIN MO…


Panuto: Matapos mabasa ang mga kaalamang–bayan, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tugmang de gulong sa tulang panudyo.

tugmang de tulang
gulong panudyo

2. Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bugtong sa palaisipan.

palaisipan bugtong

4
3. Bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan ang mga kaalamang-bayan na tulad ng
mga ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Paano sumasalamin sa kultura at uri ng pamumuhay ng mga tao, at sa kalagayang


panlipunan ang nilalaman ng tugmang de gulong, tulang panudyo, palaisipan, at bugtong?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Masasabi mo bang may likas na talinong taglay ang ating mga ninuno batay sa mga
anyong ito ng kaalamang-bayan? Paano mo ito mapatutunayan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Suriin Natin

Alamin niyo naman ang pagkakaiba ng mito, alamat at kuwentong bayan.


Pagkatapos ay suriin niyo din ang kanilang mga katangian.

KATANGIAN NG MITO, ALAMAT, AT KUWENTONG-BAYAN


Isa sa mahahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga kuwentong-bayan,
alamat at mito. Ito ay bahaging ng ating panitikang salin-dila o lipat-dila (ibig sabihin ay
naikukuwento lamang nang pasalita) na lumaganap bago pa man dumating ang mga
mananakop sa bansa.
Ang kuwentong-bayan, alamat, at mito ay halos may kaugnayan sa isa’t isa. Halos
pareho lamang ang kanilang paksa na karaniwan ay tumatalakay sa kalikasan, pamahiin,
relihiyon, paniniwala, at kultura ng isang partikular na pangkat o lugar. Nababanggit din sa
mga akdang ito ang heograpiya, uri ng hanapbuhay, at katangian ng mga mamamayan
kung saang lugar o pangkat ito nagmula. Halos lahat ng kuwentong ito ay nilikha o
isinalaysay upang makapagbigay ng gintong aral na magagamit sa tunay na buhay.
Bagama’t halos magkakatulad ay makikita pa rin ang pagiging natatangi ng bawat
pasalindilang panitikang ito. Ang kuwentong-bayan, gaya ng “Pakikipagsapalaran ni Juan
Tamad” ay isang maikling kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan at nagtataglay ng
katangian, katutubong kulay, o kultura sa isang partikular na lugar o pangkat. Ang
kuwentong-bayan o folklore ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan
na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na Unawain
lalaki, o kayaNatin
sa isang hangal na babae.
Ang alamat o legend ay isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o
nagmula ang mga bagay-bagay gaya ng “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.”
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at
pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
Samantalang ang mito o myth ay karaniwang tumatalakay sa mga kuwentong may
kinalaman sa mga diyos, diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan. Ang mitolohiya ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa
katutubo hanggang sa kasalukuyan, masasabing halos ipinakikita rin nito ang tradisyon ng
isang lahi.

5
GAWAIN 3: PAGHAMBINGIN MO…

Panuto: Paghambingin ang katangian ng alamat, mito, kuwentong-bayan batay sa paksa


at aspektong pangkultura (hal. Heograpiya: uri ng pamumuhay at iba pa na nagpapakilala
sa mga lugar na pinagmulan nito) nito gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Natatanging katangian Natatanging katangian Natatanging katangian


ng Kuwentong-bayan ng Mito ng Alamat

Pagkakatulad ng mga Katangian ng Kuwentong-bayan, Alamat at Mito

Gawain 4: Pag-isipan Mo
Panuto: Magbigay ng tig-tatlong halimbawa ng kuwentong-bayan, mito, at alamat na
napag-aralan mo na. Isulat ang mga pamagat sa loob ng kahon.

Mga Halimbawa ng Akdang Pampanitikan

Kuwentong-bayan Mito Alamat


1.____________________ 1. ____________________ 1.____________________
2.____________________ 2.____________________ 2.____________________
3.____________________ 3.____________________ 3.____________________

Ilapat Natin

GAWAIN 5: NALALAMAN MO, IBAHAGI MO…

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang mga katangian ng Pilipino sa larangan ng tugmaan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano sinasalamin sa tugmaang ito ang kulturang Pilipino at mga pangyayari sa
lipunan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

6
Gawain 6: PAGNILAYAN MO…
Panuto: Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit unti-unting nawawala ang mga akdang
pampanitikan tulad ng kuwentong-bayan, mito, at alamat.

1.________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. ________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mapalaganap ang mga


akdang pampanitikan tulad ng kuwentong-bayan, mito, at alamat?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Tayain Natin

PAGSASANAY 1:

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay Tugmang De Gulong,


Tulang Panudyo , Palaisipan o Bugtong. Isulat ang TDG kung itoy Tugmang De Gulong,
TP kung Tulang Panudyo, P kung Palaisipan, at B kung Bugtong.

1. Ako ay mabagal buhay mo naman ay tatagal


2. Pambansang walis, tingting
3. Anong meron sa aso na meron sa pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok,
na dalawa sa buwaya at kabayo, na tatlo sa palaka?
4. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo
5. Katas ng Saudi

B. Panuto: Lagyan ng / (tsek) kung ang pahayag ay tama at X (ekis) naman kung ito ay
mali.

_____1. Ang mga alamat, mito at kuwentong bayan ay nakasulat sa mga lumang libro na
inilimbag ng ating mga ninuno.
_____2. Ang Maria Makiling ay isang halimbawa ng Mito.
_____3. Ang mga kuwentong bayan, alamat at mito ay kapupulutan ng gintong aral na
hindi magagamit sa tunay na buhay.
_____4. Ang alamat ay tumatalakay sa mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan
tulad ng mga diyos at diyosa.
_____5. Ang mito ay maikling kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang
mga bagay-bagay.

7
PAGSASANAY 2:
Panuto: Pumili ng isa sa mga alamat, mito, o kuwentong-bayan na napag-aralan mo na.
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong pananaw o dahilan kung bakit mo ito
nagustuhan at ilahad ang aral na iyong natutuhan sa kuwentong iyong napili.
Kinakailangang hindi bababa sa sampung pangungusap (10) at may makabuluhang
pamagat ang iyong susulating sanaysay.

RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY


PAMANTAYAN PUNTOS
1. May Kaugnay sa paksa 2
2. Wasto ang pagkakagamit ng mga
2
patunay
3. May maayos na pamagat 2
4. Orihinal/ Sariling gawa 2
5. Wasto ang gramatika at mga bantas 2
KABUUAN 10

Likhain Natin

Ngayon narating mo na ang huling gawain para sa modyul na ito.


Isang masayang pagbati sa iyo! Sandali lamang at hindi pa tapos , narito pa ng isa pang
gawain para sa iyo. Alam kong kayang -kaya mong gawin ito.

Panuto: Sumulat ng sariling Tugmang de Gulong, Tulang Panudyo, Palaisipan o Bugtong


na sumasalamin sa Kulturang Pilipino. Pumili lamang ng isa sa apat.

RUBRIK SA PAGSULAT NG SARILING TUGMANG DE GULONG, TULANG


PANUDYO, PALAISIPAN AT BUGTONG

PAMANTAYAN PUNTOS

1. Orihinalidad 4
2. May kaugnayan sa paksa 4
3. Pagkamalikhain 4
4. Kawastuhan sa paggamit ng wika 4
5. May tugmaan 4

KABUOAN 20

You might also like