You are on page 1of 6

7

Learning Activity Sheet in


FILIPINO 7
Kuwarter 3 – MELC 9
MGA PANANDANG ANAPORIK AT KATAPORIK
NG PANGNGALAN

SANGAY NG NEGROS OCCIDENTAL


FILIPINO 7
Learning Activity Sheet (LAS) Week 4 MELC 9
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi)
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa
Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot
sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 7

Mga Manunulat: Rowena T. Villanueva


Mariza P. Barba
Cesar B. Cortez
Melrose L. Estrella
Ma. Ronette M. Moleño

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.


Education Program Supervisor I, Filipino
MABUHAY!
Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang
pagtutulungan ng mga guro sa Filipino ng Baitang 7 ng Negros Occidental High School Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang masagot
ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang
ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na
sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing iniatas
sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s
progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy
ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na
mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nangmabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo 4

Learning Activity Sheet 7


Pangalan ng Mag-aaral: ____________________ Grado at Pangkat: ____________
Petsa: ______________

FILIPINO 7

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan
F7WG-III-i-16
II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

KATAPORA at ANAPORA

Ang kataporik o katapora ay ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa


pinalitang pangngalan sa hulihan samantalang ang anaporik o anapora ay ang panghalip na
ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan. Ginagamit ang katapora at
anapora upang hindi na paulit-ulit na banggitin ng nagsasalita o ng manunulat ang isang pangngalan.
Layunin ng katapora at anapora na maiwasan ang nakakasawang pagbanggit ng tinutukoy na
pangngalan sa isang talata. Samakatuwid, ang anapora at katapora ay pawang mga panghalip na
sumusunod o sinusundan ang pangngalang tinutukoy sa magkaibang paraan at puwesto. Sa
ordinaryo nating pakikipagpanayam, nagagamit natin ang anapora at katapora nang hindi sinasadya.

Halimbawa ng katapora
1. Siya ay isang matandang may balbas. Si Santa Claus ay kilalang-kilala ng mga bata.
2. Ito ang naging kanlungan ng aking pagkatao, ang bayang Pilipinas na pinagpala ng
Maykapal.
3. Nararapat lamang silang bigyan ng pagkilala, ang mga bagong bayani ng kasalukuyang
henerasyon.

Halimbawa ng anaphora
1. Maunlad ang lungsod ng Maynila, maraming kabuhayang makikita ngunit kailangan dito
ang tibay at tatag para mabuhay.
2. Matulungin si Michael sa mga kapus-palad, kaya’t siya ay pinagpapala ng ating Panginoon.
3. Kung makakausap mo ang mga bayani ng ating bayan, ipaabot mo sa kanila ang taos-puso
kong pasasalamat.

III. MGA SANGGUNIAN


https://www.coursehero.com/file/53964234/FILdocx/
https://www.coursehero.com/file/54749565/Anapora-at-Kataporapptx/
PANITIKANG Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral
IV. MGA GAWAIN

GAWAIN 1
Panuto: Magtala ng limang pangungusap mula sa binasang kuwentong “SANDAANG
DAMIT” na nagtataglay ng mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.
Kopyahin ang pangungusap sa SAGUTANG PAPEL. Lagyan ng bilang.
Salungguhitan ang panghalip na ginamit at ikahon ang salitang pinalitan. Isulat
ang ekis ( x ) sa kolum kung anaporik o kataporik ito.

Pangungusap Anaporik Kataporik


Hal. Nalulungkot ang batang
babae dahil wala siyang x
kaibigan.

GAWAIN 2
Panuto: Isalaysay ang sarili mong karanasan sa COVID-19 gamit ang mga cohesive
devices na anaporik at kataporik.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

GAWAIN 3
Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap sa SAGUTANG PAPEL. Salungguhitan ang
panghalip na ginamit at ikahon ang salitang pinalitan. Tukuyin kung ito ay
anaporik o kataporik.

1. Bumili kami ng mansanas, dinala namin iyon sa maysakit.


2. Ang panitikan ay gumagabay, nagbibigay-liwanag at nagdudulot ng walang hanggang
kahalagahan na lilinang sa pag-uugali ng isang nilalang. Hindi matatawaran ang
impluwensiya nito sa paghubog ng katauhan ng sinumang mambabasa.
3. Tanging maipamamana ng mahihirap na magulang ang edukasyon o karunungan sa
kanilang mga anak. Ito ang magiging daan upang sila’y aasenso sa buhay.
4. Bumili siya ng puso ng saging na isasahog sana sa kanyang nilulutong putahe. Ngunit ito’y
naiwan niya sa sinasakyang traysikel.
5. Naging dahilan ito ng maagang pagsasara ng klase noong nakaraang taong-pampaaralan.
Ito’y walang iba kundi ang COVID-19.

V. PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Natutuhan ko sa aralin ang:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
GAWAIN 1
Iba-iba ang sagot ng mag-aaral
GAWAIN 2
Iba-iba ang sagot ng mag-aaral
GAWAIN 3
1. Bumili kami ng mansanas, dinala namin iyon sa maysakit. Anapora
2. Ang panitikan ay gumagabay, nagbibigay-liwanag at nagdudulot ng walang
hanggang kahalagahan na lilinang sa pag-uugali ng isang nilalang. Hindi
matatawaran ang impluwensiya nito sa paghubog ng katauhan ng sinumang
mambabasa. anapora
3. Tanging maipamamana ng mahihirap na magulang ang edukasyon o
karunungan sa kanilang mga anak. Ito ang magiging daan upang sila’y aasenso
sa buhay. anapora
4. Bumili siya ng puso ng saging na isasahog sana sa kanyang nilulutong putahe.
Ngunit ito’y naiwan niya sa sinasakyang traysikel. anapora
5. Naging dahilan ito ng maagang pagsasara ng klase noong nakaraang taong-
pampaaralan. Ito’y walang iba kundi ang COVID-19
katapora
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like